Chapter 20

1561 Words
“Anong sinabi mo?!” galit na tanong ni Arthur sa kanyang asawa. “Alam ko na narinig mo ang sinabi ko kaya hindi ko na kailangan pang ulitin.” Sabi naman ni Lora sa lalaki. “Ang kapal ng mukha mong paglaruan ako!” Sigaw nito sa kanya. “Pinaglaruan mo rin ako! Sa tingin mo ba hindi ko alam? Alam ko na matagal mo na akong niloloko. Gusto mo malaman kung ano pa ang sikreto ko. Hindi mo anak si Nathalie. Nagtiis ako dahil kailangan kong gawin. Kaya oras na saktan mo ang anak ko, makikita mo kung ano ang kaya kong gawin sa ‘yo.” may pagbabanta na sabi niya kay Arthur. “Hindi mo ako matatakot! Ngayon na alam ko na ang lahat ay magbabayad ka sa akin! Lalo na ang anak mo!” Galit na sabi ni Arthur kay Lora. “Huwag mong susubukan ang hangganan ng pasensya ko. Akala mo ba hindi ko alam na ang daddy mo ang pumatay sa daddy ko. Ilang araw na lang malalaman mo rin ang dahilan kung bakit ko pinalabas na kasal tayo.” Kalmado niyang sabi bago umakyat sa silid nila. Galit na galit si Arthur. Hindi siya makapaniwala. Kailangan niyang alamin kung nagsasabi ba ng totoo si Lora. Hindi siya magpapatalo, kung totoo man ang sinasabi nito ay magbabayad ito ng mahal. “Hello, kailangan ko ang tulong mo ngayon.” kausap ni Arthur sa taong laging tumutulong sa kanya. Mabilis itong umalis para puntahan ang taong ‘yon. “Bakit ka nandito?” Tanong nito kay Arthur. “Hihiram sana ako ng pera boss. Kailangan na kailangan ko lang ngayon.” Parang maamong tuta na sabi ni Arthur sa misteryosong lalaki. Isa itong lalaking na nakasuot ng maskara. Sa pagkakaalam nila ay ubod ito ng yaman. Wala pang nakakakita sa mukha nito. Halos lahat ng mga businessman na palugi ang negosyo ay sa kanya nangungutang. “Ano ang kukunin kung kapalit kapag hindi ka nakabayad sa akin?” Tanong nito na para bang isang hari. “Ang kumpanya namin,” mabilis na sagot ni Arthur. Inilatag kaagad ang kasunduan nila. Mabilis itong kausap kapag kumpanya ang pinag-uusapan. Kaagad rin niyang binigay ang pera kay Arthur. “Maraming salamat boss,” sabi ni Arthur saka ito umalis. Nang makaalis ito ay naiwan ang misteryosong lalaki at ang kanyang secretary. “Kailan mo balak magpakilala sa kanya?” tanong ng secretary niya. “Hanggang sa makuha ko na ang lahat sa kanya. Pahihirapan ko siya kagaya ng pagpapahirap niya kay Nathalie.” Sagot naman nito sa lalaki. Para sa misteryosong lalaki ay walang mas mahalaga kaysa kay Nathalie. Hindi na niya hahayaan na mahirapan pa ito. Gagawin niya ang lahat para ilayo ito kay Arthur. Ginagawa niya ang lahat ng ito para maging ligtas ang lahat at hindi mapunta sa iba ang lahat ng meron si Nathalie. Simula nang bumalik si Nathalie ay hindi na muna siya pumasok sa trabaho. Minsan nasa kumpanya siya ni Rafa. Minsan naman ay dinadalaw niya ang mga kaibigan niya. Nanatiling lihim ang kasal nila. Ang buong akala nila ay no label pa rin silang dalawa ni Rafa. Hindi pa niya kayang aminin na kasal na sila. Lalo na hindi pa alam ng mga parents ni Rafa ang nangyari. Nagtataka rin siya dahil walang lumabas na balita tungkol sa hindi natuloy na kasal nila ni Jerome. “Hon, kinakabahan ako.” sabi niya kay Rafa. Kasalukuyan silang nasa biyahe papunta sa mansyon ng mga Blake. “Hon, mabait si mom. Alam ko na magugustuhan ka niya.” Saad naman ni Rafa sa kanyang asawa. “Sa tingin mo?” Tanong pa niya sa kanyang asawa. “Of course, at kung ayaw man niya sa ‘yo. Tayo naman ang magsasama hon at kaya naman kitang buhayin gamit ang sarili kong pera,” Assurance ni Rafa kay Nathalie. “Thank you hon,” aniya sa asawa niya. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay ng kanyang asawa. Kabado man ay pinilit niyang maging relax. Hawak kamay silang pumasok sa loob at may magandang babae ang sumalubong kay Rafa. “Mabuti naman at nakauwi kana dito anak.” Masayang sabi nito. “Namiss kita mom, sorry ngayon lang ako nakauwi.” Nagulat naman si Nathalie dahil hindi niya inaasahan na ito pala ang mommy ni Rafa. Tumingin ito sa kanya, medyo nailang siya pero pilit niya itong nginitian. “Good evening po mommy,” nahihiyang sabi niya sa Ginang. “Mommy?” Nagtatakang tanong ng ina ni Rafa sabay tingin sa kanyang anak. “Mom, meet my wife Nathalie Jimenez.” nakangiti pa na pakilala ni Rafa sa kanyang asawa. “Wife? Jimenez?” Galit na tanong ng mommy ni Rafa. “I’m sorry mom, hindi ko po nasabi sa inyo kaagad.” Pak! Sinampal si Rafa ng mommy niya. Nagulat naman si Nathalie, mabilis niyang hinawakan ang kanyang asawa. “Nagpakasal ka ng hindi mo sinasabi sa amin. Nasaan ang utak mo?! Higit sa lahat bakit sa Jimenez pa!” Galit na sigaw nito at sasampalin ulit si Rafa pero kaagad na humarang si Nathalie kaya siya ang natamaan nito. “Ako na lang po ang saktan niyo. Huwag po ang asawa ko, ako po ang namilit sa kanya na magpakasal kami.” Umiiyak na sabi ni Nathalie sa ginang. “Hon, ano bang sinasabi mo? Alam mong hindi totoo ‘yan.” Sabi ni Rafa sa kanyang asawa. Hindi niya hahayaan na sabihin ‘yon ng asawa niya sa harapan ng mommy niya. “Pinalaki kitang maging matalino pero bobo ka pala! Hindi ko matatanggap ang asawa mo! Makakaalis na siya sa pamamahay ko!” Galit na sigaw nito kay Rafa. “Aalis po kami mommy, akala ko pa naman ay kayo ang unang makakaintindi at tatanggap sa kanya pero nagkamali ako.” “Anong pinagsasabi mo? Hindi ka aalis ng bahay, ang babae lang na ‘yan ang pinapaalis ko.” “Magkasama kaming pumunta dito, magkasama rin kaming aalis.” matapang na sabi ni Rafa sa kanyang mommy. “Mas pinipili mo siya kaysa sa amin na pamilya mo? Alam mo kung ano ang ginawa ng daddy niya sa tita mo! Nakalimutan mo na ba ‘yon?!” “Hindi po niya kasalanan ang kasalanan ng magulang niya.” Pagtatanggol pa rin ni Rafa sa kanyang asawa. “Hon, tama na. Mommy mo pa rin siya,” pagpapakalma ni Nathalie kay Rafa dahil panay ang sagot nito sa mommy nito. “Kasalanan niya, iisang dugo lang ang nananalaytay sa pagkatao niya.” “Babalik na lang kami ulit dito kapag kalmado na kayo. Alis na po kami mom,” paalam niya sa mommy niya. “Kapag lumabas ka d’yan wala ka ng babalikan pa Rafa.” May pagbabanta na sabi ng ginang. “Hon, ako na lang ang aalis. Dito ka na lang,” umiiyak na sabi ni Nathalie sa kanyang asawa. “No, Hon hindi kita kayang pabayaan lang. Mahal na mahal kita,” sabi ni Rafa sa kay Nathalie. Lalo namang siyang naiyak sa sinabi nito. “Hibang kana nga!” Galit na anas ng mommy ni Rafa. Habang palabas sila ay marami ang sinasabi ng mommy ni Rafa. At lahat ‘yon ay hindi pinansin ni Rafa. Alam niyang hindi siya maintindihan ng mommy niya sa ngayon kaya mas pinili niyang umalis kasama ang asawa niya. “Hon, 'wag kana sumama sa akin. Isipin mo ang mommy mo.” Umiiyak na sabi ni Nathalie sa kanyang asawa. “Hon, sarado ang isip niya sa ngayon. Magtiwala ka sa akin. Kilala ko ang mommy ko.” “Pero ayoko na magkasira kayo ng dahil sa akin.” Umiiyak pa na sabi niya sa kanyang asawa. “Hon, look at me. Maayos rin ang lahat magtiwala ka lang sa akin, okay?” Pilit niyang pinapakalma ang sarili at tumingin siya sa kanyang asawa. Kailangan niyang magtiwala sa asawa niya. Niyakap niya ito at umuwi na lang sila sa condo unit nila. Naging maayos ang pagsasama nila ni Rafa. Hindi lang maiwasan ni Nathalie na malungkot sa sitwasyon nila ngayon. Hindi rin mawala sa isipan niya ang sinabi ng mommy ni Rafa na kasalanan ng daddy niya. Gustuhin man niyang magtanong kay Rafa ngunit wala siyang lakas ng loob na magtanong. Nababagot siya kaya mabilis siyang pumunta sa bahay nila. Nagtaka siya dahil walang bantay sa may gate. Pagpasok niya ay nakita niya ang daddy niya. Mabilis itong lumapit sa kanya at sinampal siya nito ng ubod ng lakas. “Ang lakas ng loob mong pumunta pa dito!” “Daddy, sorry po. Gusto ko lang po makita si mommy.” Umiiyak na paliwanag ni Nathalie “Huwag mo akong tawagin na daddy dahil hindi kita anak!” Para namang nabingi si Nathalie sa kanyang narinig. Hindi niya ‘yon inaasahan. “Huwag mo akong tawagin na daddy dahil hindi kita anak!” “Huwag mo akong tawagin na daddy dahil hindi kita anak!” “Huwag mo akong tawagin na daddy dahil hindi kita anak!” Paulit-ulit niya itong naririnig. Hanggang sa nag-sink in na sa kanya ang sinabi nito. “Ano po ang sinasabi niyo daddy?” Lakas loob na tanong niya sa daddy niya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, hindi kita anak. Anak ka ng malandi mong ina sa ibang lalaki.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD