Chapter 17

1473 Words
Mabilis na lumabas si Nathalie sa simbahan. Hindi niya binigyan pansin ang pagtawag sa kanya ni Rafa. Nasasaktan siya at nais niyang mapag-isa. Sa dami ng nangyari ay hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi niya alam ang papaniwalaan niya. May nakita siyang kotse kaya mabilis niyang binuksan ang pinto. Pagpasok niya ay naroon sa loob ang lalaking nakilala niya sa ospital. Ito ang taong nagsabi na kaibigan raw ng kanyang mommy. “Tulungan niyo po ako,” pakusap ni Nathalie kay Xacto. Hindi nagsasalita si Xacto. Hindi niya alam ang sasabihin sa dalaga. Pero sa huli ay pinili nitong tulungan ito. Habang nasa biyahe ay tinanong niya si Nathalie. “May mapupuntahan ka ba iha?” Tanong niya sa dalaga. “Ang totoo po n’yan ay wala po. Nais ko lang lumayo dito, hindi ko na po kayang manatili sa lugar na ito. Naguguluhan po ako, galit ang mommy ko. Lalo na ang daddy ko dahil sinira ko ang pangarap niya.” Saad ni Nathalie sa lalaki habang umiiyak. “Kung nais mo ay doon kana muna sa isa sa mga bahay ko. Huwag kang mag-alala iha dahil safe ka doon at wala akong gagawin na masama sa ‘yo.” Sabi ni Xacto kay Nathalie. “Maraming salamat po, tatanawin ko po ito na isang malaking utang na loob. Pangako po hindi po ako magtatagal doon. Kailangan ko lang pong mag-isip. Babalikan ko pa po ang mommy ko.” Sabi niya sa matanda. Ngumiti lang si Xacto bilang tugon. Habang tinitignan niya si Nathalie ay naaalala niya si Lora sa babae. Magkamukha talaga ang dalawa. Sa bahay naman nila Nathalie ay binabasag ni Arthur ang lahat ng nahahawakan niya. Galit na galit siya at nais niyang ilabas ang galit niya. Sobrang kahihiyan ang nangyari sa kanya. Ang kasal ang inaasahan ng mga Cruz na kapalit sa pagtulong sa kanga sa eleksyon. “Punyeta! Walang kwenta talaga ang anak mo Lora! Kahihiyan lang ang ibinigay niya sa akin at sa pamilya natin. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga Cruz. Isa pa ang Blake na ‘yon. Magbabayad siya, hindi ko akalain na ganun kalakas ang loob niya na kalabanin ako. Pinaglaruan niya tayo, ang buong akala ko lang ay may lihim lang si lang relasyon pero nagkamali ako. Kasal na pala ang walang silbi mong anak sa Blake na 'yon! Ngayon Lora paano na ako mananalo sa eleksyon? Paano maayos ang kahihiyan na ginawa ng bwisit mong anak?! ” Galit na galit si Arthur. Nakikinig lang si Lora sa kanyang asawa. Hindi siya sumagot, dahil alam niya na magagalit lang ito kung sumagot pa siya. Habang si Cheska naman ay galit na galit. Ang buong akala niya ay napapasakanya na si Rafa pero pinaglaruan lang pala siya ng lalaki. Hindi niya matanggap na natalo siya ni Nathalie. “Paano nila ‘to nagawa sa atin daddy? Si Rafa pinaglaruan niya ako. Lalo na si Nathalie tinuring ko siyang kapatid kahit na palagi siyang nagagalit sa akin.” umiiyak na saad ni Cheska. “Simula ngayon ay wala na akong anak. Huwag niyo ng papasukin ang walang kwentang babae na ‘yon!” Sabi ni Arthur sa lahat ng tao sa bahay nila. “Maliwanag ba Lora? Ayoko na papuntahin mo pa dito ang anak mo.” Galit na sabi ni Arthur sa kanyang asawa bago ito umalis. Tumango na lang si Lora bilang sagot sa kanyang asawa. Naiwan naman ang dalawang babae. “Alam kong may alam ka. Nagpapanggap ka lang. Siguro ay plano mo ang lahat ng ito? Plano mo na paglaruan ako ni Rafa.” Galit na tanong ni Cheska sa Ginang. “Paniwalaan mo ang lahat ng kutob mo. Hindi magtatagal malalaman ng lahat kong sino ka talaga. Enjoy mo lang ang mga nalalabing araw mo. Dahil hindi na ‘yan magtatagal.” Sabi ni Lora bago niya iniwan si Cheska. “Hayop kang babae ka! Hindi ikaw ang magpapabagsak sa akin.”Saad ni Cheska sa kanyang sarili. Nanlilisik ang mata niya sa galit sa matandang si Lora. Siguro ay kailangan na niyang gumawa ng hakbang. “Hello, magkita tayo ngayon.” Kausap niya sa kabilang linya. Kailangan niya itong makausap dahil hindi niya nais magpatalo kay Lora lalong-lalo na kay Nathalie. Kasal man si Rafa ay hindi niya iti titigilan hangga't hindi napasa kanya ang lalaki. Sisirain niya ang pagsasama ng mga ito. Habang nakaupo si Lora sa terrace ay biglang tumawag sa kanya ang isang taong pinagkakatiwalaan niya. “Maraming salamat sa tulong mo,” sabi ni Lora sa kabilang linya saka niya ibinaba ang tawag. “Mabuhay ka ayon sa gusto mo anak. Mahal na mahal kita, nais kong maging masaya ka.” Kausap ni Lora sa larawan ng kanyang anak. Nagkulong naman si Rafa sa loob ng kanyang condo. Hindi niya alam kung saan niya hahanapin si Nathalie. Hinabol niya ito pero hindi niya ito naabutan. Wala naman siyang balak na maglihim ng matagal sa babae. Pero tuwing sinusubukan niyang aminin ay umuurong ang dila niya. Mahal niya si Nathalie at natakot siyang aminin sa babaeng mahal niya ang totoo. Dahil natatakot siyang iwanan siya nito. Pero iniwan na siya ngayon, umalis na ito at hindi na niya alam kung saan nagpunta. Wala pang update ang mga kinuha niyang mga agent. “Fvck! ito na yata ang parusa ko sa pagiging babaero ko.” kausap niya sa sarili. “Hindi ako sususko, hahanapin kita hon. Hindi ako papayag na iwan mo ako. Kahit anong mangyari ay hindi kita bibitawan.” Sabi ni Rafa sa kanyang sarili sabay tungga sa alak na hawak niya. Nagpakalasing siya, nilunod niya ang sarili niya buong gabi. Hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sobrang kalasingan. *** “Iha, kumain kana.” sabi ng matandang babae kay Nathalie. “Hindi po ako nagugutom manang,” sagot niya sa matanda. “Hindi ka pa kumakain simula kahapon. Baka magkasakit ka niyan. Kabilin-bilinan ni Sir na alagaan ka namin. Kaya kumain ka na kahit kaunti lang,” sabi pa ni manang kay Nathalie. “Pasensya na po kayo manang. Pero puwede po ba na mamaya na lang po ako kakain. Gusto ko po munang mapag-isa.” Pakiusap ni Nathalie sa matanda. “Sige, iha.” saad naman ng matanda bago siya lumabas sa silid na inuukupa ni Nathalie. Naiwan namang mag-isa si Nathalie. Pakiramdam niya ay nawalan ng saysay ang buhay niya. Kaya niyang tanggapin na kasal na sila ni Rafa pero hindi niya kaya na itinakwil siya ng mommy niya. Para siyang pinapatay. Mahal na mahal ni Nathalie ang kanyang mommy. Lumipas pa ang mga araw ay nanatili pa rin si Nahalie sa bahay ni Xacto. At sa mga araw na ‘yon ay lalo siyang nakaramdam na mag-isa na lang siya. Nahihirapan siya dahil pakiramdam niya lalo siyang nawalan ng lakas na lumaban sa buhay. Pero isang araw habang nannunuod si Nathalie ng tv ay nakita niya ang balita tungkol kay Rafa at kasama nito si Cheska. Umahon ang galit sa puso niya. Naisip niya, nakuha na ni Cheska ang lahat at hindi siya makakapayag na isali pa nito si Rafa. Sa kanya lang ang asawa niya. “Sir, gusto ko na pong umuwi. Babalik na po ako sa asawa ko.” Sabi ni Nathalie sa matanda. “Sige iha, ipahatid kita.” Sagot naman ni Xacto sa dalaga. “Maraming salamat po sa tulong niyo sa akin. Hindi ko po kayo makakalimutan.” pasasalamat niya sa kabutihan nito sa kanya. Niyakap rin ni Nathalie ang matanda. Noong mga nakaraang araw ay naramdaman ni Nathalie ang pagmamahal ng isang ama. Mabuti pa ito dahil mabait ito sa kanya. Hindi katulad ng kanyang ama na walang ibang ginawa kundi pagbuhatan siya ng kamay. At pilitin sa mga bagay na ayaw niya. “Kapag may kailangan ka ay huwag kang mahihiyang tumawag sa akin ha,” sabi naman ni Xacto kay Nathalie. “Opo, napakabuti po ninyo papa.” Umiiyak na sabi ni Nathalie dito. Nais kasi nito na papa ang itawag sa kanya. Wala itong asawa dahil hanggang ngayon ay may hinihintay pa rin daw ito. Humanga si Nathalie sa pagmamahal ni Xacto. Bihira ang mga lalaking katulad nito na kahit twenty years mahigit na ang lumipas ay iisang babae lang daw ang minamahal nito at handa itong maghintay. “Rafa, sasama ako sa paghahanap kay Nathalie. Kahit na ganun ang nagyari ay pinsan ko pa rin siya at kapamilya ko.” Saad ni Cheska kay Rafa. “Cheska, mas gusto ko na mag-isang bumiyahe. Sana ay irespeto mo ang desisyon ko.” Sagot ni Rafa sa babae. “Rafa handa akong maging parausan mo. Maging kabit mo,” hindi naman makapaniwala sa kanyang narinig si Rafa mula kay Cheska. Sobrang desperada na nito. Pero mas lalo siyang hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD