Chapter 5

1964 Words
Parang hindi rin ako nakatulog magdamag kahit alam kong sobrang pagod ang katawan ko dahil na rin sa dami nang tumatakbo sa utak ko. Lumabas kami ni Theo sa kwarto niya.  Nakita ko ang ilang mapanuring mata ng mga nakakasabay naming dalawa.  Dala ko na ang mga ilang medical things ko at ilang gamit dahil ngayong araw magsisimula ang mission for a cause.  Kailangan pa namin tumawid sa kabilang isla dahil naroon ang mga taong mas nangangailangan ng tulong namin. "Good morning,  Doc! " masayang bati ng mga nakakasalubong naming nurse na kasama namin dito sa Palawan. Tumango lang ako sa kanila. I'm wearing a maong jeans and a black fitted t-shirt.  Inilugay ko muna ang buhok ko na hanggang balikat na lamang na dating hanggang bewang.  Nakasuot din sa akin ang eye glasses ko dahil baka mahalata masyado ng mga tao na puyat ako. Pumasok kami sa restaurant ng hotel. El Trinidad ang pangalan ng restaurant at reserved ito ngayong umaga para sa aming mga doctors from manila.  After breakfast ay pupunta na kami pakabilang isla. "Mamsh,  coat mo oh! " inabot ni Theo ang white na coat ko. Dala-dala niya iyon kanina dahil kakailanganin din namin.  Umupo kami malapit sa bintana kasama ang iba pang doctors sa isang round table.  They are my colleagues pero madalas hindi rin ako nakikipag-usap unless they initiated first. "Good morning,  delegates" si Sunny.  Habang nasa gitna ng makeshift na stage para sa kanya.  "We are really glad po na nandito kayo to help those who are in need.  At pasensya na rin po at kailangan niyong gumising ng sobrang aga just to have a breakfast with us.  Anyways,  without further adieu, I'd like to welcome the El Imperio's owner,  Mr. Ethan Madrigal! " Kumabog ang dibdib ko nang makita ko siyang papasok sa loob ng restaurant.  Mukha pa siyang nagulat kasi narinig niya ang pangalan niya.  Pero ang mas nagpagulat sa akin ay ang batang babae na buhat niya.  I think isang taon lang ang tanda ni Wacky sa batang babae. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Theo,  tumingin ako sa kanya,  his jaw dropped habang nakatingin kay Ethan na nakasuot ngayon ng puting polo t-shirt at maong pants.  "Tangina,  Mamsh! Ang yummy ng ex mo pero isa pang tangina,  kamukha niya talaga si Wacky" bulong ni Theo sa akin pero halatang gulat na gulat siya. I blinked my eyes dahil na rin sa palakpakan ng mga kasamahan naming doctors and nurses dito sa loob ng restaurant. "Good morning, everyone" he said habang nasa bisig niya ang batang babae. The girl is wearing a pink dress and her hair is in crown braid style.  "Good morning" the doctors answered in chorus.  Ethan eyed everyone and his eye pause in our table.  Our eyes met at pakiramdam ko hinihigop niya ako.  Anak na ba niya yung batang dala niya ngayon? Tumikhim muna siya bago ngumiti at nagsalita "I'd like to welcome everyone for accepting this 'mission for a cause' ng El Imperio. It was actually the idea of my sister and I helped her for this charity event and I'd like to extend her gratitude to all of you who are here." he scanned the whole place again before setting his eyes on our table again.  Narinig ko ang pagsinghap ng mga kasamahan kong doctor na babae. Yeah!  Who wouldn't fall in love to the charm of that man.  Ako ang I'm still trapped until now. "Please enjoy your stay here and please help us by helping others who are need. Enjoy your meal" tapos ay bumaba siya sa makeshift stage at lumabas sa restaurant habang karga-karga ang bata sa bisig niya.  Nagsimula na rin magsitayuan ang mga kasamahan kong doctor at kumuha ng breakfast sa buffet table. "Mamshie,  kamukha talaga niya si Joaquin.  Sigurado ka ba na hindi siya yung naka-jumbagan mo that night? " he asked habang wala yung mga kasamahan namin sa table "Pero Mamsh,  may junakis na siya! " inalog pa niya para bang pinaparealize niya sa akin ang naiwanan ko noon.  Tinignan ko lang siya,  magsasalita na sana ako ng tumunog ang cellphobe ko. "Si Amelia.  Baka si Wacky ito gusto ako makausap.  Sagutin ko lang.  Ikuha mo na lang ako nang makakain" hindi ko na hinintay ang sagot niya lumabas na lang ako sa exit door ng restaurant na malapit sa table namin. I answered immediately the phone.  "Hello?" "Mamsh,  si Wacky gusto ka makausap" sabi ni Amelia sa kabilang linya.  Para bang nagkaroon ako ng energy pagkasabi ni Amelia nun.  Naglakad ako papalabas ng hotel para doon sana sa beachfront ako tumambay habang kausap si Wacky. "Nanay!" I heard my son's voice again. "Nanay,  kamusta ka na po diyan?" "Hala!  Si Nanay dapat magtanong niya.  Kamusta ka na kay Tita Amelia?  Behave ka ba diyan? " "Opo" "Good to hear that.  Kumain ka na ba? " "No po.  I just woke up po,  nanay." narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Wacky "Nanay, I missed you tonight po.  20 nights pa po di ba po? " Napatango ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita.  I'm sure na matutuwa si Wacky sa lugar kung nasaan ako ngayon.  He loves water so much at malaya siyang makakalaro sa lugar na ito kung kasama ko siya.  I asked him so many things first bago ako magpaalam. "You behaved diyan,  Joaquin ah.  I love you so much,  baby" "I love you very much po,  nanay" "Sige na.  Bye-bye na. I love you" "Babye po" then the call ended.  Huminga ako nang malalim at ngumiti.  Okay na,  re-charge na ako.  Pumihit na ako pabalik ng makita ko ang taong hindi ko inaasahan.  He's standing in the middle of the huge lounge with that child on his arms. Hindi ko alam kung saan ako dapat pumihit dahil na rin sa taong nasa harapan ko ngayon.  Should I talk to him or should I ran away? "You didn't sleep at the penthouse" he said. Napatingin ako sa kanya tsaka marahang tumango. Tumikhim ako para malakad papalayo sa kanya. "Why?" "I don't need special treatment, Sir" tumingin ako sa hawak niyang bata "Is that your child,  Sir? " "Is that your boyfriend?" I squintee my eyes by what he said "Po?" "Yung kausap mo sa phone,  boyfriend mo ba iyon? " Si Wacky?  Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya.  Hindi ko naman siguro karapatan na ipaliwanag sa kanya ang mga tinatanong niya.  "Too personal,  Sir" "Then your question is too personal as well" he walked towards me habang dala pa rin niya yung bata sa bisig niya.  Nakatingin lang sila sa akin.  "Kumain ka na, we were about to leave" tapos ay naglakad na siya papalayo sa akin.  Napatingin naman ako sa kanya habang lumalayo siya sa akin,  parang noon lang noong nalaman ko na ikakasal na siya sa iba at kailangan kong magsakripisyo para sa magandang buhay na mayroon siya ngayon.  Alam kaya niya iyon? "Mamsh!  Aalis na!  Hindi ka na nakakain! " galit na sermon sa akin ni Theo kasunod na niya yung ibang mga doctors na magiging kasama namin.  Dala rin niya yung mga gamit ko na naiwanan ko sa loob. "Eto ipinagbalot kita ng sandwich!  Napakatagal mo kasing kausapin yang junakis mo eh" Kinuha ko ang mga gamit ko kay Theo at sumunod kami sa mga agos ng kasamahan naming mga doktor na naglalakad papunta sa bangkang-de-motor. May limang bangkang-de-motor na nakahanda doon.  Nagsakayan na yung iba naming kasamahan sa mga bangkang-de-motor.  Sampung tao ang nakasakay sa bawat bangkang-de-motor. Hampas ng halon ang naririnig at nararamdaman namin habang naglalakad kami papunta doon.  "Ditey na tayo, Mamsh" turo ni Theo sa isang bangka.  Nauna siyang sumakay pagkatapos ay inalalayan niya ako sa pagsakay. "Hihintayin lang po natin si Sir Ethan bago tayo umalis.  Dito na lang po siya sa bangka na ito sasakay kasi puno na po doon sa apat,  medyo maluwag pa po kasi tayo dito" napatingin kami ni Theo kay Sunny na nakasakay na sa bangka namin.  Halos anim lang kami na doktor na nandito kaya talagang maluwag pa.  "Lipat na lang tayo,  Mamsh" bulong ko kay Theo.  Umiling naman siya sa akin tsaka niya hinila bahagya yung buhok ko.   "Affected ka Mamsh?" Umiling naman ako "O hindi naman pala eh" ngumiti ito tapos pinapagpatuloy niya yung pag-selfie niya   "Selfie na lang tayo,  Mamsh.  Inggitin natin yung dalawa" ayaw ko man ay hinaltak na ako ni bakla para makapag-picture kasama siya.  Nakailang shots din kami ng dumating ang hinihintay namin.  Kasama pa rin niya yung batang babae na anak niya.  "Sorry,  medyo natagalan." ibinaba niya yung batang babae at sinuotan ng life vest. "Sir,  anak niyo po siya?" tanong ng kasama kong doktor.  Nakita kong tumingin siya sa lugar namin ni Theo nakita tuloy niya na nakatingin ako sa kanya kaya nag-iwas na lang ako.  Baka sabihin niya interesado pa ako,  kinuha ko na lang yung phone ko at nagkalikot doon para kunwari may pinagkakaabalahan ako. "No" Naramdaman ko ang pagsiko ni Theo sa akin sa tagiliran,  masakit pero hindi ko pinansin.  Mamaya siya sa akin. "Pamangkin ko siya.  Anak siya ng kapatid ko" sabi niya na para bang pinaparinig niya sa lugar namin ni Theo.  Nagsimula na rin umandar yung bangka kaya umaalog na kami sa loob ng bangka.  Yung buhok ko ay humahampas sa mukha ko.  Binigay sa akin ni bakla yung isa niyang shades,  sinuot ko iyon at pinagmasdan ang paligid na dinaraanan namin. Ang emerald green na dagat na tumatama sa sinasakyan namin at ang malamig na hangin ang nagbigay ng comfort sa akin.  Puro batuhan lang ang nakikita namin,  malalaki at iba't ibang hugis ng bato. Ang langit na nagsisimula nang maging kulay asul ang nakapagpadagdag sa kagandahan ng lugar.  "Her mom has post-partum depression dahil namatay yung anak niya habang nanganganak siya last month.  No one is taking care of my niece, her husband is a irresponsible jerk that's why I'm taking care of her" narinig ko pang sabi ni Ethan.  Nangangati man akong lumingon ay pinigilan ko.  "May asawa na po kayo,  Sir? " tanong ulit ng kasamahan namin.  This time,  gusto ko na talaga ilingon yung leeg ko pero kailangan kong pigilan. Obvious naman na may asawa na siya di ba? Silence. "Ah!" masayang sagot ng mga kasamahan ko. Naramdaman ko na lang na bahagyang umusod papalapit sa akin si Theo "Mamsh,  umiling siya.  No daw" bulong ni Theo para halata ang kilig sa boses niya.  Single pa siya?!  Ha!  Syempre papasakayin niya yung mga kasamahan ko para mapaniwala na single siya at paasahin niya ang mga babae na doctor. "Hello" nagbaba ang tingin ko sa batang babae na nasa harapan ko na ngayon.  Yun yung pamangkin ni Madrigal.  Ngumiti ako.  I reached for her little hands at inabot naman niya iyon sa akin. "Hi" bati ko sa kanya.  Hindi ko alam pero parang gumaan yung pakiramdam ko nang malaman kong pamangkin lang niya ang batang ito. Napatingin ako sa side nila,  nakaupo siya habang nakatingin sa amin.  He's wearing a sunglasses as well kaya hindi ko nababasa ang mga mata niya.  Yung buhok niya na hinahangin,  yung manly way niya na pag-upo, yung damit niya na nililipad din.  I know na nakatingin siya sa amin ng pamangkin niya same with my colleagues na natingin din sa amin.  "What's your name? " baling ko sa bata na nakahawak sa mga kamay ko.  I suddenly remember my son. She looks like my son.  The shape of the face and the aura itself. "Manda." "Manda?" pag-uulit ko. "Amanda Charlotte" sagot ng baritonong boses na nasa kabilang side.  Si Theo naman ay siniko ako na kilig na kilig sa munting salita na iyon ni Ethan. Tumango na lang ako at bumaling sa bata "Hi,  Amanda.  I'm Dra. Lia" the little girl smiled at me, she touched my cheek.  "Dra,  kamukha niya si Wacky" biglang baling ang ginawa ko sa kasama naming doktor dahil sa sinabi niya.  Si Theo naman ay halatang gulat na gulat dahil napahawak pa ito sa dibdib niya. "Sinong Wacky?" tanong ni Ethan. "Anak ni Dra. Lia" sabi ng kasamahan ko "Anak ni Dr. Theo" sabi ko Halos magkasabay na bigkas namin ng kasamahan kong Doctor kay Ethan. "Who? " pag-uulit ni Ethan. "Kaninong anak?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD