Episode 1: Claimed

1632 Words
Napangiti ako habang pinagmamasdan si Luca na natutulog. Hubad ang aming mga katawan dahil sa ginawa namin kagabi. Hindi ko akalain na makukuha ni Luca ang pagka inosente ko. Alam ko na hindi ito tama pero sabi ni Luca sa akin na magpapakasal kami pagkatapos naming magtalik kaya pumayag na ako. Binigyan na nga niya ako ng singsing. Sobrang ganda ng singsing at mukhang mamahalin pa. I caressed his handsome face, sobrang gwapo niya talaga, and he looks exactly the same nong una kaming nagkakilala three months ago. He has dark brown messy hair at mahaba ang kanyang mga pilikmata and he has a pinkish lips. Si Luca Alexander Grayson ay isang mayaman na tao, nakilala ko siya sa simbahan dahil these past few months, nakikita ko siyang nagsisimba at may time na hinintay niya ako sa labas ng simbahan at kinausap. Hindi nga ako makapaniwala nong kinausap ko siya dahil sobrang gwapo niya at sobrang tangkad pa. Pagkatapos naming nag usap, araw araw na siyang pumupunta sa simbahan para bigyan ako ng bulaklak. Binalaan naman ako ni Father na mag ingat ako baka daw kasi, pinaglalaruan lang ako. Pero nakikita ko naman na seryoso talaga si Luca kaya sinagot ko na siya at naging kami. Sobrang sweet niya at palagi niya akong dinadala sa mga mamahaling restaurant at mga beach resort. Minsan nga, nahihiya ako kapag kasama siya dahil sobrang simple ko lang talaga kompara sa kanya. I am always wearing a long skirt at t-shirt lang at tanggap niya naman ako kahit ganito ang suot ko kaya sobrang nagpapasalamat ako dahil binigay sa akin ng diyos si Luca. Naghihintay lang ako sa kasal namin. Sinabi ko na kay Father ang tungkol dito at sinabi niya na pag isipan ko raw ng maayos dahil hindi pa kami gaano katagal nagkakilala. Flashbacks from last night, came to me and I blushed dahil sa naalala ko. Masakit sa una pero sobrang ganda na ng feeling pagkatapos. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa na naman ang bagay na yun. Luca has a very build body. 6 foot ang height niya kumpara sa 5’4 kong height. “I love you, Luca.” I whispered and kissed his forehead. Nakita ko nagbukas ang kanyang mga mata and I smiled at him. “Good morning,” Masaya na sabi ko and he smiled back and caressed my hair. “Good morning,” He said and yawned. Napangiti naman ako habang umiinit ang aking pisngi. Hindi kasi ako sanay sa ganito. Dinala niya ako sa condo niya kagabi. “Gusto mo bang kumain?” Nahihiya na tanong ko and he nodded his head. I covered my body with the comforter and I blushed nang makita ko ang hubad niyang katawan. “Hun, ba’t mo ako hinubaran?” Natatawa na tanong ni Luca and I blushed. “E-Eh kasi, wala ng ibang pantakip.” Nahihiya na sabi ko sa kanya. Gosh, I feel so dumb. Ito ang first time ko kaya normal lang na maramdaman ko ang ganito. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Luca and he shook his head. “Nakita ko na lahat yan kagabi,” He said and I blushed. “Suotin mo na lang ang t-shirt ko. Kumuha ka sa cabinet.” Sabi niya and I nodded my head shyly at pumunta sa cabinet at kumuha ng isang t-shirt. Malaki si Luca kaya sobrang laki rin ng t-shirt niya. Pumunta ako sa banyo at nagbihis. napatingin ako sa refleksyon ko sa salamin. I have wavy natural black hair. Karamihan ay gusto ang buhok ko dahil natural lang itong wavy. Mahaba ang buhok ko, dahil ayaw ko naman ng maliit na buhok. Maputi ang aking balat at hindi ko alam kung saan ako nagmana dahil hindi ko alam kung sino ang tunay kong ama at ina. Mahaba ang aking mga pilikmata at pointed ang aking ilong. Sabi nila, maganda raw ako pero hindi ko yun nakikita. I smiled at the mirror at lumabas. Nakita ko si Luca na nakahawak sa cellphone niya habang may pag aalala sa kanyang mukha. Nakasuot na ito ng boxer. “Luca, anong problema?” Tanong ko sa kanya and he glance at me habang napahawak siya sa buhok niya. “Wala,” Sabi niya. “Magluto kana, may mga pagkain sa kusina.” Sabi niya and I bit my lip and nodded my head. Hindi ko alam kung anong problema ni Luca, hindi niya naman sinasabi sa akin. Sa buong pagsama namin, wala naman kaming naging problema dahil hindi kami nag aaway. Sobrang perfect niya kasi sa akin kaya nga na inlove ako sa kanya dahil pinaparamdam niya sa akin palagi na mahal niya ako. Nagsimula na akong magluto. Hindi first time sa akin na lutuan si Luca dahil dinala niya naman ako minsan dito sa condo niya kaya nilulutuan ko siya. Nilutuan ko siya ng gulay at hotdog and eggs. Nang matapos na akong magluto, nilapag ko na ito sa mesa. “Luca, kain na.” Tawag ko sa kanya and soon enough, narinig ko ang kanyang mga yapak na papunta dito sa kusina. Umupo siya sa upuan at nagsimula na kaming kumain. “Luca, tungkol sa kasal natin. Kailan tayo magpapakasal?” Tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. “Huwag muna nating pag usapan, Lena.” Sabi niya and I bit my lip and nodded sadly. Sinabi niya kasi sa akin na pag uusapan namin ang aming kasal kapag natapos na kaming magtalik. May pagmamahal ang ginawa namin kagabi at ikakasal din naman kami kaya pumayag ako sa gusto niya. At tsaka mahal na mahal ko naman talaga siya at alam ng diyos yun kaya maiintindihan naman ako ng diyos diba? “Okay,” Tahimik na sabi ko. “Lena, may bisita ako dito mamaya. Pwede mo ba akong tulungang magluto? Ikaw lang naman kasi ang masarap na magluto dito.” Sabi niya sa akin and I smiled at tumago. Syempre naman, bilang magiging asawa niya, kailangan ko siyang pagsilbihan. Gagawin ko lahat para kay Luca dahil mahal na mahal ko siya. “Oo naman,” Sabi ko sa kanya sabay ngiti. *** Sabi ni Luca, anim na tao ang pupunta dito kaya marami rami rin itong niluto ko. Hindi pa nakakauwi dito si Luca kaya ako lang ang mag isang naiwan dito. Kailangan ko pang pumunta sa tindahan para bumili ng wine dahil pinabili ako ni Luca kanina at binigyan ako ng listahan. I wiped my sweats away at nagbihis. Nagsuot ako ng mahabang palda at t-shirt at blazer. Bumaba na ako sa building at pumunta sa malapit na tindihan para bumili ng wine. Apat na wine ang bitbit ko ngayon habang nakabalot ng bag. Bumalik na ako sa condo ni Luca at nilagay ang mga wine sa mesa. Hinanda ko na rin ang mga pagkain sa mesa at humiga ako sa kama dahil sa pagod na naramdaman ko. Masakit pa rin ang ari ko dahil sa nangyari kagabi. Maya maya, bumukas ang pinto kaya agad akong napaupo at inayos ang damit ko. Narinig ko na may nagtatawanan sa papasok sa loob. Nakaramdam ako ng kaba dahil ngayon ko lang mahaharap ang mga kaibigan ni Luca. Ni minsan kasi, hindi niya ako pinakilala sa kanila kaya kinakabahan ako na baka hindi nila ako magustuhan. “Ang bango ah, siguro masarap magluto ang girlfriend mo.” Narinig ko ang boses ng isang lalaki. I saw 4 men at two girls na napahinto nang makita ako. “Luca, hindi ko alam, may yaya ka pala sa condo mo.” Sabi ng isang babae and my heart ached. Napagkamalan nila akong yaya. Tumayo naman ako at ngumiti sa kanila. “Girlfriend ko yan, kayo talaga.” Natatawa na sabi ni Luca and he wrapped his arms around me. “Siya rin ang nagluto ng lahat ng yan.” He added. “Jowa mo? Huwag ka ngang magbiro.” Sabi ng babae at nakita ko na pumipigil sa pagtawa ang mga lalaki habang nakatingin sa mga babae na kasama nila. Sobrang namumula na ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Nahihiya ako na ganito ang tingin nila sa akin sa harap pa ni Luca. “She’s really my girlfriend,” Sabi ni Luca. “Let’s eat na,” Sabi ni Luca at umupo na silang lahat sa upuan habang nakatingin pa rin ang dalawang babae sa akin. Napayuko naman ako sa hiya at umupo sa tabi ni Luca. “So, anong pangalan mo? Ako nga pala si Rose.” Sabi ng babae kanina. “Lena,” Sabi ko sa kanila. “I’m Claire,” “Jake,” “Marvin” “Rico,” “Alvin.” I smiled at them nang pinakilala nila ang sarili nila. “Saan ka nagtatrabaho, Lena? Saan ka nag graduate?” Tanong ni Rose and I bit my lip at tinignan si Luca. “High school lang ang natapos ko,” Nahihiya na sabi ko sa kanila. “Bakit naman?” Tanong ni Claire. “Nahihiya na kasi ako sa pari na umampon sa akin, kaya naisipan kong huminto muna at magtulong tulong sa simabahan.” Sabi ko sa kanila. “My God, ang sad naman pala ng buhay mo. Buti naman at nakilala mo si Luca. Pero nakapagtataka lang dahil hindi kasi ganito ang type niya eh. Baka inlove na siya sayo.” Sabi ni Rose and I blushed dahil sa sinabi niya. Sinabi na sa akin ni Luca na mahal niya ako at pinapakita niya rin ito sa akin kaya alam ko na mahal rin ako ni Luca. “Oo naman. Love na love ko itong hunny ko. Lalo na sa nangyari kagabi, diba hunny?” Tanong ni Luca at uminit ang aking pisngi. He wiggled his eyebrows at his friends at napayuko naman ako. Hindi niya naman kailangang sabihin yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD