"Don't make any noise," bulong ni Rafa sa tainga ni Nathalie.
Nang malaman ni Nathalie na si Rafa ang humila sa kanya ay nanatili itong tahimik. Tinapik niya ang kamay nang binata dahil hindi na siya makahinga. Kaagad namang tinanggal ni Rafa ang kanyang kamay sa bibig ni Nathalie.
"Bakit ka nandito?" Pabulong na tanong ni Nathalie sa binata.
"Cheska called me. What have you done?" Pabulong na tanong ni Rafa sa dalaga.
"Binangga niya ako tapos hinila niya buhok ko. Sa sobrang inis ko sinuntok ko mukha niya." Naiinis na kwento nito sa binata.
Lihim namang napangiti si Rafa sa kanyang narinig. Ang buong akala niya ay mahinhin lang si Nathalie pero may taglay rin pala itong tapang. Hindi rin inaasahan ni Rafa na marunong pala itong manuntok.
"Sige na, puntahan mo na siya." Utos ni Nathalie sa binata.
"Ihahatid muna kita," sagot naman ni Rafa.
"Naku, 'wag na puntahan mo na lang ang pinsan ko. Mukhang patay na patay sa 'yo eh." Saad pa ni Nathalie.
"Ihahatid kita," nakakunot ang noo na sabi ni Rafa.
"Ang kulit mo rin sabing kay—"
Hindi na natapos ni Nathalie ang sasabihin niya dahil sinakop na ni Rafa ang labi niya. Nagulat siya sa ginawa nang binata pero kalaunan ay tumugon rin siya sa halik nito.
"Isang protesta mo pa, aangkinin kita dito." Pananakot ni Rafa sa dalaga.
"Sabi ko nga ihatid mo na ako. Ano pang hinihintay mo d'yan." Sabi ni Nathalie at nauna na itong pumasok sa loob ng kotse. Napangiti naman si Rafa dahil mukhang natakot ang dalaga sa pagbabanta niya.
Sumunod si Rafa sa sasakyan at siya na ang nagmaneho. Naging tahimik si Nathalie habang nasa biyahe sila kaya hindi na ito kinausap ni Rafa. Sa tingin niya ay nagpapanggap lang ito na malakas pero nababalot ng kalungkutan ang buong pagkatao nito. Kaya naisip ni Rafa na kailangan niya itong alagaan. Siguro ay may nakikita niya dito ang dati niyang nobya. Kaagad rin niyang iniwaksi sa isipan dahil masakit pa rin tuwing naalala niya ito.
"Salamat sa paghatid, hihintayin kita mamaya." Nakangiting sabi ni Nathalie kay Rafa.
"Uuwi rin ako kaagad," sagot nito bago ito umalis.
"Sige ingat ka."
Nagmaneho pabalik sa grocery ang binata. Pagkarating ni Rafa sa grocery ay kaagad siyang niyakap ni Cheska habang umiiyak ito.
"Thank you for coming," umiiyak na sabi ni Cheska habang nakayakap kay Rafa.
"What happened? Nasaan na ang gumawa nito sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong ni Rafa kay Cheska kahit na alam na niya ang nangyari.
"Naalala mo 'yung girl sa mall. Siya pa rin ngayon. Ipapakulong ko siya, Rafa help me to find her." Umiiyak na sabi nito.
"Bakit hindi mo nireport kaagad kanina?"
"Hindi ko na nagawa dahil masakit ang nose ko. At wala man lang may tumulong sa akin."
"Where's your bodyguard?" Tanong ni Rafa dahil alam niya na pinaabangan ni Cheska si Nathalie kanina habang papasok siya sa loob nang grocery.
"Pinauwi ko kasi siya kanina dahil may kailangan siyang gawin." Pagsisinungaling ni Cheska.
"Okay, ihahatid na muna kita sa hospital." Sabi ni Rafa sa babae.
"No, i mean sa condo ko na lang. Doon mo na lang ako ihatid." Sabi ni Nathalie.
"Okay," balewalang sagot ni Rafa.
"Thank you Rafa, you're my savior."
Tanging ngiti lang ang isinagot ni Rafa sa babae.
Pagkaalis ni Rafa ay kaagad namang pumasok si Nathalie sa loob ng building. Pumasok siya sa loob nang elevator pero may biglang pumigil sa pinto. Nakaramdam ng pangamba si Nathalie dahil kasabay niya si Jerome. Sumiksik si Nathalie sa pinakasulok nang elevator para hindi siya mapansin ni Jerome.
"Any update?" Tanong ni Jerome sa secretary nito.
"Wala pa rin po, hindi pa rin nila nakikita si Nathalie."
"Masyado na akong naiinip. Ang bagal talaga nang matanda na 'yon. Call him, at sabihin mo na may natitira na lang siyang isang linggo. He needs to being his daughter to me. Huwag niyang hintayin na ako pa ang maghanap sa anak niya." Kalmadong utos ni Jerome sa kanyang secretary.
"Okay Sir," sagot naman nito kay Jerome.
Walang pakialam si Jerome kung marinig man siya nang kasabay nila sa elevator. Lahat kaya niyang patahimikin kung gugustuhin niya kahit pa ang matandang Arthur ay kaya rin niya alisin sa buhay niya. Isa lang naman ang nais ni Jerome 'yon ay si Nathalie. Matagal na siyang baliw sa dalaga. Labis siyang nasaktan dahil binasted siya nito. Binasted siya nang isang nerd.
Pagbukas nang elevator ay kaagad na lumabas si Nathalie. Natatakot na siya sa mga narinig niya mula kay Jerome. Mukhang gustong-gusto siya nito. Naisip niya na baka galit ito dahil binasted niya ito noon. Hindi alam ni Nathalie kung paano siya nakarating sa condo ni Rafa. May pangamba man ay pinilit niyang magluto para sa pagdating ni Rafa ay may pagkain sila.
Hindi mapigilan ni Nathalie ang kanyang sarili dahil pagkapasok pa lang ni Rafa ay kaagad niya itong niyakap. Humikbi ito sa dibdib nang binata. Pakiramdam ni Nathalie ay ligtas siya kapag si Rafa ang kasama niya.
"What happened? Why are you crying? May nanakit ba sa 'yo." Sunod-sunod na tanong ni Rafa sa dalaga.
"I'm scared, paano kong matagpuan nila ako. Nakasabay ko si Jerome kanina and he's desperate. Gustong-gusto niya akong pakasalan. Ayoko, hindi ko siya mahal. Hindi ko kayang magpakasal sa lalaking 'yon." Umiiyak na sabi ni Nathalie.
"Stop crying, hindi ka nila mahahanap. I'm here to help you, to protect you." Pagpapatahan ng binata kay Nathalie.
"Are you done cooking? Mukhang masarap ang dinner natin. Amoy pa lang masarap na." Nakangiting tanong ni Rafa, nais niyang ilihis ang usapan nila para hindi na malungkot ang dalaga.
"Hindi ko alam kung masarap ba ang luto ko pero ang alam ko masarap ako." Pabirong sabi ni Nathalie. Napangiti naman si Rafa sa narinig niya buhat sa dalaga.
"Malalaman natin mamaya kung alin ang mas masarap." Sabi ni Rafa sabay buhat kay Natalie papunta sa kusina.
"Ang gwapo mo," wala sa sariling sabi ni Nathalie.
"Alam ko, hahaha!" Natatawang sabi ni Rafa.
"Ang yabang mo, mas gwapo pa sa 'yo 'yung crush ko." Pabirong sabi ni Nathalie.
"May crush ka? Sino?" Tanong ni Rafa pero sa loob niya ay naiinis siya nang marinig niya na may ibang crush ang dalaga.
"Secret," mabilis na sagot nito sa kanya.
"I'm sure pangit ang crush mo." Naiinis na sabi pa ni Rafa.
"Hindi kaya, sobrang gwapo niy—"
"Shut up! Kumain na lang tayo, kung ayaw mo ikaw ang una kong kakainin." Pagbabanta ni Rafa sa dalaga.
"Ito na nga kakain na nga po hahaha!" Pagkatapos ay umupo na sila at nagsimula ng kumain.
Walang may nais na magsalita sa kanila. Pagkatapos kumain ay naghuhugas si Nathalie nang mga hugasin. Si Rafa naman ay pumasok sa kanyang silid ang nagshower. Paglabas niya ay nakita niyang hindi pa tapos ang dalaga sa paghuhugas. Lumapit siya sa dalaga at niyakap niya ito.
"May kailangan ka ba?" Tanong ni Nathalie sa binata. Hindi niya kasi inaasahan na yayakapin siya nang binata.
"Wala naman, gusto lang kitang yakapin." Pabulong na sagot ni Rafa.
"Ganu'n ba, malapit na akong matapos. Magmovie marathon kaya tayo." Biglang sabi ni Nathalie sa binata.
"Sige, i-set up ko lang sa labas." Saad naman ni Rafa saka lumabas sa kusina.
Tinapos ni Nathalie ang paghuhugas ng mga plato. Pagkatapos niya ay kaagad siyang pumasok sa loob ng kanyang silid. Naghilamos at nagtoothbrush ito pagkatapos ay lumabas na siya. Umupo si Nathalie sa tabi ni Rafa.
"Anong gusto mo panuorin?" Tanong ni Rafa sa dalaga.
"Kahit ano, hindi naman kasi ako mahilig sa romance."
"Bakit naman? Akala ko kapag babae mahilig sa mga movies?" Nagtatakang tanong ni Rafa sa dalaga.
"Hindi naman totoo ang mga nasa movies. Lalo na ang mga mag-asawa na may happy ending. Ang parents ko hindi sila masaya. Kaya siguro hindi ako mahal ng daddy ko dahil pinilit lang siya na pakasalanan ang mommy ko. Kahit ang mommy ko hindi rin niya mahal ang daddy ko. Kaya ako hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Nakakatakot ang magmahal," malungkot na sabi bi Nathalie.
Tahimik lang na nakikinig si Rafa sa dalaga. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang dapat sabihin para maibsan ang kalungkutan nang dalaga. Higit pa pala sa inaakala niya ang pinagdadaanan nito.
"Naku, sorry ang drama ko hahaha! Manuod na lang tayo mas maganda siguro kung action na lang. Huwag na tayo sa romance," dinadaan na lang ni Nathalie ang lahat sa pagbibiro. Naghanap na lang si Rafa ng magandang movie at sabay nilang pinanood. Nakasandal si Nathalie kay Rafa habang nanunuod sila.
Samantala walang tigil sa paggiling si Cheska sa ibabaw ni Jerome. Pinatawag siya nito, tuwing kailangan nila ang isa't-isa ay palaging pumupunta si Cheska sa lalaki.
"Fvck! You're so good Nat," ungol ni Jerome. Ang tanging nasa isipan niya habang katalik si Cheska ay si Nathalie. Wala namang pakialam si Cheska dahil ang tingin rin niya kay Jerome ay si Rafa.
Naiinis na nga si Cheska dahil hindi bumibigay si Rafa sa pang-aakit niya. Kaya ginagawa niya ang lahat para mapansin siya nang binata. Higit na mas mayaman si Rafa kaysa kay Jerome. Ilang sandali pa ay mabilis na nanginig ang dalawa dahil sabay itong nilabasan. Kaagad na tumayo si Jerome at isinuot ang kanyang damit habang nakahiga pa rin si Cheska.
"Wala pa rin bang update sa pinsan mo?" Tanong ni Jerome sa babae.
"Uhmmm, wala pa." Nang-aakit na sagot ni Cheska dahil hindi siya kuntento sa isa lang.
"Ano bang ginagawa nang magaling mong tiyuhin? At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nahahanap ang magaling niyang anak."
"Nag-aalaga nang asawa niya nakacoma. Aalis kana ba? Hindi man lang ba tayo magroround two?"
"Next time kapag nahanap niyo na si Nathalie." Sabi ni Jerome bago lumabas sa silid na inakupa nila.
Naiwan namang nagagalit si Cheska.
"Kahit kailan epal ka talaga. Pero mas mabuti na makita kana nila para maghirap ka sa kamay nang lalaking 'yun. Dahil ako may next target na ako, mas mayaman mas masarap." Kausap ni Cheska sa kanyang sarili.