Chapter 22

2007 Words
Hindi man nais ni Rafa na makitang nalulungkot ang kanyang asawa ay wala siya magawa. Alam niya na nahihirapan ito ngayon. Lalo na sa dami ng nangyari noong nakaraan. “Hon, sasama ka ba sa akin. Papasok na ako sa office?” Tanong niya sa asawa niya. “Hindi na hon, dito na lang ako sa bahay.” sagot naman ni Nathalie. “Gusto mo bang mamasyal tayo?” Tanong niya ulit kay Nathalie. “Hon, I’m fine, no need to worry about me. I’m totally fine, pumasok kana sa office. Tatawag ako kapag may kailangan ako sa ‘yo.” Sabi ni Nathalie sa kanyang asawa. “Are you sure hon?” “Opo, magluluto ako lunch mamaya. Pupunta ako sa office mo para sabay tayo mag lunch.” Nakangiting turan ni Nathalie kay Rafa. “Okay hon, sarapan mo ha. Dapat kasing sarap mo rin, hahaha!” Pabirong sabi ni Rafa sa asawa niya. “Hahaha! Opo, pero hon. Paano kung mas masarap pa rin ako?” Natatawa niyang tanong sa asawa niya. “Fvck! Parang ayaw ko ng pumasok sa trabaho hon.” “Hahaha! Pumasok ka na po nagbibiro lang ako hon.” Nakangiti niyang sabi kay Rafa at sinamahan niya itong lumabas sa unit nila. “Call me kapag gusto mo ng kausap ha,” paalala ni Rafa sa kanya sabay halik sa labi niya. Napangiti naman si Nathalie dahil sobrang lambing ng asawa niya sa kanya. “Hon, okay lang naman ako. Sobra ka naman kung mag-alala sa akin.” Natatawa pa siya habang sinasabi niya sa asawa niya ‘yon. “Siyempre, hon, dahil mahal na mahal kita.” “Ikaw ang mag behave doon, lagot ka sa akin. Kapag ikaw nagpapasok na naman doon ng babae mo, lalayasan talaga kita.” Pananakot ni Nathalie kay Rafa. “Past is past na po.” “Alam ko kaya lang need ko pa yata ipangalandakan na pagmamay-ari na kita para lang lubayan ka nila.” “Mas gusto ko ‘yan hon. Ipangalandakan mo ako.” Natatawang sabi ni Rafa kay Nathalie. “Sige na umalis kana, baka malate ka na niyan. Bye na honey, I love you, ingat ka.” “I will Hon, I love you more.” Natatawa na lang si Nathalie dahil ang kulit ni Rafa, panay bukas sara ang ginawa sa elevator. “Umalis kana, masisira mo pa ‘yan.” Pagtataboy ni Nathalie sa asawa niya pero tawa lang ang naging sagot nito sa kanya. Nakahinga naman ng maluwag si Nathalie nang tuluyan ng makaalis si Rafa. Naglakad na siya pabalik sa unit nila ng biglang humarang sa daraan niya si Cheska. Hindi niya sana ito papansinin pero tinawag siya nito. “Nath,” ‘yon ang unang beses na malumanay itong magsalita. “May kailangan ka ba?” Kalmado na tanong niya sa babae. “Nath, gusto lang sana kitang makausap. Pinalayas kasi ako ni tito sa bahay niyo. Wala akong matutuluyan, wala rin akong malalapitan. Puwede ba akong makituloy sa inyo?” Tanong ni Cheska kay Nathalie, na para bang iiyak. Hindi naman makapaniwala si Nathalie sa narinig niya mula rito. Paano ito pinalayas? Kung mas anak pa nga ang turing ni Arthur kay Cheska kaysa sa kanya. “Cheska, hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi mo. Pero kailangan ko muna sabihin sa asawa ko ang tungkol sa bagay na ‘yan. Pasok ka muna sa loob.” yaya ni Nathalie sa babae. Hindi na niya ito tunay na pinsan pero hindi naman siya masamang tao para hindi ito patuluyin sa unit nila. Kaagad namang pumasok si Cheska sa loob ng unit nila Nathalie, minsan na niyang pinangarap na tumira doon. “Kumain ka na ba?” Tanong ni Nathalie kay Cheska. “Oo kumain na ako.” sagot nito. Iniwan muna ni Nathalie si Cheska sa living room at pumasok siya sa silid nila ni Rafa. Kaagad niyang kinuha ang phone niya para tawagan ang kanyang asawa. “Yes hon,” kaagad na sinagot ni Rafa ang tawag sa niya. “Hon, kasi nandito si Cheska.” “Anong ginagawa niya d’yan?” Nakakunot ang noo na tanong ni Rafa, hindi niya kasi inaasahan na pupunta doon si Cheska. “Ang sabi niya ay pinalayas daw siya sa bahay. Kung puwede daw ay dito na muna siya sa atin.” “No, hon, may isa pang unit na puwede niyang gamitin. Don’t trust that woman, hindi mo naman siya kamag-anak.” Paalala ni Rafa sa kanyang asawa. “Okay hon, sasabihin ko sa kanya.” “Okay hon, baka tumawag ka at hindi ko masagot kaagad. Nasa meeting ako mamaya.” saad ni Rafa sa asawa niya. “Okay hon, pupunta lang ako sa supermarket para mamili. See you,” malambing na sabi ni Nathalie sa kanyang asawa. “Love you, bye.” Pagkatapos na mag-usap nang dalawa ay naligo at nagbihis si Nathalie. Bibili siya ng mga sangkap para sa ulam na lulutuin niya mamaya. “Aalis ka?” Pambungad na tanong ni Cheska sa kanya pagkalabas niya sa silid nila. “Oo, pupunta lang ako sa supermarket. Gusto mo ba sumama?” Tanong niya kay Cheska. “Hindi na, may pupuntahan rin ako. Babalik na lang ako dito mamayang gabi. Kailangan ko pa kasing kunin ang mga gamit ko doon.” “Okay sige,” pilit na ngumiti si Nathalie sa kanyang pinsan. Nauna namang lumabas si Cheska kaysa sa kanya. Naglista muna siya bago siya umalis. Nakarating siya sa supermarket at nagsimula na siyang mamili. Nang nabili na niya lahat ay nagdesisyon na si Nathalie na umuwi na. Masaya itong nagluluto ng ulam na dadalhin niya sa asawa niya. Ito ang pangarap ni Nathalie ang pagsilbihan ang kanyang asawa. Pagkatapos nitong magluto ay naligo na ulit siya. Suot ang simpleng dress ay pumunta na siya sa kumpanya ni Rafa. Pagdating niya ay kaagad siyang binati ng mga empleyado ng asawa niya. Napangiti na lang si Nathalie dahil mukhang natatandaan siya ng mga ito. Pumasok siya elevator, pero wala yatang balak na sumabay sa kanya ang mga ito. “Guys, sumabay na kayo. Baka mahuli pa kayo,” nakangiting sabi ni Nathalie sa mga empleyado ng asawa niya. “Huwag na po Madam,” sagot ng isa sa kanila. “Nahihiya ba kayo sa akin? Okay lang naman na sumabay kayo sa akin.” Nakangiti pa rin na sabi ni Nathalie sa mga ito. Dahil sa sinabi niya ay nagsimula ng pumasok ang mga ito sa loob ng elevator. Nakakabingi ang katahimikan, dahil walang may balak na magsalita sa kanila. “Naglunch na ba kayo guys?” Basag ni Nathalie sa katahimikan. “Hindi pa po Madam, mamaya pa po ang lunchtime namin.” “Saang department kayo?” “Sa marketing po,” sagot nila kay Nathalie. “Okay naman ba kayo sa trabaho niyo? I mean is okay ba na boss ang asawa ko?” “Opo, Ma’am. Mabait naman po si Sir, basta maayos ang trabaho.” “How about the salary? Mahirap rin ang trabaho niyo eh.” Tanong niya pa sa mga ito. “Okay na okay po magpasahod si Sir.” Napangiti naman si Nathalie sa narinig niya. Suplado minsan ang asawa niya pero maayos naman pala ito sa mga tauhan nito. “Mauna na ako sa inyo guys,” nakangiting paalam ni Nathalie sa mga ito. Naglakad niya papunta sa opisina ng asawa niya. Dumiretso na lang siya, pagpasok niya sa opisina nito ay wala si Rafa. Kaya hinintay muna ito ni Nathalie si Rafa. After ten minutes ay dumating na ito. Sinalubong niya ito ng isang mahigpit na yakap. “Kanina ka pa ba?” Malambing na tanong ni Rafa sa kanya. “Mga ten minutes pa lang po.” Malambing rin na sagot ni Nathalie sa kanyang asawa. “Kakatapos lang ng meeting ko. Nagugutom kana ba?” Tanong ni Rafa kay Nathalie. “Hindi pa naman, ikaw nagugutom ka na ba?” “Yes hon, pero iba gusto kong kainin eh dessert kaagad ang gusto k—" “Alam mo ba hon, masarap 'yung niluto ko. Kain na tayo nagutom na ako bigla.” Pag-iiba ni Nathalie sa usapan nilang dalawa. Alam na alam kasi niya ang tinutukoy ng asawa niya. “Hahaha! Akala ko ba hon, hindi ka pa nagugutom? Takot ka lang yata na iba ang kainin ko.” Nakangising sabi ni Rafa sa kanya. “Hon, nagugutom na talaga ako.” Nakangusong sabi ni Nathalie at inayos na ang pagkain nila. Natutuwa si Rafa na masigla ang asawa niya. Niyakap niya ito mula sa likuran. Masaya ito, kaya masaya rin siya, natatakot siyang maging malungkot ito. Mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang nasasaktan ito. Nag-aalala lang siya ngayon kung paano siya magpapaalam na may business trip siya sa Singapore. “Hon, I have a business trip in Singapore. Do you want to come with me?” Tanong niya sa asawa niya. “Honey, dito na lang ak—” “Hey guys!” Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Cheska. Hindi man lang ito kumatok bago pumasok. “What are you doing here?” Kunot noo na tanong ni Rafa sa babae. “Dinadalaw ko lang ang pinsan ko,” sagot ni Cheska kay Rafa. Napakuno't noo naman si Nathalie dahil sa pagkakaalala niya ay hindi niya nabanggit na pupunta siya dito sa opisina ng asawa niya. Nanatili na lang tahimik si Nathalie at hindi na kinumpronta si Cheska. “Rafa, doon na daw ako titira sa inyo sabi ni Nathalie sa akin kanina.” “Ang alam ko ay pag-uusapan pa namin 'yan. Hindi pa namin napag-uusapan ng maayo—” “Hindi ka titira sa condo namin. Siguro naman may mga kaibigan ka na malalapitan mo.” Seryoso na sabi ni Nathalie sa babae. “Bakit naman Nath? Hindi ka ba naaawa sa akin? We're cousins, right?” “Hindi naman tayo tunay na magpinsan.” “Anong sinasabi mo?” Nagmamaang-maangan na tanong ni Cheska. “Hindi ko tunay na daddy si Arthur,” sagot ni Nathalie. “So, alam mo na pala.” Parang hindi na nagulat na turan ni Cheska. “Alam mo na rin pero nagkunwari ka pa rin Cheska. Nice try dahil never na akong maniniwala sa 'yo. At huwag mong sabihin sa asawa ko na ako ang dinadalaw mo dito dahil wala akong nabanggit na pupuntahan ko siya. Tumigil kana sa pagnanasa mo sa asawa ko, dahil hinding-hindi mo siya matitikman. Akin lang siya,” seryosong sabi ni Nathalie sa pinsan niyang hilaw. “Ano bang mga sinasabi mo Nath?” Nagbabait-baitan na tanong nito kaya Nathalie. “Get out in my office now,” kalmado na utos ni Rafa. “Masama na bang bumisita dito? Magkaibigan naman tayo Rafa, diba?” “We're not friends, kaya makakaalis ka na. At kung may binabalak ka huwag mo ng ituloy. Mahal na mahal ko ang asawa ko. At hindi mo siya kayang pantayan, ayoko sa babaeng kung sino na lang ang pinapatulan.” “Huwag kang magmalinis dahil babaero ka rin. At magkatulad lang tayong dalawa,” may pang-uuyam na sabi ni Cheska kay Rafa. “Hindi tayo magkatulad dahil lahat ng pinapatulan ko ay malinis at fresh. Ikaw wala ka ng pinipili, kahit na ugod-ugod na ay pinapatulan mo pa.” Pasaring ni Rafa sa babae. Tahimik naman si Nathalie at nakikinig lang sa dalawa. Napapaisip siya sa sinabi ni Rafa. Gusto niyang matawa pero pinigilan na lang niya ang sarili niya. Wala ba talagang pinipili si Cheska? Tanong ni Nathalie sa kanyang sarili. “I hate you!” Sigaw ni Cheska kay Rafa. “Hate me all you want, wala akong pakialam.” Balewalang sabi ni Rafa. Mabilis naman na nilisan ni Cheska ang opisina ni Rafa. Habang nasa elevator ito ay may tinawagan siya. “Mukhang marami na alam si Rafa tungkol sa atin. Gawan mo na ng paraan ito.” Utos ni Cheska sa kausap niya sa phone niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD