Chapter 8

1532 Words
At muling pinagsaluhan ni Rafa at Nathalie ang isang mainit na tagpo. Kasalukuyang nakaunan si Nathalie sa braso ng binata. Nilalaro niya ang dibdib nito gamit ang kanyang daliri. Pasimple namang inaamoy no Rafa ang buhok ng dalaga. "Rafa," tawag ni Nathalie sa binata. "Hmmm." Tanging sagot naman nito kay Nathalie. "Ayoko sa agreement mo." Biglang pahayag ni Nathalie sa binata na ikinagulat naman ni Rafa. "Why?" "Kasi ayoko, okay na ako sa tikim lang." Mahinang sabi ni Nathalie pero narinig pa rin ito ng binata. "Tikim lang?" Hindi makapaniwalang tanong nang binata kay Nathalie. "Oo, tikim lang. Ayaw ko na gawin na natin ito palagi. Baka masaktan lang ako sa huli," matapang na pahayag ni Nathalie sa binata. Nais niyang maging totoo dahil alam ni Nathalie na hindi marunong magseryoso si Rafa. Hindi sumagot si Rafa. Bumangon ito at pumasok sa banyo. Naiwan namang naguguluhan si Nathalie. Hindi niya alam pero hindi niya gusto ang idea na maging fvck buddies sila. Alam niya kasi na masasaktan lang siya kapag nagkalapit sila. Alam ni Nathalie na higit pa sa paghanga ang nararamdaman niya para sa binata at iyon ang ikinatatakot niya. Bumagon si Nathaie at kaagad na hinanap ang mga damit niya. Nahihirapan mang maglakad ay pinilit niyang makaalis sa condo ni Rafa. Sabado at wala siyang pasok sa opisina kay inabala ni Nathalie ang kanyang sarili sa paglilinis nang kanyang apartment. Paika-ika itong maglakad. Habang nakaupo si Nathalie sa kanyang kama ay hindi niya mapigilan ang sarili na sariwain ang nangyari sa kanila nang binata. "Tumigil ka Nathalie, kung nais mo ng payapang buhay ay iwasan mo na siya. Baka nakalimutan mo na kailangan mo pang balikan ang mommy mo. Magulo ang buhay mo," paalala ni Nathalie sa kanyang sarili. Kinuha ni Nathalie ang kanyang phone. Sa hindi inaasahan ay nakita niya ang account ni Cheska. Sinilip niya ang post nito. Halos mabitawan ni Nathalie ang kanyang phone nang makita niya ang isang post ni Cheska. "M-Mommy..." Nanginginig ang mga labi na bulalas ni Nathalie. Hindi niya inaasahan na nasa ospital ang kanyang mommy. Hindi na nag-isip si Nathalie. Kaagad siya pumunta sa Blake hospital. Samantala ay pumunta naman si Rafa sa kanyang pinsan sa Blake Hospital. Naglalakad siya nang bigla na lang may bumangga sa kanya. "What the hel—" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang makita niya ang mukha ni Nathalie. Umiiyak ito at nagmamadali. "Why are you here?" Nagtatakang tanong niya sa dalaga. "P-Pupuntahan ko ang mommy ko," umiiyak na sagot ni Nathalie sa binata. "Rafa, papayag ako sa kasunduan mo. Basta tulungan mo ako, tulungan mo akong mapuntahan ko ang mommy ko. Hindi ako puwedeng makita ni Daddy o ni Cheska. Ipapakasal niya ako sa lalaking hindi ko mahal," umiiyak na sabi ni Nathalie. Hindi naman makapaniwala si Rafa sa narinig niya mula kay Nathalie. Higit na hindi nito inaasahan na luluhod ito sa harapan niya habang basa na ng mga luha ang magandang mukha nito. Kaagad niya naman itong dinaluhan at pinatayo. Hindi ito ang unang beses na may nagmakaawa sa kanya pero ito ang unang beses na ayaw niyang may gumawa sa kanya. "Okay, let's find a way na mapuntahan ang mommy mo. H'wag kang magpadalos-dalos. We need to plan everything." Mahinahon na sabi ni Rafa sa dalaga. Sumang-ayon naman si Nathalie sa naging suggestion ni Rafa. Kailangan niyang mag-isip ng mabuti bago sumugod sa room ng mom niya. Dinala siya ni Rafa sa isang silid. At doon nito nakilala ang pinsan ni Rafa na si Brandon, isa itong doctor at may-ari nitong ospital. Ipinasuot kay Nathalie ang uniform ng nurse. Nagsuot rin siya ng Facemask para safe at hindi siya makilala nito. Sabay-sabay silang tatlo na pumasok sa loob nang silid ng kanyang mommy. "Hi, Rafa," kaagad na bati ni Cheska sa binata. Ang ganda pa ng ngiti nito nang makita si Rafa. Alam ni Nathalie na type ng pinsan niya ang binata halata sa mga kilos nito. "Miss, can you please go outside? We need to check the patient." Sabi ni Brandon kay Cheska. "Sure Doc," nakangiti pang sagot nito sa binatang doktor. "Chesk, gusto mo bang magcoffee?" Tanong ni Rafa sa babae. Kailangan niya kasi itong ilayo doon para magkaroon ng oras si Nathalie sa kanyang mommy. "Sure, baby." Parang nang-aakit na sagot ni Cheska. Nais namang masuka ni Rafa sa narinig niya. He knows everything, alam niya na isang wh*re si Cheska at kahit sino na lang ang pinapatulan nito. Naglakad palabas ang dalawa at naiwan si Nathalie kasama ang doktor. "Sa labas lang ako, if you need anything tawagin mo lang ako." "Thank you Doc, I owe you this. Babawi po ako balang araw." Umiiyak na sabi ni Nathalie. "I'm happy to help," sagot ni Brandon bago lumabas. Unti-unting lumapit si Nathalie sa kanyang mommy. Hindi nito mapigilan ang kanyang luha. Nawawalan rin ng lakas ang mga tuhod niya. Pakiramdam ni Nathalie ay baka bigla na lang siyang matumba. "M-Mom, what happened to you? Sinong gumawa nito sa 'yo? Nandito na po ako, si Nathalie po ito. Mom, I'm sorry. Sana hindi ako umalis, sana hindi kita iniwan. Mom, i love you so much. Lumaban ka para sa akin, i miss you so much. Miss ko na ang mga luto mo para sa 'kin. Wala ng nagsusuklay sa buhok ko tuwing gabi. Masaya nga ako dahil nakaalis na ako sa bahay natin pero ikaw pala nahihirapan dito. Hindi ko man lang nalaman na may nagyari na sa 'yo. Ang sama kong anak, ang sama ko dahil sarili ko lang ang iniisip ko." Umiiyak na kausap ni Nathalie sa kanyang mommy. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Doc. "Nat, we need to go. Papunta na daw ang daddy mo dito." Biglang sabi sa akin ni Brandon sa dalaga. "Mom, babalik po ako. Lumaban po kayo, mahal na mahal po kita." Saad ni Nathalie at hinalikan ang pisngi ng kanyang mommy. Inayos ni Nathalie ang kanyang sarili. Saktong pagtakip niya sa kanyang bibig ang pagbukas nang pintuan. Nilalamig ang kamay at paa niya nang makita niya muli ang kanyang daddy. Wala pa rin itong pinagbago, natapang pa rin ang awra nito. "How's my wife, Doc?" Tanong nito kay Brandon. "Still no progress," sagot ni Brandon sa kanyang daddy. "Ano po ba ang dapat nating gawin?" "Wala tayong magagawa kundi hintayin siyang magising." Sagot ni Brandon kay Arthur. "Thank you, Doc." Akmang lalabas na sila Nathalie nang bigla siyang tawagin ni Arthur. "Miss.." Kabado siya pero pinilit niyang kumilos ng normal sa harapan ng kanyang ama. "Yes , Sir?" "Sa 'yo yata ito," sabi nito sabay lahad ng record chart. "Thank you, Sir." Pasasalamat ni Nathalie saka mabilis na lumabas sa silid. Nakahinga ng maluwag si Nathalie paglabas niya. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga noong nasa loob siya. Kaagad niyang nilisan ang lugar at umuwi sa kanyang apartment. Hindi niya alam ang numero ni Rafa kaya hindi siya nakapagpasalamat dito. Nais niyang magpasalamat dahil malaki ang naging ambag ni Rafa para makita niya ang kanyang ina. "Lora, matulog ka na muna d'yan. Wala naman akong pakinabang sa 'yo. 'Yang anak mo, masyadong pinapasakit ang ulo ko. Pero hindi rin magtatagal magpapakita rin siya sa akin." Kausap ni Arthur sa kanyang asawa. Walang pakialam si Arthur sa kanyang asawa. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang eleksiyon at ang kayaman ni Lora. Nais niyang kamkamin ang lahat. "Saan ka galing?" Tanong ni Arthur kay Cheska. "Sa labas lang po daddy," nakangiting sagot ni Cheska at hinalikan ang kanyang tito. "Next time, h'wag kang umalis ng hindi pa ako dumadating. At ano ang nalaman ko na nakikipagkita ka sa isang Blake?" Galit na tanong ni Arthur sa babae. "Daddy, relax baka nakalimutan mo nasa Blake hospital ka." Pagpapakalma ni Nathalie sa kanyang tiyuhin. "Huwag mo ng dagdagan ang stress ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita si Nathalie. Ang galing niyang magtago." "Daddy, bakit hindi mo na lang sabihin kay Jerome na nawawala ang bride to be niya. Baka siya pa ang makahanap sa suwail mong anak." Suggestion ni Cheska kay Arthur. Napaisip naman si Arthur sa sinabi ni Cheska. Kung tutuusin ay may point ito. Malakas ang koneksiyon ng pamilya ni Jerome at makikita nila ito kaagad. Mabilis na tinawagan ni Arthur si Jerome. "Anong nawawala? Akala ko ba okay na ang lahat! Hindi puwedeng hindi mo siya mahanap. Walang kasal, walang tulong sa eleksiyon!" Sigaw ni Jerome sa kabilang linya. Pinipigilan naman ni Arthur ang kanyang sarili na magalit. Kailangan niyang magpakumbaba para makuha ang nais niya. "Hindi ako tumitigil sa paghahanap sa kanya. I assure you may kasal na mangyayari." Assurance ni Arthur sa lalaki. "Siguraduhin mo lang, iyan na nga lang ang kondisyon ko sa 'yo. Papalpak kapa ba!" Galit na saad ni Jerome. "Sorry again iho, hahanapin ko siya." Nakakuyom ang mga kamay na sabi ni Arthur dahil labag sa kanyang loob ang humingi ng paumanhin. Nang ibaba ni Arthur ang tawag ay kaagad niyang inutusan ang kanyang secretary. Kailangan na niyang palabasin ang magaling niyang anak. Hindi siya papayag na ito ang magiging dahilan para hindi niya makamit ang kanyang inaasam na posisyon. Kailangan na niyang gawin ang plano na binuo niya kagabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD