Bumukas ang pinto at agad itong sinara ni Luca at hinila ako sa hallway. Nagtaka naman ako dahil sa asal niya. “Luca ano ang problema?” Tanong ko sa kanya and he shook his head at pumasok kami sa elevator. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Ngayon ko lang siyang nakita na ganito.
“Sa susunod Lena, magsabi ka naman kung pupunta ka sa condo ko.” Galit na sabi niya sa akin at luha ang umagos sa aking mga mata. Ngayon ko lang kasi narinig ang galit niyang boses. Hindi naman siya nagagalit sa akin noon. Unti unti na siyang nagbabago eh at nasasaktan na ako.
“S-Sorry Luca, h-hindi mo kasi ako sinundo sa kumbento kaya nagtaka ako.” Mangiyak ngiyak na sabi ko at napa buntong hininga naman ito at napahawak sa ulo niya.
“Huwag ka ng pupunta sa condo ko nang di ka nagpapaalam ha?” Sabi niya at malungkot akong tumango habang hinahawakan ang mga daliri ko. Nasasaktan ako sa asal niya ngayon. Simula nong makuha niya ang pagka babae ko, palagi na siyang galit sa akin.
Sumakay na kami sa kotse niya. “Saan tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya at nakatingin lang siya sa daan habang nagmamaneho.
“Kakain tayo ng lunch.” Sabi niya at tumango naman ako. Tahimik lang kami habang nagmamaneho siya. Hindi ko pa rin ma proseso ang nangyari. Bakit ayaw niya akong papasukin sa condo niya. May tinatago ba siya sa akin?
Huminto na ang sasakyan sa harap ng isang restaurant at bumaba na kami ni Luca. Pumasok kami sa loob at umupo. Nga order siya ng pagkain habang may tinitignan siya sa cellphone niya. Napayuko naman ako. Tumunog ang kanyang cellphone at agad niya itong sinagot. Tumayo siya at lumayo.
“You’re awake,” Masaya na sabi niya at tuluyan na itong lumabas. Dumating na ang order kaya pumunta ako sa labas para tawagin si Luca. “I’ll be there, ihahatid kita, give me 6 minutes.” Sabi ni Luca.
“Luca sino ang katawag mo?” Tanong ko sa kanya at nagulat naman ito at agad na binaba ang cellphone niya.
“Lena, kumain ka muna sa loob. Susunod naman ako, kailangan ko pa kasing ihatid si Jake, may importanteng pupuntahan.” Sabi niya at nakaramdam naman ako ng lungkot dahil iiwan niya naman ako. “Hey, it’s okay, babalik naman ako, ilangminuto lang ako mawawala. Kumain kana muna sa loob.” Sabi niya at wala akong choice kundi ang tumango.
“Sige, Luca.” Mahinang sabi ko at umalis na siya. Bumalik na lang ako sa loob at nagsimula nang kumain. Nang matapos na akong kumain hindi pa rin nakabalik si Luca at hindi ko na alam kung ilang oras na akong naghihintay dito sa loob ng restaurant.
“Ma’am, ito po ang bill.” Sabi ng isang waiter at tinignan ko ang bill at nagulat ako nang makita na 1,500 lahat. 100 lang kasi ang dala ko ngayon kasi ang iba kong pera, nasa kwarto ko para sa birthday ni Luca.
“Ahh ma’am, hinihintay ko pa kasi ang boyfriend ko.” Sabi ko sa kanya at tumango naman ito at umalis. Hindi ko alam kung ilang oras na akong naghintay, hindi naman ako pwedeng umalis dahil hindi pa ako nakapagbayad. Nahihiya na ako. Nasaan na ba si Luca, ba’t niya ako iniwan dito at hindi binalikan? Bakit palagi na niya akong sinasaktan ngayon?
“Ma’am, ilang oras ka nang nakaupo dito pero hindi ka pa rin nagbabayad ng mga kinain mo.” Sabi ng isang lalaki at napayuko naman ako.
“P-Pasensya napo, h-hinihintay ko po kasi ang boyfriend ko.” Mangiyak ngiyak na sabi ko.
“Naku po ma’am, negosyo po ito. Kung namumulubi ka lang rin naman, sana sinabi niyo na lang sa amin dahil handa naman kaming magbigay.” Naiinis na sabi niya at luha ang umagos sa aking mga mata. Tinitignan na kasi kami ng mga tao at sobra na ang hiya na nararamdaman ko.
“P-Pasensya na po,” Iyak ko.
“Mahal pa naman iyong inorder mo, maghugas ka na lang ng mga plato sa loob para mabayaran mo ang lahat ng ito.” Sabi niya at agad akong tumango at pinunasan ang aking mga luha. Sumunod ako sa isang waiter at dinala niya ako sa may mga naghuhugas ng pinggan.
“Hugasan mo lang ang lahat ng ito,” Sabi ng waiter at tumango naman ako. Binigyan niya ako ng gloves at nagsimula na akong maghugas ng napakaraming mga plato. Ilang oras na akong naghuhugas doon at mukhang gabi na ata sa labas. Pinagpapawisan na ako.
“Sir, pasensya napo. Hindi naman po namin alam na girlfriend niyo ito, matagal na kasi siyang naghihintay at hindi nagbabayad.” Narinig ko ang boses ng isang lalaki kanina at napalingon ako at nagulat nang makita ko si Luca. Nakita ko ang awa sa kanyang mga mata habang tinitignan ako.
“Luca,” Bulong ko.
“Halikana, Lena.” Galit na sabi ni Luca. “Sa susunod, huwag kayong padalos dalos.Baka ipapasara ko itong restaurant niyo” Galit na sabi ni Luca at agad kong hinubad ang gloves ko at lumapit kay Luca. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palabas.
“L-Lena, I’m sorry.” Malungkot na sabi niya at hinawakan ko ang pisngi niya.
“Okay lang Luca,” Sabi ko sa kanya pero sa loob ng nararamdaman ko, sobrang sakit talaga.
***
“Hindi mo ako iuuwi sa kumbento?” Tanong ko sa kanya at umiling naman ito.
“Dito muna, sobrang late na.”Sabi niya sa akin at tumango naman ako. Pumunta kami sa condo niya at pumasok sa loob. Ngunit sa pagpasok ko, may kakaibang amoy ang naamoy ko. Iba ang pabango. Alam ko kasi ang pabango ni Luca pero iba ito dahil parang pambabaeng pabango.
“Luca, may pumunta ba dito sa condo mo kanina?” Tanong ko sa kanya.
“Wala,” Sabi niya at hindi na ako nagtanong pa. Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot. Hindi naman ako pagtataksilan ni Luca diba? Mahal na mahal niya ako kaya hindi niya yun magagawa sa akin.
“Pwede ba akong maligo?” Tanong ko sa kanya at tumango naman ito kaya pumunta ako sa banyo para maligo. May damit naman ako dito kasi noon, dito naman ako natutulog. Nang matapos na akong maligo, binalot ko na ang katawan ko sa tuwalya at binuksan ang pinto. Nakahiga si Luca sa kama kay uminit ang pisngi ko at agad na tumakbo patungo sa cabinet niya. Kinuha ko ang damit ngunit bago ko pa ito makuha, nakaramdam ako ng mga haplos sa braso ko.
“Luca,” Bulong ko at naramdaman kong hinahalikan niya ako sa leeg. Dinilaan niya ang leeg ko kaya napapikit ako. “Ahhhh,” Ungol ko. Narinig kong tumunog ang cellphone niya kaya agad siyang huminto at kinuha ang cellphone niya. Pumunta siya sa balcony at may kinausap kaya malungkot akong sinuot ang mga damit ko.
Umupo ako sa kama niya habang hinihintay siya. Maya maya, bumalik na siya at humiga sa kama sa tabi ko. “Let’s sleep.” Sabi niya at tumango naman ako at humiga sa tabi niya. Uminit ang aking pisngi habang pinagmamasdan siya. Pinagmasdan niya ang mukha ko at hinaplos ang aking buhok.
“Alam mo ba na ang ganda ganda mo?” Tanong niya at napangiti naman ako at umiling. “Kung aayusan ka, siguro mas gaganda kapa.” Sabi niya sa akin.
Narinig kong tumunog na naman ang cellphone kaya agad niya itong kinuha at tinignan. Agad siyang tumayo at tinignan ako. “Lena, okay lang ba kung dito kana muna?” Tanong niya sa akin.
“Saan ka pupunta, Luca?” Tanong ko sa kanya.
“May aasikasuhin lang ako, babalik naman ako.” Sabi niya at napayuko naman ako. “I promise, babalik ako.” Sabi niya sa akin at dahan dahan akong tumango. Umalis na si Luca at sumikip ang aking dibdib. Ako lang mag isa dito at wala na naman siya. Palagi niya lang akong iniiwan.
Luca’s POV
“Pare, kailan mo ba ititigil ito? Tapos na ang bet, nanalo kana. Ibinigay ko na sayo ang kapatid ko. Huwag mong sabihin lolokohin mo ang kapatid ko” Sabi ni Jake and I sighed. Months ago, nagkaroon kami ng bet na kung makukuha ko ang virginity ni Lena, ibibigay sa akin ang kapatid niya na matagal ko ng gusto, si Selena. Noon pa lang, gustong gusto ko na si Selena, isa siyang sikat na model sa States at ngayon nagbabakasyon siya dito sa pinas.
Maganda si Selena, she has light brown long and wavy hair and her body is fit at mataas rin siyang babae. I think she’s 5’10. She has a very angelic face but Lena has a natural look dahil hindi ito sumusuot ng make up. Teka, ba’t ko ba iniisip si Lena, ayoko ng ganung babae, napaka conservative eh.
“Jake, alam mo naman na mahal na mahal ko ang kapatid mo pero kailangan ko munang magpanggap dahil ayokong masaktan ng lubusan si Lena kapag malaman niya ang totoo. Kailangan ko munang ilayo ang loob niya sa akin, slowly para hindi siya gaanong masaktan.” Sabi ko kay Jake and he sighed and shook his head.
“Siguraduhin mo lang ha, baka ma inlove ka dyan sa Lenang yan.” Sabi ni Jake and I nodded my head.
“Si Selena lang naman ang gusto ko at ngayon, malapit ko na siyang magiging girlfriend.” Masaya na sabi ko kay Jake.