Tahimik lang kami ni Luca habang nagmamaneho siya. Hindi ako makasagot sa sinabi niya sa akin. Sinabi niya na iiwan niya si Selena para sa amin ni Abelia pero paano ang magiging anak nila? Buntis si Selena at kapag naiisip ko yun, nasasaktan ako at nagagalit kay Luca. Nakita ko na huminto kami sa isang mall at napatingin naman ako sa kanya. “I will buy you clothes, diyan ka lang.” Sabi niya at hindi ako sumagot. Bumaba na siya at pumunta sa loob. Pagbalik niya nakadala na siya ng mga damit. “wear it,” Sabi niya at sinuot ko ang mga ito. Isang oversize shirt na mukhang kasya sa kanya dahil sa laki nito at isa ring baggy jeans. Nagsimula na siyang magmaneho at huminto siya sa isang hotel kaya napatingin ako sa kanya. “Anong ginagawa natin dito?” Tanong niya sa akin. “We can’t talk sa ba