Chapter 15

1625 Words
Nakatanggap ng tawag si Nathalie mula kay Doc Brandon. Gising na ang mommy niya. Mabilis siyang bumiyahe papunta sa ospital. Nakaramdam siya ng galit sa kanyang daddy dahil hindi man lang siya nito tinawagan para sabihan na gising na ang kanyang mommy. Nang pumasok si Nathalie sa loob nang silid ay bumuhos ang luha niya. Mabilis niyang niyakap ang kanyang mommy. Sobra niya itong namiss. Laking pasasalamat niya sa Maykapal dahil naging maayos na ang kanyang mommy. "Mommy, thank you dahil gumising kana. Sorry mom, sorry kung umalis ako. Mahal na mahal ko po kayo." Umiiyak na saad ni Nathalie sa kanyang ina habang yakap niya ito. Ngumiti naman ang kanyang mommy sa kanya. Niyakap niya ito at bumulong sa tainga ni Nathalie. "Sana hindi kana bumalik anak, ayoko na nahihirapan ka." Mahina pero malinaw itong narinig ni Nathalie. Hindi naman siya makapaniwala sa narinig niya mula sa kanyang mommy. Umarte na lang siyang hindi niya ito narinig. Dahil kasama nila ang kanyang daddy. At baka makahalata ito sa kanila. Dahil maayos na ang lahat ng laboratory result ni Lora ay puwede na siyang umuwi sa kanilang bahay. Si Nathalie ang nag-aalaga sa kanyang ina. Hindi na muna ito pumasok sa trabaho. Mas kailangan siya ng kanyang mommy ngayon. "Mommy kukunin ko lang po ang gamot niyo, saglit lang po ako." Paalam ni Nathalie at iniwan muna ang kanyang mommy. Pumasok sa loob ng bahay si Nathalie at naiwan ang kanyang ina sa kanilang garden. Kaagad namang lumapit si Cheska kay Lora. "Akala ko hindi kana magigising. Pero dahil gising kana matutuloy na ang kasal ng anak mo kay Jerome. Ikaw rin talaga ang magiging dahilan ng paghihirap niya," natatawang bulalas ni Cheska sa Ginang. "At ikaw hanggang kailan ka magpapanggap?" Nakangiting tanong ni Lora sa babae. "Anong alam mo?" Galit na tanong ni Cheska kay Lora. "Lahat, kung gusto mo na walang makaalam sa sekreto mo. Lubayan mo ang anak ko," may pagbabanta na sabi ni Lora sa babae. "How dar—" "May problema ba Cheska?" Tanong ni Nathalie dahil bigla itong dumating. "Wala anak, kinukumusta lang ako ng pinsan mo." Si Lora na ang sumagot dahil ayaw niyang idamay ang anak niya sa kung ano man ang hindi nila pagkakaunawaan ni Cheska. Tumingin naman si Nathalie sa babae. Pero inirapan lang siya nito. Hinayaan na lang niya ito at pinainom niya ni Nathalie ang kanyang ina ng mga gamot nito. Naiinis namang nilisan ni Cheska ang bahay nila. Nagmaneho ito papunta sa condo unit ni Jerome. "What are you doing here?" Tanong nang binata sa kanya. "I need to cool down. Masyadong ng madaming alam si Lora." Sabi niya sa binata. "Bakit hindi ka pumunta sa boyfriend mo?" May pang-uuyam na tanong ni Jerome sa dalaga. "He's busy, at ayoko siyang abalahin." "Pero ako ang inaabala mo? Ang galing mo rin, ginawa mo na ba ang inuutos ko sa 'yo?" "Hindi pa, hindi pa ako nakakapunta sa silid niya. At puwede ba bilisan mo na nga. Pakasalan mo na siya para makaalis na siya sa bahay." Naiinis na saad nito sa lalaki. "Atat rin ako kaya lang pinagbibigyan ko lang siya. Kaya maghintay ka dahil hindi na rin ako makapaghintay na maging akin siya." Nakangising sabi ni Jerome. "Mabuti naman kung ganu'n." Nakangiting sabi ni Cheska sa lalaki. Mabilis din niya itong hinalikan. At kagaya ng palaging nangyayari ay nagses*x ang dalawa. Samantala nagulat naman si Nathalie dahil biglang dumating si Rafa sa kanilang bahay. Hindi niya 'yon inaasahan. Ang buong akala niya ay busy ito sa trabaho pero nandito ito ngayon. "Hi, Hon i miss you." Pabulong na sambit ni Rafa. "Anong ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ni Nathalie sa kanyang boyfriend. "Binibisita ka, namimiss na kasi kita." Nakangiti si Rafa kaya lalo itong naging makisig at gwapo sa paningin ni Nathalie. "Pasok ka ipapakilala kita sa mommy ko." Yaya ni Nathalie sa lalaki. "Are you sure hon?" "Yeah, c'mon ang gwapo mo today hon." Hindi mapigilan ni Nathalie na hindi purihin ang kanyang kasintahan. "Nainlove kana ba lalo sa akin?" Pabirong tanong ni Rafa sa dalaga. "Hahaha! Sobra hon," pabirong sagot ni Nathalie sa kanyang kasintahan. Naglakad na sila papunta sa kanyang mommy. Hindi na rin nagulat si Lora na makita ang binata na kasama ang kanyang anak. Bukambibig kasi ito palagi ng kanyang anak noong nagpapanggap pa siyang nacoma. "Mom, si Rafa po boyfriend ko." Pakilala niya sa mommy niya nang kanyang boyfriend. "Good afternoon po, Madam." Magalang na bati ni Rafa sa ina ng kanyang nobya. "Akala ko si Cheska ang kasintahan mo?" Tanong ni Lora sa binata. "Hindi ko po siya girlfriend Ma'am, si Nathalie lang po." Sagot ni Rafa sa Ginang. "Mabuti naman kong ganu'n." Kalmadong saad ni Lora sa binata. "Puwede ko po ba kayong maka-usap Ma'am?" Lakas loob na tanong ni Rafa sa Ginang. "Sige iho, anak iwan mo muna kami saglit." Utos ni Lora sa kanyang anak. "Hindi ko po ba puwedeng marinig 'yan mom?" "Anak, sumunod ka na lang." Medyo nakaramdam ng inis si Nathalie dahil sa hindi pagsali sa kanya sa usapan ng mga ito. Panay rin ang sulyap niya sa mga ito. Mukha kasing seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Hanggang sa natapos na mag-usap ang dalawa. Kinukulit pa sana ni Nathalie ang kanyang nobyo ngunit tahimik lang ito at walang balak na magsalita. Bigla namang umuwi si Cheska at sobrang saya nito dahil ang buong akala niya ay siya ang dinadalaw ni Rafa. Habang nasa hapagkainan ay napag-usapan ang tungkol sa kasal. Kasalo rin nila si Rafa dahil ang alam ng mga ito ay kasintahan ito ni Cheska. "Ilang araw na lang ay kasal mo na Nathalie. Inaasahan ko na wala kang gagawin na hindi ko magugustuhan." Saad ng ama niya sa kanya. "Opo daddy," mahinahon na sagot niya sa kanyang ama. Napangiti naman ang matanda sa naging sagot ng kanyang anak. Habang si Rafa ay nagpipigil ng kanyang galit. Hindi niya hahayaan na makasal ang babaeng mahal niya sa isang adik at galing sa pamilya ng mga corrupt. "Ikaw naman Cheska, kailan kayo magpapakasal ng boyfriend mo?" Biglang tanong ni Arthur sa kanyang pamangkin. "Naku, daddy hindi pa po namin napag-uusapan ng baby ko. Pero darating din po kami d'yan." Maarteng sagot ni Cheska sa tiyuhin. "Dalian niyo na rin, magandang lalaki itong kasintahan mo. Baka maagaw ng iba." Dagdag pa na sabi ng matanda habang tumatawa. "Hindi naman kam—" "Tapos na po ako, aakyat na po ako sa silid ko." Biglang sabi ni Nathalie kaya naputol ang sasabihin ng bruha niyang pinsan. "Isabay mo na rin ako anak," sabi naman ni Lora. Kaagad namang itinulak ni Nathalie ang wheelchair ng kanyang ina. Pagpasok nila sa silid ng mga magulang niya ay inasikaso muna ni Nathalie ang kanyang ina. Akmang lalabas na ito nang bigla siyang pigilan ng kanyang ina. "Anak, puwede ba tayong mag-usap?" "Tungkol po saan mommy?" "Alam ko na mahal mo si Rafa at kailangan mong pakasalan si Jerome. Pero anak makinig ka sa akin. Sundin mo ang nasa puso mo, ito para sa 'yo ito. Saka muna buksan kapag kinakailangan. Magagamit mo 'yan balang araw. Huwag mo na akong alalahanin dahil kaya ko ang sarili ko. Ang gusto ko lang ay mamuhay ka ng masaya. Mahal na mahal kita anak." Madamdaming pahayag ni Lora sa kanyang anak. "Mommy, mahal na mahal ko rin po kayo. At napag-usapan na po namin ni Rafa ito. Kailangan kong sundin si daddy, ayokong mapahiya siya. Higit sa lahat ayoko na saktan ka niya." Umiiyak na sabi ni Nathalie sa kanyang ina. "Lagi mong tatandaan anak, ikaw ang nag-iisa kong tagapagmana. Alagaan mo sana ang iniwan sa atin ng lolo at lola mo." "Bakit mo ba 'yan sinasabi sa akin mommy? Para kang namamaalam?" Hindi maiwasan ni Nathalie na umiyak habang tinatanong ang kanyang ina. "Inaantok na ako anak, nais ko ng magpahinga." Saad ni Lora kay Nathalie. Ang dami pa sanang tanong ni Nathalie sa kanyang ina pero hindi na lang niya nagawang isatinig. Mas pinili na lang niyang manahimik at lumabas sa silid. Kaagad niyang itinago sa kanyang gamit ang flashdrive na binigay sa kanya ng kanyang mommy. Alam ein ni Nathalie na mahalaga iyon. Nagring ang phone niya kaya kaagad niya itong sinagot. "Hello hon, uuwi na ako." Paalam sa kanya ni Rafa. "Okay hon, ingat ka sa pagdadrive. I love you," malambing na anas niya sa kanyang nobyo. "I love you to—" Hindi na nagawang tapusin ni Rafa ang kanyang sasabihin. "Hon? Hon, anong nangyari? Rafa, please answer me," natatakot na si Nathalie dahil may narinig siyang malakas na tunog bago namatay ang tawag. Gustuhin man ni Nathalie na umalis ay hindi niya magawa. Biglang dumami ang bantay sa kanilang bahay. Lalo na ilang araw na lang ay kasal na nila ni Jerome at wala na siyang takas pa sa lalaki. Halos manlumo si Nathalie nang malaman niya na naaksidenti pala si Rafa at nasa ospital ito ngayon. Gustong-gusto niya itong puntahan pero wala siyang magawa. Bukas na ang kasal niya at buong gabi siyang umiyak ng umiyak. "Gumising kana d'yan kamahalan. Araw ng kasal mo ngayon," natutuwang bulalas ni Cheska. Hindi niya ito pinansin at bumangon na lang siya Nagpaubaya na lang si Nathalie sa lahat ng nais ng kanyang ama. Suot ang puting damit ay nakatayo siya sa pintuan ng simbahan. May mga camera na nakatutok sa kanya. Umiiyak siya hindi sa kaligayahan kundi sa kalungkutan. Ang bigat ng mga paa niya, parang hindi kayang ihabang ni Nathalie ang mga ito. Dahil alam niya na naiinip na ang lahat kaya sinimulan na niyang maglakad papunta kay Jerome na may malawak na ngiti sa labi. Kahit na mabagal ay nakarating pa rin siya sa altar habang walang tigil sa pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD