Shallow kisses made me open my eyes. No need to guess kung sino ang taong iyon dahil isa lang naman ang gagawa nun sa akin.
"Nanay... "
I smiled nang marinig ang boses na iyon. My son wrapped his arms around me and shook me a little bit.
"Good morning anak" I wrapped my arms around him and looked at him intenly. Hindi pa rin maalis sa isipan ko yung mga pinag-usapan namin kagabi na magkakaibigan habang nakatingin ako kay Wacky.
Bumalikwas si Wacky sa pagkakayakap sa akin "Nanay!" he kissed me on my cheek "Good morning po, Nanay! " bumitaw siya at tumayo sa kama. "Nanay, I'll sing po! Look! "
Umupo ako sa kama at nangingiting tinignan siya. He really looked like my ex pero hindi naman pupwede na mangyari na kamukha siya ng taong iyon.
"Baby shark, doo doo doo doo
Baby shark, doo doo doo doo
Baby shark, doo doo doo doo
Baby shark... " he placed his right hand on his waist and his finger is moving while singing the song. I assume that he learned it from the play school.
Noong malaman kong buntis ako kay Wacky ay nakaramdam ako ng takot. Takot na baka paalisin ako ng ospital na tumanggap sa akin dahil nabuntis ako.
Takot na baka kung anong masasakit na salita ang marinig ko ulit kay Tita Yolly. Takot dahil responsibilidad ang pagkakaroon ng anak. Hindi pa ako handa that time. Almost 25 years old lang ako ng mangyari iyon sa akin.
Pero hindi ako nakaramdam ng galit habang pinagbubuntis ko si Wacky. Pakiramdam ko napakasaya ko at siya ang kukumpleto sa kung anong meron ang buhay ko. Wala siyang ama pero ako ang tumayong ama at ina niya.
Wacky is the most significant person in my life. He is the bundle of my outmost joy, reason why I'm still here.
Tinatanong ako noon ng tatlo kong mga kaibigan kung sino ang tatay ni Wacky at bigla akong nabuntis dahil alam nilang dalawang taon pa lang kaming hiwalay ng first boyfriend ko.
"Sigurado ka bang hindi si Ethan ang naka-jumbagan mo that night?" tanong ni Brea habang hindi pa rin naaalis ang tingin sa TV.
Ethan was being interviewed by a sexy lady about his recent achievement in the Pritzker Architecture, isa siya sa pinakabatang awardee nang nasabing event.
"Hindi ko nga matandaan" tanging nasabi ko na lang. Wala naman kasi ako sa ulirat noong nangyari iyon sa akin eh. Lasing ako!
"Mamsh, baka nga si Ethan. Grabe similarities nila ni Wacky oh! " tinuro pa ni Amelia ang mga mata ni Ethan na naka-close up.
His eyes and my son's eyes are very similar. Para bang dinukot yung mata ni Ethan at inilagay kay Wacky. Pero alam ko sa sarili ko na hindi si Ethan ang kasama ko noong gabing iyon.
"Baka nga talaga si Ethan.. " hindi ko na naintindihan pa ang sinabi ng iba dahil nasa malalim na akong pag-iisip
"Let's go hunt, doo doo doo doo doo
Let's go hunt, doo doo doo doo doo
Let's go hunt... "
Nag-angat ang tingin ko kay Wacky. I pulled him towards me tapos ay yinakap ko siya nang mahigpit.
"Nanay? "
"I love you anak"
"I love you too, Nanay" yumakap din ng mahigpit sa akin si Wacky. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako kapag naaalala ko na sinasabi ng mga kaibigan ko na kamukha ni Ethan si Wacky. What if si Ethan nga talaga ang tatay ng anak ko?
"Bayad po" bumaba kami ni Wacky sa grab car na sinakyan namin matapos ko iabot ang bayad. Nag-promise kasi ako sa kanya na magpupunta kami sa mall para ipasyal siya.
Naglakad muna kami sa toy store and as usual Dinousaurs na naman ang pinili niya. Pinagmasdan ko lang siya habang pumipili siya ng toys niya dahil alam kong sa lahat nang mapipili niya, isa lang ang pipiliin niya.
Tumatakbong lumapit sa akin si Wacky dala ang isang box na may isang dinousaur.
"Nanay!" pinakita niya sa akin ang hawak na laruan na mahabang leeg na dinousaur. "Nanay, Apatosaurus!" tapos niyakap niya ang laruan na hawak niya.
Wacky is a very bright child, alam niya ang bawat isang dinousaur by just looking sa mga pictures. Niregaluhan kasi siya ni Theo ng children's book about dinousaurs kaya naalam niya kaagad.
"Oo na po" nakangiti kong sabi sa kanya. Dumiretso kami sa counter para magbayad. Tuwang-tuwa siya habang dala-dala niya ang bago niyang laruan.
Naglalakad kami papunta sa isang damitan ng may humarang sa amin.
"OMG! Julianna? " nakangiti pero halatang gulat na tanong ng nasa harapan ko. I blinked my eyes to remember her pero hindi ko siya matandaan. "Don't you remember me? It's me, Dianne!" yumakap siya sa akin.
"Ah! Dianne!" bumitaw siya ng yakap sa akin tapos ay tinitigan niya ako.
"Grabe ang laki nang pinagbago mo!" pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Tinuloy mo pa rin ang pagiging doktor?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya pagkatapos ay tumingin siya kay Wacky.
"Anak niyo ni Ethan? Gosh! He looks like Ethan! " kinikilig na sabi nito. Napatigal ako sa kanya. Bakit lahat ng tao sinasabi na kamukha ni Ethan si Wacky? Tinignan ko ang anak ko. Kahit ako naman ay hindi ko maikakaila na kamukha niya si Ethan. Dahil ba masyado akong nag-assume na si Ethan ang tatay ni Wacky noong pinagbubuntis ko siya kaya ganun?
Umiling ako "No, hindi siya anak ni Ethan"
"What? " habang nanlalaki ang mga mata ni Dianne. "How? Akala ko nga magpapakasal na kayo after mong pumasa sa med board" umiling siya tsaka niya uliy tinignan si Ethan "Gosh! He really looks like Ethan Madrigal. That face, eyes, nose and lips. It screams Ethan Madrigal!"
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Wacky "No, naghiwalay kami ni Ethan after my med board"
"Then sino ang daddy niya?" pang-uusisa pa niya sa akin.
Hindi ko naman siguro pwede sabihin na nakipag-one night stand ako di ba?
"S...si Theo" nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga pagkasabi ko nun. I'm sure Theo will kill me if he heard that. "By the way, we have to go na" tsaka kami lumakad ni Wacky hindi ko na siya inintay na tumango basta kailangan kong makalayo sa kanya.
Halata pa rin ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ni Dianne ng iwan ko siya. Oras na ba para hanapin ko ang tatay ng anak ko?
Nope.
Kaya ko siyang buhayin. Who cares kung lumaki siyang kamukha ni Ethan basta ang importante ay ako ang tatayong ina at ama mg batang ito.