Seeing him here is not my plan. I've tried to move on. I tried to looked to other men pero kahit anong gawin ko ay hinahanap ko ang katulad niya. Ang taong lahat ay gagawin para sa akin. Gentlemen, responsible, loyal at higit sa lahat ay mahal na mahal ako...pero alam kong wala na akong makikita na katulad niya.
His almond eyes covered by an eye glass pierced in me through my soul. I swallowed the words that trapped in my throat.
"So you're one of the doctors from Manila? " he's wearing a blue t-shirt that fit his body paired with a white khaki short. He's still look good as before, no, better than before. "Done looking at me?"
Nag-angat agad ako nang tingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi. My brow shot-up by his words.
"Y... Yes, I'm one of the doctors"
Why the hell I'm stattering? I tried to pinched myself para bumalik ako sa ayos.
Tumango siya sa akin "You can stay at the Villa Isabela" direktang sabi niya sa akin. "Kindly give her the Villa Isabela" sabi niya sa receptionist at sa amin ng coor pero sa akin pa rin siya nakatingin.
"Pero, Sir, nakareserve po yung Villa Isabela kay Mr and Mrs. Fermin at darating po sila mamayang madaling-araw" sabi ng receptionist. Napatingin naman si Ethan sa kanya.
"No more vacant rooms?" umiling ang babae sabay yuko. Tumingin si Ethan sa coordinator "Bakit wala siyang kwarto?" tanong nito sa coor.
"Sir na-late po atang ipasa ng ospital yung name ni Dra. Julianna. "
Napailing na lang si Ethan "You can stay at my house" sabi niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, mabilis akong umiling sa suhestiyon niya.
"I can stay with Theo" deklara ko sa kanya "I can stay with my friend's room" sabi ko sa receptionist.
"Give her the penthouse" seryosong sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.
Bumaling ang tingin ko sa kanya. Bakit niya ibibigay sa akin ang penthouse? God!
"Can I just stay somewhere? All I want is to take a rest tapos may pag ganito pa? " napapadyak ako sa frustration. Sinalubong ko ang tingin ni Ethan, nakikisabay pa ang isang ito. Jusko naman ang tanging gusto ko lang ngayon ay matulog na muna.
"I'm sorry po, Dra" sabi ng dalawang babae sa akin. Tumango na lang ako sa kanila. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala naman na di ba?
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko at humakbang papalayo sa kanila, hila-hila ko ang travelling bag ko para makitulog na lang kay Theo sana kasi baka naman bukas mayroon ng kwarto na pwede kong tulugan.
Pero bago pa man ako lumayo ay naramdaman ko na lang may humila nang travelling bag ko at nauna nang lumakad papalayo sa akin.
"Ethan!" tawag ko sa kanya. Napalingon pa ako sa mga tao na nakakita sa aming dalawa, nakatingin sila sa aming dalawa at halatang may mga naiisip na kakaiba. Napailing na lang ako at tumakbo ako para habulin si Ethan na naglalakad papunta sa elevator.
"Ethan!" tawag ko sa kanya nang mahabol ko siya. "Saan mo dadalhin yan? " tanong ko sa kanya. He eyed me tapos tinignan lang niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay umiling siya at bumaling ulit ang tingin niya sa elevator.
"I want some rest, Ethan. Wala akong plano makipag-diskusyon" pinilit kong kunin ang bag ko sa kanya pero hindi niya binigay talaga.
"You can stay at my penthouse" pirming sabi niya. He's looking at the elevator, his jaw clenched while looking at the closed panel of it.
"Pero--"
"No more buts. Just have some rest. I'll find a room for you tomorrow" he looked at me with his intense gaze "Just rest for tonight" then he turned his gaze again at the panel.
"Ethan hindi ganoon kasimple ang lahat. Hindi mo basta-basta ipilit na patulugin ako sa penthouse. Hindi mo nga pag-aari ang hotel na ito--"
He smirked tapos tumingin siya sa akin ulit. He leaned forward sakto upang magtapat ang mukha namin na sobrang lapit. "Actually, mine" lumayo siya sa akin ng tumunog ang elevator. Pumasok siya kaagad, hindi agad ako nakahakbang kasi nagitla pa ako sa aksyon niya.
"Ayaw mo bang magpahinga?" tanong niya. Humugot ako ng isang malalim na hinga bago ako humakbang papasok sa loob ng elevator. Nagsara ang pinto nito, he pressed the P button tapos ay umusad na paakyat ang sinasakyan namin.
Silence filled the air inside the lift. Walang may planong magsalita sa aming dalawa, ang tanging maririnig lang ay mga buntong-hininga na aming pinapakawalan. Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa.
Wala naman akong gustong sabihin sa kanya and I guess wala rin naman siyang gustong sabihin sa akin. Masyado akong pagod para isipin pa ang presensya niya sa gilid ko.
"We're here" aniya nang tumunog ang elevator. Inangat ko ang tingin ko sa kanya pagkatapos ay tumango ako. Bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas kaming dalawa.
Ilang hakbang lang ang ginawa naming dalawa dahil nasa harapan na namin kaagad ang pintuan ng penthouse niya.
"Here" inabot niya sa akin ang bag ko at ang susi "You can stay here--"
"Can I just stay somewhere? Matutulog lang ako ngayong gabi kasi pagod ako pero hindi ko matatanggap ang special na pagtrato sa akin, Ethan" sabi ko sa kanya. He just eyed me bago siya magkibit balikat.
"I'll find you a room kung magkakaroon."
Tumango na lang ako sa sinabi niya "D... Do you stay here as well?" tanong ko sa kanya. Baka kasi mamaya magkasama kami sa loob ng penthouse na ito.
Umiling siya sa akin "I stay somewhere else. Get inside. I'll go ahead" hindi na siya nagsalita pa dahil umalis na rin siya kaagad. Hindi na siya naghintay na intayin ako makapasok pero bakit nga naman niya ako hihintayin di ba? Baka may naghihintay na rin sa kanya.
I shrugged off the ideas running in my mind, agad akong pumasok sa loob ng penthouse niya.
I turned on the light at napanganga ako sa nakita ko. Nasa loob ba ako ng isang mansyon? A combination of black and gold ang kulay ng loob. A chandelier hanging in the middle of the living room welcomed me, nandoon din ay kulay gintong sofa at isang napakalaking tv. Iginala ko ang tingin ako at mukhang mayroong tatlong kwarto sa loob ng penthouse na iyon. I can't stay here. I will not stay here.
Umatras ako at pinatay ko ang ilaw tsaka lumabas. Pagkalabas ko ay nagpakawala ako ng sunod-sunod na buga ng hinga dahil sa kayamanan na nakita ko sa loob. Why the f**k her would let me stay here?
I dialled Theo's number. He answered it at wala nang iba pang ibang satsat ay sinabi na niya sa akin ang room number niya, agad akong pumunta doon.
Pagdating ko sa floor kung nasaan ang kwarto niya ay agad ko yun pinuntahan, dalawang katok lang at binuksan na niya ang pintuan. He's wearing a white sando and a pink pajama already. Bakat na bakat ang kalakihan ng katawan niya pero wala eh, sayang.
Pumasok kaagad ako, dalawang bed ang naroon "May kasama ka?" tanong ko sa kanya. He closed the door bago lumakad palapit sa akin.
"Waley. Diyan ka na sa isa" aniya sabay higa sa right bed doon naman ako sa left bed dumiretso. Humilata na si Theo pero ako nanatiling nakaupo sa edge ng kama.
"Mamsh, sleep ka na. Maaga pa tayo bukas--"
"Mamsh, he's here" seryosong sabi ko sabay tingin sa kanya. Napabalikwas naman sa kama si Theo sa sinabi ko, akala niya siguro kung ano.
"Gosh, Mamsh! May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?" he asked tapos tumingin-tingin pa siya sa paligid.
"Ethan Madrigal is here" napatingin siya bigla sa akin. He has this look na nagtataka sa sinabi ko.
"Who? "
"Ethan Madrigal"
"Y... Your Ethan Madrigal? Yung gwapo mong ex na iniwan mo kasi magpapakasal na siya doon sa nireto nang nanay niya na kontrabida sa lovelife niyong dalawa? Yung Ethan na kamukha ng junakis mo? At yung Ethan na deads na deads ako kasi ang fafables? Siya ba yun? " paninigurado niya. Lumapit siya sa akin tsaka niya tinampal ang braso ko "Inaantok ka ba?"
"No! Andito nga siya. He owns this hotel!" sabi ko sa kanya. Napatayo ako at naglakad-lakad. Ngayon na nag-si-sink in sa utak ko na magkikita kami lagi kapag nandito ako! "Kasama at kausap ko siya kanina. He even offered me his penthouse!"
"Seryoso?!" hinila niya ako pabalik sa kama para makaupo "Nahihilo ako sa iyo! Maupo ka nga lang!"
"Mamsh, sampalin mo nga ako-" lumapat sa akin ang kamay niya na nagpatagilid sa mukha ko. "Aray!"
"Sabi mo kasi sampalin kita eh" tapos ay umatras siya papalayo nang kaunti sa akin. "Anyways, di nga nandito siya?" tumango ako sa tanong niya. Kahit naman ako kanina hindi makapaniwala na nandito si Ethan.
"Shemay, Mamsh! Big news yan!" napatalon pa siya pabalik sa kama niya at dinampot yung cellphone niya "Kailangan maibalita ito sa mga kabaklaan!" he was about to pressed his phone when I snatched it away from him.
"Don't you dare" banta ko sa kanya. Hindi pa nga malinaw sa akin ang lahat tapos ibabalita na niya. Naguguluhan pa ako.
"Ibalita natin kay Amelia!" suggestion niya.
"Theo" angal ko sabay ayos nang upo sa kama.
"Kay Brea na lang!"
"Artemio Gabriel!" angal ko sa kanya. Napahawak naman siya sa dibdib niya sabay bato ng unan sa akin.
"Makafull name ka! " hindi ko na lang ininda yung pagkakabato"Anyways, how he looks like? Is he still hot? Kamukha niya ba talaga si Wacky? Gosh! Bakit di mo tinanggap yung penthouse?!"
Napailing na lang ako sa lahat ng sinabi niya sa akin. "Hindi ko alam, Mamsh. Gusto ko na matapos kaagad ito. Gusto ko na matapos ang pinunta natin dito. Para bang hindi ko kaya na makita siya--"
"Mamsh! Wag kang ano diyan! Dapat nga si Ethan ang ma-awkwardan sa inyong dalawa kasi ikaw ang nakipaghiwalay, Mamsh! Ikaw!"
Napalingon ako sa kanya. Tama siya. Ako naman talaga ang may dahilan pero sigurado ako na masaya naman na siya sa buhay niya ngayon. Hindi niya makukuha ang lahat ng ito kung hindk dahil sa pakikipaghiwalay ko sa kanya at pagpapakasal niya sa babaeng ibinigay sa kanya ng magulang niya.
"Masaya naman na siya ngayon, Mamsh. Mayroon na siyang pamilya kaya i-let go mo na iyan. Focus ka na kay Wacky tsaka ang daming lalaki diyan. Hindi mo kailangan umiwas sa kanya kasi I'm sure hindi niyo naman gustong dalawa na nandito kayo ngayon sa sitwasyon na nagkita kayo ulit. May anak ka na at siguro may anak na rin siya" mahabang sabi ni Theo bago niya kinuha ang cellphone niya mula sa akin at bumalik siya sa higaan niya "Itulog mo na yan, Mamshie. Hindi mo maiiwasan si Ethan, kung kailangan mong kausapin. Edi kausapin mo. Wag kang umiwas sa kanya kasi nagkaroon nang benefit yung ginawa mo sa kanya" humiga siya sa kama niya "Good night, Mamsh. Dream of your Ethan" humagikgik ito bago nagtalukbong ng kumot.
Samantalang ako, hindi ko alam ang dapat gawin. Kaya ko ba siyang harapin? Kaya ko bang harapin ang katotohanan na alam kong masaya na siya sa iba?