Chapter 23

1592 Words
“Sabi ko na nga ba may hidden agenda talaga ang bruha na ‘yun.” Saad ni Nathalie sa kanyang asawa. Ramdam niya na may kakaiba pero mas pinairal niya ang awa. “Kaya sabi ko sa ‘yo na huwag kang magtiwala sa kanya, diba?” Sagot naman ni Rafa sa kanyang asawa. Kilalang-kilala na niya ito at wala talaga siyang tiwala sa babae. Isa itong gold digger dahil matatandang mga lalaki ang madalas na kasama nito. Oo babaero siya pero ni minsan ay hindi gusto ni Rafa na makipags*x sa babaeng lahat ay nakatikim na. May taste siya pagdating sa babae. Nagbago lang ang lahat noong nakilala niya si Nathalie. “Opo, alam ko naman ‘yon pero naaawa kasi ako sa kanya.” Naka-pout naman na sabi ni Nathalie kaya kaagad namang hinalikan ni Rafa ang labi ng kanyang asawa. “Be careful in trusting others,” kinurot ni Rafa ang pisngi ng kanyang asawa at niyakap niya itong ng mahigpit dahil nakaupo ito sa kandungan niya. “Kumain na nga lang tayo hon, nagutom ako sa drama ng buhay ni Cheska. Kasalanan mo talaga ito.” pabirong sabi ni Nathalie. “Wala akong ginagawa hon, isang beses lang niya ako ninakawan ng halik at hindi na ‘yun naulit. At ayoko rin maulit, naka ilang kiskis ako sa nguso ko para lang maalis ang germs.” Paliwanag naman ni Rafa sa kanyang asawa. Dahil halata na nagseselos na naman ang asawa niya. “Hays, hindi ka naman kagwapuhan. Masyado ka lang babaero, kumain ka na nga d’yan.” Naiinis na utos ni Nathalie sa kanyang asawa. “Hahaha! Past is past na hon, alam ko naman na babaero ako noon. Pero nang makilala kita ay loyal na ito. Hon, gwapo kaya ako. Ipapalahi ko pa nga sa 'yo ang genes ko." Pabirong sabi nito sa asawa niya. "May flight tayo bukas hon, for our honeymoon.” pagbigay alam ni Rafa kay Nathalie. “Hon, hindi naman need ng honeymoon. Gabi-gabi naman tayong nasa honeymoon stage ah.” Saad ni Nathalie dahil ayaw niyang gumagastos pa ang asawa niya. “I want to give you the best honeymoon hon,” nakangiting sagot niya Rafa sa kanyang asawa. “Hon,” naiiyak na sambit ni Nathalie. Sobrang saya lang niya sa effort ng asawa niya. Hindi niya akalain na seryoso pala talaga ito. Hindi naman talaga sila pormal na ikinasal pero nais pa rin nito na may honeymoon sila. “I don’t like seeing you crying. I want you to be happy, hon. The past weeks were hard for us. So, it’s time for us to relax and enjoy our honeymoon. We deserve a break, para makabuo na rin tayo." Niyakap ni Rafa ang asawa niya. Masayang pinagsaluhan ng mag-asawa ang tanghalian nila. Sobrang saya nila pareho at inlove. Hindi na umuwi si Nathalie sa condo unit nila. Hinintay na lang niya ang asawa niya. Natatawa nga siya dahil panay ang parinig nito. “Hon, hindi ba talaga puwede?” pangungulit ni Rafa. “Hon, magwork kana d’yan. Later na lang kapag nakauwi na tayo. Kaya mo pa naman magtiis diba?” Pabirong tanong ni Nathalie. Alam niya na kanina pa nakasaludo ang kaibigan ng asawa niya. “Humanda ka talaga sa akin mamaya pag-uwi natin.” May pagbabanta na sabi ni Rafa. “Baka nakalimutan mo na may flight tayo. Ayaw mo naman yata akong paika-ika ang lakad diba? Baka magtaka na ang ibang tao kapag ala zombie ako maglakad hahaha!” Natatawang sabi ni Nathalie. “Bubuhatin na lang kita hon,” pabirong sagot ni Rafa. “Ewan ko sa ‘yo hahaha! Magtrabaho ka na lang d'yan.” Natatawang sabi ni Nathalie. Pagkatapos magbiruan ng mag-asawa ay balik na sa pagiging seryoso si Rafa. Kailangan niya kasing tapusin at ayusin ang mga papers dahil one week siyang mawawala. Gustong-gusto niyang dalawin ang mommy niya, pero hindi niya magawa. Alam niya kasi na galit ito sa kanya. Mahal na mahal ni Rafa si Nathalie at alam niya na matatanggap din ito ng mommy niya. Hindi man ngayon pero sisiguraduhin niya. Samantala sa bahay nila Nathalie ay kakauwi lang ni Lora galing sa opisina. Aware siya na tumatawag sa kanya si Nathalie pero tiniis niya ang anak niya. Dahil mas kailangan niyang unahin ang negosyo nila. Pagpasok niya sa main door ay kaagad siyang sinalubong ni Cheska. “Nandito na pala ang reyna,” mapang-asar na salubong ni Cheska sa kanya. “Wala akong oras sa ‘yo Cheska. Huwag mo akong bwisitin ngayon dahil busy ako at kung nais mo pang may matuluyan na bahay.” Galit na saad ni Lora kay Cheska. “Akala mo kung sino ka! Kay Daddy Arthur ang bahay na ito,” galit na bulyaw ni Cheska. “Sa panaginip niya ay sa kanya. Pero ako ang tunay na may-ari ng bahay na ito. At kung gustuhin ko na lumayas kayo ay kayang-kaya kong gawin 'yon." Kalmado ang boses ni Lora pero malalaman mo na galit siya. “Ang kapal mo!” Sigaw ni Cheska sa ginang. “Mas makapal ang mukha mo na malandi ka. Wala kang karapatan na sabihan ako ng makapal ang mukha. Dahil sarili mo lang ang sinabihan mo.” “Ulitin mo nga ang sinabi mo—” “Anong kaguluhan ‘to?” Galit na tanong ni Arthur sa dalawa. “Papalayasin daw ako ng matandang ‘to!” sumbong naman kaagad ni Cheska sa tiyuhin niya. “Anong sinasabi mo? Papalayasin mo siya? At bakit mo pina-close ang mga cards ko. Wala kang karapatan na gawin ‘yun!” galit na tanong ni Arthur kay Lora. “At bakit ako walang karapatan?” Pabalik na tanong ni Lora sa peke niyang asawa. “Dahil pekeng asawa lang kita.” Matapang na sagot ni Arthur. “Maybe, pero pera ko ang lahat ng nandoon sa cards at sa banko mo. Diba wala ka ng pera dahil natatalo ka palagi sa casino. Hindi na ako magugulat kung sa gilid kana ng kalsada pulutin.” “Matapang kana ngayon!” Sigaw ni Arthur at akmang sasampalin si Lora. “Oo, matapang na ako at kayang-kaya kitang palayasin sa bahay ko. Subukan mo akong saktan at makikita mo ang hinahanap mo.” matapang na sagot niya sa lalaki. “Sino ang ama ng anak mo? Sino ang kasabwat mo sa panloloko mo sa akin?” Biglang tanong ni Arthur at ibinaba ang kamay niya na muntik niyang gamitin sa pananakit kay Lora. “Makikilala mo rin siya pagdating ng araw. Huwag kang magmadali,” nakangiti na saad ni Lora bago niya iniwan ang dalawa. Nang makaakyat na si Lora ay kaagad niyang tinawagan ang ama ni Nathalie. “Kailan ka magpapakilala sa anak mo?” Tanong niya sa lalaki. “Sa tamang panahon love, inaayos ko lang ang lahat.” sagot naman nang lalaki sa kabilang linya. “Tatakbo pa rin sa eleksyon si Arthur at kakampi pa rin niya sila Jerome.” Pagbigay alam dito ni Lora. “Don’t worry dahil hindi mananalo ang mga magnanakaw.” “Mag-ingat ka palagi, konting tiis na lang. Kapag nakuha ko na ang hustisya ay mamumuhay na tayo ng tahimik at hindi na kailangan pa na magtago sa mga tao.” Saad ni Lora sa lalaki. “Magiging maayos rin ang lahat love, alam ko na malapit na tayo mabuo. Patawarin mo ako sa mga taon na wala ako sa tabi mo para unawain ka. Mas pinili kong umalis at iwan ka ng hindi ko man lang nalaman na magkakaanak na pala tayo.” Malungkot na sabi ng ama ni Nathalie. “Bumawi ka na lang kay Nathalie, love. Sorry kung kailangan ko na magsinungaling sa ‘yo. Hindi ko naisip na masasaktan kita ng sobra, sarili ko lang ang inisip ko.” Naiiyak na sabi ni Lora sa ama ni Nathalie. “Let’s forget the past, kapag naging maayos na ang lahat ay magsasama tayo ng masaya at malayo sa magulong lugar na ito.” “Sige na magkita na lang tayo sa board meeting bukas.” saad ni Lora sa lalaki dahil ayaw na niyang pag-uspaan pa nila ang nakaraan. “Okay love, I love you.” malambing na sabi ng lalaki. “I love you too, love.” sagot naman ni Lora bago ibinaba ang tawag. Hindi alam ni Lora na lihim pala na nakikinig si Cheska sa usapan nila. Mabilis itong umalis at pumunta sa study room ni Arthur para sabihin ang nalalaman niya. “Isa sa mga board members ang ama ni Nathalie.” Kaagad na balita ni Cheska sa matanda. “Paano mo nalaman?” Tanong ni Arthur. “Narinig ko mismo kay Lora at pupunta ito bukas sa opisina para sa board meeting.” Sagot ni Cheska sa kanyang tiyuhin. “Ang kapal ng mukha nila paglaruan ako,” galit na bulalas ni Arthur. “Kaya nga kailangan mo ng magmadali. Kunin mo na ang kayamanan nila at ako na ang bahala kay Rafa. Alam ko na hindi rin magtatagal at makukuha ko rin ang lahat ng nais ko.” Nakangising sabi ni Cheska. “Siguraduhin mo lang na may mapapala ka sa lalaki na ‘yun.” “Of course daddy,” malambing na sabi ni Cheska sa matanda. Lihim na pagpaplano ang bawat partido sa gaganapin na board meeting kinabukasan. Wala may gustong magpatalo. Samantala ay buong gabi namang pinagsaluhan ni Rafa at Nathalie ang init ng kanilang pagmamahalan. Hindi na sila gaanong nagpuyat dahil flight na nila papunta sa honeymoon nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD