"Hindi po ako magpapakasal daddy!" Umiiyak na pahayag ni Nathalie sa kanyang ama.
"Anong hindi? Magpapakasal ka sa ayaw at gusto mo!" Galit na sigaw ni Arthur sa anak.
"Pero hindi ko po siya mahal! Daddy, please hayaan niyo na lang po ako." Halos magmakaawa na si Nathalie sa kanyang ama.
Pak!
Mabilis na sinampal ng kanyang daddy si Nathalie. Napaiyak ito sa lakas ng pagkakasampal sa kanya. Hindi ito ang unang beses na binagbuhatan si Nathalie ng kanyang ama. Tuwing nagagalit ito ay palagi niyang sinasaktan si Nathalie.
"Buo na ang desisyon ko. Sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal ka kay Jerome. H'wag mo akong ginagalit dahil masasaktan ka lang!" Sabi ng kanyang daddy bago ito lumabas sa kanyang silid.
Umiyak ng umiyak si Nathalie, napaupo na lang siya sa sahig. Hindi niya matanggap na ipapakasal siya ng kanyang ama sa lalaking hindi naman niya mahal. Kailangan niyang umalis. Hindi siya papayag na maikasal sa lalaking hindi naman niya mahal.
Kakatapos lang niya sa kolehiyo kaya siguradong makakahanap siya ng trabaho. Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata niya. Mabilis na pumasok si Nathalie sa kanyang walk in closet para mag-impake ng mga gamit. Napatigil siya sa kanyang ginagawa dahil hindi niya alam kung paano siya makakatakas.
Wala siyang kaibigan na puwede niyang hingian ng tulong. Kailangan niyang gumawa ng plano. Hindi puwedeng magpakasal siya kay Jerome. Kahit mamatay pa siya ay hindi niya nais na makasama ito.
Anak ito ng isang politiko. Politikong kilala bilang isang kurap. Higit sa lahat ayaw niya rito dahil kilala itong babaero at nanakit ng mga naging kasintahan nito. Kaya nais siyang ipakasal ng kanyang ama dahil pangarap ng kanyang ama na tumakbo rin bilang isang opisyal sa kanilang probinsya.
"Nathalie, anak puwede ba kitang makausap?" Tanong ng kanyang mommy kay Nathalie.
Malungkot na tumingin si Nathalie sa kanyang ina.
"Para saan mom? Para kumbinsihin rin ako na magpakasal kay Jerome. Mom, I don't love him. Hindi ko siya mahal. Bakit hindi niyo 'yon naiintindihan." Umiiyak na sabi niya sa kanyang mommy.
"Anak, sorry, kung kaya ko lang. Kung may magagawa lang ako ay hindi ko hahayaan na maikasal ka sa lalaking 'yon." Umiiyak na sabi ng mommy ni Nathalie.
"May magagawa ka mom."
"Ano iyon anak?" Naguguluhang tanong ng ina ni Nathalie.
"Tulungan niyo po akong makatakas dito. Nais ko pong umalis. Sawa na po akong sumunod sa lahat ng gusto niyo. Simula noong bata pa ako hanggang ngayon sinusunod ko kayo. Paano naman po ang gusto ko?" Umiiyak ito sa kanyang mommy.
"Anak, hindi ko alam king kaya ko ba ang hinihiling mo."
"Alam ko naman po mom na hindi niyo ako tutulungan. Ano pa bang aasahan ko sa inyo diba? Eh mas mahal niyo pa nga ang pinsan ko kaysa sa akin eh. Si Cheska matalino, si Cheska mabait, si Cheska maasahan. Puro na lang kayo Cheska. Hindi ba puwedeng ako naman. Ako naman po. Lahat ng kasalanan ni Cheska ako, ako lagi ang pinapagalitan ni daddy kahit hindi naman ako ang may kasalanan. Hayaan niyo mom, kapag nakaalis ako dito. Hinding-hindi na ako babalik pa. Nagpapasalamat ako dahil ipinanganak niyo ako, binihisan, pinakain at pinag-aral pero sana isinama niyo rin ang pagmamahal. Para sana naramdaman ko naman."
Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang naisatinig ni Nathalie ang lahat ng kanyang hinanakit. Ang lahat ng sakit na nasa puso niya. Alam niya na mali pero hindi niya maiwasang masaktan. Pinaparamdam sa kanya na mas mahal ng mga magulang niya ang kanyang pinsan.
"Mahal kita anak," saad ng mommy ni Nathalie sa kanya.
"Pero hindi ko naramdaman mom. Sana kahit ngayon lang iparamdam niyo sa akin na mahal niyo ako. Hayaan niyo po akong umalis. Gusto ko pong mabuhay sa paraan na nais ko."
"Iyon ba ang talagang gusto mo? Iiwan mo na ba talaga ako dito?" Tanong sa kanya ng kanyang ina.
"O-Opo," umiiyak na sagot ni Nathalie sa kanyang ina.
"Sige, bukas ng gabi ay makakaalis kana." Malungkot na sabi nito bago lumabas sa silid ng dalaga. Naiwan naman si Nathalie na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Pakiramdam niya ay mali ang gagawin niya. Biglang nakonsensiya si Nathalie sa mga sinabi niya. Pero buo na ang desisyon niya. Aalis na siya sa bahay na ito at pupunta sa malayong lugar.
Kinabukasan ay maagang gumising si Nathalie. Hindi na niya kayang maghintay pa ng gabi. Dahan-dahan siyang lumabas sa kanyang silid.
"Saan ka pupunta?" Nagulat si Nathalie dahil biglang humarang sa kanyang harapan si Cheska.
"Cheska, hayaan mo na lang akong makaalis dito. Nasa iyo na ang lahat kaya hayaan mo na lang ako. Ano pa ba ang gusto mo?" Tanong niya dito.
"Gusto ko, ang lalonkang mahirapan haha! Tito! Tito! Si Nathalie po tatakas! Sigaw nito sabay katok ng malakas sa silid ng mga magulang ni Nathalie.
Mabilis namang bumaba si Nathalie sa hagdan pero kaagad siyang nahuli ng mga tauhan ng kanyang mga ama. Mabilis na bumaba ang ama ni Nathalie. Hindi ito nagdalawang isip na sampalin si Nathalie.
"Ang lakas ng loob mong tumakas! Balak mo pa akong ipahiya sa pamilya ni Jerome!"
"Daddy, ayaw ko pong magpakasal sa kanya. Parang awa niyo na po daddy, ayoko po." Umiiyak ito at nagmamakaawa sa kanyang ama. Samantala ang kanyang ina ay walang tigil sa pagtangis.
"Ipasok niyo siya sa silid niya at huwag niyong palabasin!" Utos ng daddy ni Nathalie sa kanyang mga tauhan.
"Bitawan niyo ako! Daddy, huwag po! No, dad don't do this to me. Please!" Lumuhod na si Nathalie sa harapan ng kanyang ama.
Para itong bingi na walang narinig. Umakyat ito pabalik sa kanilang silid. Naiwan si Nathalie kasama si Cheska na may malawak na ngiti sa kanyang labi.
"You look great lalo na kapag nakaluhod," nakangising sabi ni Cheska bago ito umalis.
Naikuyom naman ni Nathalie ang kanyang mg kamay sa galit. Ipinapangako niya makakaalis rin siya sa lugar na ito. Hinatak si Nathalie ng mga tauhan ng daddy niya at mabilis na ipinasok sa kanyang silid.
She's hopeless lalo na noong narinig niya ang tunog ng kandado sa labas ng kanyang pintuan. Walang ibang nagawa si Nathalie kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog na lang ito.
"Anak, anak gising." Ginigising si Nathalie ng kanyang ina.
"Bakit po mommy?"
"Bilisan mo na kailangan mo ng tumakas." Sagot ng ina ni Nathalie sa kanya.
"Po? Paano po?" Naguguluhang tanong nito sa ina.
"Bilisan mo anak hangga't hindi pa sila gumigising," natatarantang utos sa kanya ng kanyang mommy.
"Mommy, paano ka po? Sorry po mommy, mahal na mahal po kita. Hindi ko po kayng umalis na nandito ka pa." Umiiyak na turan ni Nathalie sa kanyang ina.
"Lagi mong tandaan anak, mahal na mahal kita. Sige na umalis kana, mag-iingat ka." Umiiyak ito habang kinakausap ang kanyang anak na si Nathalie.
"Mommy," umiiyak na sambit ni Nathalie.
"Sige na anak, magkikita pa tayo pangako."
"Opo, mommy babalikan po kita. Pangako po 'yan." Umiiyak na sabi ni Nathalie bago lumabas sa kanyang silid.
Pero kakalabas pa lang niya ay narinig niyang sumigaw ang isang tauhan ng daddy niya.
"Hanapin niyo! Malilintikan tayo sa ginagawa niyo eh!" Sigaw ng mga tauhan ni Arthur para hanapin si Nathalie.
Nagtago naman si Nathalie sa madamong bahagi dito sa loob ng kanilang villa. Maghahanap siya ng tiyempo kung paano makakatakas sa mga ito.
Hanggang sa may natanaw siyang sasakyan. Mabilis siyang tumayo sa gitna para harangin ito.