Chapter 21

1437 Words
“Hindi po ‘yan totoo daddy,” umiiyak na turan ni Nathalie. Hindi kasi siya makapaniwala sa narinig niya. Paano nito nasabi na hindi siya nito anak? Ganito ba ito kagalit sa kanya? “Totoo dahil ang malandi mong ina ang nagsabi sa akin. Siguro dahil hindi naman tayo tunay na magkadugo ay puwede kitang maging isa sa mga babae ko.” Nakangising sabi ni Arthur. Kinilabutan naman si Nathalie sa Narinig niya. Umahon ang galit sa puso niya. Ang lahat ng mga ginawa sa kanyang ni Arthur. Doon niya napatunayan na hindi nga niya ito tunay na ama. Dahil kung ama niya ito ay hindi nito sasabihin ang ganoong mga salita. Mas matatanggap pa ni Nathalie na saktan siya nito pero ang ganoong mga salita ay kinilabutan siya bigla. “Hayop ka! Nagpapasalamat na ako ngayon na hindi ikaw ang naging tunay kong ama. Wala kang kwenta! Hayop! Hayop ka!” Nanginginig sa galit si Nathalie sa narinig niya mula sa matanda. “Titikim lang naman ako eh. Gusto ko lang malaman kung gaano ka kasarap. At kung bakit bigla kang pinakasalan ng Blake na 'yun. Malamang ay baliw na baliw ‘yon sa ‘yo.” Parang baliw na sabi ni Arthur kay Nathalie. “Bastos ka! Humanda ka pagdating ng asawa ko!” Galit na sigaw niya kay Arthur. “Tikim lang naman eh.” saad pa nito. “Baliw! Bastos!” Sinigawan niya ito, nakakaramdam na ng takot si Nathalie. Dahil nagsisimula na itong lumapit sa kanya. Patuloy lang sa paglapit si Arthur kay Nathalie. Walang ibang tao kaya sila lang na dalawa ang naroon. Umaatras naman si Nathalie hanggang sa wala na siyang maatrasan pa. “Huwag kang lumapit!” Sigaw niya sa matanda. “Bakit naman hindi? Alam mo ba na nagagandahan talaga ako sa ‘yo noon pa man. Pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil iniisip ko na anak kita. Pero ngayon na hindi naman pala kita anak ay baka puwede n–” “Subukan mong hawakan ang asawa ko. Sisiguraduhin kong wala ka ng magiging bukas,” biglang dumating si Rafa. Galit ito dahil umigting ang panga nito at anumang oras ay susugurin nito ang matanda. Tumakbo si Nathalie papunta sa asawa niya at niyakap niya ito ng mahigpit. Nawala ang lahat ng takot at pangamba niya. Umiyak siya sa bisig ng asawa niya. “Mayabang ka bata! Baka nakakalimutan mo na nasa loob ka ng pamamahay ko.” Galit na bulalas ng matanda kay Rafa. “Hindi ko nakakalimutan na nasa loob ako ng bahay niyo Sir. Pero baka nakakalimutan mo rin na asawa ko ang binabalakan mo ng masama. Paano niyo nagagawang pagbalakan ang sarili niyong anak?" Kalmado pero ramdam mo ang galit sa boses ni Rafa. Nagtitimpi lang ito pero anumang oras ay sasabog na ito sa galit. “Hindi ko siya tunay na daddy.” Pabulong na sabi ni Nathalie sa kanyang asawa na ikinagulat ni Rafa. “Kaya pala, pero kahit na. Kung itinuring mo siyang anak ay hindi mo siya itutulad sa ibang babae, sa mga naging babae mo.” saad ng asawa niya. “Ano bang ikinagagalit mo bata? Wala pa naman akong ginagawa sa kanya.” Parang proud pa ito sa ginawa niya. “Subukan mo pang hawakan ulit ang asawa ko. Hindi ako magdadalawang isip na pat*yin ka.” Seryosong turan ni Rafa bago hinila ang asawa niya palabas sa bahay. “Hindi ako natatakot sa 'yo bata!” Sigaw naman ni Arthur sa mga ito habang palabas. Mabilis niyang kinuha ang phone niya. “Nasaan kana, bilisan mong pumunta dito sa bahay. Kailangan kita ngayon para paligayahin ako.” Utos ni Arthur sa kausap niya sa telepono. Nang makasakay sila Rafa sa kotse ay kaagad niyang hinawakan ang kamay ng kanyang asawa. “Okay ka lang ba hon?” Nag-aalalang tanong niya sa asawang si Nathalie. “Hindi ako okay hon, bakit ganun? Bakit kailangan na namang mag-lihim ni mommy sa akin? Bakit hinayaan niya kaming magdusa sa kamay ni Arthur? Bakit hon?” Umiiyak na tanong ni Nathalie sa kanyang asawa. “Ang mom mo ang makakasagot sa mga tanong na 'yan hon. Siguro may rason siya kung bakit niya itinago sa 'yo ang lahat.” Sagot naman ni Rafa sa kanyang asawa para hindi ito lalong malungkot. “Thank you for saving me honey. Natakot ako kanina, akala ko wala ng magliligtas sa akin. Paano na lang kung hindi ka dumating? Anong mangyayari sa akin?” Umiiyak na turan nito. “Next time, sabihin mo naman sa akin hon kung saan ka pupunta. Lalo na ngayon, hindi na safe na lumabas ka palagi.” “Sorry, hindi na mauulit hon. I love you.” “I love you too,” nakangiting sabi ni Rafa at binigyan ng isang masuyong halik sa labi si Nathalie. Tinugon naman ito ni Nathalie ng buong puso. Nagpasya na silang umuwi. Malamlay si Nathalie dahil sa nalaman niya. Wala siyang ganang kumain. Nagkulong lamang ito sa kanyang silid. At hindi naman ito ginambala ni Rafa. Binigyan niya ng time ang asawa niya, alam niyang kailangan nitong mag-isa. Alam niya kasi na nagulat ito sa mga nangyari at sa nalaman nito tungkol sa pagkatao niya. Nasasaktan rin si Rafa at kung maaari ay ayaw niya sana na umiiyak ang kanyang asawa. Samantala habang nasa silid nilang mag-asawa ay paulit-ulit na tinatawagan ni Nathalie ang kanyang ina. Ngunit hindi ito matawagan, nag-aalala siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari ngayon sa bahay nila. Alam ni Nathalie nasasaktan na naman ng kinilala niyang ama ang kanyang mommy. Walang bago doon dahil noon pa man ay abusive na ito sa kanilang dalawa ng mommy niya. Hindi niya maiwasang hindi mag-overthink. Paano kung pat*yin ito ni Arthur? Binalot ng takot ang puso ni Nathalie. Mabilis siyang tummayo para lumabas. Nagulat naman si Rafa dahil parang nagmamadali ang asawa niya. Kaya mabilis niya itong nilapitan. “Where are you going hon?” Tanong niya dito. “Kay mommy hon, natatakot ako. Hindi siya sumasagot sa akin. Baka may gawin sa kanya si Arthur, natatakot ako hon. Please, puntahan natin siya.” umiiyak na sabi ni Nathalie sa kanyang asawa. “Hon, relax wala siyang gagawin sa mommy mo. Alam ko na kayang protektahan ng mommy mo ang sarili niya.” pag-aalo ni Rafa sa kanyang asawa. Nakikita niya ang takot sa mga mata nito. “Pero paano kun–” “Sshh.. Walang mangyayari sa kanya. Magtiwala ka lang hon, siguro nga hindi mo kilala ang mom mo pero matalino siya. At palagi niyang sinasabi sa akin na alagaan kita at protektahan. Gumagawa siya ng paraan para protektahan ka niya. Si Arthur ang kinikilala mong ama ay may malaking kasalanan sa pamilya namin.” Parang naiiyak na sabi ni Rafa. “Hon, kung hindi ka handa na sabihin sa akin ay okay lang. Huwag mo ng sabihin sa akin.” Biglang nag-alala si Nathalie, naaalala niya kung bakit galit na galit ang mommy ni Rafa sa kanya lalo na sa ama niya. “No, Hon you need to know the truth. He’s a rap*st, pinagsamantalahan niya ang kakambal ng mommy ko. My aunt died, dahil hindi nito matanggap ang nangyari. Hindi nakulong si Arthur dahil binayaran niya ang judge. My mom came from a poor family kaya hindi nila afford ang magbayad ng abogado. Kaya galit na galit si mommy nang malaman niya na anak ka ni Arthur. Dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ang mommy ko sa pagkawala ng kakambal niya,” malungkot na kwento ni Rafa sa kanyang asawa. “Dapat gumawa tayo ng paraan para pagbayaran niya ang lahat ng mga kasalanan niya. Lalo na sa tita mo, hayop siya. Wala siyang kasing sama. Dapat sa kanya ay mamatay na,” galit na sabi ni Nathalie. Ngayon ay naiintindihan na niya ang pinanggagalingan ng galit ng mommy ni Rafa. “Hintayin na lang natin ang araw na pagbayaran niya ang lahat. Sa ngayon ay mas mahalaga ang safety mo hon. Hindi ako papayag na may gawin sila sa ‘yo. Si Arthur at Jerome, alam ko na galit sila sa akin. Si Jerome ang dahilan ng aksidenti ko. At hinahanap ko pa ang hardinero niyo na inutusan niya.” Tiim bagang na sabi ni Rafa. “Pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila sa atin. Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko dahil wala si mommy. Marami akong itatanong sa kanya. Isa na doon kung sino ba ang tunay kong ama?” “Sino nga ba ang tunay kong daddy?” Tanong ni Nathalie sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD