Chapter 5

1420 Words
"Pasalamat ka buhay ka pa. Ano kayang magiging reaksiyon ng anak mo kapag nakita ka niya na nasa ganyang kalagayan? Pero mas okay ito kasi mas lalo kang nahihirapan hahaha!" Kausap ni Cheska sa mommy ni Nathalie na ngayon ay comatose. Nagbubunyi ito sa nangyari kay Lora na siya ring may gawa. Walang may alam na si Cheska ang nagtulak sa Ginang. Lumabas na si Cheska na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Iniisip nito na mas okay na hindi pa ito namatay kaagad. Masaya siya dahil malaya na niyang magagawa ang mga gusto niya. Sa ngayon ay kailangan niyang makuha ang loob ni Rafa. Sa buong buhay ni Cheska ay ngayon lang siya nahibang sa iisang lalaki. Kahit si Jerome ay walang panama kay Rafa. Lahat na yata ng hinahanap ni Cheska sa isang lalaki ay nakita niya kay Rafa. Lalo na nalaman niya na mayaman ito ay tumindi ang kagustuhan niyang mapasa kanya ang lalaki. Nagbihis ng sexy dress si Cheska. Nais niya itong akitin. Alam niyang babaero kaya alam ni Cheska na hindi ito tatanggi kapag siya na lalapit. Sa ngayon ay kailangan nitong magpanggap na anghel sa harapan ng lalaki. "Perfect! Tignan ko lang kung hindi ka maglaway sa akin Rafa. Napapasa'kin ka rin," kausap ni Cheska sa salamin bago lumabas sa kanyang silid. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Arthur kay Cheska. "Sa mall lang po," malambing na sagot nito sa matanda. "Okay, umuwi ka kaagad." "Opo, uuwi po ako kaagad daddy." Malambing pa rin na sagot ni Cheska kay Arthur sabay halik dito. Umalis rin kaagad si Cheska. Napangiti naman ang matanda. Ito ang nagustuhan ni Arthur kay Cheska dahil malambing ito at masunurin sa kanya. Hindi katulad ng kanyang anak. Hanggang ngayon ay pinapahanap niya pa rin ito. Hindi puwedeng hindi maikasal si Nathalie kay Jerome. Sa pamilya ni Jerome nakasalalay ang kanyang pagkapanalo sa kampanya. Hindi siya maaaring mabigo. Naging sunod-sunuran siya sa mga ito kahit na labag sa kanyang kalooban. "Anong balita? Hindi niyo pa rin ba nakikita ang anak ko? Hindi kayo puwedeng bumalik dito na hindi siya nahahanap!" Sigaw na naman ni Arthur sa kanyang mga tauhan. "Hahanapin po namin siya boss," sagot naman ng mga ito sa kanilang amo. "Dapat lang dahil kung hindi malilintikan kayo sa akin! Gawin niyo ang trabaho niyo kung ayaw niyong paglamayan kayo kaagad!" Galit na banta ni Arthur sa kanyang mga tauhan. Stress na si Arthur dahil sunod-sunod na ang problema niya. Dumagdag pa ang walang silbi niyang asawa. Kung hindi lang dahil sa kayamanan nito ay hinding-hindi niya ito papakasalan. Kailangan lang niya magtiis dito hindi niya puwedeng hayaan ito. Kung si Arthur lang ang masusunod ay talagang mas nanaisin pa niya na mamatay na ito. Maaga namang gumising si Nathalie para maghanda para sa kanyang unang araw sa trabaho. Kasalukuyan siyang nakaharap sa salamin. Wala na ang salamin niya sa mata at mahaba niyang buhok. Bumagay sa kanyang mukha ang maiksing buhok niya. Naglagay rin ito ng make-up na lalong nagbago sa awra. Ibang-iba na siya, kahit si Nathalie ay hindi niya makilala ang kanyang sarili. Walking distance lang ang Blake Company kaya may time pa siya para mag-almusal. Pagkatapos niyang kumain ay lumabas na siya sa kanyang apartment. Medyo nahihiya si Nathalie dahil nakatingin sa kanya ang mga tao sa daan. Pero dahil gusto niya ng bagong simula ay pinilit niyang maging confident sa kanyang sarili. "Miss, artista po ba kayo?" Biglang tanong nang isang lalaki kay Nathalie. "Naku, hindi po kuya." Kaagad na sagot ni Nathalie sa lalaki. "Ang ganda niyo po kasi eh." "Salamat po," nakangiting sabi ni Nathalie bago napatuloy sa pagpasok sa building. Medyo nailang rin siya dahil kahit ang ibang empleyado ay nakatingin sa kanya. Mabilis siyang pumasok sa elevator. "Good morning, Ma'am." Bati ng ibang mga empleyado kay Nathalie. Nahiya naman ito dahil ang buong akala ata ng mga ito ay related siya sa mga boss. "Good morning rin po sa inyo." Nahihiyang bati nito sa mga nakasabay niya. Yumuko na lang si Nathalie dahil naging agaw atensiyon pa siya ngayon sa company. Pagbukas ng elevator ay kaagad itong lumabas at pumunta sa department niya. Binati niya ang mga kasamahan nila. Naging kumportable kaagad si Nathalie dahil mabait ang mga ito. Katunayan ay may naging kaibigan na siya kaagad. Si John at Trina. "Sis, sama ka ba sa amin mamaya?" Tanong ni John kay Nathalie. "Ha? Saan naman sis?" Tanong naman ni Nathalie dito. "Sa bar, gigimik lang kami." "Eh, monday pa lang ngayon diba? Puwede bang sa friday na lang?" "Sige sis, sa friday ha. H'wag kang mawawalan ha." "Sige, sige." Masayang sabi ni Nathalie. Ito ang nais niyang buhay ang malaya at nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin. Hindi niya maiwasang malungkot. Dahil naalala nito ang kanyang mommy. "Kumusta kana kaya mom? Babalik po ako at kukunin kita," saad ni Nathalie sa kanyang sarili. Saktong alas singko ang uwian nila Nathalie pero hindi muna siya umuwi. Pumunta muna ito sa isang mall. Nais niya kasing doon na lang kumain. Habang naglalakad si Nathalie ay may nakabangga siya. "Bulag ka ba? O tanga ka?! Tignan mo nadumihan na ang damit ko!" Galit na galit ito. "Bakit ganyan ka makatingin? Bwesit ka! Bayaran mo ito!" Galit na sigaw ni Cheska kay Nathalie. Hindi nakilala ni Cheska si Nathalie dahil ibang-iba na ang mukha nito. "Hindi ko kasalanan kung tanga ka. At bakit ko naman babayaran 'yan. Wala naman akong kasalanan sa 'yo!" Kalmadong sabi ni Nathalie sa kanyang pinsan. "Anong walang kasalanan? Ikaw ang bumangga sa akin. Ang sabibin mo wala kang pera!" Sigaw pa ulit ni Cheska habang namumula na sa galit. "Oo mahirap lang ako, P-O-O-R-I-T-A. Alam mo ba 'yun o hindi. Bahala kana nga d'yan. Mayaman ka naman kaya palitan mo na lang ang suot mong basahan." Pagkasabi ni Nathalie ay kaagad siyang tumalikod. Pero hindi pa nakaalis si Nathalie nang may biglang tumama sa likuran niya. Binato pala ito ni Cheska ng hawak nitong paperbag. Hindi na sana papansinin ni Nathalie pero sadyang naghahanap talaga ng away ang magaling niyang pinsan. "Napakademonyita talaga," pabulong na sabi ni Nathalie "May sinasabi ka? Alam mo bayaran mo na lang ako, kung ayaw mong ipapapulis kita." Pagbabanta pa ni Cheska. "What's happening here?" Biglang nagulat si Nathalie dahil nasa harapan na niya si Rafa. Nagkatinginan sila pero naunang uniwas si Nathalie. "That girl binangga niya ako kaya natapon ang drinks ko sa damit ko," umiiyak na sumbong ni Cheska sa binata. Napairap naman si Nathalie dahil lahat na yata ng talent ay napunta kay Cheska. Tumingin si Rafa kay Nathalie. "Wala naman po akong kasalanan kuya, siya nga itong bumangga sa akin eh. Tapos pinapabayaran niya sa akin. Kasalanan ko po ba kung tanga siya." Sabi ni Nathalie sa binata. "Sinungaling ka! Narinig mo 'yun Rafa tinawag niya akong tanga." Umiiyak na sabi naman ni Cheska sa binata. "Miss, sana nagsorry ka na lang sa kanya." "Bakit naman ako magsosorry sa hindi ko naman kasalan?" Naiinis na sabi ni Nathalie kay Rafa. "Bayaran mo na lang ang damit niya," kalmadong sabi ni Rafa sa dalaga. "Ayoko nga! Saka wala akong pambayad sa kanya. D'yan na nga kayo!" Mabilis na nilisan ni Nathalie ang lugar. Naiinis siya kay Rafa. At kahit wala pa si Rafa ay never niyang babayaran ang damit nito. Kung hindi pa niya alam ay binili 'yun ng mommy ni Nathalie para sa kanya. Ibig sabihin ay kay Nathalie iyon. "Bruha talaga, pati gamit ko pinapakialaman na niya. Kulang pa siguro ang allowance na hinihingi niya kay daddy!" Naiinis talaga si Nathalie sa pinsan niya. Pero pasalamat si Nathalie dahil hindi siya nakilala ni Cheska. Dahil kung nagkataon ay baka sabihin pa nito sa daddy niya na nandito lang pala siya. Masasayang ang lahat ng tulong ng mommy niya kapag natagpuan na naman siya ng daddy niya. Hindi talaga kaya ni Nathalie na matali kay Jerome at sa pamilya nito na may mga ilegal na ginagawa. "Crush pa naman kita tapos kampi ka naman doon sa bruha. Sarap niyong pagbubulin mga bwesit!" Pabulong-bulong na sabi ni Nathalie habang naglalakad papunta sa isang kainan. Balak na nitong kumain dahil nagutom ito bigla sa inis sa kanyang pinsan. "Humanda ka kapag ako may lakas na ng loob na bumalik sa bahay. Papalayasin talaga kitang bruha ka." Kastigo ni Nathalie kay Cheska sa kanyang isipan. Nabusog si Nathalie kaya balak niya tumambay sa likod na bahagi mall. Habang naglalakad ito ay nagulat ito dahil may biglang humila sa kanya. "Anong kailangan mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD