We were sitting near the shore. Kakatapos lang namin kumain at pinapanood namin ang paglubog ng araw. Si Margot ang nasa loob ng tent. Siya na raw muna ang magbabantay. Ang dalawang matanda na kausap ko kanina ay maghahanda raw ng munting salu-salo bilang pasasalamat sa akin. Hindi na nga ako pumayag pero nagpilit pa sila. Ethan is sitting beside me. All I can hear ay ang hampas ng alon sa dalampasigan. Hindi ko pa rin alam kung bakit siya nandito. Tinignan ko si Ethan. Ang hugis ng mukha niya ay isang tao lang ang nakikita ko. Yung kilay, pilik-mata, ilong pati yung labi. His mannerism, his favorites. Posible kaya? Posible bang siya ang ama ng anak ko? Pero kung siya nga. Bakit niya ako iniwan that night. Bakit niya ko hindi binalikan? Mahal pa ba niya ako? Ayokong um