Chapter 9

1471 Words
Kahit na buong gabing umiyak si Nathalie ay pinili pa rin niyang pumasok sa trabaho. Ngayon rin ang dating ng bagong secretary ni Luke. Laking pasasalamat niya dahil hindi namaga ang mga mata niya sa kakaiyak. Nang makuntento si Nathalie sa kanyang looks ay pinagpasyahan niya na umalis na para pumasok na sa trabaho. Halos kasabay lang ni Nathalie dumating ang bagong secretary ni Luke. Sobrang ganda nito at mabait rin. Hindi nila inakala na may mga anak na pala ito. Naging palagay kaagad ang loob ni Nathalie kay Caye. "Hi sissy," bati ni Nathalie sa bago niyang kaibigan. "Hi sissy, magtitimpla lang ako nang kape ni Sir at ng pinsan niya." Sagot naman ni Caye sa kanya. "Ang gwapo ng pinsan niya noh? Alam mo ba crush ko 'yun," pabirong sabi ni Nathalie. "Oo nga sissy, bagay kayo. Kaya lang si Sir may pagkabugnutin talaga." "Naku masasanay ka rin. Ganyan talaga 'yan si Sir, mahilig manigaw hahaha!" Natatawang sabi ni Nathalie kay Caye. "Kaya nga, sige mauna na ako sa 'yo. Baka hinahanap na ako do'n. Nakakatakot pa naman siya kapag galit." Paalam ni Caye kay Nathalie. Naging abala naman si Nathalie sa kanyang trabaho. At hindi na niya nabigyan pansin ang mga tao sa paligid. "Are you okay now?" Biglang tanong ni Rafa na ikinagulat nang dalaga. Halos tumalon ang puso ni Nathalie sa pagkabigla. "Ikaw pala, okay na ako. Thank you sa tulong mo kagabi. Ito pala ang number ko," saad ni Nathalie sa binata. Alam ni Nathalie na kailangan niyang tuparin ang pinangako niya sa binata. Hindi siya puwedeng umatras dahil malaki ang utang na loob niya dito. Handa siyang masaktan alang-alang sa kanyang ina. Nais niya itong kumustahin lahit na hindi ito natutulog pa ito. "Here's my calling card, call me if you need anything." Sabi ni Rafa bago ito umalis. Hindi rin nito kinuha ang number na binigay ni Nathalie. Sinundan na lang nang tingin ni Nathalie ang binata habang pasakay ito sa elevator. Umupo ulit siya para magtrabaho. Kailangan niyang mag-isip ng mabuti bago pumunta ulit sa kanyang mommy. Hindi kaya ni Nathalie na nakikita niya ang mommy niya na maraming nakalagay na apparatus sa katawan nito. Pinilit ni Nathalie na maging masaya sa harapan ng mga kaibigan niya. Ayaw niyang ipaalam sa mga ito na may pinagdadaanan siya. Sumapit ang uwian at dumiretso si Nathalie sa condo ni Rafa. Hindi siya magaling magluto pero susubukan niya. Para makabawi man lang siya sa binata. Nagluto ng nilagang baka si Nathalie. Matiyaga itong naghihintay sa pag-uwi ni Rafa. Panay rin ang tingin niya sa orasan. Alas otso na ng gabi, pero wala pa rin ito. Lumamig na rin ang ulam na niluto niya. Walang ibang choice si Nathalie kundi umuwi na lang sa apartment niya. Nais niyang tawagan ang binata pero nahihiya siya. Kaya hinayaan na lang niya. Kinabukasan habang papasok sa trabaho si Nathalie ay napansin niya ang mga plyers na nakadikit sa mga pader. Nanlaki ang mga mata niya dahil hinahanap siya ng daddy niya. At may pabuya na isang daang libong peso sa makapagtuturo kung nasaan siya. Nagdalawang isip siya kung papasok ba siya o hindi. Pero walang nakakakila sa kanya maliban sa HR nila at kay Sir Luke niya. Nakiusap siya na palitan ang kanyang pangalan. Nang nakarating na si Nathalie sa Blake company ay may biglang humila sa kanya papunta sa exit. "Hinahanap kana nila. Sigurado kaba na safe ka sa apartment mo?" Nag-aalalang tanong ni Rafa sa dalaga. Hindi alam ni Rafa pero sa tingin niya ay kailangan niyang tulungan ang dalaga. Nanghinayang pa ito dahil hindi ito umuwi ng maaga kagabi. Nagulat na lang kasi siya dahil may pagkain na nakahain sa mesa. At nang mabasa ni Rafa ang note ay napangiti siya bigla. Kahit malamig na ito ay ininit pa rin ng binata saka niya kinain. "Sa tingin ko ay safe naman ako doon?" Sagot ni Nathalie sa binata. "Are you sure? How about the landlady? Hindi ka ba niya namukhaan noon." Pagkasabi ni Rafa ay kaagad na nataranta si Nathalie. "Oh my gosh, need ko na umalis doon. Hindi ito ang mukha ko noong unang punta ko doon sa apartment." Natatarantang bulalas nang dalaga. "Relax, kunin natin ang mga gamit mo at doon ka titira sa condo ko." "Ano? Sa condo mo?" Pasigaw na tanong ni Nathalie sa binata. "Puwede ba 'wag ka sumigaw. Baka marinig ka ng ibang tao." Saway ni Rafa sa dalaga. "Sorry, nagulat lang talaga ako. Uuwi mo na pala ako sa apartment. Kukunin ko lang ang mga gamit ko. Hindi na muna ako papasok dahil maghahanap pa ako ng panibagong apartment." Saad ni Nathalie, akmang aalis na siya nang bigla siyang hawakan ni Rafa sa pulsuhan. "Sasamahan na kita, at sa condo kana tumira. Huwag kang mag-alala dahil wala akong gagawin sa 'yo." "Okay sige, thank you." Pagsuko ni Nathalie. Sinamahan ni Rafa ang dalaga sa pagkuha nang mga gamit nito. Kaagad nilang nilipat sa condo niya ang mga gamit nito. "Here's your room, and feel at home. Lahat puwede mong galawin dito sa bahay. No need to ask for permission." Pahayag ni Rafa kay Nathalie. "Rafa," tawag ni Nathalie sa binata. "Hmmmm?" "Thank you, ang dami ko ng utang na loob sa 'yo at hindi ko na alam kung papaano kita mababayaran." Umiiyak na bulalas ni Nathalie habang nakayakap kay Rafa. Hindi na mapigilan ni Nathaale ang kanyang sarili na yakapin ang lalaki. "You're welcome, i need to go now. Marami pa akong trabaho," paalam ni Rafa sa dalaga. Pinipigilan kasi nito ang sarili dahil mayro'n nagrereact sa pagitan ng kanyang mga hita. Walang balak si Rafa na galawin ang dalaga. Ayaw niyang isipin ni Nathalie na 'yon lang ang habol niya sa dalaga kaya niya ito tinutulungan. "Sige, ingat ka. Ahm.. Rafa, may gusto ka bang ipaluto mamaya? Hindi ako magaling pero susubukan ko. Kahit 'yon lang sana ay hayaan mo akong bumawi sa 'yo." "Kaldereta," mabilis na sagot ni Rafa at lumabas na sa kanyang condo. Habang naglalakad si Rafa ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti. Pakiramdam niya ay maaga siyang makakauwi ngayon. Excited na siya sa pag-uwi kahit na kakapasok pa lang nito sa kanyang opisina. Pagpasok ni Rafa sa kanyang office ay nagulat siya dahil nakaupo si Cheska sa may couch. Sobrang revealing ang suot nitong damit. Halos lumabas na ang malalaki nitong dede sa damit nitong suot. "What are you doing here?" Seryosong tanong ni Rafa sa babae. Tumayo si Cheska at sinalubong si Rafa ng isang halik sa pisngi. Naramdaman rin ni Rafa na ikiniskis ni Cheska ang dibdib nito sa kanyang dibdib. Ngunit wala itong naging epekto sa katawan ni Rafa. "Namiss lang kita, napadaan lang ako dito. Tumutulong kasi ako sa paghahanap sa pinsan kong na nawawala." Sagot ni Cheska sa binata. "If you don't mind. Bakit siya naglayas?" Kunwaring tanong ni Rafa. "Ayaw kasi niyang magpakasal kay Jerome. Maarte siya, gwapo at yummy naman si Jerome pero ayaw niya." "Bakit hindi na lang ikaw ang nagpakasal?" Biglang tanong ni Rafa kay Cheska. "I'm not yet ready, pero kung ikaw ang magyaya sa akin ay papayag kaagad ako." Nakangiti pang sabi ni Cheska. Samantala ay pumunta si Nathalie sa may supermarket para mamili ng mga rekado para sa kanyang lulutuin na ulam. Excited ang dalaga habang namimili pero biglang nasira ang mood niya dahil. "Ikaw?!" Panabay na bulalas ni Nathalie at Cheska. "Kahit kailan tanga ka talaga! You're so so stupid!" Galit na sambit ni Cheska. "Stupid ka rin, malandi." Sa sobrang inis ni Nathalie ay pinatulan na niya si Cheska. "Baka hindi mo kilala ang sinasabihan mo niyan?" "Kahit sino ka pa wala akong pakialam. At puwede ba ikaw lang naman ang palaging bumabanga sa akin. So it means ikaw ang tanga." "How could you?" "Tigilan mo nga ako sa paenglish mo. Alam ko namang bobo ka at lahat ng grades mo noon ay nilandi mo lang ang mga prof mo!" "Anong sabi mo? Walanghiya ka! Ang kapal ng mukha mo!" Galit na sigaw ni Cheska sa babaeng kaharap niya. Sa sobrang inis ni Cheska ay sinabunutan niya si Nathalie. Hindi naman nagpatalo si Nathalie dahil sinuntok niya sa mukha si Cheska. "Ouch! Anong ginawa mo, oh my god. My nose! Kakapaayos ko lang nito! Argh! Irereklamo kita, makikita mo! Isusumbong kita sa tito ko!" Galit na galit si Cheska habang hawak ang ilong niya. Hindi naman pinansin ni Nathalie ang mga sinasabi ni Cheska. Nagpatuloy ito sa pamimili kahit na galit na galit na si Cheska. Nang makapagbayad ay kaagad na naglakad si Nathalie papunta sa parking lot. Pinagamit ni Rafa ang isa niyang kotse kaya hindi na kailangan ni Nathalie na magcommute papasok at pauwi sa trabaho. Pero habang naglalakad si Nathalie papalapit sa kotse ay nagulat siya dahil may biglang humila sa kanya at tinakpan ang bibig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD