Episode 4: Waves of Pain

1452 Words
Nagising ako sa sinag ng araw at mag isa pa rin ako sa loob ng condo ni Luca kaya nakaramdam ako ng lungkot. Tinignan ko ang orasan at nakitang 6:00 palang ng umaga. Kahit sumisikip ang dibdib ko, pinagluto ko na lang si Luca para makauwi na ako sa kumbento. Nang matapos na akong magluto, nilapag ko na ito sa mesa at lumabas sa condo niya. Pumunta na ako sa labas at naghintay ng jeep. Sunday ngayon kaya kailangan kong tumulong sa simbahan. Malungkot akong pumasok sa kumbento. “Hindi ka na naman umuwi sa gabi, Lena.” Sabi ni Father at napayuko naman ako. “Pasensya na po, Father.” Malungkot na sabi ko. “Grabe na ang impluwensya ni Luca sayo. Sana naman hindi mo ibibigay ang lahat sa kanya, hindi pa kayo kasal.” Sabi niya sa akin at tumango naman ako pero sobrang guilty ko na dahil binigay ko na ang lahat kay Luca at wala ng natitira para sa sarili ko. “A-Alam ko po Father,” Sabi ko sa kanya at tumango naman ito. Tumulong na ako sa preparasyon sa simbahan habang si Luca lang ang tanging nasa isip ko. Naalala ko nong una kaming nagkita. Linggo yun at may mass dito sa simbahan. Naalala ko nong nakita ko siyang tinitignan ako. Sobrang gwapo niya kaya nagulat talaga ako. Pagkatapos non, kinausap niya ako at araw araw na siyang nagpapadala ng bulaklak. Ngayon ikakasal na kami pero hindi pa rin ako nakikilala ng pamilya niya. Diba kapag ikakasal, magpapakilala sa magulang? Pero hindi ko pa rin kilala ang mga magulang niya. Sinabi niya sa akin na may ate daw siya, si Stacey pero hindi ko pa ito nakikita. *** Ilang araw na ang lumipas nang hindi nagpaparamdam si Luca at birthday na niya bukas. Umiiyak ako tuwing gabi at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Napatakbo ako sa banyo nang nararamdaman kong nasusuka ako. Sumuka ako habang umiiyak. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkaganito? Miss na miss ko na si Luca pero hindi siya pumunta dito sa kumbento. Iba iba na rin ang emosyon ko ngayon at hindi rin ako dinatnan ng regla. Napag isipan ko na pumunta na lang sa condo ni Luca bukas at nagbihis ako para bumili ng regalo ko sa kanya. Pumunta ako sa market at pumili ng mabibili ko. May picture kaming dalawa ni Luca noon na binigay niya sa akin kaya ilalagay ko ito sa frame. Nakangiti ako habang tumatawa si Luca sa larawan na yun. Bumili ako ng frame para doon at pumili ako ng mga polo. “Magkano po ito manang?” Tanong ko sa tindera. “450 yan iha.” Sabi niya at tumango naman ako. “Wala po bang tawad manang?” Tanong ko sa kanya. “400 nalang.” Sabi niya at napangiti naman ako at binayaran ito bumili rin ako ng sinuturon na brown ang kulay dahil mahilig magsuot si Luca ng sinturon eh. Nang matapos na akong makabili, bumalik na ako sa kumbento. Wala sila Father dito ngayon dahil may meeting sa Cebu pero kasama ko naman si Ella dito, isa rin sa mga sakristan na kinupkop ni Father. “Ate para san yan? Ang dami ah.” Sabi niya at tinuro ang mga regalo na ibibigay ko kay Luca. “Para kay Luca, birthday niya bukas.” Sabi ko sa kanya. “Ayiee, mukhang inlab na inlab na tayo.” Sabi niya at napangiti naman ako. Oo, mahal na mahal ko na talaga si Luca at kahit sinasaktan niya ako, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya at tsaka baka hindi niya namamalayan na nasasaktan ako, hindi niya intensyon na saktan ako diba? Kinabukasan, naghanda na ako para sa birthday ni Luca. Nagbihis na ako at sumuot ng white na mahabang palda at sleeves at blazer. Kinuha ko na ang mga dala ko at nagpaalam ako kay Ella. Pumara na ako ng jeep at nagbyahe na patungo sa condo ni Luca. Sobrang excited na ako na makita siya. Miss na miss ko na siya. Kanina, sumuka na naman ako pero baka sa sobrang stress ko yun. O baka may nakain ako kagabi na hindi nagustuhan ng tiyan ko. Nakapagtataka pero wala akong sapat na pera para pumunta sa hospital. Balak ko ng maghanap ng matinong trabaho at magpapaalam ako kay Father at sasabihin ko sa kanya na magtatrabaho na ako dahil mahirap kapag naglalabada ka lang at naglilinis dahil hindi naman ganun kalaki ang kita. Kinabukasan Nagising ako dahil nasusuka na naman ako kaya agad akong tumakbo patungo sa banyo at sumuka. Nilinis ko ang aking sarili at naligo. Gusto ko na talagang mag pa check up ng doktor pero wala pa akong pera at tsaka nahihiya naman ako na manghiram kay Luca. Nagbihis na ako at hinanda ko na ang mga regalo ko kay Luca. Binalot ko na ito kagabi. Nagpaalam na ako kay Ella at pumara ako ng Jeep sa labas at nagbyahe na patungo sa condo ni Luca. Excited na ako na makita siya ulit. Matagal ko na siyang hindi nakikita eh. Miss na miss ko na siya. Nang makarating na ako sa condo niya, nakita ko na hindi naka lock ang pinto at medyo bukas ito kaya dahan dahan ko itong binuksan. Nakarinig ako ng pagtatawanan ng mga kaibigan niya. “Pare anong feeling na maka s*x ang gaya ni Magdalena na birhen? Masarap ba?” Natatawa na tanong ng isang kaibigan niya at napaatras naman ako. “Nandidiri ako, loko. Kung di lang dahil sa bet na ito, hindi ako papatol sa kanya.” Narinig ko ang sabi ni Luca at unti unting umagos ang aking mga luha dahil sa narinig ko. Sobrang sakit at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pinagkaisahan lang nila ako? “Hahaha, alam naman namin yun. Kaya nga malaki ang reward mo.” Natatawa na sabi ng isa niya pang kaibigan. “Tol, baka ma karma tayo sa ginagawa nating ito. Mala birhen yun.” Sabi ng isa niyang kaibigan. “Kaya nga, ginagawa ko lahat para hindi siya gaanong masaktan.” Sabi ni Luca at hindi pa rin ako makagalaw sa kinaroroonan ko. Nalaglag ang box na hinawakan ko at agad silang napatingin sa akin. Tinignan ko si Luca at nagulat ito nang makita ako. “L-Lena,” Kinakabahan na sabi niya. Lumapit ang isa niyang kaibigan na si Jake at kinuha ang box na nalaglag sa sahig. “Luca, may regalo ka pala galing sa JOWA mo.” Sabi ni Jake at binuksan ang box na binalot ko. Kinuha nila ang nasa loob. “Ayiee Luca, may frame kayo oh.” Natatawa na sabi nila at kinuha ang polo na binili ko kahapon. Patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit talaga, hindi nga ako makagalaw dahil hindi ko ma proseso ang sinabi nila kanina. Laro lang ang lahat. “Pare, may polo kana. Siguro sa ukay ito galing.” Natatawa na sabi nila at pinunasan ko ang aking mga luha. “Tumigil nga kayo.” Naiinis na sabi ni Luca at lumapit sa akin. Narinig ko na may mga yapak na papunta sa loob. “Luca!” Nakarinig ako ng boses ng isang babae. At nakita ko ang babaeng sobrang tangkad at parang model dahil sa sobrang ganda niya. Ngumingiti siya at niyakap si Luca. “I brought you a gift, happy birthday!” Masaya na sabi ng babae. “Diba gusto mo naman ng vintage na camera? Ayan an binili ko na.” Sabi nito. “At tsaka, ay isang birthday gift pa ako. Sinasagot na kita, Luca. I am yours now.” Sabi ng babae at hinalikan si Luca. Napaatras naman ako habang tinitignan sila at hindi ko na nakayanan, tumakbo ako palabas habang napahagulhol. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa sakit. Parang tinusok tusok ng kutsilyo ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi totoo ang relasyon namin ni Luca, isa lang ako sa mga laro niya. At ngayon may bagong girlfriend na siya. Kaya pala hindi niya ako pinapapunta sa condo niya, dahil pala may iba siyang babae. Agad akong pumara ng jeep at sumakay. Hindi ako umuwi sa kumbento, pumunta sa tabi ng dagat at doon ko binuhos ang lahat ng sakit na naramdaman ko. Ito na ata ang karma ko dahil binigay ko lahat kay Luca, kaya pinarusahan ako ng Diyos. Pinagmasdan ko ang singsing na binigay sa akin ni Luca. Kaya pala hindi niya ako pinapakilala sa mga magulang niya. Ginamit niya lang ito para makuha ang p********e ko. Sinabi pa niya kanina na nadidiri siya. Napaiyak na lang ako habang pinagmasdan ang alon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD