Chapter 3

1376 Words
Kinahapunan ay tinatamad na akong pumasok sa trabaho. Dahil sa pagtatalo namin ni Apollo kanina. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako maunawaan sa part na yun eh alam naman niyang siya lang ang boyfriend ko. Binabagabag parin ako pero buo na talaga ang desisyon ko na hindi lumipat sa magandang condo unit na yun. Kahit Pakiramdam ko ay wala akong ganang magtrabaho. Pinilit kong tumayo at maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako nang poloshirt na may patong na black vest at pants. Saktong alas otso na ng makapag time in ako. At pumuwesto na rin ako sa minibar. Hindi ko alam kung bakit hindi parin ako tenetex o tinatawagan ni Apollo. Siguro ay galit pa rin siya sa akin dahil sa pagtangi ko sa alok niya na doon na tumira. Naalala ko nang minsan nagtalo na rin kami ni Apollo dahil gusto niya akong patigilin sa trabaho. At manatili nalang daw ako sa apartment o sa headoffice ng Moonlight A.T. Yun ang pangalan nang resto bar. Pero hindi ako pumayag ayokong maging pabigat sa aming relasyon ni Apollo. Ayoko din na iasa ang buhay ko sa kanya. Dahil baka kung ano ang sabihin ng family niya tungkol sa akin. Mabuti naman at naintindihan niya yun. Naisip ko na rin siyang tawagan dahil sa tampuhan namin. Pero ayokong ibaba ang pride ko dahil alam kung nasa tama ako. Alas otso talaga ang bukas nang resto bar namin. Malapit ang branch namin sa mall kaya minsan marami din kaming customer. "Good evening Sir! welcome to Moonlight A.T." Bati ko sa mga customer na dumadaan sa harapan ko at iginigiya ng mga waitress. Sinusuklian naman nila ako ng ngiti. "Dito ka pala nagtratrabaho Zana?" Napalingon ako sa nagsalita. "Julian?" "Hi! Its been a while since we last saw each other." Nakangiting wika niya sa akin. Siya lang naman ang masugid kong suitor mula high school hangang college. Kaya lang focus ako sa pag-aaral noon kaya hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na maging boyfriend ko. Hangang hindi na kami muling nagkita pa pagkatapos namin na maka-graduate ang balita ko ay umalis siya ng bansa. At halata naman sa kanyang itsura dahil mas gumuwapo siya at nag-improved din siya physically. Nagdalawang tingin pa ako baka magkamali ako. "Kumusta na?" Bati niya sa akin. "Okay lang" Tipid na sagot ko. " Mas lalo kang gumanda." "Naku ano ka ba? Wala namang nagbago sa akin " Saad ko. "I'm alone pwede bang dito nalang ako sa minibar?" "Sure!" Mabilis na sagot ko. "So what would you like to drink?" "Can I have whisky sour please?" Nakangiting tanong niya sa akin. "Okay, wait a second." Paalam ko. Kaagad akong kumuha ng one glass of whisky brand at iniligay ko sa cocktail shaker nilagyan ko ng sugar syrup, ice cube at shi-nake. Pakiramdam ko ay hindi inaalis ni Julian ang tingin niya sa akin. Kaya medyo na conscious ako. Pagkatapos kong i-shake ay inilagay ko na sa isang mamahaling glass nilagyan ko din ng slice of lemon. At inabot ko sa kanya. "Kumusta ang work mo dito? Mukhang masaya ka ah?" Pansin niya sa akin. "Okay naman kasi pang-gabi ang work ko kaya kahit papaano may time ako sa umaga." Sagot ko sa kanya. "Anong oras ang out mo?" "Minsan alas-tres ng umaga or minsan may liwanag na depende sa araw at sa dami ng tao. Ikaw? Balita ko nasa abroad ka what happen to you?" Tanong ko sa kanya. Uminom muna siya ng whisky bago sumagot. "Nag-decide akong pumunta London para maka-move on sayo." Sagot niya. Nagkatitigan kaming dalawa. Ngunit nauna akong umiwas ng tingin. "Nagbibiro ka lang diba?" Tumawa ako ng bahagya. "No, and I made a big mistake of giving-up on you" Seryosong sabi niya sa akin. Sakto naman na love songs na din ang tinutugtog sa loob ng resto bar. "Julian I'm already engaged with my boyfriend his name is Apollo." "I know" "What? How did you know?" Takang tanong ko sa kanya. "Basta, kaya ako nandito to fight for you, to fight for the girl that I still love the most." Seryosong sagot niya na nakatitig pa rin sa akin. "Julian, three months na lang ikakasal na kami ni Apollo. Much better na ituloy mo na lang ang pagmomove-on mo." "No, Zana. I still have three months. Just three months to continue courting you. Three months na hindi mo na priority ang pag-aaral mo and three months para bawiin kita kay Apollo." "J-Julian," Sambit ko sa kanya. Inubos niya ang laman ng baso. "I have to go." Paalam niya sa akin. Bago tuluyang tumayo. Napakamot ako sa ulo ko. Dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na babalik siya ulit para sa akin. Binigyan ko ng halaga ang halos sampung taon na pagiging magkaibigan namin. At inaamin ko na muntik ko na ring sagutin siya kaya lang ay natakot ako dahil nangako ako sa sarili ko na hindi ako magbo-boyfriend hanggat hindi pa ako tapos mag-aral. Naisip ko na kung nag-antay lang sana siya ng kaunti baka sakaling siya ang boyfriend ko ngayon at hindi si Apollo. Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Hello Tallie? Napatawag ka?" Tanong ko. "Hello Zana? Alam mo ba ang code ng pintuan ng Condo niyo?" Tanong niya sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Bakit?" "Si Apollo kasi lasing na lasing inihatid ko siya dito sa Condo niyo at hindi na halos makalakad sa kalasingan!" Wika niya. Napatigil ako. Lasing si Apollo at kasama niya si Tallie at nasa Condo pa sila. "Z-Zana? Hello Zana? Sandali, Apollo wag kang malikot humawak ka lang sa beywang ko. Hello? Zana?" Tawag niya sa akin. Naririnig ko naman ang mga pag-ungol ni Apollo mula sa kabilang linya. Halos mamanhid ang kaluluwa ko sa hindi magandang naririninig ko mula kay Tallie. Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Birthday ko Tallie" Sagot ko sa kanya. "Okay thank you!" Binaba niya agad ang tawag. Kasalukuyan namang nagpapanic ang utak ko. May nagsasabi na puntahan si Apollo. May nagsasabi na wag. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang pag-iisip. Lumipas na ang halos Tatlumpong minuto nag-iisip pa rin ako. Hanggang sa tuluyan ko nang dinampot ang sling bag ko at nag-paalam ako sa manager ng bar na pupuntahan ko si Apollo. Agad naman itong pumayag. Dahil alam na nila na ikakasal na kaming dalawa. Pagkababa ko ng restaurant ay agad akong pumara ng taxi. Bahala na kung ano ang maabutan ko dun basta kailangan ko siyang makita. Wala pang kinse minutos narating ko na ang mataas na building ng condo. Kaagad akong sumakay sa elevator. At pinindot ang 5th floor. Habang papunta ako sa Condo ay palakas naman nang palakas ang kabog ng dib-dib ko. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa boyfriend ko. Pero pag lasing kasi ang isang tao minsan nawawala sila sa sarili. Nasa harapan na ako ng Condo. Napatigil ako at nag-dalawang isip na pindutin ang code. Kaya napasinghap muna ako. Lakas loob kung itinapat ang daliri ko sa numbers na nakalagay sa pinto at pinindot ko ang birthday ko. Nakita ko kasi si Apollo na yun ang Pinindot niya bago mag-open yung pinto. Nang mag-unlock na ang door ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Wala akong nakitang tao sa sala kaya tumuloy ako sa loob. Napansin ko ang pinto ng kwarto na bahagyang naka-awang. Parang may nag-uunahang daga sa dib-dib ko dahil wala akong marinig. Napasilip ako sa pintuan. At kitang-kita ng mata ko ang pag punas ni Tallie kay Apollo Naka-topless itong nakahiga sa kama. At naka- bathrobe naman si Tallie. Natutup ko ang bibig ko. Tatalikod na sana ako nang may masagi akong bagay na lumikha ng ingay. "Sino yan!" Sigaw ni Tallie. "Zana? Mabuti naman at dumating ka! Ikaw na mag-punas kay Apollo. Kailangan ko munang mag-shower at pinaliguan niya ako ng suka." Paliwanag niya sa akin sabay abot ng face towel. Kinuha ko naman iyon sa kamay niya. At pumasok na siya sa banyo. Nakasalang pala sa automatic washing machine ang mga damit niya kaya siya nakahubad. Nilapitan ko si Apollo na wala pa ring malay. Idinampi ko sa kanya ang malinis na facetowel. At Nagulat na lang ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "I love you" Sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD