Chapter 3

2464 Words
"Doc Julianna,  you have an appointment with Mr. Legaspi regarding po sa operation niya by the end of this month" Tumango na lang ako sa sinabi ni Helga, my secretary.  "Sige salamat.  Yun lang ba appointment ko today? " tanong ko sa kanya habang hindi ko hinihiwalay ang tingin sa desktop computer ko. I'm currently doing a researcg about sa isang heart disease and I need to pass it to the Hospital Professor.  "Ano po...kakausapin daw po kayo ulit ni Direktor tungkol po doon sa medical mission sa Palawan..." nag-angat ako ang tingin kay Helga sabay naman nang pagbaba niya ng tingin. "...ikaw po kasi talaga yung gusto niya para sa mission po na iyon" I breathe out tsaka ako sumandal sa swivel chair na inuupuan ko.  Tinanggal ko ang suot kong eye glasses sabay hilot ng akong sentido.  "Ang kulit talaga niyan.  Ayoko nga pumunta doon" napailing pa ako sa kanya.  "Sino magbabantay sa anak ko kapag nagpunta ako doon?" nanggigigil na ako sa kakulitan niya talaga.  "Kasi po Doktora gusto niya na ikaw daw po yung personal na magpunta doon baka raw po kasi makatulong sa research niyo po" Tumango na lang ako sa sinabi niya. Pagkaraan ay umalis na siya.  Tumayo naman ako para pumunta sa opisina ng direktor ng ospital namin.  "Doktora Julianna,  bakit po?" tanong agad ng sekretarya ni Ramon pagkakakita sa akin. "Si Ramon nandiyan ba?" diretso kong tanong sa kanya.  Ayoko talaga pumunta sa Palawan,  hindi sa ayokong tumulong sa mga tao pero iniisip ko si Wacky! "Yes po pero he's not expecting anyone po--" "Just tell him that I'm here" pagpuputol ko sa iba pa niyang sinasabi.  Mukha namang kinabahan sa akin ang sekretarya niya tsaka niya pinindot ang intercom. "Sir,  Doktora Julianna is here.  She wants to talk to you po" "Let her" sabi ng baritonong boses mula sa intercom.  Tinignan lang ako ng sekretarya tsaka ako lumakad papunta sa pintuan ng opisina ni Ramon. I knocked three times bago ako pumasok sa loob ng opisina niya.  A big man welcomed me.  He's wearing a polo na mukhang puputok na dahil sa katawan niya, bald and his big eyes looked at me.  "Tatanggapin mo na ba ang wedding propasal para hindi ka na makasama sa Palawan?" he's offering me a marriage.  Mayroon siyang limang anak mula sa una niyang asawa,  seperado siya at ang lahat ng anak niya ay may sarili ng pamilya sa madaling salita matanda na si Ramon.  Tanggap daw niya ang anak ko basta pakasalan ko siya.  "Still,  no" I firmly said.  "Ayokong pumunta sa Palawan dahil lang sa gusto mo." I crossed my arms over my chest and looked at him intently.  "It's in San Vicente,  Palawan. May kalayuan ang mga ospital at hindi gaanong kaya ng mga tao ang magpacheck up.  Why not help them?  Masyado kang makasarili,  Julianna" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Inilapag niya sa table niya ang isang envelope.  "Wala ka rin naman magagawa.  You will go in San Vicente with some doctors of the hospital on Friday night.  And you will stay there for at least three weeks" he smiled sweetly pero parang namula ang buong paningin ko.  Lumapit ako sa kanya habang nagdadabog.  "Then who the hell will took care of my child?! Alam mo naman sir na hindi ko pwede basta iwan ang anak ko.  He's onky three years old for god sake! " "Iwan mo kay Theo or iwan mo sa akin" he winked.  I frowned tapos ay kinuha ko ang envelope at tinignan ko yun. "For three hundred thousand pesos,  all paid accomodation at one of the finest hotel in San Vicente and of course all expenses paid.  Saan ka pa? At higit sa lahat,  sa ayaw at gusto mo sasama ka" Nanggagalaiti man ako sa galit sa kanya ay siya pa rin ang amo ko at bilang empleyado ay kailangan kong sumunod sa kanya.  "Friday night,  Lia.  Be ready" tumawa pa siya ng sobrang nakakaloko.  Nakakainis! Wala ako sa konsentrasyon sa buong araw ko sa ospital. Ang gusto ko na lang ay matapos ang shift ko para makausap ko ang mga kaibigan ko na tatanggap sa anak ko muna.  Amelia gladly welcomed my son since pumapasok din naman si Wacky sa play school and she really wants to take care of my son dahil wala pa silang anak ng asawa niya.  At ang kailangan ko na lang na intindihin ay si Wacky. I cooked a spaghetti for his dinner. He's telling me a lots of things,  I only have three days to ready him and prepare his things as well pati na rin ang sa akin.  Three weeks... Gosh!  Parang napakatagal!   "Anak" simula ko habang nilalaro ni Wacky ang binili kong toy niya at kinakain ang favorite niyang spaghetti.  "Po,  Nanay?" he asked tapos ay tumingin siya sa akin.  Huminga muna ako ng malalim tapos ay hinawakan ko ang kamay niya.  "Anak,  nanay needs to go work" tumango siya tingin niya ay yung normal na trabaho ko ang alam niya.  Yung tipong ospital at bahay lang. "Kaso sa malayong lugar pupunta si Nanay" he looked intently at me with his brown almond shaped eyes.  Maybe he's wondering kung gaano kalayo.  "I will call you every night naman.  Kailangan ni Nanay kasi maghelp sa others.  Di ba you said nanay is a hero?" tumango naman siya sa sinabi ko "Then as a hero,  nanay needs to help people" Tumango naman siya na mukhang naiintindihan niya yung sinabi ko "How long po,  nanay?" "Hmm.  You need to sleep for twenty-one nights without nanay.  After that twenty-one nights magkikita na tayo ulit" I brushed his cheeks,  he smiled and nodded his head. "Okay po,  Nanay. Twenty-one nights is okay po"  he moved down from his chair tapos ay lumapit siya sa akin para yakapin ako.  Gosh!  How can I leave this beautiful child? Matapos lang talaga yang medical mission na iyon talagang I will file a leave of absence just to spend time with my son.  Mabilis na lumipas ang araw,  it's 6:30 in the evening but we have to check-in sa NAIA para sa 8:30 pm na flight namin papuntang Palawan.  Mabilis lang naman ang biyahe pero may mga kailangan pa kaming gawin muna before makaalis.  Niyakap ko nang mahigpit si Wacky, hindi siya umiiyak pero alam kong malungkot siya,  ramdam ko bilang isang ina.  "Be a good boy,  Wacky" hinalikan ko pa siya sa pisngi bago ko siya ibinaba para makausap.  "Si Tita Amelia muna ang mag-care sa iyo habang wala si nanay.  Call me anytime if you want anything,  okay? " I cupped his face and kissed him again. "Okay po,  Nanay.  Take care po doon" yumakap siya sa akin ulit "I love you, nanay." May luhang pumatak sa mata ko.  Corny man sabihin na ilang linggo kaming hindi magkikita pero nanay kasi ako kaya gusto ko makita lagi ang anak ko. Nakangiting nakatingin naman sa akin si Amelia at ang asawa niya katabi rin nila si Brea while si Theo ay nag-iintay sa akin para sabay na kami makapasok sa loob.  Kasama rin kasi siya dahil pediatrician siya and he wants to help child.  Tumayo ako at lumapit kay Amelia "Mamsh,  ikaw na bahala sa anak ko ah.  Pag nagkulit pakisabihan or pagalitan mo,  okay lang. Tapos,  mamsh nakalista sa notebook na iniwan ko sa bag niya yung meds na iniinom niya tapos yung morning meal niya tapos--" "Mamshie,  chill.  Ako na bahala" tinapik niya ako tapos kinuha niya si Wacky sa akin.  "Mag-ingat kayong dalawa ni Mamshie Theo doon." tinignan niya si Theo na nasa likuran ko "Wag ka mag-boy hunt doon gurl. Susumbong kita sa oppa mo dito" tumawa lang si Theo sa sinabi niya tapos may kung ano pang sinabi ito.   "Tara na Mamshie!" yaya ni Theo sa akin.  Tumango ako sa kanya tsaka ako lumuhod ulit sa harapan ni Wacky.  "Behave.  Pray and Be a good boy anak" yinakap ko ulit siya "I love you,  Joaquin" "I love you too po,  nanay" hinalikan ko ulit siya sa pisngi bago ko hinila yung luggage ko.  I think this is the hardest part of being a mother,  being far from your child.  "Ikaw na bahala,  Mamsh.  Tawagan mo ko pag may problema ah" "Yes,  Mamsh.  Ingat kayong dalawa ni bakla" kumaway sila sa amin habang papasok kaming dalawa ni bakla. I glanced to my son bago ako pumasok sa loob ng airport.  He is smiling while waving his small hands. Aw!  I'm gonna miss that smile for three weeks.  The flight took at least an hour and a half dahil sa air traffic na sinasabi.  Pagbaba namin sa airport ng Palawan ay almost 11 in the evening na.  Pagod at gusto kong makausap man lamang ang anak ko,  I wonder what he is doing now. "Welcome to Palawan,  Doctors from Manila.  My name is Sunny and I'll be your coordinator for three weeks" sabi ng babae na sumalubong sa amin sa labas ng airport,  she is wearing a green dress na knee length, she has a chubby body pero may mga curves siya at hanggang bewang ang kanyang buhok.  In short,  she is pretty.  "You will all be staying at one of the finest hotel in Palawan and all the itinerary is in your assigned room. Anyway,  Kara will give you your rooms that you will all be using for three weeks and don't worry dahil nabayaran na po iyon ng inyong hospital." Narinig ko ang bulungan ng mga kasama kong doktor.  Si Theo na katabi ko ay attentive na nakikinig sa mga sinasabi ni Sunny habang ang isang babae ay naglalakad sa gitna ng bus na sinasakyan namin.  Papunta kami ngayong sa hotel para makapagpahinga. "Name po?" tanong ng babae na nasa harapan na pala namin.  "Artemio Gabriel Hernandez tsaka Julianna Elizabeth Reyes" Inabot ng babae ang ID at susi ng kwarto ni Theo "Mam,  wala po yung kay Dra. Reyes" sabi ng babae sa amin.  Napatingin kami ni Theo sa babae halata rin naman sa mukha nung babae na nagtataka siya.  "I'll check po,  Dra.  Baka hindi lang po nailagay dito kasi may mga ganung cases po kasi" Tumango na lang ako sa sinabi ng babae kasi wala naman ako sa panahon na makipagtalo.  "Mamsh,  kapag wala doon ka na lang sa room ko" tinapik ako ni Theo sa balikat,  tumango na lang din ako sa sinabi niya sa akin. "Also,  we set a dinner po sa lahat ng doctors tomorrow night dahil sa isa pong benefactor ng mission na ito na may-ari po ng hotel na tutuluyan niyo ang gustong makipag-usap po sa inyong lahat" marami pang sinabi ang babae tungkol sa mga dapat naming malaman sa buong lugar.  We reached the hotel,  it's an hour ride as well.  Madilim na ang paligid pero ang ilaw mula sa mga puno at halaman ang nagbibigay nang kakaibang pakiramdam habang pababa ang lahat.  Isang puting building ang sumalubong sa amin,  mayroon itong maliliit na buildings sa paligid niya. Mula sa kinatatayuan namin ay dinig na dinig ang hampas ng alon,  the hotel is facing the sea at dahil doon ay dama ang malamig na hangin sa mga balat namin. "Ang pupuntahan po natin ay sa kabilang isla pa po kaya kailangan dito kayo mag-stay para hindi mahirap sa pagpunta" napatango na lang kaming lahat bago sumunod sa kanya sa pagpasok sa hotel. "To our dear visitors maligayang pagdating po sa El Imperio" pumasok kami sa loob ng hotel. Lamig agad ang aming naramdaman dala na rin ng hangin mula sa dagat at mula sa centralized aircon ng hotel. Pagkamangha ang aming reaksyon dahil na rin sa isang malaking chandelier na na nakasabit mula sa itaas ng hotel,  nakapalibot ang terrace style na floors kung saan nalaman ko kaagad na ito ay siyam na palapag na hotel,  mula sa terrace style na bawat palapag ay makikita ang ilang tao sa floor nila at pumapasok na lang sa mga hallway kung saan siguro nakalugar ang kanilang silid. "You can proceed to your rooms na po,  we have our butlers to guide each of you po" tinignan namin ang mga lalaki na nakauniporme at nakangiti sa aming lahat.  Nagsimula nang maglakad ang mga kasama ko,  susunod sana ako nang maalala ko na wala nga pala akong susi.  "Una ka na" sabi ko kay Theo na ngayon ay nakaantabay sa akin.  Alam ko rin naman na pagod na si Theo kaya ayoko nang mang-abala pa. "Sure ka?" paninigurado pa niya.  Tumango na lang ako pagkatapos ay tumango rin siya tsaka siya naglakad papalayo.  Lumapit naman ako sa coor namin kanina na nakikipag-usap sa ilang doktor na kasama rin namin. "Ahm, excuse me, Miss." lumingon sa akin ang babae, mukha ata niya nakalimutan na wala pa akong susi. "Yung susi ko sana" "Ay opo! Naku pasensya na po" nagpaalam siya sa mga kausap niyang doktor tapos sinamahan niya ako sa marmol na front desk,  may tatlong babae na nakaupo doon.  "Good evening po" bati ng isang babae na nasa front desk "Ano pong maipaglilingkod ko? " "Wala siyang key ng room niya,  she's also one of the doctors from Manila.  I assume na na-late ang pagsend ng name niya kaya wala pang susi si Doktora" paliwanag ng coor na kasama ko.  "Ano pong pangalan nila?" "Julianna Elizabeth Reyes" sagot ko.  Tumango naman ang babae at nagtipa sa keyboard para hanapin ang pangalan ko. "Na-late nga po ang name niyo,  Mam.  Pero gusto ko pong mag-sorry,  currently unavailable po ang lahat ng mga kwarto..." halata sa mukha ng babae ang takot dahil sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa babaeng kasama ko na halata rin nagulat sa sinabi nung kausap namin. Huminga ako ng malalim, ayokong taasan ng presyon sa mga taong nasa harapan ko ngayon "Can I just share a room with my friend?" Mukha naman nabuhayan ng loob ang kausap ko "Ano pong pangalan,  Ma'am?" "Artemio Gabriel Hernandez" sagot ko.  Wala naman malisya kung kasama ko si Theo,  isa pa hindi kami talo. "Naku po,  Ma'am,  hindi po namin mai-a-allow ang sinasabi niyo po--" "Then should I sleep outside? " nakataas na kilay na sabi ko sa babae.  Yumuko naman ito.  Actually wala na akong pakielam kung saan nila ako ipatapon na kwarto,  ang kailangan ko ay magpahinga lamang! "Give  her the Villa Isabella" napalingon ang kasama kong coor at tumayo kaagad ang babae sa front desk kasunod ang mga kasamahan nito pero hindi ko man lang nagawang i-lingon ang tingin ko dahil sa para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagkakarinig ko pa lang sa boses niya. "Good evening, Sir" sabay-sabay na bati ng mga tao sa kanya.  Pinilit ko talagang hindi lumingon pero narinig ko ang mga hakbang niya at ang pagtabi niya sa gilid ko. "Kailangan natin ibigay sa guest natin ang pinaka-komportable na lugar na mayroon tayo.  Give her the Villa" utos ng lalaking iyon pero alam kong nakatingin siya sa akin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.  Hindi ako dapat magtago sa kanya dahil wala naman akong naging kasalanan sa paghihiwalay naming dalawa,  six years ago. "Fancy seeing you here,  Julianna" seryosong sabi niya sa akin. "Same here,  Ethan" and while looking at his eyes I realize na mukhang tama nga ang mga kaibigan ko.  Mukhang si Ethan nga ang tatay ni Wacky. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD