"Doktora" Mula sa pagtingin sa vitals ni Noel ay nag-angat ang tingin ko kay Margot. Nakatayo siya sa gilid ng higaan ni Noel, katapat ako. "Bakit? " I wrote down some observation sa medical chart ni Noel. "M... May napapansin po kasi ako" pagsisimula niya. "Ano? " "M... May past po ba kayo or may present po kayo ni Sir Ethan. Kanina po kasi... nakita ko po kayong dalawa.. " hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla akong tumingin sa kanya. God! So may nakakita sa amin kanina? Matapos namin mag-usap ni Ethan, naghiwalay muna kami ng landas. He made a few calls tapos dumiretso ako dito sa tent. "Sorry po, Dra. Pero curious lang po ako" bahagya pang humina ang boses niya na para bang tinatantiya niya ang magiging sagot ko. "Kasi po noong nakita ko si Sir Ethan, nagulat po ako