Chapter 2

1494 Words
Hindi ako makapaniwala sa proposal ni Apollo. Dahil tatlong buwan palang ang aming relasyon. Pero siguro nga ay tama siya na hindi importante kung gaano katagal ang relasyon bago tuluyang magpakasal dahil nararamdaman mismo ng puso ko kung gaano ko siya kamahal. "Yes Apollo, I will marry you!" Umiiyak na saad ko. Ngumiti siya sa akin at kinuha ang sing-sing. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan niyang sinuot ang sing-sing sa daliri ko. Parang sinukat talaga dahil sakto lang ito. "Perfect!'' Nakangiting niyang sabi. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi at niyakap. Napuno ng kaligayan ang puso ko ng mga oras na yun dahil kay Apollo. Pagkatapos ng proposal niya ay kumain na kami. "Apollo? Sigurado ka na ba sa naging pasya mo?'' Tanong ko sa kanya. Habang kumakain kaming dalawa. "Zana kung may balak kang umatras wala ka ng magagawa dahil napa 'oo' na kita." Nakangiti niyang sabi. "Bakit gusto mo na bang bawiin?" "Hindi Apollo, Natatakot lang ako na baka hindi maging sapat ang pagmamahal natin sa isa't-isa para manatili bilang mag-asawa. "Shhhhh, bakit ka ba nag-iisip ng ganyan? Hindi mangyayari satin yung nangyari sa parents mo Zana." Wika niya. Tumayo siya at pumunta sa likod iniyakap niya ang braso niya sa akin. "Hindi ako papayag na magka-hiwalay tayo Zana kaya no choice ka kundi samahan ako hanggang sa pagtanda nating dalawa." Dagdag pa niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan ako sa pisngi. "I love you, Zana." Bulong niya sa tenga ko. "I love you too" Pagkatapos naming kumain ay hinatid na niya ako sa apartment. Masaya siyang nagpaalam sa akin. Nasa higaan na ako pero ayaw parin akong dalawin ng antok pakiramdam ko ay para parin ako nasa alapaap kasama si Apollo pinagmasdan ko ang sing-sing na suot ko. Siguro ay napakamahal nito dahil sa kinang na nagmumula dito. Kahit nangagamba pa rin ako mas pinili kong maging masaya at subukan ang magiging buhay namin sa hinaharap. Maaga akong nagising dahil hindi ako halos nakatulog sa pag-iisip. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang engaged na kami ni Apollo. Maliligo na sana ako nang may naririnig akong katok sa pinto. "Sino yan?" Sinilip ko ang maliit na butas at nakita ko si Apollo may dalang mga bulaklak. "Apollo?" Kaagad kong binuksan ng pinto. Nakalimutan kong wala pa pala akong suklay toothbrush at hilamos. "Pasok ka bakit ang aga mo?'' Tanong ko sa kanya. "Gusto ko na kasing makita ang asawa ko'' Nakangisi niyang sabi. Sabay upo sa kama ko. Studio type lang kasi ang apartment ko. Pagpasok ay diretso kama na agad. May maliit na mesa. Isang upuan. Maliit na banyo at kusina. Tama lang para sa pang-isang tao na uuwi lang para matulog gaya ko. "Asawa agad? Apollo engaged palang tayo kung di ako nagkakamali." Sagot ko sa kanya. "Pero ganun na rin yun Zana dun narin tayo pupunta." Katwiran niya. "By the way bakit ang aga mo ngayon? Wala ka bang trabaho sa opisina?" Pagtataka ko. "Wag mo ng problemahin ang tungkol sa trabaho ko. Nagka-usap na kami ni Tallie na siya muna ang bahala sa kompanya. Dahil marami tayong aasikasuhin." Sagot niya sa akin. "Ipinaalam mo ba sa kanya ang proposal mo?'' "Oo naman, siya nga ang nag-ayos ng set-up sa rooftop pati narin sa pagpilli nang sing-sing.'' ''Pero bakit hindi ko siya nakita kagabi?'' Nagtatakang tanong ko sa kanya. ''Ewan ko, hindi na rin nag-paalam sa akin eh. Basta pagdating natin kagabi. Hinanap ko siya sa paligid pero wala na siya. Don't worry I'm sure sobrang saya din ng bestfriend ko para sa akin." Bakit kahit ano ang sabibihin na maganda sa akin ni Apollo tungkol sa bestfriend niya ay hindi pa rin ako mapanatag siguro ay na-iinsecure lang talaga ako sa presensya niya. "Ang mabuti pa ay maligo ka na para makapunta na tayo sa pupuntahan natin." Nakangisi niyang sabi. Bigla kong naalala ang sarili ko na kakabangon ko nga lang pala sa higaan. Agad akong tumakbo sa banyo para maligo narinig ko pa ang impit na tawa niya. Makalipas ang isang oras ay nasa kotse na kami at binabaybay ang daan papasok sa isang napakalaking building. "Apollo anong gagawin natin dito?" "Basta sumunod ka na lang sa akin" Sagot niya. Nanatili akong tahimik. Pinark niya ang kotse sa ground floor at pumasok kami sa loob nang elevator pinindot niya ang 5th floor botton. Wala akong idea sa pinagagawa ni Apollo kaya kunot ang noo ko hanggang makalabas kami ng elevator. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko hangang sa tumapat kami sa isang pinto na may numerong 512. Tumingin siya sa akin bago kami pumasok. Natulala ako sa ganda ng interior ng room simple pero elegante ang style. Inilibot ko ang mga mata ko sa malawak na sala may malaking gray na sofa at may flat screen t.v na wari ko ay nasa 40 inches ang laki. Kulay pastel gray din ang kulay ng pader. At tanaw na tanaw ko mula sa bintana ang ibang nagtataasang buildings. Kompleto ang mga kagamitan sa loob ng condo. Dumako ako sa bathroom. May shower at malaking bathtub na kasya ang dalawang tao. Napakilinis din. Pagkatapos ay pumasok ako sa isang pinto na nakasara. Lumantad sa akin ang puting queen size bed. At ang built in cabinet sa gilid may maliit din na mesa sa gilid ng kama at may flower vase na kulay puti ang nakalagay na bulaklak. "Do you like it?" "Ang ganda, Dito nakatira?" Sabi ko. Tumawa naman siya ng nakakaloko. Hindi pa kasi niya ako nadadala sa kanila kaya hindi ko alam kung saan talaga siya nakatira. "Simula ngayon dito na tayo titira Zana." Sagot niya sabay yakap sa akin mula sa likuran. Nagulat ako sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya. "What? Paki-ulit nga yung sinabi mo Apollo?" Tanong ko sa kanya. "I bought this condo two weeks ago. Kaming dalawa ni Tallie ang namili ng furniture's and designed na sigurado akong magugustuhan mo. Kaya simula ngayon ay dito na tayo titirang dalawa na magkasama. "No Apollo, Hindi ako papayag sa sinasabi mo." Mahinahon kung sabi sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo niya. "Why? Diba tatlong buwan na lang din ay ikakasal na tayo at magsasama na rin tayo. Bakit hindi pa tayo magsama ngayon?" "No apollo, hindi mo naiintindihan." Lumabas ako ng kwarto at umupo sa sofa. Sumunod siya sa akin at tumabi sa akin sa sofa. "Why not? Ano bang ikinakatakot mo?" "Apollo, Hindi tayo pwedeng magsama bago tayo ikasal. Ano na lamang ang sasabihin sa akin ng mga magulang mo pag nalaman nilang nag live-in na tayo?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama kaya lang ay hindi ito ang gusto kong set-up namin ni Apollo. "Zana, Wala akong paki-alam sa iisipin nila. Gusto na kitang makasama. Gusto kong nakikita kita pagmulat ng mga mata ko sa umaga at mayakap ka sa pagtulog ko. Bakit ba ayaw mo? Magpapakasal naman tayo eh. Hindi kita tatakbuhan." Paliwanag niya sa akin. Tumingin ako sa kanya. "Apollo I'm sorry. Kung talagang ni-rerespeto mo ako. Sana respetuhin mo din ang disesyon ko." Sabi ko sa kanya. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Seryoso niyang tanong. Napabuntong hininga bago sumagot. "Syempre meron Apollo. Mag ye-yes ba ako sa proposal mo kung wala? Ang gusto ko lang ay ibigay ko ang sarili ko sayo sa araw mismo ng kasal natin." Nahihiya kong sabi. Pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya hindi kasi ako open sa ganitong usapan. Nakita ko siyang ngumiti. "Kaya ayaw mong tumira dito kasama ko dahil gusto mong gawing memorable day ang araw na yun? Kahit dito na tayo titira gagawin pa din nating best day ang araw na yun Zana." Nakangiti niyang sabi sabay yakap sa akin. "So you mean, hindi tayo mag gaganun hanggang sa araw ng kasal?" "No! I mean, Makakatiis ba ang lalaking hindi yakapin, halikan at iparamdam sa kanya kung gaano niya kamahal ang isang babae, kung katabi niya ito sa kama? Ang ibig kong sabihin. Kahit hindi na yun ang maging first night natin ay gagawin parin nating masaya." Paliwanag niya. "Still no Apollo, buo na ang desisyon ko na hindi ako makikipag live-in sayo hanggang ikasal tayong dalawa." Wika ko. "Pero Zana?" Hirit pa niya. "I'm Sorry Apollo. Sana intindihin mo din ang sitwasyon ko." Seryosong sabi ko sa kanya. "Pwede bang iuwi mu na ako? Hindi pa kasi ako nag aalmusal at may pasok pa ako mamayang gabi sa resto bar." Paki-usap ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya kumikibo pakiramdam ko ay masama ang loob niya sa desisyon ko. "Kung ayaw mo ko ihatid pauwi, ako na lang ang uuwi mag-isa." Kaagad akong tumayo at lumakad sa pinto. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang pigilan niya ang kamay ko. "Kakain muna tayo sa labas, bago kita ihatid Zana." Seryosong wika niya sa akin. Lumabas na kami ng sabay sa condo. At dinala niya ako sa isang restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD