Chapter 2

1584 Words
Ang buong akala ni Nathalie ay babanggain siya ng sasakyan na kanyang pinara. Mabilis na nakapreno ang driver ng sasakyan. "Fvck!" Hindi maiwasan ng lalaki na magmura habang nakatingin sa babaeng humarang sa gitna ng daan. Mabilis namang naglakad papunta sa may bandang driver seat si Nathalie, kinatok niya ang bintana ng sasakyan. "Tulong, tulungan niyo po ako. Please po," umiiyak na sabi nito habang walang tigil sa pagkatok sa bintana. "Ayon siya! Bilisan niyo!" Sigaw nang mga tauhan ng daddy ni Nathalie. Dahil nakita siya ng mga ito. Hindi pa rin binubuksan ng driver ang kotse kaya. Kinatok ulit ito ni Nathalie. Nanalangin siya na sana ay tulungan siya ng taong nasa loob ng sasakyan. "Parang awa niyo na po. Tulungan niyo po ako." Umiiyak ito habang panay ang katok sa sasakyan. Hindi siya tumitigil dahil umaasa si Nathalie na tutulungan siya nito. Habang ang lalaki sa loob ng sasakyan ay nakikiramdam pa sa babaeng kumakatok sa binatana ng kanyang kotse. Ayaw niya itong buksan dahil baka isa lang ito sa mga mudos. Pero noong nakita nito ang mga lalaking papalapit ay bigla niyang binuksan ang kotse. Alam niyang hinahabol no'ng tatlong lalaki ang babae. "Please p—" Hindi na natapos ni Nathalie ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang driver seat. Natumba pa siya pero mabilis rin siyang hinila ng lalaki papasok sa loob ng kotse. Pinaharurot na kaagad ng driver ang kotse habang nakadapa si Nathalie sa lap nang lalaki. "Maraming salamat po," umiiyak na pasasalamat ni Samantha sa lalaking tumulong sa kanya. Hindi naman nagsalita ang lalaki at patuloy lang sa pagmamaneho. Biglang huminto ang kotse. Inisang buhat lang nang lalaki si Nathalie papunta sa kabilang upuan. Inayos naman ni Nathalie ang sarili at humarap sa lalaki. "Sir, maraming salamat po. Hindi ko po alam kung papaano ko po kayo papasalamatan." Umiiyak pa rin na pasasalamat ni Nathalie sa lalaki. Nanatiling tahimik ang lalaki. Naging pagkakataon iyon kay Nathalie na tumingin sa lalaki. Unang napansin ni Nathalie ay ang suot nitong sumbrero. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil medyo madilim sa loob ng sasakyan. Nakaramdam siya ng kaba dahil tahimik lang ang lalaki. Pero nangibabaw ang saya dahil nakaalis na siya sa bahay nila at nakatakas na siya sa kanyang gahaman na ama. "Pasensiya na po kayo kung naabala ko po kayo. Pero maraming salamat po dahil iniligtas niyo po ako sa kanila. Hindi ko po alam ang gagawin ko. Hindi ko rin po alam kung saan ako pupunta ngayon. Sigurado ako na hinahanap na ako ng daddy ko, at pinapahanap na niya ako sa mga tauhan niya." Umiiyak si Nathalie habang nagkukwento sa lalaki. "Gusto mo bang uminom?" Biglang tanong nang lalaki. Sa wakas ay nagsalita na rin ito. Unang napansin ni Nathalie ay ang maganda nitong boses. "H-Hindi po ano nauuhaw," mabilis na sagot ni Nathalie sa lalaki. "I mean is uminom ng alak." Pagliwanag nang lalaki sa kanya. "Sa totoo lang po ay hindi ako umiinom ng alak," pag-amin ni Nathalie sa lalaki. "Edi uminom ka ngayon." Dagdag pa na sabi nang lalaki. "Okay lang kaya 'yon?" Tanong ni Nathalie at nagsisimula ng mag-usap ang dalawa. "Oo naman, kapag may problema ka minsan masarap rin ang uminom ng alak. Ano game ka ba?" Tanong sa kanya nang lalaki. "Baka malasing ako?" Nag-aalangan na tanong ni Nathalie. "Natural na malalasing ka. Don't worry hindi kita papabayaan." Assurance ng lalaki kay Nathalie. Biglang napaisip si Nathalie sa alok ng lalaki. Sa edad niyang ito ay hindi niya naranasan na uminom ng alak na nakakalasing. Never pa siyang nakapunta sa bar para makipagparty. Madalas nga ay naiinggit pa si Nathalie kay Cheska dahil mas pinapayagan pa ito ng daddy niya kaysa sa kanya na sariling anak nito. Parang ang lahat ay ipinagkait sa kanya nang daddy niya. "Sige, payag na ako. Huwag mo po sana akong pabayaan doon." "Don't worry, you're in good hands." Sagot ng lalaki kay Nathalie. Sa tono ng pananalita ng lalaki ay naramdaman ni Nathalie ang kapanatagan dahilan para magtiwala siya sa isang estranghero. "Salamat po, maraming salamat po." Paulit-ulit na pasasalamat ni Nathalie aa lalaki. Medyo matagal ang naging biyahe nila. Nilibang na lang ni Nathalie ang sarili niya sa mga tanawin sa daan. Madilim na pero may mga magagandang ilaw silang nadadaanan. Ngayon lang niya naalala bermonths na pala kaya talagang may mga parol at christmas lights na sa daan. Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan sa isang magandang hotel. Bumaba ang lalaki at umikot papunta sa kabila para pagbuksan ng pinto ng kotse si Nathalie. "S-Salamat," pasasalamat ni Nathalie. Pumasok sila sa loob ng hotel. Medyo kabado na si Nathalie dahil ang buong akala niya ay sa bar siya dadalhin nang lalaki pero dito pala sa hotel. "B-Bakit po tayo nandito?" Nauutal na tanong ni Nathalie sa lalaki. "Iinom tayo," sagot naman nito kay Nathalie habang patuloy sa paglalakad. "Pero hotel po ito." "Yeah, i know! Just follow me," medyo naiinis na sabi nang lalaki kay Nathalie. Nanahimik na lang ito at sumunod na lang sa lalaki. Ilang sandali pa ay pumasok sila sa elevator. Naging tahimik lang sila. Nais sanang titigan ni Nathalie ang lalaki pero masyadong nakatago ang mukha nito sa suot na black cap. Hindi man lang makita ang mga mata nito. Nakarating na sila sa 9th floor at mabilis na lumabas ang lalaki. Nakasunod lang si Nathalie rito. Hanggang sa pumasok ito sa isang pintuan na may mga lalaking nakabantay sa labas. Tahimik namang nakasunod si Nathalie sa lalaki. Kumunot ang noo ni Nathalie dahil may hagadanan pababa. Tumigil muna siya pero ang lalaki ay patuloy lang sa paglalakad. "Nandito kana Nathalie, hindi ka puwedeng umatras. Oo medyo creepy siya pero alalahanin mo iniligtas ka niya kanina," kausap ni Nathalie sa kanyang sarili. Naglakad na si Nathalie para sundan ang lalaki. Nagulat siya dahil nang matumbok niya ang pinakaibaba ng hagdan ay bumungad sa kanya ang isang lugar na maraming tao. May malakas na tugtugin at may nagsasayawan. Naamoy niya ang usok ng sigarilyo at amoy ng alak. Nakita niyang lumapit ang lalaki sa bar counter para mag-order ng alak. Umupo rin si Nathalie para umorder rin ng alak. Ang lalaki na ang namili para kay Nathalie dahil wala naman itong alam sa mga uri ng alak. Naturingan siyang mayaman pero hindi noya naranasan ang gumimik kasama ang mga kaibigan. "Cheers!" Panabay nilang sabi nang lalaki. Mabilis na ininom ni Nathalie ang alak. Inisang inom niya ito. Una niyang nalasahan ang tamis pagkatapos ay naging mapakla na ito. Humagod ang init sa lalamunan ni Nathalie hindi niya aakalain na ganito pala ang lasa ng alak. "First time mo bang uminom ng alak?" Tanong nang lalaki kay Nathalie napansin kasi nito na hindi sanay ang babae. "Oo, ngayon lang ako uminom. Pinagbabawalan kasi ako ng daddy ko. Lahat sa kanya ay bawal. Ang nais lang niya palagi ay siya ang masusunod. Hindi niya ako hinahayaan na gawin ang mga gusto ko. Kagaya ngayon," umiiyak na ang babae kaya biglang naawa ang lalaki. Sa tingin niya ay lasing na ito. Hindi naman alam ni Nathalie ang nagyayari sa kanya pero parang gusto niyang ilabas ang nasa loob niya. Ang lahat ng hinanakit niya s akanyang daddy. "Alam mo ba, gusto akong ipakasal ng daddy ko. Ipapakasal niya ako sa lalaking hindi ko naman mahal. Balak niya akong ikulong sa kwarto ko hanggang sa sumapit ang kasal ko sa lalaking 'yon. Ayaw kong magpakasal doon dahil alam ko na sasaktan langa ako nu'n. Pero hindi naman iyon naisip ni daddy, dahil ang mahalaga sa kanya ay ang ambisyon niya. Hindi niya naisip ang magiging kalagayan ko. Pakiramdam ko nga ay hindi niya ako mahal. Dahil mas mahal niya pa ang pinsan ko. Ang pinsan ko na laging tama sa paningin niya. Ang laging magaling sa paningin niya. Samantala akong anak niya puro kamalian ko ang nakikita niya. Kahit na gaano pa ako ka masunurin at ibigay ko ang best ko ay hindi iyon sapat sa kanya." Humagulgol na habang nagkukwento si Nathalie sa lalaki. Lumapit naman ang lalaki at hinagod ang likod niya para patahanin siya. Sa ginawa nang lalaki ay lalong naiyak si Nathalie para itong nagkaroon ng kakampi kahit ang paraan ng pagcomfort nito ay lalaking-lalaki talaga. Ginawa lang naman siyang lalaki nito kahit malinaw pa sa aikat ng araw na isa siyang babae. Sa suot pa lang ni Nathalie na dress ay talagang babaeng-babae ito. "Mas gugustuhin ko pang magpakasal sa hindi ko kilala kaysa sa Jerome na 'yon." Umiiyak pa rin na sabi ni Nathalie. "Bakit naman?" Tanong ng lalaki kay Nathalie. "Wala lang, sa tingin ko lang kasi ay mas okay pa ang ibang lalaki kaysa sa mayabang na 'yon. Hindi naman siya ganu'n ka pogi. Mas pogi 'yong crush ko." Parang bata na turan ni Nathalie. "May crush ka?" Pabirong tanong ng lalaki kay Nathalie. "Oo naman, at ang gwapo ng crush ko. Weird lang ako sa paningin ng iba pero may crush rin naman ako." Paliwanag pa ni Nathalie sa lalaki. "Tara alis na tayo." Yaya ng lalaki kay Nathalie. "Ha? Aalis na tayo agad?" Tanong ni Nathalie sa lalaki "Oo dahil may pupuntahan pa tayo?" Sagot naman ng lalaki sa kanya. "Saan naman?" Nagtatakang tanong ni Nathalie habang pakiramdam niya ay nahihilo na siya pero sa tingin niya ay kaya pa niyang uminom. Iniisip niya na hindi siya mapapatumba ng tatlong shot ng alak na ininom niya. "Secret," sagot ng lalaki kay Nathalie saka niya ito hinila palabas sa bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD