Manila “Wala sa usapan natin na titira tayo sa iisang bahay, Luca.” Galit na sabi ko sa kanya. Buhat niya ngayon ang natutulog naming anak at napatingin siya sa akin habang tinitignan ko siya ng masama. “Ihahatid ko muna si Abelia sa kwarto niya.” Sabi niya sa akin at sumunod ako sa kanya. I saw a pink room at sobrang ganda ang nasa loob. May mga posters ng mga cartoons at kumpleto lahat ng gamit. May maraming mga laruan, piano at iba’t ibang instruments. “Pinaayos ko ito nong nandon pa tayo sa Aklan, I called one of my workers.” Sabi niya sa akin. “Dito ba kayo nakatira ng asawa mo?” Tanong ko sa kanya dahil kung dito, aalis ako ngayon din. Hindi niya naman kami kailangang bastusin. “No. I brought this a week ago.” Sabi niya sa akin at dahan dahan na nilagay si Abelia sa kama niya.