Luca’s POV Wala akong ganang bumalik sa resort na tinutuluyan namin ni Selena. Next week is schedule na namin para umuwi sa Manila. Nag leave lang kasi ako ng one month vacation. Yes I am still a mayor there pero 2 years na lang at aalis na ako sa pagiging mayor. Hindi ko alam kung paano kumbinsihin si Lena na bumalik doon. Naguguluhan na rin ako. “Luca,” Galit na tawag sa akin ni Selena and I sighed. “Pagod ako Selena,” Sabi ko sa kanya at hinubad ang jacket ko at umupo sa kama. “Hindi na ito tama ang ginagawa mo sa akin Luca! Bakasyon natin ngayon pero palagi kang wala.” Iyak niya and now I feel guilty. Hindi pa niya alam ang tungkol kay Lena at sa anak ko at plano ko ng sabihin sa kanya dahil ayoko ng magsinungaling kahit kanino. “Selena may sasabihin ako sayo,” Mahinang sabi ko