Chapter 1

2173 Words
"Doc,  the vitals are stable na po" I breathe out as I put down the needle after I stitched up my last patient for this day.  Nagsimula ako ng operation for open heart sa isang 43 years old na ginang. It took up at least 4 hours dahil medyo complicated ang situation.  "Good job,  guys.  Please clean her up" tumingin ako sa isang doctor na kasama ko sa operation na ito.  I sighed as I remove the surgical gloves and mask that I used for my shifts operation.  Nakadalawa rin akong major operation for my shift.  Lumabas ako ng operating room at ang pamilya ng pasyente na inoperahan ko ang naabutan ko.  "Doc! Kamusta po ang asawa ko?" tanong ng lalaki na halatang kakagaling lang sa iyak.  Sa gilid niya ay tingin ko kanilang mga anak.  Ngumiti ako at tinapik ang balikat ng lalaki.  "Naging maayos po ang operation namin sa inyo pong asawa..." at parang nakahinga nang maluwag ang kausap ko kasabay ng pagyakap ng mga nasa paligid nito sa kanya "...at least it will take up a couple of days for her to wake up. We will move her to ICU para mas ma-monitor po namin siya" ngumiti ako sa pamilya bago nagpaalam sa kanila.  I can see a beaming joy in their eyes. Huminga ako ng malalim at naglakad sa napakalaking hallway ng Medical City na pinagtatrabahuhan ko.  I'm one of the best cardiologist in town according to one of the leading magazine in medicine in town.  "Going home,  Doc? " tanong sa akin ng mga nakakasabay kong nurse.  Umiling ako sa kanila tsaka ako pumasok sa elevator papaakyat sa office ko.  Maraming mga tanong sa isipan ko na naghahanap ng kasagutan pero sa ngayon ay kailangan ko muna siguro hayaan ang mga tanong na iyon.  Elevator... the vague experience in my life happened after I went out of the elevator three years ago.  Hinawakan ko ang sentido ko dahil sa naisip ko. Tumunog ito hudyat na nasa tamang palapag na ako I moved out of the elevator and walked in the hallway.  Puro opisina ng mga doktor ang nasa 14th at 15th floor ng ospital na ito.  Nasa 14th floor ang office ko samantala ang mga mga higher ay nasa 15th.  Not bad for a three year old resident doctor. I reached my office,  hindi na ako nagulat na hindi iyon nakalocked dahil alam ko naman na kung sino ang nasa loob ng kwarto.  Pumasok ako at isang yakap ang sumalubong sa akin. "Nanay! " I smiled nang makita ko ang pinakamamahal kong anak,  Joaquin Alexander. Binuhat ko siya at tinadtad niya ako ng halik sa mukha ko. "Nanay,  I missed you po!" yumakap siya nang mahigpit sa akin na halos hindi na ako makahinga sa kanya. "Mamshie,  yang anak mo inubos yung kendi sa office ko." lumingon ako sa pinanggalingan ng boses,  si Theo.  Isa rin siyang doktor dito pero sa pediatric section siya dahil mas gusto niya ang mga bata.  Sa gilid niya ay ang isa pa naming kaibigan na si Amelia na isang preschool teacher.  Mas pinili ni Amelia ang maging teacher kaysa sa pagiging doktor dahil sa gusto na rin ng pamilya nito na siya yung maghandle ng business nila. "Magkano ba?" natatawa kong tanong sa kanya. "Mamsh,  salamat sa paghatid sa anak ko. " sabi ko kay Amelia.  "Ano ka ba,  Mamsh.  Hindi na iba yang inaanak ko noh.  Maarte lang talaga itong si Theo--" "Thea kasi" pagtatama nito kay Amelia.  Napailing na lang ako tsaka ako umupo sa swivel chair na nasa office ko.  "Whatever." pagbabalewala nito "Inubos kasi ni Wacky yung kendi na nasa jar ng office ni bakla" umirap pa ito kay Theo na ngayon ay masama ang tingin sa kanya.  "Anyways,  ano G ka ngayon?  Labas tayo.  Iwan mo muna si Wacky kay Tita Yolly" si Theo habang nakatingin sa amin ng anak ko.  "Sige na,  Mamsh. Minsan na lang tayo lumabas.  I-show mo naman yang bago mong hairstyle" sabi ni Amelia "Baka naman may mabingwit kang Pudra diyan kay bagets mo" humagikgik ito tsaka nakipag-apir kay Theo.  Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.  Tumingin ako sa anak ko na nakatingin din sa akin.  Habang lumalaki siya,  isang tao talaga ang nagiging kamukha niya.  Alam ko naman na hindi ko dapat isipin ang taong iyon dahil hindi naman siya ang ama ng anak ko pero iba talaga. "Look who's here!" napalingon kaming lahat mula sa boses na nanggaling sa pintuan ng office ko. Standing there is a lady who has long blonde hair may bitbit itong mga paper bags at nakangiti sa aming lahat.  "Mga mamshie!  I'm back! " Tumayo sina Amelia at Theo pati rin ako ay napatayo habang bitbit si Wacky papunta sa taong kukumpleto sa grupo namin,  si Breanna na dating Brian! Tumili na niyakap ni Theo si Brea ganun din si Amelia.  Nang matapos yumakap si Amelia ay tumingin sa akin si Brea, she widely open her arms to hug me but then I showed to her my son who's looking at her intently kaya siya na lang ang lumapit at niyakap. "Ayan!  Kumpleto na ang grupo natin!" pumapalakpak na wika ni Theo.  Hinila niya si Brea tsaka sila humarap sa akin.  "Ano,  Mamsh? Tara na!  Off ko na tsaka ikaw din off mo na rin naman di ba? " Umiling ako sa pamimilit nila sa akin.  Ngayon ko na nga lang ulit makakasama ng matagal ang anak ko iiwan ko pa ba? "Kailangan ko bantayan si Wacky sa bahay." binaba ko ang anak ko na nakakarga sa akin tsaka ko kinuha ang bag ko, tanda na aalis na ako.  "Kung gusto niyo doon na lang tayo sa bahay mag-catch up.  Magluluto ako. " nakangiti kong anyaya sa kanila.  "Yun naman pala eh!" sabi ni Amelia tsaka dinampot ang dala niyang gamit "Mas better nga na doon na lang" ito pa mismo ang naunang lumabas ng office ko.  Sumunod sila Theo at Brea tsaka ako sumunod sa kanila dahil nilock ko pa ang office ko. Sabay-sabay kaming sumakay ng elevator para makababa sa ground floor.  Maraming kwento si Brea at iyon ang pinapakinggan namin.  Usually nakikisabay ako sa kwento nila pero masyado akong napagod sa shift ko kaya hindi ako makasali sa huntahan nila. When we reached the ground floor nagpaalam muna ako sandali para makapag-out,  sumakay kami sa kotse ni Theo dahil iyon naman ang official na sasakyan naming lahat especially ako na lagi muna niya dinadaanan sa bahay para sabay na kaming makapasok sa hospital. "Mamsh,  anong iluluto mo? " tanong ni Brea sa akin dahil nagpahinto ako sa isang grocery store para bumili ng ilang sangkap sa lulutuin ko.  Nagpaiwan si Amelia at Theo sa kotse kasama si Wacky kaya kami lang ni Brea ang magkasama.  "Ano bang gusto niyo? " tanong ko nang huminto kami sa toiletries at bumili ng ilang gamit,  ganun din ang ginawa ni Brea. "Yung carbonara mo,  Mamsh.  Namiss ko yun ng bongga.  Ako na magluluto sa Cordon Bleu.  Ano? " aniya na para bang excited siya sa gagawin namin. "Sige" pagpayag ko sa offer niya.  Nagtungo kami sa section kung saan nandoon ang mga kailangan namin.  Bumili lang ako ng ilang baon ni Wacky for his playschool para may makain siya kahit papaano. "Bumili kayo ng drinks?" tanong ni Theo pagsakay namin kaagad ng kotse niya. Si Wacky ay mahimbing na natutulog sa lap ni Amelia,  kukuhain ko sana ang anak ko para hindi mahirapan si Amelia pero hindi na niya binigay baka raw kasi magising pa yung bata.  Nakarating kami sa bago kong apartment unit.  Hindi na ito yung apartment na tinutuluyan ko noon.  Gusto ko kasi sana mag move on pero hindi pala mangyayari dahil sa nagbunga pala ang kalandian ko noon. Ang bahay na tinutuluyan ko ngayon ay sa loob ng isang subdivision magkatabi lang kami ng bahay ni Theo nag-aalala siya na dahil babae ako at may anak ako ay baka mapahamak daw kami pero dahil bakla siya aminado siya na baka raw siya pa ang maunang tumakbo.  Malaki pa naman ang katawan niya at gwapo pero ang katotohanan na miyembro siya ng LGBT ang nagpapahinayang sa mga babaeng staff at patient ng ospital namin. I opened the door of my house,  bungalow type iyon halos kaparehas ng ibang bahay sa phase na ito.  Pumasok kami sa loob,  diniretso agad ni Amelia si Wacky sa loob ng kwarto ko para doon makapagpahinga ang bata samantala si Brea ay sa kusina dumiretso para makapagsimula,  si Theo ay umuwi saglit sa bahay niya para makapagbihis.  Dumiretso na rin ako sa kusina para magsimula na rin.  "Mamsh,  na-search mo na ba ang pudra ni bagets?" simula niya sa akin.  Tumingin ako sa kanya tsaka umiling,  hindi ko na gusto pang hanapin ang ama ni Wacky tutal isang gabi lang naman ang nangyari na iyon.  Lasing ako at nakalimutang kong fertile ako that day,  hindi rin naman nahugot ng taong iyon yung kanya kaya nabuo si Wacky. "Hindi na Mamsh.  Happy na ako na may anak ako" "Pero di ba dapat isearch mo pa rin" pagpipilit niya sa akin habang nagsisimulang ayusin ang rekado sa cordon blue niya. "Naku mamsh,  wag ka ng ano.  Hayaan mo na yang si Lia kung ano ang desisyon niya" sabat ni Amelia na lumabas mula sa kwarto ko at ngayon ay umiinom ng tubig naman.  "Nagtatanong lang naman,  Mamsh.  Masama ba? " sagot ni Brea. Umiling na lang ako sa kanila habang sinisimulan ko ang pagluluto. "I'm back mga Mamshies!" Hindi na namin kailangan pang lumingon dahil alam naman namin na si Theo iyon.  Lumabas naman si Amelia mula sa kusina at dumiretso sa salas kung nasaan si Theo. "Pero Mamsh.  Curious talaga ako.  Masyado ka kasing introvert kaya gusto namin malaman yung nasa isip mo.  Papalakihin mo ba si Wacky na walang daddy?" tanong niya.  Tanong ko rin naman sa isipan ko iyon pero hindi ko mabigyan ng kasagutan ang tanong na iyon.  "Mamsh,  saan ko naman hahanapin ang tatay ng anak ko?  Pwede ba akong manghila diyan sa tabi at itanong 'Uy,  ikaw ba ang nakipag-anez sa akin noon? '" seryoso kong sagot sa kanya.  Sa totoo lang naiinis din naman ako sa sarili ko kasi hindi ko matandaan kung bakit ako nakipag-s*x sa ibang tao pero wala na,  nangyari na lahat iyon. Humagalpak ng tawa si Brea tsaka niya inambahan na hahampasin ng hawak niyang siyansi.  "Kaloka ka,  Mamsh.  Kung hindi ka lang pretty malamang nasira ko na yang face mo! " Umiling na lang ako tsaka pinagpatuloy ang pagluluto.  It's  almost four years matapos mangyari ang one night stand na iyon. Lasing.  Wasted. Hindi alam ang nangyayari pero ang alam ko hindi ako pinagsamantalahan ng lalaking iyon,  ako ang pumilit. Siguro kaya ako pumayag dahil kahawig ng taong iyon ang ex ko na ngayon ay kamukha naman ni Wacky.  Having s*x with a stranger is not in my list pero nangyari na eh. Wacky is the biggest blessing of my life.  He is the bundle of my joy.  "Eto na!" matapos ang isa't kalahating oras na paghahanda at pagluluto ay natapos namin ang pagkain. We ate in the living room dahil nandoon ang television.  Nasa lifestyle channel dahil may inaabangang show si Brea at Theo kaya no choice kami ni Amelia kundi pumayag na lang sa kanila.  "Mamsh,  ang sarap mo talaga magluto.  Kaya siguro pati yung pag-anetch mo nasarapan yung lalaki mo" natatawang sabi ni Theo habang kumakain ng niluto kong carbonara.  Nagtawanan ang mga nandoon samantalang napailing naman ako sa kanila. "Kamusta naman pagpapaopera mo,  Mamsh? " tanong ni Theo kay Brea.  Transgender na kasi si Brea matapos lumipad nito sa Thailand para magpa-opera.  He stayed there for at least five months. "Sa una masakit pero keri na ngayon,  Mamsh.  Ikaw kailan mo plano magpaopera? " natatawang tanong ni Brea kay Theo "Alam mo ba mas malaking pakwan mas maganda.  Itapon mo na yang maskulado mong katawan,  Mamsh.  Sumunod ka na sa pederasyon" "Nag-iipon pa ako" tipid na sagot ni Theo "Tsaka ito kasi ang gusto ni Hans" yung partner niya na isang basketball player.  "Nasasarapan pa siya kapag ganito" humagikgik ito na para bang kinikiliti. "Ang bastos! " natatawang saad ni Amelia.  "Grabe ano yun gumagalaw yung anetch mo kapag nag-aano kayo" tumawa kami ng malakas dahil sa sinabi niya.  Napapailing na lang ako sa kanila habang umiinom ng alak na dala ni Theo. Tinutok ko ang tingin ko sa television.  Ipinapakita roon ang picture ng isang batang lalaki mula sa pagkababy ata nito hanggang sa pagiging year old nito. "Mamsh" usal ko na nagpatingin sa kanila sa TV. Pinapakita roon ngayon ang pamilyar na mukha ng isang batang lalaki "Si Wacky yan di ba? " narinig kong sabi pero hindi na ako nag-abalang lumingon para alamin kung dahil sa nakatutok ako sa TV. Ngayon naman ay kamukha talaga ng anak ko ang nandoon hanggang sa kasalukuyang picture nung lalaki na nagpatigil sa aming apat. "And we have here the most renowned architect in the world,  also the hottest bachelor in town,  owning chains of hotels and restaurants, Mr. Ethan Madrigal" Flashed in the screen is a very handsome man,  owning a pair of almond eyes with thick eyelashes covered by an eye glass,  his pointed nose never disappoints me,  his lips... that lips. "Tangina,  Mamsh. Siya ba ang tatay ni Wacky? " nausal ni Amelia.  Habang titig na titig sa tv. I can see Ethan but I can also see my son.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD