Pinatulog ko na si Abelia dahil gabi na. Hindi pa rin umuuwi si Luca at wala akong balak na hinatayin siya. Sinasabi ko na nga ba na gulo lang ang makukuha ko dito. Nasasaktan ako sa pangyayari kanina. Alam ko na hindi ko dapat tinulak si Selena at normal lang sa kanya ang magalit dahil sa ginawa sa kanya ni Luca pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sana tanggapin na lang niya na gusto na ng divorce ni Luca. Pumasok na ako sa kwarto ko while I sobbed silently. Narinig ko ang busina ng kotse sa labas at maya maya, nakarinig ako ng mga yapak papunta sa taas. I heard my door opened at hindi ako gumalaw. “Lena,” Mahinang pagtawag sa akin ni Luca. “Bakit ka nandito Luca? Sana sinamahan mo na lang ang ASAWA mo,” I said coldly. Pinunasan ko ang aking mga luha at naramdaman kong umupo siya s