Kinabukasan ay nagising si Nathalie na masakit aang ulo. Nagulat siya dahil nasa isang silid na siya. Sa tingin niya ay nasa isang hotel siya ngayon. Ang huli niyang naalala ay nasa bar siya kasama si Mr. Stranger, pumayag kasi siyang makipag-inuman dito.
Sinabi kasi ni Mr. Stranger na minsan nakakatulong ang alak para makalimutan niya ang kanyang problema. At dahil nacurios si Nathalie kung ano ang itsura nang bar ay sumama siya.
"Oh my gosh!" Agad na napatingin si Nathalie sa kanyang sarili.
Hindi ito makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Wala siyang suot na damit at biglang kumirot ang kanyang jewel. Napaiyak na lang si Nathalie sa nangyari. Hindi niya maalala ang buong detalye basta ang alam niya ay walang pilitan na nangyari.
"My god! Nathalie, ang rupok mo." Kausap niya sa kanyang sarili.
Masakit man ang nasa pagitan ng kanyang hita ay pinilit ni Nathalie na maglakad papunta sa banyo para maligo. Nagbabad siya sa maligamgam na tubig hanggang sa naginhawaan ang kanyang pakiramdam.
Paglabas nito galing sa banyo ay mabilis itong nagbihis ng damit. Biglang nahagip ng paningin ni Nathalie ang higaan. Nakita niya ang pulang marka. Patunay na tuluyan na niyang naisuko ang kanyang pinakakamamahal niyanh puri.
Pero wala naramdamang pagsisisi si Nathalie. Para sa kanya ay mas mainam na ibigay niya sa iba ang kanyang sarili kaysa sa lalaking nais ng kanyang ama. Kahit kailan ay hindi nanaisin ni Nathalie na makatalik si Jerome. Lumabas siya sa hotel at nag-abang ng masasakyan.
Ito rin ang isa sa mga natutunan niya ang sumakay sa jeep madalas kasi ay iniiwan si Nathalie ng sundo niya. Dahil na rin sa utos ni Cheska. Ang bruha sa lahat ng bruha. Kaya madalas ay galit na galit ang ama ni Nathalie sa kanya dahil na rin sa mga kasinungalingan na sinasabi ng kanyang pinsan.
Balak ni Nathalie na mangupahan. May sarili siyang pera at kumpleto na rin ang lahat ng requirements niya. Ang kailangan na lang niya ay hintayin ang mga email ng kumpanya na in-applyan niya.
May nakita si Nathlie na apartment malapit sa Blake Company. Sa totoo lang ay hinihintay na niya ang resulta ng kanyang application doon. Tumigil muna si Nathalie sa nagtitinda nang fishball. Bumili siya at umupo sa isang sulok habang nakatingin sa main entrance ng company. Kinakain rin niya ang kanyang binili na fishball.
"Sana makapasa ako d'yan. Gusto kong makita ang crush ko palagi." Masayang sabi ni Nathalie sa kanyang sarili. Oo may crush ito isang gwapong lalaki. Para sa kanya ay iyon na ang pinakagwapong nakita niya sa buong buhay niya.
Naubos ni Nathalie ang kinakain niyang fishball. Mabilis siyang pumunta sa apartment para mag-inquire. Isang backpack lang ang dala niya kaya hindi siya nahirapan kagabi.
"Kuya, saan po puwedeng magtanong tungkol dito sa apartment?" Tanong ni Nathalie sa guard.
"Pasok ka lang d'yan Miss," turo naman no'ng guard kay Nathalie. Naglakad si Nathalie papunta sa isang pintuan. Kumatok siya at kaagad na lumabas ang isang matandang babae.
Mabilis naman kausap ang may-ari ng paupahan. Kaya mabilis na nakalipat si Nathalie.
Pagkapasok ni Nathalie sa kanyang magiging silid ay kaagad siyang dumapa sa higaan. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang pagod. Pero nakaramdam siya ng inis sa epekto ng alak sa kanya.
"s**t! Sino ba kasi si Mysterious guy? Sa lahat pa ng hindi ko maalala ang mukha pa niya. Nakakainis naman dahil ganito pala epekto sa akin nang alak. Bakit wala akong maalala? Bakit? Kausap ni Nathalie sa kanyang sarili.
Nanghihinayang siya dahil hindi man lang niya namukhaan ang nakakuha nang vcard niya. Noong hindi pa kasi lasing si Nathalie ay never na tinanggal no'ng lalaki ang suot nitong sumbrero. Kahit nga mata nito ay hindi niya nakita.
"Sana naman ay pogi ka. Pero alam ko daks ka kasi hanggang ngayon ay masakit pa rin ang jewel ko." Wala sa sariling bulalas ni Nathalie.
Binuksan ni Nathalie ang kanyang phone. Ang phone na pinag-ipunan niya. Hindi niya dinala ang phone na binili ng daddy niya dahil alam niya na mahahanap siya nito kaagad.
Kaagad na binuksan ni Nathalie ang email niya. Nanlaki ang mata niya dahil may email galing sa Blake Company. Hired na siya at magsisimula na siya sa monday.
"Yes! Thank you Lord." Hindi niya mapigilan na tumalon pero napadaing siya bigla sa sakit.
"Sana bukas ay mawala na ang pamamaga mo." Kausap ni Nathalie sa kanyang kaselanan.
Walang paglagyan ang tuwa na nadarama ni Nathalie. Natulog siya para maipahinga ang katawan dahil bukas ay kailangan niyang bumili ng mga damit para sa kanyang pgpasok sa opisina. Alam rin ni Nathalie na hindi siya mahahanap ng kanyang daddy dahil hindi nito gusto ang mga Blake.
Samantala sa bahay nila Nathalie.
"Mga walang silbi! Hanggang ngayon ba ay wala pa rin kayong balita!" Sigaw ni Arthur sa kanyang mga tauhan.
"Boss wala po, hindi rin po kasi namin nakuha ang plate number ng sasakyan na sinakyan niya kagabi." Sagot ng isa sa mga tauhan no Arthur sa kanya.
"Mga walang silbi! Natakasan pa kayo! Mga bobo! Lumayas kayo sa harapan ko! Hindi kayo puwedeng magpakita hangga't hindi niyo nahahanap si Nathalie!" Galit na galit na sigaw ni Arthur sa kanyang mga tauhan.
"Yes, boss." Sabay-sabay na mga sagot ng mga ito kay Arthur.
Hindi puwedeng hindi niya maipakasal si Nathalie kay Jerome. Malaking pera ang ibibigay ng mga ito sa kanyang kampanya. Nais ni Arthur na magpatakbo bilang vice mayor sa kanilang lugar at ang pamilya ni Jerome ang makakatulong sa kanya.
"Honey, kumalma ka." Sabi ni mommy ni Nathalie sa kanyang asawa.
"Isa kapa, wala ka rin silbi! Hindi mo man lang napansin na nakatakas na ang anak mo! Puny*ta!" Galit na sabi ni Arthur sa kanyang asawa.
"Nakatulog kas—"
"Pak!"
Lumagapak ang kamay ni Arthur sa pisngi ng kanyang asawa. Hindi man lang natapos ni Lora ang kanyang sasabihin dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ng asawa.
"Kahit kailan wala kang silbi! Pareho kayo ng anak mo!"
Napahawak na lang sa kanyang pisngi si Lora. Palaging ganito simula noong magsama sila ay walang araw na hindi siya pinagbuhatan ng kamay nang kanyang asawa.
Sa loob ng mahabang panahon ay naging sunod-sunuran siya dito. Produkto siya ng arranged marriage. Hindi niya ito mahal pero hindi rin niya ito kayang iwan. Sa loob ng mahabang panahon ay mapamahal na si Lora sa kanyang asawa.
"Umalis ka harapan ko bago pa kita masaktan ulit!" Pagtataboy ni Arthur kay Lora.
Mabilis namang lumabas sa kanyang silid si Lora. Nakasalubong nito si Cheska na my malawak na ngiti.
"Alam mo pareho talaga kayo ng anak mo. Ano kayang nangyari sa anak mo? Sana nga hindi na siya bumalik dito eh. Wala naman siyang silbi." Nakangising sabi ni Cheska sa kanyang Auntie.
"Mas may silbi ng anak ko sa 'yo. Ikaw ang walang kwenta. Mas mabuti na hindi na bumalik ang anak ko dahil palagi na lang niyang inaako ang mga kasalanan mo. May araw la rin Cheska." Galit na sabi ni Lora sa babae.
"Ikaw rin bilang na ang mga araw mo dito. At sisiguraduhin ko na pati ikaw aalisin ko sa bahay na ito. Alam mo pasalamat ka dahil hanggang ngayon pinagtitiisan ka pa ni Uncle. Kasi kong ako siya matagal na kitang tinapon."
"Ang sama mo, napakabata mo pa pero ganyan kana. Hindi ako magtataka kung isang araw ay walang magmamahal sa'yo. Dahil hindi ka kamahal-mahal." Pagkasabi ni Lora ay kaagad siyang tumalikod para bumaba sa hagdan.
Mabilis namang sumunod si Cheska at malakas na itinulak si Lora sa hagdanan.
"Ahhh!" Sigaw ni Lora habang gumugulong pababa.
Ang ganda ng ngiti ni Cheska bago pumasok sa kanyang silid. Hindi na niya sinilip kung maayos pa ba si Lora.