Umuwi na ang mga bisita ni Luca at naiwan kaming dalawa dito. nalulungkot pa rin ako dahil sa sinabi ng mga kaibigan niya kanina pero mawawala rin ito. Hindi lang ako sanay sa mga insulto dahil mababait na tao naman kasi ang nakapaligid sa akin sa kumbento kaya ngayon lang ako naka experience ng ganito. Alam ko naman na hindi bagay sa kanila ang mga pananamit ko dahil mahirap lang ako pero sana may respeto rin sila sa mga taong kagaya ko.
“Hun,” Tawag sa akin ni Luca habang humihiga sa kama. “Pwede paki ligpit na lang ng mga plato? Pagod na pagod kasi ako hun eh,” Sabi nya sa akin. I smiled at him and nodded my head.
“Oo naman, magpahinga kana muna diyan. Ako na bahala dito.” Sabi ko sa kanya and gulped habang tinitignan ang mga kalat sa buong mesa. Mukhang marami ang malilinis ko ngayon pero okay lang yun dahil sanay naman ako sa mga ganito.
Hinugasan ko na ang mga plato at niligpit ito. Ilang minuto rin ang lumipas bago ako matapos at sobrang pagod na pagod ko na talaga dahil kanina pa ako nagluluto. I went to the bed at nakita si Luca na nakahiga sa kama habang natutulog. Humiga ako sa tabi ni Luca habang nakangiti. Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha at hindi talaga ako makapaniwala na akin siya. Magpapakasal na talaga kami at sobrang saya ko.
I glance at the ring na binigay niya sa akin.
***
“Luca,” Ginising ko siya dahil malapit nang mag alas otso kaya kailangan ko ng umuwi sa kumbento. Alam ko na magagalit sa akin si Father dahil hindi ako nakauwi sa dalawang araw. Pero sinabi ko sa kanya na sasama ako kay Luca. At first, hindi siya sang ayon pero pinayagan na rin niya ako dahil malaki na raw ako.
I am already 20 years old habang si Luca naman ay 27 at tsaka malapit na rin ang birthday niya. Next week ang birthday niya kaya nag iipon ako para bilhan siya ng gift. Hindi ko pa alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya dahil konti lang naman ang naiipon ko. Minsan nag lalaba ako sa mga kapitbahay at naglilinis rin ako sa mga may gustong magpapalinis sa bahay nila at minsan, binibigyan ako ng 500 pero minsan 200 lang.
“Luca,” I called him again and shook his body and he groaned at tinignan ako. “Ano?” Naiinis na tanong niya and my heart ached dahil ngayon ko lang narinig na napagsabihan niya ako ng tono na naiinis.
“Kailangan ko ng umuwi sa kumbento.” Sabi ko sa kanya and he sigh at umupo habang napakamot siya sa kanyang buhok. “Galit kaba?” Malungkot na tanong ko sa kanya and he shook his head.
“Hindi,” He said at tinignan ako. Nakita ko siyang kinuha ang kanyang wallet at may kinuha rito. “Hun,” Tawag niya at napalingon naman ako sa kanya. “Pwede bang mag taxi ka nalang?” Tanong niya at binigyan ako ng pera. Sumakit ang aking dibdib dahil sa sinabi niya. Hindi naman kasi siya ganito noon. Palagi niya akong hinahatid sa kumbento at ngayon, ayaw na niya akong ihatid.
Pero baka pagod na pagod lang talaga ang katawan niya kaya kailangan ko siyang intindihin.
“Okay,” Mahinang sabi ko at lumapit siya sa akin at niyakap ako.
“Sorry talaga hun, sobrang pagod pa talaga ang katawan ko ngayon eh.” Sabi niya and I nodded my head. Naiintindihan ko naman na sobrang pagod siya. Kaya lang, pagod rin ako dahil sa kakatrabaho ko kahapon.
“Uuwi na ako, Luca.” Sabi ko sa kanya and he nodded his head at tinignan ako na para bang may awa sa kanyang mga mata ngunit nawala ito. Ngumiti ako kay Luca at niyakap siya. “Kukunin mo ba ako bukas?” Tanong ko sa kanya at tumango naman ito.
“Sige aalis na ako, Luca. Mag ingat ka, tsaka kumain ka ng wasto. Mahal na mahal kita.” Sabi ko sa kanya at natahimik naman ito.
“Ikaw rin, Lena.” Sabi niya at tuluyan na akong umalis. Huminga ako ng malalim at pumara ng taxi ngunit may nakabangga sa akin at natumba ako sa daan. Napangiwi ako sa sakit.
“Naku miss, okay ka lang?!” Narinig ko ang isang nag aalaga na boses at may tumulong sa akin patayo. Napatingin ako sa lalaki, mataas siya at gwapo. May itim siyang buhok at moreno ang kanyang kulay hindi gaya sa mestizong kulay ni Luca.
“Okay lang ako,” Mahinang sabi ko sa kanya at pinunasan ang aking palda. Napakamalas ko naman ngayong araw. Pagod na nga ako, na disgrasya pa ako at napahiya. Hay naman, mukhang hindi ko araw ito.
“I feel so bad, ihahatid na lang kita sa inyo, may kotse naman ako.” Sabi niya at umiling naman ako. Hindi naman niya ako kailangang ihatid dahil lang nabangga niya ako. At tsaka hindi naman kotse niya ang nakabangga, iyong katawan niya lang naman.
“Hindi na, sasakay nalang ako sa taxi.” Sabi ko sa kanya sabay nginit.
“Please Miss? I really feel so bad,” Sabi niya at napa buntong hininga naman ako and decided na pumayag nalang na ihatid niya ako at mukha namang mabuti siyang tao.
“Sige,” Sabi ko sa kanya at napangiti naman ito. Dinala niya ako sa kotse niya at binuksan ang pinto para makapasok ako. Pinasalamatan ko naman siya at pumasok. Nagsimula na siyang magmaneho.
“Saan ka nakatira?” Tanong niya sa akin.
“Sa kumbento, diyan lang sa malapit na simabahan.” Sabi ko sa kanya and he nodded his head.
“Sa kumbento ka talaga nakatira? Or sakristan lang?” Tanong niya sa akin.
“Doon talaga ako nakatira, kinupkop ako ng pari.” Sabi ko sa kanya and he nodded his head. May mababait pa rin talagang tao sa mundo. Sana marami pa akong makilala na ganito ang mga ugali. Mayaman siya pero hindi siya nanghuhusga sa tulad ko at hinatid pa niya ako.
“Maraming salamat talaga sa paghatid sa kin.” Sabi ko sa kanya and he smiled and nodded his head.
“Dapat nga ako magpasalamat dahil pumayag ka.” Sabi niya sa akin. “By the way, bakit ka sa building na yun?” Tanong niya sa akin and I bit my lip.
“May boyfriend kasi ako don,” Sabi ko sa kanya at tumango naman ito.
“Hindi sa pangingialam pero dapat hinatid ka niya.” Sabi niya sa akin at napayuko naman ako.
“Pagod na pagod kasi siya eh,”Sabi ko sa kanya at hindi na siya nagsalita. Nang makarating na kami sa simbahan, bumaba na ako at tinignan siya.
“Maraming salamat talaga,” Sabi ko sa kanya and he smiled and nodded his head. Aalis na sana ako pero tinawag niya ako ulit.
“Miss,” Tawag niya. “Ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong niya sa akin.
“Lena,” Sabi ko sa kanya.
“I’m Ace.” Sabi niya at ngumiti naman ako at tuluyan ng nagpaalam sa kanya. Bumalik na ako sa kumbento at kinakabahan ako habang hinawakan ang isang kamay ko. Nakita ko si Father na may inasikasong mga papeles at napalunok naman ako habang tinitignan siya. Napalingon siya sa akin.
“Oh, nandito kana pala.” Sabi niya at tumango naman ako sa tabi niya.
“Father, may sasabihin sana ako.” Sabi ko sa kanya at tumango naman ito. Alam ko na galit siya, hindi niya lang pinapakita. Kilala ko na siya dahil siya ang nagsilbing ama ko sa buong buhay ko. “Magpapakasal na kami ni Luca,” Sabi ko sa kanya at natahimik naman ito.
“Sigurado kaba Lena? Ang bata bata mo pa, beynte ka palang.” Nag aalala na sabi niya.
“Opo, Father. Mahal na mahal ko po talaga si Luca.” Sabi ko sa kanya at napabuntong hininga naman ito at hinawakan ang aking mga kamay.
“Kung yan ang gusto mo Lena, pero sana naman, sigurado kana sa desisyon mo at alam mo na kung matinong lalaki talaga si Luca.” Sabi niya sa akin.
“Sigurado napo ako father,” Sabi ko sa kanya at malungkot itong tumango.
***
Wala akong narinig kay Luca simula kahapon at nag aalala na ko. Sabi niya kasi, susunduin niya ako dito pero hindi pa rin siya nakakapunta dito kaya I decided na ako na lang ang pumunta sa kanya. Nagpaalam na ako kay Father na aalis muna ako at pumunta ako sa condo ni Luca.
Nang makarating na ako sa loob, kumatok ako sa pinto niya at maya maya, nagbukas na ito. Napangiti ako nang makita ko si Luca ngunit parang napa ka flustered niya ngayon. Nagulat siya nang makita ako.
“L-Lena, anong ginagawa mo dito?” Kinakabahan na tanong niya. Nakasuot lang siya ng boxer.
“Sinabi mo kasi na susunduin mo ako kahapon pero hindi ka naman pumunta,” Sabi ko sa kanya at akmang papasok pero pinigilan niya ako.
“T-Teka, magbibihis muna ako, lalabas tayo. Hinatayin mo ako diyan.” Sabi niya at sinara