Chapter 19

1621 Words
“Kuya, papasukin niyo na po ako.” Sabi ni Nathalie sa guard na nagbabantay sa labas ng bahay nila. Nandito siya ngayon dahil nais niyang makausap ang mommy niya. “Sorry po, Miss pero hindi po kayo puwedeng pumasok. Mawawalan po ako ng trabaho,” sagot ng guard sa kanya. “Kuya, bibigyan kita ng trabaho. Hayaan mo lang ako na makausap ko ang mommy ko,” pag-kumbinsi pa niya sa guard. “Miss, sorry po talaga. Pero hindi po puwede,” pagtanggi nito sa kanya. Mabilis namang tinawagan ni Nathalie ang asawa niya. Naka-loudspeaker pa ito para siguradong marinig ng guard. “Hello hon,” saad niya kay Rafa. “Yes, hon may problema ba?” “Hon, ayaw kasi akong papasukin dito sa bahay namin. Mawawalan daw ng trabaho ‘yung guard. Okay lang ba na bigyan mo siya ng trabaho tapos 50k ang sahod?” Tanong niya sa asawa niya. “Sure hon, katunayan ay naghahanap si mommy ng guard ngayon sa bahay.” Sagot naman ni Rafa sa kanya. “Okay, hon. Thank you and i love you,” malambing na sabi niya bago ibinaba ang tawag. “Miss Nathalie, seryoso po ba kayo 50k po ang sahod?” Tanong ng guard sa kanya. “Narinig mo naman siguro ang sinabi ng asawa ko kuya. Kung gusto mo ibigay ko na agad ang sahod mo ngayon din.” Sabi naman niya sa matanda. “Sige po Miss, payag po ako. Isama niyo na lang po ako sa pag-alis niyo. Natatakot ako baka bigla akong patayin ng daddy niyo.” natatakot na sabi nito. “Nakakaasa po kayo kuya,” sabi ni Nathalie at kaagad na pumasok sa loob ng kanilang bahay. Mabilis siyang pumasok sa loob ng silid ng kanyang mga parents. Hinanap niya ang mommy niya. Nang makita niya ito ay kakaagad na niyakap ni Nathalie ang kanyang ina. “Mommy, I’m sorry po, patawarin niyo po ako.” umiiyak na sabi niya sa kanyang ina. “Anong ginagawa mo dito?” nagulat na tanong ni Lora sa kanyang anak. “Mommy, sorry po. Patawarin niyo po ako.” “Alam mo naman na delikadong pumunta dito. Anak, bakit ka pa bumalik?” Tanong ni Lora sa kanyang anak. “Galit na galit po ba kayo sa akin? Kaya ayaw niyo na pumunta ako dito. Akala ko po magiging masaya kayo.” Umiiyak na tanong ni Nathalie sa kanyang ina. “Hindi ako galit anak, kailangan ko ‘yun gawin para sa ‘yo. Salamat naman at bumalik kana, may tiwala ako sa asawa mo. Sige na anak, umalis kana. Maging masaya ka at maging malaya.” “Mommy, sumama na lang po kayo sa akin. Please, ayaw ko po kayong iwanan. Sumama ka na lang po sa akin mmy.” Umiiyak na sabi ni Nathalie sa kanyang mommy. “Hindi ako puwedeng sumama sa ‘yo anak. May kailangan pa akong gawin at hindi ko puwedeng iwan na lang ang bahay na ito." Malungkot na sabi ni Lora sa kanyang anak. “Mommy,” umiiyak na tawag ni Nathalie sa kanyang mommy. “Sige ba anak, umalis kana. Kailangan mong umalis dito, baka biglang dumating si Arthur. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para mapabuti ka anak ko.” Umiiyak si Lora habang pinapaalis ang kanyang anak. Hindi man niya nais na malayo sa kanya ang kanyang anak, ay gagawin niya ang lahat maging ligtas at maging maayos lang ito. “Babalik po ako dito mommy, babalikan po kita. Sana po sa pagbabalik ko ay sumama na po kayo sa akin. Mahal na mahal po kita mommy,” umiiyak na sabi ni Nathalie bago lumabas sa silid ng kanyang mommy. Isinama niya ang guard na tumulong sa kanya. Dumiretso sila sa opisina ni Rafa. Habang naglalakad si Nathalie ay nakatingin sa kanya ang mga empleyado ng asawa niya. Para bang kinikilatis siya ng mga ito. “Hi, Miss nandyan ba sa office niya si Rafa?” tanong niya sa babae nasa tingin niya ay secretary ng asawa niya. “Sorry Miss, pero hindi ka puwedeng pumunta dito ng walang appointment.” Nakataas ang kilay na sabi pa sa kanya ng babae. “Miss, papasukin mo na ako. Pakisabi na nandito si Nathalie,” mahinahon pa rin na sabi ni Nathalie sa babae. “Ang kulit mo rin Miss, sabing hindi puwede. Umalis kana bago kita ipakaladkad sa mga guard.” Pananakot pa nito. “Miss, baka ikaw ang ipakaladkad ko.” naiinis na sagot naman niya sa babae. “Ang kapal ng mukha mo, pang-ilan ka na ba sa mga babaeng pumunta dito? Pare-pareho lang kayo mga parausa—” Pak! Matalim na ang tingin ni Nathalie sa babae kaya hindi na niya mapigilan ang sarili niya na sampalin ito. Nagulat naman ang lahat ng naroon. “Bakit mo ako sinampal? Hindi mo ba matanggap na isa ka rin sa mga parausan ni Si—” “What the hell is going on here?!” dumadagundong ang boses ni Rafa. “Sir, sinampal po niya ako dahil hindi ko siya pinapasok sa office niyo.” umiiyak na sumbong ng babae sa asawa niya. “Are you okay hon?” Napasinghap naman ang lahat ng naroon dahil hindi nila inaasahan na tatawagin ni Rafa na hon ang babae. “Okay lang ako honey. Ilan bang mga babae ang laging nandito?” naiinis na tanong ni Nathalie sa kanyang asawa. “Hon, bakit mo naman sinampal ang secretary ko?” “Kinakampihan mo ba siya? Pagkatapos niya akong tawagin na isa sa mga parausan mo. Huwag kang tatabi sa akin mamaya. Sa labas ka matulog!” galit na sabi ni Nathalie sabay walk-out. “Hon!” tawag ni Rafa sa asawa niya. “You’re fired! She’s not a w***e she’s my wife.” Galit na sigaw ni Rafa sa secretary niya at mabilis na hinabol ang asawa niya. Nagulat naman ang lahat ng naroon. Hindi sila makapaniwala na may asawa na ang babaero nilang boss. “Alam mo Brina, ‘yung ganun kaganda malabong maging parausan lang ni Sir. Nawalan ka tuloy ng trabaho, puwede mo naman kasi kausapin ng maayos pero kung anu-ano pa ang sinabi mo.” Sabi ng isa sa mga employee ni Rafa sa ex-secretary niya. Galit namang inayos ng babae ang mga gamit niya. Malay ba niya na asawa pala ito ng boss niya. Sa sobrang pagka-babaero nito ay malabong magseryoso ito. Magsisi man ito ay wala na itong trabaho. “Hon, let me explain please.” Tawag ni Rafa sa asawa niya. “Alam ko naman na babaero ka. Pero bakit parang ako pa may kasalanan? Kinampihan mo pa siya,” naiinis na sabi niya sa asawa niya. “Hon, magkaiba ang nagtanong sa kinampihan.” paliwanag ni Rafa sa asawa niya. “Pareho lang ‘yon!” “Okay, pareho na.” Pagsuko ni Rafa sa asawa niya dahil ayaw niya itong magalit. “So, inaamin mo na kinakampihan mo siya?” “Damn it!” napamura si Rafa sa kanyang isipan. “Hon, magdinner na lang tayo.” Yaya niya sa asawa niya. “Maaga pa para magdinner. Sabihin mo nga sa akin, naging babae mo rin ba 'yon?” Tanong ni Nathalie kay Rafa. Napalunok naman siya sa tanong ni Nathalie. Hindi niya alam kung ano isasagot niya. Kung magsasabi ba siya ng totoo o magsisinungaling siya. “Rafael Blake tinatanong kita.” May pagbabanta na sa boses ng asawa niya ngayon. Ngayon lang narealize ni Rafa na kung gaano kaamo ang mukha ng asawa niya ay ganun rin ka nakakatakot ito kapag nagagalit. “Yes hon, pero noon pa 'yon matagal na. Noong nag-apply siya bilang secre—” “Secretary ba talaga o sextary? Napakababaero mo talaga, bwisit ka!” Hinahampas ni Nathalie si Rafa dahil inis na inis na siya sa lalaki. Tumigil lang siya noong napagod na siya. Sinamaan pa niya ng tingin si Rafa. “Hindi ka talaga tatabi sa akin mamaya.” Naiinis na sabi ni Nathalie sa kanyang asawa. “Hon, naman.” “Hindi mo na ako mauuto ngayon Rafael. Sa lapag ka matutulog, wala rin halik. Kapag sinuway mo ako lalayasan kita.” Pagbabanta niya sa asawa niya. Natawa naman si Nathalie dahil para bata ang asawa niya. Nakanguso pa kasi ito at halatang hindi sang-ayon sa parusa niya. **** “Anong ginawa ng anak mo dito?!” Galit na tanong Arthur sa asawa niya. “Hindi ko alam, hindi kami nagkita. Nagpunta ba siya dito?” Pagsisinungaling ni Lora. Pak! “Wala ka talagang silbi! Punyeta ka!” Napahawak naman si Lora sa pisngi niya na sinampal ni Arthur. “Sinusubukan na talaga ako ng anak mo!” “Huwag mong sasaktan ang anak ko Arthur. Akala mo ba hindi ko alam ang mga ginagawa mo. Walanghiya ka!” Hindi na mapigilan ni Lora ang kanyang sarili. “Matapang kana ngayon!” Akmang sasampalin ni Arthur si Lora. “Sige! Saktan mo ako! Kung gusto mo patayin mo na ako! Pero sisiguraduhin ko na ni singkong duling ay wala kang makukuha sa kayamanan ko.” “Anong sabi mo?!” Sinakal naman ngayon ni Arthur ang asawa niya dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Hindi siya makakapayag na wala siyang makuha sa babae. Ang kayamanan nito ang dahilan kung bakit siya nagpakasal noon sa babae. Napaubo naman si Lora ng bitawan siya ni Arthur. Masamang tingin ang ipinukol niya sa kanyang asawa. Balak talaga siya nitong patayin. “Wala kang karapatan sa lahat ng kayamanan ko dahil hindi naman tayo tunay na kasal. Hindi kita tunay na asawa Arthur.” Biglang sabi ni Lora na ikinagulat naman ni Arthur.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD