RELLE tsked when she saw 50 calls coming from the same number. Napailing siya at pinatay ang phone niya. "Ano bang kailangan niya sa akin? I have nothing to do with him." Naiiling niyang saad habang naglalakad. Wala ang kapatid niya dahil nagtungo ito sa isang event dahil naimbitahan ito. Naiwan siyang mag-isa sa bahay nila kaya heto siya ngayon naglalakad mag-isa sa kalsada. Hapon na rin at gusto niyang maramdaman ang lamig. Hindi siya nag-aalala kay Lexi. Kasama naman nito ang lima nitong bodyguard. Napatigil siya sa paglalakad ng maramdaman na may sumusunod sa kaniya. Lumingon siya sa kaniyang likuran pero wala siyang nakitang tao. Napailing si Relle. "Alam niyo, kayong lima," Aniya. "Huwag na kayong magtago. Alam kong sinusundan niyo ako." Tumaas ang kilay n