Chapter 13

1689 Words
"Nathalie, hindi ka pa ba lalabas d'yan?! Kanina pa naghihintay sa baba si Jerome! Alam ko gising ka!" Sigaw ni Cheska sa labas ng pintuan niya. Tinatamad at walang ganang lumabas sa kanyang silid si Nathalie. Lalo nalaman niya na pumunta pa si Jerome ngayon. Hinayaan lang niya ito at nagkunwari siyang tulog. Hindi niya nais na makita ito. Habang nasa labas nang pintuan ay nagagalit na si Cheska. Akmang aalis na ito ng biglang dumating si Arthur. "Anong nangyayari?" Tanong nito sa kanyang pamangkin. "Kasi kanina ko pa siya tinatawag pero hindi niya ako pinapansin. Kanina pa naghihintay sa kanya ai Jerome." Sumbong ni Cheska sa kanyang tiyuhin at halata na naiinis na ito. "Nathalie! Buksan mo 'to!" Utos ni Arthur sa kanyang anak. "Huwag mong hinatayin na magalit pa ako! Buksan mo na!" Napabangon bigla si Nathalie nang marinig niya ang boses ng kanyang ama. Kaagad siyang naglakad papunta sa pintuan at binuksan ito. Pak! Isang malutong na sampal ang sumalubong sa kanya sa paglabas niya. Napahawak siya sa kanyang pisngi. Nang tumingin siya sa kanyang ama ay nakita niya ang galit sa mga mata nito. "Kanina ka pa tinatawag pero hindi ka lumalabas. Nakakahiya kay Jerome na pinaghihintay mo." Galit na asik ni Arthur sa kanyang anak. "Sorry po daddy, magbibihis lang po ako." "H'wag na dahil magtatagal ka pa. Mas lalong nakakahiya na hintayin ka pa niya." Naiinis na saad nito sa kanyang anak. "Per—" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinila na siya ng kanyang daddy pababa sa living room. Ayaw niya sana na nakashort lang na humarap sa lalaki dahil alam niya na babaero ito at many*k. "Umayos ka! Huwag mo akong ipinapahiya, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo." Galit na asik sa kanya nang kanyang ama. "Opo," mahinang sagot ni Nathalie sa kanyang daddy. Naging masunurin na lang siya dahil alam niya na sasaktan siya ulit kapag sumuway siya dito. "Iho, pasensiya kana. Kakagising lang ng anak ko." Hingi ng paumanhin ni Arthur sa binata. "Hi, babe naisturbo ko yata ang tulog mo." Nakangiting sabi pa ni Jerome sa kanya. "Hi," mahinang sabi naman ni Nathalie. Napilitan siyang ngumiti dahil kapag hindi niya ito nginitian ay baka makatikim na naman siya ng sampal mula sa kanyang ama. "For you, babe." Saad nang lalaki sabay abot ng bulaklak. "Thank you." "Anak ikaw na muna ang bahala sa fiance mo. Iho maiwan ko na muna kayo," sabi ni Arthur. "Thank you tito," nakangiting sabi ni Jerome sa matanda. "Just call daddy, magiging pamilya na tayo soon." Sabi pa ng matanda sa binata. "Okay dad, puwede ko bang i-date ang fiancee ko tonight?" Biglang nagpaalam ito sa ama ni Nathalie. "Of course iho, mas maganda na magdate kayo. Diba anak?" Tanong nito kay Nathalie. "Oo naman, kung.. 'yan ang gusto mo." Napipilitang sagot ni Nathalie. "Thank you babe," masayang sabi ni Jerome. Kahit na ayaw ni Nathalie ay wala naman siyang magagawa. Masasaktan at masasaktan lang siya kapag tumanggi o sumuway siya. Hindi naman nagtagal si Jerome at umalis rin ito kaagad. Babalik na lang daw ito mamayang gabi para sa kanilang date. Habang paakyat si Nathalie papunta sa kanyang silid ay nakasalubong nito si Cheska. At suot na naman ang damit niya. Biglang uminit ang ulo niya kaya kinumpronta niya ito. "Wala ka bang sariling damit? Bakit damit ko na lang palagi gusto mo? Lahat na yata ng damit ko naisuot mo na!" Naiinis na tanong niya kay Cheska. "Eh gusto ko 'to! Bakit ba ang damot mo? Saka mas bagay 'to sa 'kin," mataray pa na sagot nito sa dalaga. "Ang kapal din talaga ng mukha mo, kasing kapal ng make-up mo!" Naiinis na bulalas niya kay Cheska. "Anong sabi mo?! Lumalaban kana ngayon ha?" Akmang sasampalin ni Cheska ang dalaga ngunit mabilis itong nasalag ni Nathalie. "Ang tingin mo ba talaga sa akin ay mahina ako? Subukan mo akong saktan. Sinasabi ko sa 'yo pilay ka mamaya." Pananakot niya sa babae. "Argh! Humanda ka sa akin. Kung hindi lang naghihintay sa akin si Rafa ay papatulan talaga kita. Bwesit ka!" Sigaw nito bago bumaba sa hagdan. Nasaktan si Nathalie sa kanyang narinig pero ano nga bang magagawa niya. Wala siyang magagawa kung nakakamabutihan na ang dalawa. Umakyat na lang siya sa kanyang silid at nag-ayos ng kanyang sarili. Isang simpleng bestida ang kanyang napili. "Ito na ulit ang buhay mo, at kailangan mong sumunod. Balik ka sa dating si Nathalie, ang Nathalie na sunod-sunuran." Kausap niya sa kanyang sarili sa salamin. Alas siyete ng gabi dumating si Jerome. Namangha ito sa simpleng ayos nang dalaga. Lumapit siya at akmang hahalikan niya ito pero umiwas si Nathalie. "Sorry, hindi pa ako ready." Mahinang sabi niya sa lalaki. "I understand, c'mon." Pekeng ngiti ni Jerome pero sa loob niya ay nais nitong halikan ang dalaga. Pinigilan niya ang kanyang sarili dahil baka magalit ito sa kanya o matakot at tumakas na naman. Hangga't kaya niyang intindihin ito ay gagawin niya. Naging tahimik ang biyahe ng mga ito. Wala namang interes si Nathalie na makipag-usap sa binata. Alam rin niya na pinagnanasaan siya nito. Pasimple kasi nitong nilalagay ang kamay nito sa kanyang legs. Kaagad rin niya itong tinatanggal. Pumasok sila sa isang sosyal na restaurant. Naiilang man ay hinayaan niyang hawakan ni Jerome ang kanyang baywang. Hindi na nagprotesta si Nathalie dahil wala rin naman siyang magagawa. Sinamahan sila ng waiter at dinala sa magiging table nila. "What's your order babe?" Tanong ni Jerome sa dalaga. Namili naman si Nathalie at sinabi niya ang nais niyang kainin. Habang naghihintay sa kanilang pagkain ay nagpaalam si Jerome na pupunta lang sa banyo. Hinayaan naman niya ito. Inabala na lang niya ang kanyang sarili sa social media. Dumating na ang pagkain nila pero wala pa rin si Jerome. Napabuntong hininga na lang siya dahil ang tagal naman nitong bumalik. Inip na inip na siya at mas nais pa niyang umalis para puntahan ang kanyang mommy. Samantala sa isang banyo sa restaurant ay pinapaligaya si Jerome ng isang babae. Pagpasok pa lang nila ni Nathalie ay napansin niya kaagad ang isang babae. Alam niya ang uri ng tingin nito kaya kaagad siyang nagpaalam sa kanyang fiance. Sa totoo lang ay nag-iinit siya kay Nathalie pero ramdam niya na mailap ito sa kanya. Kaya ibinuhos niya sa babae ang lahat ng gigil niya sa dalaga. "Ahhh! J-Jerome...." Mahinang halinghing nito kahit na ito pa ang guamgalaw sa kanilang dalawa. Napakaupo sa kandungan niya ang babae. At mabilis na nagtaas baba. Alam niya na malapit na siya kaya pinatigil niya ang babae. Ipinalit niya ang bibig nito. Game na game naman ang babae sa nais ni Jerome. Dahil mabilis nitong isinubo ang sandata ng binata. Halatang sanay na sanay ang babae sa kanyang ginagawa. Ilang sandali pa ay inilabas ni Jerome ang kanyang mainit na katas sa bibig ng babae. Kaagad nitong inayos ang sarili at bumalik sa table nila ni Nathalie na para bang walang nangyari sa loob ng banyo. Nakita niyang mukhang naiinip na ang dalaga kaya kaagad silang kumain. Habang pinagmamasdan niya ang dalaga ay lalo siyang natatakam dito nakapaka-inosente ng mukha nito. Ini-imagine niya ang magandang mukha nito habang nakikipags*x sa kanya. Bumalik lang siya sa tamang wisyo ng marinig ang boses ng babae na palagi niyang ginagamit. "Hi Jerome, dito pala kayo nagdate nang pinsan ko?" Bigalang dumating si Cheska. Hindi ito nag-iisa dahil kasama nito si Rafa. Kaagad namang umiwas ng tingin si Nathalie sa binata. "Nagdate lang kami ng Fiance ko," sagot ni Jerome sabay hawak sa kamay nang dalaga. "Kami rin, nagdate rin kami ng boyfriend ko." Malawak ang ngiti na sabi ni Cheska. Hindi naman 'yon inaasahan ni Nathalie. Nagpaalam na ang dalawa at pumunta sa kabilang table. Parang hindi niya kayang lunukin ang kinakain niya dahil sa narinig niya. Kung sabagay pareho pala ang mga ito kaya bagay sila. 'Yon ang nasa isipan niya. Nagpa-alam siya kay Jerome na pupunta lang sa restroom dahil biglang sumakit ang tiyan niya. "Samahan na kita babe." "H'wag na dito ka na lang. Masakit kasi ang tiyan ko." Pagdadahilan niya sa lalaki. "Okay fine, if you need anything just call me." Ngumiti lang siya sa lalaki. Mabilis siyang pumasok sa loob ng banyo. At totoo niyan nais lamang niyang magkulong dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga kapag nasa paligid si Rafa. Pilit niya kasi itong iniiwasan. Lalo na ngayon na kasintahan na ito ng kanyang pinsan. Mas makabubuti rin na iwasan niya ito dahil ikakasal na siya. Kahit hindi niya mahal si Jerome ay naisip niya na baka matutunan rin niya itong mahalin. "Nat, let's talk. Alam ko nand'yan ka," nabigla siya dahil narinig niya ang boses ni Rafa na nasa labas ng pintuan. Binuksan niya ang pinto pero bigla itong pumasok. "Anong ginaga—" Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na tapusin ang sasabihin niya dahil siniil na ni Rafa ang kanyang labi. Nagulat si Nathalie at hindi niya ito inaasahan. Pumatak ang luha sa mga mata niya at kaagad niyang itinulak si Rafa. "Ano bang ginagawa mo?" Umiiyak na tanong niya sa binata. "I miss you," puno ng sinseridad na sabi ni Rafa sa kanya. "Bakit mo ako hinalikan? Boyfriend ka ng pinsan ko at nasa labas lang ang fiance ko. Sana 'wag mo na itong gawin ulit." Lakas loob na sabi niya sa binata habang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Akmang lalabas na si Nathalie ng biglang nagsalita si Rafa. "Magpapakasal ka ba talaga sa kanya?" Tanong nito sa dalaga gamit ang malungkot na boses. "Oo, wala rin naman akong magagawa. Saka matutunan ko rin naman siyang mahal—" Nagulat siya dahil bigla siyang niyakap ni Rafa. Napapikit na lang siya sa ginawa nito. Maraming tanong ang nasa isipan ni Nathalie pero ni isa ay wala siyang naisatinig sa binata. "H'wag kang magpakasal sa kanya." Bulong nito sa kanyang tainga. "Huwag mo rin akong paglaruan. Mas bigyan mo ng atensiyon ang pinsan ko. Dahil siya naman talaga ang kasintahan mo. Ayoko ng pakipaglaro sa 'yo Rafa. Kaya tigilan mo na ako." Sabi niya bago siya lumabas sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD