Tanghali na nagising si Nathalie napasarap ang tulog niya. Bumagon na siya para maligo. Balak niyang sa mall na lang kumain ng tanghalian.
Sumakay sa jeep si Nathalie papunta sa sa isang mall. Kumain muna ito sa isang sikat na fastfood chain. Nais rin kasi ni Nathalie na magtipid para may pera siya habang hindi pa siya nakakapagsahod.
Sarap na sarap si Nathalie sa mga pagkain na inorder niya. Naalala niya isang beses lang siyang nakakain sa ganitong kainan. Ang lahat kasi ng mga galaw niya ay laging may nakabantay. Ngayon niya naiisip kung paano ba siya nakasurvive sa ganoong sitwasyon.
No'ng matapos na si Nathalie kumain ay pumunta na siya sa isang sikat na store. Oo mahal ang presyo ng mga damit pero magandang klase naman at pangmatagalan. Namili siya ng mga damit na puwede niyang isuot sa pagpasok sa opisina. Namili na rin siya ng puwedeng pambahay at pang-alis niya.
Abala sa pamimili si Nathalie ay hindi niya napansin na may lalaking papunta sa direksiyon niya.
"Aray!" Napahawak si Nathalie sa kanyang noo. Dahil nabangga siya sa dibdib nang lalaki. Ang tigas kasi nito.
"Sorry po Sir," hingi ng paumanhin ni Nathalie sa lalaki.
"Tsk!" asik nang lalaki sa kanya.
Dahil sa narinig niya ay hindi maiwasan ni Nathalie na tumingin sa lalaki. Naiinis kasi siya sa naging sagot nito.
Pero nanlaki ang mga mata ni Nathalie dahil sa kanyang nakita. Nasa harapan lang naman niya ang lalaking ubod ng gwapo. Ang buong akala ni Nathalie ay si Luke na ang pinakagwapo sa lahat pero ito nasobrahan yata sa kagwapuhan.
"Are you okay Miss?" Tanong nito sa kanya.
"Shet! Ang ganda ng boses," saad ni Nathalie sa kanyang sarili.
"Miss, Miss you're blocking my way. Puwede ba tumabi ka!" Supladong sabi no'ng lalaki.
"Kuya, ano po name mo?" Wala sa sariling tanong ni Nathalie.
Napakuno't noo naman ang lalaki sa naging tanong ni Nathalie.
"Bakit mo tinatanong?"
"Ang gwapo niyo po kasi. Puwede ko po ba malaman ang pangalan niyo?" Tanong ulit ni Nathalie sa lalaki, biglang nawala ang pagiging mahiyain nito. Pero nasobrahan naman yata siya dahil hindi na ito tinatablan ng hiya.
"Hindi ako mahilig sa bata kaya wala kang maaasahan sa akin," sabi nang lalaki kay Nathalie.
"Hindi na po ako bata kuya. Twenty three na po ako. Ang damot mo naman pangalan lang naman hinihingi ko sa 'yo." Nakangusong sabi ni Nathalie sa lalaki.
Hindi naman maiwasan nang lalaki na mapalunok habang nakatingin sa magandang mukha nang babae. Bumagay kasi kay Nathalie ang kanyang nerdy looks. Sa totoo lang ay ngayon lang nakatagpo ang lalaki ng nerd na maganda.
"Rafa!"
May tumawag sa lalaki at kilalang-kilala ni Nathalie ang boses na 'yon. Si Cheska iyon ang pinsan niya. Nataranta si Nathalie kaya agad siyang pumasok sa dressing room.
Naiwan namang nagtataka si Rafa sa kinilos ng babae. Pero binalewala niya na lang ito. Sinalubong niya si Cheska. Ang kanyang kaibigan. Isa sa nakasama niya noong nakaraan sa isang pool party.
"Dito ka rin pala Rafa? Sabi ko na nga ba , tama ako dahil ikaw talaga ang nakita ko. Tara coffee muna tayo," yaya ni Cheska sa binata.
"Okay, pero mauna kana may kailangan lang akong gawin," sabi ni Rafa kay Cheska.
"Okay, hintayin kita sa labas." Nakangiting sabi ni Cheska bago lumabas sa store.
Mabilis namang lumapit si Rafa sa dressing room. Kinatok niya ito, ilang sandali pa ay binuksan ni Nathalie ang pinto.
"K-Kuya, bakit po?" Nauutal na tanong ni Nathalie. Natatakot kasi siya na baka nasa paligid pa si Cheska. Panay rin ang dungaw niya para silipin ito.
"Wala na si Cheska. Hindi ko alam kung ano ang meron sa inyo pero nakalabas na siya. By the way, I'm Rafa, Rafael Blake." Pakilala nito kay Nathalie.
"Nathalie po," nakilala naman nang dalaga sa lalaki.
Lihim namang napangiti si Nathalie dahil sa wakas ay nakilala niya ang pangalan nang gwapong nilalang na ito na nasa kanyang harapan.
"I gotta go now," paalam ni Rafa kay Nathalie.
"Bye po, ingat po kayo."
"Ikaw rin, ingat ka rin dahil tatanga-tanga kapa naman." Pahabol na sabi ni Rafa sa dalaga bago ito lumabas. Unti-unti namang nawala ang magandang ngiti ni Nathalie sa kanyang narinig kay Rafa.
Gwapo sana pero hindi maganda ang tabas ng dila nito.
"Tsk! Sa 'yo na lang ang pangalan mo. Hindi naman maganda eh. Hindi bagay sa 'yo!" Naiinis na sabi ni Nathalie kahit na wala na sa kanyang harapan si Rafa. Tinapos na ni Nathalie ang pamimili para makauwi na. Ayaw na rin kasi ni Nathalie na magtagal pa sa mall dahil baka makita siya ni Cheska at isumbong pa siya sa kanyang daddy.
Pagkauwi ni Nathalie sa kanyang tinutulayan ay inayos niya ang kanyang mga gamit. Nagtake-out na lang rin ito para sa kanyang hapunan. Kinagabihan ay nakaharap si Nathalie sa salamin na kanyang binili kanina.
Tinanggal niya ang kanyang salamin. Napahawak siya sa kanyang buhok. Pinagmasdan ni Nathalie ang kanyang sarili hindi puwedeng manatili siya sa ganitong itsura. Mabilis niyang kinuha ang gunting at sinimulang gupitin ang mahaba niyang buhok.
Habang ginugupit ni Nathalie ang buhok niya ay hindi niya maiwasang hindi umiyak. Ngayon nagsink-in sa isipan niya ang lahat. Ang lahat ng ginawa ng kanyang mommy para sa kanya.
Naalala ni Nathalie na tuwing gabi ay ang kanyang mommy ang nagsusuklay sa kanyang buhok. Kahit na malaki na siya ay palagi nito itong ginagawa.
"Mommy, sorry po. Pangako babalikan ko kayo. Mag-iipon lang po ako ng tapang at lakas ng loob para umuwi. Hintayin niyo po ako mommy," umiiyak na sabi ni Nathalie. Natapos na niyang gupitan ang kanyang buhok.
Maikli lang ang natira at talaga namang bumagay sa kanya. Pumili siya ng contact lens na babagay sa kanya. Nang makapili na ito ay kaagad niya itong inilagay sa kanyang mga mata.
"Simula ngayon ay hindi na ikaw si Nathalie na walang kwenta , na walang silbi. Ikaw na si Nathalie, ang Nathalie na susubukang lumaban. Kaya natin 'to." Nakangiting kausap ni Nathalie sa harap nang salamin. Masaya si Nathalie sa kanyang pagbabago.
"Bukas na ang simula nang bago mong buhay. Ang bagong Nathalie."