Hindi inaasahan ni Nathalie na darating ang daddy niya.
"Hindi ko na pala kailangan na hanapin ka dahil kusa kana pa lang pupunta dito," natatawang sabi ni Arthur sa kanyang anak.
"D-Daddy," natatakot na sambit ni Nathalie sa kanyang daddy.
"Ang laki ng pinagbago mo anak. Siguro ay handa kana ngayong magpakasal. Sigurado ako na lalong mahihibang sa 'yo si Jerome." Nakangising saad ni Arthur sa dalaga habang pinagmamasdan ang kanyang anak.
"Bugart, tawagan mo kaagad si Jerome at Cheska." utos nito sa kanyang tauhan.
Kahit si Arthur ay hindi makapaniwala sa laki ng pinagbago ng kanyang anak. Ang pakiramdam ni Arthur ay bigla siyang nanalo sa lotto dahil sa wakas nahanap na niya ang anak niya. At matutuloy na ang tulong na kailangan niya. Sigurado na ang pagkapanalo niya sa eleksiyon.
"Daddy, ayoko ko pong magpakasal sa kanya." Umiiyak na sabi ni Nathalie.
"Sa ayaw at gusto mo, magpapakasal ka sa kanya. Sundin mo ako dahil malilintikan kana talaga sa aki—"
Hindi natapos ni Arthur ang sasabihin niya dahil biglang dumating si Cheska. Hindi ito nag-iisa dahil kasama nito si Rafa. Mukhang nagtataka ito dahil naroon ang babaeng kinaiinisan niya.
"Daddy, bakit nandito ang babaeng 'yan?" Tanong ni Cheska sa kanyang tiyuhin.
"Hindi mo ba nakikilala ang pinsan mo Cheska? Siya si Nathalie," nakangiting Pakilala ni Arthur.
"Ikaw si Nathalie? Kaya pala ang lakas ng loob mong saktan ako." Hindi makapaniwalang tanong ni Cheska sa babae. Pinipigilan lang ni Cheska ng kanyang sarili kahit na gustong-gusto nitong saktan si Nathalie.
Hindi sumagot si Nathalie at patuloy lang ito sa pag-iyak. Ilang sandali pa ay dumating bigla si Jerome. Mabilis itong lumapit kay Nathalie at niyakap nito ang dalaga. Hindi naman ito inasahan ni Nathalie
"Saan ka galing? Okay ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong nito sa dalaga.
Hindi sumagot ang dalaga at patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Nang dumako ang tingin ni Nathalie kay Rafa ay nakita niyang nakakuyom ang mga kamao nito. Para itong galit , pero bakit naman ito magagalit? Kung kanina ay nakikipaghalikan pa ito sa pinsan niya.
"Wala ng problema, tuloy na ang kasal." Nakangiting sabi ni Arthur sa binatang si Jerome.
"Finally," nakangiting sabi ni Jerome.
"J-Jerome, magpapakasal ako sa 'yo. Pero puwede bang hintayin mo na natin na gumising si mommy. Please, kapag nagising siya. Magpapakasal ako kaagad sa 'yo." Umiiyak na pakiusap ni Nathalie wala na siyang dahilan para magmatigas pa.
"Nathalie, ano ba 'yang mga pinagsasabi mo?" Naiinis na tanong ni Arthur sa kanyang anak.
"It's okay, hindi naman ako nagmamadali. Ang mahalaga ay maikasal kami ni Nathalie. Mas okay para makapili siya ng mga gusto niya para sa wedding namin. Diba babe?" Nakangiting sabi ni Jerome.
"Rafa, uuwi kana ba?!" Tanong ni Cheska sa binata.
Napatingin si Nathalie sa binata. Hindi niya alam na nakatingin pala ito sa kanya habang walang mababanaag na emosyon sa mga mata nito. Kaagad rin lumabas ang binata at hindi sumagot sa tanong ni Cheska.
"Cheska, anong ginagawa ng isang Blake dito?" Tanong ni Jerome sa babae.
"Relax, nagkita lang kami sa labas. He's my new friend Sumabay lang siya sa akin," Nakangiting sagot nito sa binata.
"I need to go now," paalam ni Jerome.
"Okay, iho next time natin pag-usapan ang tungkol sa kasal. Hindi na aalis ang anak ko. Makakaasa ka na matutuloy na ang kasal niyo." Sabi nang ama ni Nathalie sa lalaki.
"Dapat lang, Dahil hindi ko rin siya papakawalan. Aalis na ako babe," paalam ni Jerome sa dalaga.
Pakiramdam ni Nathalie ay masusuka siya sa pagtawag sa kanya nang lalaki ng babe. Nagagalit siya sa sarili niya dahil sa pagiging padalos-dalos niya. Hindi siya sumagot sa lalaki. Umalis si Jerome na naiinis, sinusubukan niyang maging mabait sa dalaga. Hindi siya makapaniwala na sobrang ganda na nito ngayon. Kaya pala nahirapan ang mga ito na hanapin dahil para itong isang beauty queen. Lalo siyang nahihibang sa babae. Kaagad nitong tinawagan ang isa sa mga babae niya para mailabas ang init na nararamdaman niya sa dalaga.
"Hahayaan kita sa hiling mo dahil pumayag si Jerome. Pero 'wag na 'wag mo akong gagalitin. Magiging malaya ka sa ngayon basta tuparin mo lang ang pangako mo na magpapakasal ka. Nagkaintindihan ba tayo?" Tanong ni Arthur sa kanyang anak.
"O-Opo daddy," sagot ni Nathalie sa kanyang daddy.
"Cheska, umuwi na tayo." Yaya nito sa kanyang pamangkin.
"Okay po daddy," sagot naman ni Cheska habang may malawak na ngiti sa labi.
"Sa bahay ka umuwi, dahil kung hindi ikukulong kita at hindi mo makikita ang mommy mo." Pagbabanta nito sa anak.
"Opo," sagot naman ni Nathalie.
Nang makaalis ang magtiyuhin ay naiwan si Nathalie na nakatulala habang nakatingin sa kanyang mommy.
"Mom, mahal na mahal po kita. Gumising kana po, kailangan kita. Kailangan kita sa tabi ko." Umiiyak na kausap ni Nathalie sa kanyang ina.
Pero lingid sa kaalaman ng lahat na gising na talaga si Lora at naririnig niya ang kanyang anak. Naawa siya pero kailangan niyang magpagaling pa para magkaroon siya ng lakas na matulungan ang kanyang anak. Narinig rin niya ang lahat ng pag-uusap ng mga ito kanina. Kaya mas lalong ayaw ni Lora na ipaalam na gising na siya dahil kaagad na ipapakasal ang kanyang anak.
Nasasaktan siya tuwing kinakausap siya nang kanyang anak. Gustuhin man niyang yakapin ito pero mas pinili niyang magpanggap para na rin sa kinabukasan ng kanyang anak. Alam niya na kayamanan lang niya ang nais nang sakim niyang asawa.
"Mommy, handa akong magpakasal basta gumaling ka lang. Siguro ay kailangan ko ng tanggapin ang kapalaran ko. Ang ikasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Papanindigan ko ang mga sinabi ko kanina. Wala naman akong magagawa pa." Kausap pa rin ni Nathalie sa kanyang ina.
Samantala ay sunod-sunod ang ginawang pagtungga ni Rafa sa bote ng alak. Kasalukuyan itong nasa condo niya. Galit na galit siya. Ang buong akala niya ay maayos na sila ng dalaga pero bigla na lang itong magpapakasal. Alam niya na may mali siya dahil hinayaan niyang halikan siya ni Cheska pero nagulat lang rin si Rafa sa bilis ng pangyayari.
( Flashback )
Kakatapos lang maligo ni Rafa. Narinig niyang may nagdoorbell kaya kaagad siyang lumabas para silipin kung sino ang tao sa labas.
"Hi," bati ni Cheska at kaagad siyang hinalikan nito sa labi.
Nagulat siya kaya itinulak niya ito kasabay no'n. Nakita niya ang papalayong si Nathalie.
"Bakit mo ginawa "yun?" Naiinis na tanong nito sa babae.
"Sorry, hinndi ko sinasady—"
"Don't do that again." Sabi niya sa babae at pumasok na siya sa silid niya para magbihis.
Paglabas ni Rafa ay kaagad na tumayo si Cheska sa couch at mukha itong nagmamadali.
"Rafa, I need to go to the hospital. Nandoon na daw ang pinsan ko." Paalam ni Cheska sa binata.
"Sasama ako, pupunta rin ako sa pinsan ko."
At sabay na pumunta sa ospital ang dalawa. Pagpasok nila Rafa ay parang nais niyang yakapin ang babae dahil umiiyak ito. Palagi na lang kasi itong umiiyak. Naawa lang siya at wala 'yon ibang dahilan. Tanging awa lang kaya nga niya ito tinutulungan. Pero hindi niya inaasahan na papayag ito kaagad na magpakasal kay Jerome.
( End of flashback )
"Akala ko ba ayaw mong magpakasal doon? Pero bakit?" Wala sa sariling bulalas ni Rafa. Nagpakalasing siya hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Kinabukasan ay maaga pa rin pumasok si Nathalie sa kanyang trabaho. Puyat siya at matamlay ang pakiramdam niya. Hinayaan siya ng kanyang daddy. Una niyang nakita si Rafa pero hindi niya ito pinansin. Nilagpasan niya lang ito. Hindi nakaligtas ang pagpatak ng kanyang mga luha pero kaagad din niya itong pinunasan. Siguro ay kailangan na niyang kalimutan ang binata.
"Okay ka lang ba Nat?" Tanong sa kanya ni Trina.
"Okay lang ako sissy," sagot naman niya sa kaibigan.
"Mukha kang pagod? May nangyari ba? Wala ka kagabi sa event?" Nagtatakang tanong ni Trina sa kanyang kaibigan.
"Binisita ko kasi ang mom ko sa hospital. Sorry ha, pero okay lang talaga ako."
"Basta kapag kailangan mo kami nandito lng kami. Kapag handa mo ng sabihin sa amin ay makikinig kami sa 'yo."
"Thank you sissy," nakangiting sabi ni Nathalie sa kanyang kaibigan.
Para kay Nathalie ay mas mabuti na walang alam ang mga ito. Alam kasi niya na may mga problema rin ang mga ito at ayaw niyang dagdagan pa ng promblema niya.
Buong araw na naging abala sa pagtatrabaho ang dalaga. Pagsapit ng uwian ay dumiretso ito papunta sa hospital para bisitahin ang kanyang mommy.
"Hi mom, kumusta po? Kakagaling ko lang po sa work. Hindi pa ba sumasakit ang likod niyo? Gumising kana po," Kausap ni Nathalie sa kanyang mommy.
Nasasaktan siya na nakikita ang kanyang mommy na nasa ganitong kalagayan. Pero wala naman siyang magawa. Lumipas ang mga araw ay naging tahanan na niya ang hospital.
"Malapit na ang eleksiyon. At kapag hindi pa gumising ang mommy mo. Kailangan mo nang pakasalanan si Jerome." Sambit ng daddy niya sa kanya.
"Alam ko po 'yun daddy. Gagawin ko po ang lahat ng gusto niyo. Pero sana po ay isipin niyo rin mommy."
"Mabuti naman kung ganu'n. Pero ano bang magagawa ko kung ayaw pang guumising ng mommy mo?" Saad nito bago lumabas silid.
Naiwan si Nathalie kasama si Cheska.
"Magpapakasal ka lang naman pala. Masyado mo lang pinahirapan an sarili mo. H'wag kang mag-alala masarap naman ang magiging asawa mo pero mas masarap si Rafa ko." Nakangising sabi nito bago lumabas.
Hindi maiwasan ni Nathalie na masaktan. Pero ano nga ba ang aasahan nito kay Rafa. Sa taglay na kagandahan ni Cheska ay hindi malabong sunggaban ito ni Rafa. Naghalikan na nga sila kaya malabong hindi sila mags*x. Matagal na itong babaero at ang lahat ng nangyari sa kanila ay laro lang. Umiiyak ito dahil minahal niya kaagad ang binata. Natatakot siya dahil paano kong mahalin ni Rafa ang pinsan niya? Ano ang magiging buhay niya sa kamay ni Jerome kapag kasal na sila?