“Anong iniiyak mo? Sinasabi ko sa ‘yo huwag mo akong ipapahiya dahil malilintikan ka sa akin.” Pabulong na sabi ni Arthur sa kanyang anak. Nagagalit na siya dahil nakakahiya na sa mga tao na naroon.
Hindi na kasi tumitigil si Nathalie sa kakaiyak. Hindi niya kayang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. Natatakot na siya at hinihiling niya na sana ay isang panaginip lang ang lahat ng ito. Akala niya ay makakaya niya pero hindi pala dahil labag ito sa loob niya.
“Daddy, hindi ko po kaya.” mahinang sabi niya sa kanyang ama habang umiiyak.
“Huwag ngayon Nathalie! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.” Mahina pero may diin sa pagkakasabi ng kanyang ama.
“Daddy, hindi ko po talaga kaya.” Pahayag ni Nathalie sa kanyang ama ngunit isang masamang tingin lang ang naging tugon nito.
“You’re so lovely today babe,” sabi ni Jerome sa dalaga habang malawak ang ngiti sa labi. Alam ni Jerome na ayaw magpakasal sa kanya ng dalaga.
“J-Jerome hindi pa ako ready na magpakasal sa ‘yo.” Sabi ni Nathalie sa lalaki.
“Don’t you dare Nathalie. Akala mo ba hindi ko alam ang relasyon niyo ni Rafael.” Galit na bulong ni Jerome sa kanya.
“Siya ang mahal ko—”
“Let’s start the wedding, father,” utos ni Jerome sa pari at hindi pinatapos si Nathalie sa sasabihin nito.
Napapikit na lang si Nathalie dahil hindi niya talaga kaya. Umiyak ito ng umiyak, alam niya na wala siyang takas pa. Ano bang magagawa niya? Nagsimula na ang pari. Tumingin siya sa pari, nais niyang iparating na hindi siya sang-ayon sa kasalanang ito.
“May tumututol ba sa kasalang ito?” Biglang tanong ni father.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Ituloy mo na ang kasa,” tiim bagang na utos ni Jerome sa pari.
Hindi puewedeng hindi matuloy ang kasal nila ni Nathalie. At alam niya na walang puwede humadlang sa kanya kahit na isa pa Blake. Kanina pa siya nagpipigil ng galit niya kay Nathalie. Panay kasi ang iyak nito. Sa totoo lang ay matalim na tingin ng ama ni Jerome sa kanya. Galit na ito dahil sa tagal ni Nathalie na maglakad. Hindi nito nagustuhan ang kahihiyan na ginagawa ng anak ni Arthur. Ang buong akala nito ay nagkakaintindihan na sila na ayaw niya ng kahihiyan. Masisira ang pangalan nila kapag lumabas ito sa media.
“Arthur, ayoko ng kahihiyan.” May diin na sabi niya sa lalaki.
“Kumpadre pasensya kana sa anak ko, pero tuloy ang kasal.” Sagot ni Arthur sa lalaki.
“Siguraduhin mo lang, alalahanin mo dito nakasalalay ang pagkapanalo mo.” Saad nito ka Arthur.
“Alam ko kumpadre, sorry.” Kahit na labag sa kanyang loob ay nagpakumbaba pa rin si Arthur.
Samantala si Lora ay nakikinig lang sa kanyang asawa. Umahon ang galit sa puso niya, sarili lang talaga nito ang iniisip nito. At ngayon puputulin na niya ang ambisyon nito. Hindi niya hahayaan na maikasal ang kanyang anak sa walang kwenta at gahaman na lalaki. Sapat na ang mga taon na naging sunod-sunuran siya sa kanyang asawa. Panahon na para lumaban.
Napilitan ang pari na ipagpatuloy ang kasal. Wala siyang magagawa kahit na alam niyang ayaw ng dalaga.
“Jerome Cruz, tinatanggap m—”
“I do father,” mabilis na sagot nito at hindi na natapos ang sasabihin ng pari.
“Ikaw, Nathalie Jimenez tinatanggap mo bang maging kabiyak ang lalaking ito?” tanong ng pari kay Nathalie.
Naging tahimik ang buong paligid. Tikom ang bibig ni Nathalie wala siyang balak na magsalita. Hindi niya magawa na magsalita, pakiramdam niya ay nalunok niya ang dila niya.
“Kung ayaw mong may mangyari sa mommy mo umayos ka!” Galit na talaga si Jerome at pinagbantaan na nito ang dalaga.
“I—”
“Hindi siya puwedeng magpakasal sa ‘yo Mr. Cruz!” Biglang sumigaw si Rafa habang naglalakad papasok sa loob ng simbahan. Seryoso ang gwapong mukha nito.
Napalingon naman si Nathalie sa lalaking mahal niya at hindi siya makapaniwala na dumating ito. Nakita niyang may bangas ang gwapo nitong mukha. Gusto niya itong yakapin ng sobrang higpit. Ngayon niya napatunayan na mahal na mahal siya ng lalaki. Matapang ang awra nito na para bang walang kinatatakutan. Naglalakad ito na parang hari.
“What do you think you’re doing Mr. Blake?!” Galit na sigaw ni Jerome sa lalaki.
“Ako ang dapat nagtatanong sa ‘yo niyan Cruz.” Kalmado ang mukha na sagot ni Rafa sa lalaki.
“Ang lakas ng loob mong sirain ang kasal ko!” Galit na sigaw ulit ni Jerome.
“Ang lakas rin ng loob mong pakasalan siya!” Sagot naman ni Rafa.
“Fvck off!” asik ni Jerome sa binata. “Father continue—”
“No, father, this wedding is now over.” Sabi ni Rafa sa pari.
“Ako ang magsasabi kong tapos na ito o hindi. Umalis kana Rafael,” utos ni Jerome dahil nauubos na ang pasensya niya.
“Ikaw ang umalis at hindi ako. Everyone, listen to me. This woman is my WIFE…”
“Rafa..” umiiyak na tawag ni Nathalie sa kanyang kasintahan.
Napasinghap ang lahat ng naroon maliban kay Lora. Hindi na siya nagulat dahil sinabi ito ni Rafa sa kanya noong nakaraang araw.
( Flashback )
“Ma’am, gusto ko po kayong makausap dahil may ipagtatapat po ako sa inyo.” Panimulang sabi ni Rafa sa Ginang.
“Ano ‘yun iho?”
“Kasal na po ako,” sagot nito.
“Kung kasal kana bakit mo pinaglalaruan ang anak k—”
“Kasal na po ako kay Nathalie.” Mabilis na sabi ni Rafa.
“Wala siyang sinabi sa akin.” Nagulat na sabi ni Lora.
“Dahil hindi po niya matandaan.” Sagot naman ni Rafa sa ina ng babaeng mahal niya. Hindi niya kayang sabihin kay Nathalie kaya sa Ginang na lang niya sinabi.
“Paanong hindi?” Nagtatakang tanong ni Lora sa binata.
“Noong tumakas siya sa bahay niyo ay ako po ang nagligtas sa kanya. Uminom po kami at doon niya sinabi na pinipilit siyang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. Sinabi rin po niya na mas gugustuhin pa raw niyang magpakasal sa iba kaysa kay Jerome. At dahil sa lasing ako ay niyaya ko siyang pumunta sa ninong kong judge at doon po kami nagpakasal. I’m sorry Ma’am.” Hingi ng paumanhin ni Rafa sa Ginang.
“Thank you Rafa, mas natutuwa ako na ginawa mo ‘yon. Sana ay huwag mong pabayaan ang anak ko. Mabait at masunurin siyang anak, alam ko na mahal ka niya. Mahalin mo sana ang anak ko at alagaan mo siya.” Sabi ni Lora sa binata.
“Makakaasa po kayo Ma’am.”
“Salamat iho.” Naging panatag si Lora sa binata. Maimpluwensya ang pamilya nito kaya alam niya na kaya nitong protektahan ang anak niya.
( End of flashback )
“Anong pinagsasabi mo?!” Galit na tanong ni Arthur kay Rafa. Hindi niya inaasahang marinig ‘yon mula sa lalaki. Alam niya ang lihim na relasyon ng mga ito pero hindi niya inaasahan na sasabihin nito na kasal na ang anak niya sa lalaki.
“Hindi niyo puwedeng ikasal sa iba ang asawa ko, here’s the proof na kasal talaga kami.” Sagot naman ni Rafa kay Arthur sabay bigay ng papel na dala niya.
Tinignan ni Arthur ang marriage certificate na ibinigay ni Rafa at nagulat ito dahil totoo ngang kasal na ang anak niya sa lalaki.
“Anong ibig sabihin nito Nathalie?” Galit na tanong ni Arthur sa kanyang anak.
“Sorry po daddy,” sagot ni Nathalie kahit na hindi niya maintindihan ang nangyayari. Kahit siya ay nagulat kung bakit kasal na siya sa binata. Wala siyang natandaan na kinasal sila. Tumingin si Nathalie kay Rafa. Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari.
Pak!
Sunod-sunod na sampal ang ibinigay ni Arthur sa kanyang anak. Akmang sasampalin niya ito ulit ng hawakan ni Rafa ang kamay niya.
“Subukan mong saktan pa ang asawa ko ako na ang makakalaban mo.” Matapang na sabi ni Rafa sa matanda.
“Ang lakas ng loob mo!”
“Malakas talaga ang loob ko. At kung balak mo akong takutin ‘wag mo ng subukan. Hindi mo kailangan ipakasal ang anak mo para lang manalo ka sa eleksyon.” Galit rin na sabi ni Rafa sa matanda.
“Pagsisihan mo ito bata!” Pagbabanta ni Arthur kay Rafa.
“Hihintayin ko,” sagot naman ni Rafa.
“Baby, paano na ako. Diba ako ang mahal mo?” Biglang tanong ni Cheska sa binata. Umiiyak rin ito.
“Walang tayo Cheska, at alam mo ‘yan sa sarili mo.” Kalmadong sagot ni Rafa.
“Malandi ka! Inahas mo ang boyfriend ko!” Sigaw ni Cheska kay Nathalie.
“Pagsisihan mo ito Blake,” may pagbabanta na sabi ni Jerome bago nilisan ang simbahan.
Galit na nilisan ng pamilya Cruz ang simbahan pagkarating nila sa kanilang mansiyon ay sinuntok kaagad si Jerome ng kanyang ama. Galit na galit ito dahil sa kahihiyan na ginawa ng pamilya ni Athur.
“Humanda sa akin ang Blake na ‘yon.”
***
“I’m so disappointed in you Nathalie. Sana hindi na lang ikaw ang naging anak ko. Pinahiya mo ang buong pamilya natin,” sabi ni Lora sa kanyang anak. Ginawa niya ‘yon para tuluyan ng umalis ang kanyang anak. Ayaw na niya itong umuwi sa kanila, nais niyang sumama na ito kay Rafa.
“Mommy..”
“Huwag mo akong tawaging mommy, wala akong anak na katulad mo. Paano mo nagawang ipahiya ng ganito ang daddy mo?” Galit na sigaw nito.
“Mommy, let me explain. Please, mommy..”
“Umuwi na tayo Arthur,” yaya ni Lora sa kanyang asawa.
“Tandaan mo, wala na akong anak. Isa kang bobo at tanga. Kahit kailan ay wala kang silbi! Hindi ko na nais na makita pa ang pagmumukha mo!” Galit na sigaw ni Arthur sa kanyang anak.
Naiwan namang umiiyak si Nathalie. Tumingin siya kay Rafa, dapat masaya siya dahil iniligtas siya nito pero iba ang nararamdaman niya ngayon. Galit siya sa lalaki at hindi niya matanggap na galit na rin ang mommy niya sa kanya.
“Bakit mo ginawa ‘to? Bakit ka nagsinungaling sa akin? Ang sama mo!” Tanong niya kay Rafa.
“Hon, sorry kung hindi ko sinabi sa’yo. Natatakot ako na magalit ka sa akin. Pero maniwala ka sasabihin ko naman talaga sa ‘yo.” Paliwanag ni Rafa sa kanya.
“Sana hinayaan mo na lang akong maikasal sa kanya. Sana hindi ka na lang nangialam! Galit ako sa ‘yo! I Hate you!” Sigaw ni Nathalie at tumakbo palabas sa simbahan.
“Hon…..!”