Four days passed so fast. Naging okay na si Noel matapos siyang dalhin dito sa kabayanan. Hindi rin kami nag-uusap ni Ethan. The other day he went back to Manila and yesterday lang siya bumalik. Nagkita kaming dalawa dahil kakarating lang namin mula sa medical mission sa ibang isla naman. Free day namin ngayong araw dahil kaarawan ng supervisor na kasama namin. "Mamsh, okay ka lang?" Tinalukbong ko ang kumot ko sa katawan ko. Wala akong planong gawin kundi humiga at matulog lang sana. Pero kanina pa kasi ako kinukulit ni Theo para lang sumama na sa kanya na bumili ng regalo para sa supervisor namin. "Sige na mamsh. Kailangan ko talaga ang advise mo!" tumalon pa siya sa kama at inalog ako. Nilingon ko siya. Pakiramdam ko kasi ang empty ko ngayon. Hindi rin tumawag ang anak ko