Gabi gabi akong walang wasto sa tulog, sobrang sikip ng dibdib ko at iyak lang ako ng iyak sa kwarto ko. Hindi ko sinabi kay Father ang totoo, sinabi ko lang na naghiwalay na kami pero hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit. Dahil sa una palang naman, wala na kaming relasyon dahil laro lang sa kanya ang lahat.
Sobrang sakit lang dahil mahal na mahal ko si Luca pero sinaktan niya ako ng lubos. Pinahiya niya ako sa mga kaibigan niya at hanggang ngayon, wala na siyang paramdam sa akin. Wala akong sorry na narinig galing sa kanya. Pero ano ba ang inex pect ko? Hindi niya ako mahal dahil peke lang lahat ng pinakita niya sa akin.
Kahit naman sana, nirerespeto niya na lang ako na parang babae pero wala. Binaboy ako ni Luca pero ang mas masakit, mahal ko pa rin siya kahit ginawa niya yun lahat sa akin. Napakatanga ako, ang tanga ko dahil nahulog ako sa kanya. Bakit ba ako nag expect na magugustuhan ako ng ganong lalaki? Mahirap lang ako at wala rin akong pinag aralan kaya walang magkakagusto sa akin.
Napaiyak na lang ako habang binabalot sa kumot ang aking katawan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang sakit talaga at kada umaga, palagi akong sumusuka. HIndi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa katawan ko. Baka may sakit ako dahil sa stress.
“Ate, okay ka lang?” Nag aalala na tanong ni Ella at tumango naman ako. Hinawakan ni Ella ang noo ko. “Sobrang init mo ate,” Nag aalala na sabi niya at agad na tumakbo palabas. Maya maya, nakarinig ako ng mga yapak na papunta dito at nakita ko si Father at hinawakan niya ang aking noo.
“Dalhin natin sa hospital, tawagin mo si Berto.” Sabi ni Father at agad na tumango si Ella at tumakbo palabas.
“H-Huwag na po,” sabi ko sa kanya.
“Hindi normal ang init mo, Lena. Kailangan mong mag pa check up.” Sabi niya sa akin at hindi na ako sumagot pa. Tinulungan ako ni Father na tumayo at pumasok sila Berto sa loob at tinulungan ako para makapunta sa kotse ni Father.
Pinasok nila ako sa loob at pumunta na kami sa hospital. Chineck ako ng doktor habang nasa labas sila Father. “Mataas ang lagnat mo kaya kailangan mo munang mag stay dito fro 2 days para ma check up ulit.” Sabi niya at tumango naman ako.
“Miss, sumusuka kaba kada umaga?” Tanong niya.
“Opo Doc.” Sabi ko sa kanya.
“Hindi ka dinatnan ng regla mo?” Tanong niya.
“HIndi po,” Sabi ko sa kanya.
“Just to be sure, kailangan kong e check kita ulit but this time in your stomach,” Sabi niya sa akin at nagtaka naman ako.
“Bakit po?” Tanong ko sa kanya.
“You maybe pregnant,” Sabi niya at nanlakihan naman ang mga mata ko sa sinabi niya. B-Buntis ako? Magkakaanak kami ni Luca? Luha ang umagos sa aking mga mata. Paano kung buntis talaga ako? Paano ko sasabihin kay Father? Ano na ang gagawin ko? Hindi ako matatanggap ni Luca pero kung buntis man ako, kailangan kong sabihin sa kanya.
Chineck na ako ng doctor at may nilagay siya sa tiyan ko at ngayon nakarinig ako ng heartbeat. “Congratulations, you’re pregnant. Ang naririnig mo ay heartbeat at sa anak mo.” Sabi niya at sumikip ang aking dibdib pero may part sa puso ko na hindi makapaniwala na naririnig ko ang heartbeat ng anak ko.
“S-Sigurado po kayo Doc?” Mangiyak ngiyak na tanong ko at tumango naman ito.
“Pwede po bang huwag niyo na lang sabihin sa mga kasama ko?” Malungkot na tanong ko habang luha ang umaagos sa aking mga mata. Tumango naman ang doktor at pumasok na sila Father sa loob.
“Sabi ng Doktor dalawang araw ka dito.” Sabi ni Father at tumango naman ako at nakatulala lang habang tinitignan ang pader. Hindi ko masasabi kay Father ang tungkol dito kaya aalis na lang ako sa kumbento. Hindi ko na kaya ang kahihiyan na nagawa ko. Pinalaki ako ni Father ng matino pero sinira ko ang aking buhay.
***
Dalawang araw na ang lumipas at nakauwi na ako sa kumbento. Hindi ko pa rin ma proseso ang narinig ko noong nakaraang araw. Gabi gabi akong umiiyak dahil naguguluhan na ako sa mga pangyayari. Sobrang sakit pa ng ginawa sa akin ni Luca at ngayon buntis ako sa magiging anak namin. Kailangan kong sabihin sa kanya, hindi ko kayang mag isa lang bubuhayin ang anak namin. Kailangan niyang malaman na magkakaanak kami para sa kapakanan ng anak ko.
Gabi na at sumusulat ako ngayon ng note para kay Father. Luha ang umagos sa aking mga mata habang sinusulat ito pero nahihiya na ako sa kanya at alam ko na masasaktan siya pero hindi ko kayang harapin si Father.
Sinulat ko na maghahanap na ako ng trabaho dahil buntis ako. Sinulat ko na nahihiya na ako sa kanya kaya hindi ko siya kayang harapin. At nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa pagpalaki sa akin at pagtrato sa akin na tunay na anak.
Nang matapos na akong sumulat, pinunasan ko ang aking mga luha at nilagay ang papel sa mesa. Tulog na sila Father sa ganitong oras kaya kinuha ko na ang bag ko at ang konting naipon ko at pumunta ako sa condo ni Luca. Nang makarating na ako sa condo niya, kumatok ako sa pinto niya.
Nagtataka kayo kung bakit ko ito ginagawa?
Oo sobrang sakit ng ginawa niya pero hindi ko kayang buhayin mag isa ang anak namin. Wala akong trabaho at kung magkakaroon man ako, alam ko hindi magiging sapat yun. Kinakapalan ko na ang mukha ko para lang sa anak ko. Kahit sobrang pangbabastos ang ginawa niya, may karapatan siyang malaman tungkol sa pagbubuntis ko.
Pinunasan ko ang aking mga luha at bumukas ang pinto ngunit hindi Luca ang nakaharap ko, kundi ang isang lalaki na hindi ko kilala. “Anong atin?” Tanong niya.
“N-Nandyan ba si Luca?” Tanong ko sa kanya at kita ko ang pagtataka sa mukha niya.
“Luca? You mean the previous owner of this condo? Wala na siya dito, binenta na niya ang condo niya. Lumipat na ata.” Sabi niya sa akin at parang bumagsak ang aking puso dahil sa narinig ko.
“A-Alam niyo ba kung nasaan siya ngayon?” Tanong ko sa kanya at umiling naman ito.
“Hindi eh, hindi naman talaga kami magkakilala. Nagkilala lang kami dahil sa pagbili ko ng condo niya.” Sabi niya.
“Sige, salamat.” Malungkot na sabi ko at agad na umalis. Napaiyak na lang ako habang tinitignan ang maraming sasakyan sa harap ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko na kayang harapin si Father. Masisira ang reputasyon niya dahil sa akin. Kapag nalaman ng mga tao na buntis ako at walang ama ang magiging anak ko, madadamay si Father sa issue at ayokong madamay pa siya dahil sa akin. Sobrang na ang kahihiyan na ginawa ko.
Mag isa akong naglakad lakad sa kalsada, hindi alam kung saan pupunta. Nag iisip ako sa susunod na gagawin ko pero hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Binilang ko ang natira sa pera ko, may 1000 pa ako dito pero masasayang lang ito kapag nag bayad ako para sa motel.
Napahagulhol na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Hinaplos ko ang aking tiyan habang napatingin sa langit. “Ganun na ba kalaki ang kasalanan ko para parusahan niyo ako ng ganito?” Iyak ko habang hinahawakan ang aking dibdib.
May nakita akong upuan sa labas ng isang tindahan kaya umupo ako dito. Hindi ito nagsasara kaya dito na lang muna ako.
Napaisip ako sa lahat ng nangyari sa aking buhay. Wala na si Luca, umalis na siya. Siguro nagsimula na siya ulit sa bagong girlfriend niya.
Sumikip ang aking dibdib habang iyak lang ako ng iyak.
Sana naman may pag asa pa para maiahon ko ang buhay ko at ang buhay ng magiging anak namin ni Luca.