Chapter 1

1647 Words
Naghanda ako sa pagdating ni Apollo. Niyaya niya kasi akong kumain sa labas. Suot ko ang damit na binili niya para sa akin. Lagpas tuhod ito at maiksi ang manggas, may kwelyo din itong kulay puti. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng malaking salamin. Ang simpleng babae na gaya ko at ang simple kong pananamit ay sapat na para sa akin. Nakalugay ang hanggang beywang kong buhok. Nilagyan ko din ng hairpin para hindi humarang sa mukha ko ang mahaba kong bangs. Naglagay lang ako ng kaunting pulbos sa mukha dahil hindi naman ako oily face. Basta may pulbos ako at lip balm ay okay na para sa kin. For my final look, kinuha ko ang pares ng white close shoes ko na may simply lang din ang disenyo. Kahit may ipon ako sa bangko. Hindi ako bumibili ng mga mamahaling gamit hindi rin kasi ako mahilig mag-shopping mas gusto kong manatili sa bahay. Kung hindi nagbabasa ay nagsusulat ako ng planner. Mahilig din akong magluto at maglinis ng bahay. Ewan ko ba kung may katulad ako na mas nag e-enjoy sa paglilinis ng bahay kaysa ang mag-lakwatsa. May mga kaibigan din naman ako pero mabibilang sa daliri dahil nahihiya akong buksan ang buhay ko sa ibang tao. Para sa akin, hindi lahat ng tao ay pwedeng pagkatiwalaan. Lumaki ako sa tita ko, tinuring na rin niya akong anak pero simula nang mamatay siya dalawang taon na ang nakakaraan nagpasya akong umalis na sa pamilya nila. At naghanap ng stay-in na trabaho bilang partime na katulong at isinabay ko sa pag-aaral ko. Nasa huling taon na kasi ako ng college noon sa kursong hotel restaurant management nang mamatay si Tita. Bata palang ako nang maghiwalay ang mama at papa ko. Na ngayon ay may sari-sarili na ding pamilya. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako tutulad sa kanila na piniling mag-hiwalay kaysa ayusin ang naging problema nila. Masakit ‘yon para sa akin, dahil sa murang edad naranasan ko ang pagpapasa-pasahan ng mga kamag-anak ko dahil wala akong matuluyan. Bukod dun hinahanap ko ang kalinga ng tunay na magulang. Oo naging mabait sa akin si Tita, pero iba pa din ang pagmamahal na ipinaramdam sa akin ng magulang ko sa loob ng sampung taon. Sa ngayon ay nasa maliit na apartment na ako nakatira at nagtratrabaho sa resto bar ni Apollo. Bilang isang bartender or minsan naman ay nagluluto din ako at tumutulong sa kusina. Tatlong buwan na kaming magkarelasyon. Nagkakilala kami sa mismong bar na pinapasukan ko ngayon. Nag birthday kasi ang professor namin sa school noon at ga-graduate na din kami kaya nilibre niya kami sa restaurant ni Apollo. Pinagkaisahan akong pakantahin sa maliit na stage ng mga kasama ko. Kahit nahihiya ay wala na akong nagawa nang itinulak na nila ako sa harapan at pinahawak ng mikropono. Hindi naman pambirit ang boses ko. Pero nagawa kong maitawid ang sarili ko sa kahihiyan nang mga oras na ‘yon. Lingid sa kaalaman ko ay naroroon pala si Apollo na nakamasid lang sa akin habang kumakanta ako sa gitna ng entablado. Nang matapos na ako ay agad akong bumalik sa upuan ko na namumula sa kahihiyan. Hangang sa lumapit si Apollo sa amin at nagpakilala. Nung time na yun hindi ko pa alam na siya ang may-ari ng resto bar. Nalaman ko na lang nang maging kami dahil matiyaga niya akong niligawan at sinabi niya sa akin na hindi lang pala isang resto bar kundi limang branch sa ibat-ibang lugar ng pilipinas nakatayo. At kasama niya sa pag ma-manage ng bar si Tallie ang sampung taon na niyang best friend. Kahit malapit sila sa isa’t-isa hindi ko mailapit ang sarili ko sa kanya. Ewan ko, ganito talaga siguro pag-insecure ka sa isang tao at best friend pa ng boyfriend mo diba? Masyado kasi siyang maganda at sexy sa paningin ko. Pag pinagtabi nga kaming dalawa ay mukha niya akong labandera. Minsan nga pag kumakain kami kasama si Tallie ay na a-out of place lang ako sa pinag-uusapan nila dahil puro negosyo ang topic nila. Kaya imbis na kausapin ko sila ay kumakain na lamang ako. At ngumingiti paminsan-minsan. May mga times din na pinag-selosan ko si Tallie dahil masyado silang close ng boyfriend ko o talagang madumi lang ang utak ko? Paghinahatid niya kasi si Tallie sa bahay kasama ako ay nagya-yakapan pa sila at nagbebeso- beso. Para kay Apollo ay normal lang ‘yon. Dahil para na daw silang magkapatid pero hindi ko alam kung bakit iba ang dating sa akin. Wala naman kasi akong best friend na lalaki. Ayokong magtalo kami ni Apollo kaya hinahayaan ko na lang din ang mga bagay na napupuna ko pagdating sa closeness nilang dalawa ni Tallie. May karapatan ba akong magalit? Eh mas matagal ang pinagsamahan nila at months palang kami ni Apollo. Bago pa tuluyang mawala ako sa mood ay kinuha ko na ang sling bag ko. Dahil narinig ko na rin ang pag-busina sa labas ng apartment ko, malamang si Apollo na ‘yon. Agad akong lumabas ng bahay at ini-locked ko ang pinto. Pag-lingon ko ay nasa harapan ko na si Apollo at matamis ang ngiti sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. "Kanina ka pa nag-aantay?" Nakangiting tanong niya sa akin. "Hindi naman kakatapos ko lang naman mag-ayos." Sagot ko sa kanya. Iba ang aura niya ngayon, mukhang masaya siya dahil kumikinang ang mga mata niya. Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya niya ako papunta sa kotse niyang kulay itim. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pinapasok na parang prinsesa. Kinilig ako sa mga ngiti at titig niya. Nang pumasok na siya sa driver seat ay kinuha niya ang bouquet ng red roses sa passenger seat at binigay sa akin. "For you." Nakangiting wika niya sa akin. Kinuha ko ang bulaklak at inamoy ko sobrang bango. Napangiti ako, lagi naman niya akong binibigyan pero ganun parin ang nararamdaman ko sa tuwing inaabutan niya ako ng bulaklak. "Ang ganda." "Mas maganda ka" Sabi niya. Tumingin ako sa kanya. Dahan- dahan siyang lumapit sa akin hangang isang dangkal na lamang ang layo namin sa isa’t-isa. Nakatitig lang siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "I love you" Mahinang bulong niya sa akin. Bago niya tuluyang ilapit ang labi niya sa labi ko.Tinugon ko ang mga halik niya. Halos ilang segundo din siguro kaming naghalikan bago niya tuluyang inilayo ang mukha niya sa akin. Ngumiti siya sa akin at pinaandar ang kotse. "Saan tayo pupunta Apollo?" "Basta." Maiksing sagot niya. Habang nasa daan kami ay napapasin ko na papunta kami sa restaurant na pinapasukan ko. Sa first branch ng restaurant nila Apollo. Ipinark niya ang kotse sa parking lot ng restaurant. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at iniba niya ang fold nito. Lumapit siya sa akin, itinali niya sa ulo ko at tinakip sa mga mata ko ang panyo. "Apollo?" "Ssshhhh, trust me love." Mahinang bulong niya sa akin at muling dinampian nang halik ang labi ko. Naramdaman ko ang pagbaba niya sa kotse dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto. At binuksan niya din ang pintuan na malapit sa akin. Naramdaman ko ang pag-hawak niya sa mga kamay ko. At inalalayan akong lumabas ng kotse. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang balak ni Apollo. Inalalayan niya ako sa isang hagdan na wari ko ay pa-akyat sa second floor ng resto bar. "Apollo saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya. "Just trust me Zana." Sagot niya sa akin. Umakyat pa ulit kami ng hagdan, feeling ko ay nasa rooftop kami ng restaurant dahil mahangin at hindi aircon ang lamig na dumadampi sa balat ko. Kaunting lakad pa ang ginawa namin hangang sa tuluyan siyang tumigil. "Apollo?" Sambit ko. Pero hindi siya sumagot. Sa halip ay umikot siya sa likuran ko at dahan-dahan niyang tinangal ang panyo na nakatakip sa mga  Nagulat ako sa nakita kong set-up ng rooftop. Nasa gitna kami at napapaligiran ng stars na yellow lights. Parang kurtina ‘yon sa dami, at nagsilbing ilaw na nagpaliwanag sa madilim na rooftop. Para kaming nasa ilalim ng kalawakan. Pag-lingon ko sa likuran ko ay may table na din ‘don at dalawahang upuan, nakahanda ang pagkain at bote ng red wine na nasa loob ng stainless pale na punong puno ng yelo. Napansin ko din na hindi lang ako basta naka-apak sa semento kundi sa red carpet na punong-puno nang mga talulut ng bulaklak. "Apollo? Anong ibig sabihin nito?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Imbis na sagutin niya ako ay kumumpas siya pataas gamit ang daliri niya. At nakarinig ako ng intrumental na musika na nagmumula sa piano. Isang magandang musika na hindi ko pa naririnig kung ano ang lyrics. Pero napakasarap niyang pakingan. "Zana, I know hindi pa ganun katagal ang ating relasyon. But for me hindi tagal ang basehan para hindi mo maramdaman sa puso mo ang taong nakalaan para sayo." Nangingilid ang luha niyang sabi sa akin. Naguguluhan parin ako dahil wala akong idea sa sinasabi niya. Pero nararamdaman ko lahat nang binibitawan niyang salita. Hinawakan niya ang kamay ko. "Do you love me?" Tanong niya sa akin at nag-umpisa na ring tumulo ang luha niya. "Yes! Kailangan pa bang itanong ‘yan Apollo?" Nakangiti kong sagot. At tuluyan na ring tumulo ang luha ko. Dahil nadala na rin ako sa emosyon niya. Binitawan niya ang isa kong kamay at dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko. "A-Apollo?" Mahinang bulong ko. "I want to spend my lifetime loving only you." "Kanta ba ‘yon?" Biro ko sa kanya. Napangiti siya ng bahagya. Dinukot niya sa bulsa ng pantalon niya ang isang maliit na box. At dahan-dahang tinangal ang takip nito. Bumungad sa akin ang isang silver ring na may heart shape diamond. "Will you marry me?"          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD