Chapter 4

1018 Words
Third person POV Umaga na nang magising si Apollo. Nasapo niya ang kanyang noo sa sobrang sakit nang ulo niya. Pilit na ina-alala niya ang mga nangyari kagabi. Ang huli niya kasing naaalala ay pinilit siyang hinatid ni Tallie sa condo pagkatapos noon ay wala na siyang maalala. Kaagad siyang bumangon at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos ng kinse minutos niyang pagligo ay sinuot na niya ang tuwalya sa kanyang bewang. Kukuha sana siya ng maligamgam na tubig sa kusina nang mapansin niya na may babaeng natutulog sa malaking sofa. "Zana?" Wika niya. Lumapit siya at tinitigan ang mukha nito. Hinaplos niya ang kanyang mukha at kinintalan ng halik sa labi. Unti-unting nagmulat ng mata si Zana at nagulat sa presensiya niya. "Pasensya na Apollo. Wala na kasi akong masakyan kagabi kaya dito na ako nagpalipas ng magdamag." Paliwanag niya. Kumunot naman ang noo ni Apollo. "Bakit hindi ka sa kama natin humiga? Condo naman natin tong dalawa?" Bumangon si Zana at inayos ang pagkaka-upo. "Alam mo ba na nag-alala ako sayo? Mabuti na lang at hindi alam ng best friend mo ang code ng pinto. Kaya tumawag siya sa akin at nalaman ko ang nangyari. Bakit ka ba kasi nagpakalasing nang ganun may problema ba?" Nag-alalang tanong ni Zana. Umupo si Apollo sa tabi niya. “Zana” Napalingon sila nang bumukas ang pinto. Bumungad si Tallie na may dalang pang-almusal. "Best, mabuti naman at gising ka na! Alam mo ba ang hirap ba pinagdaanan ko kagabi?" Sumbat ni Tallie habang inilalapag sa dining table ang mga binili niya. "Bumili ako ng iced coffee saka clubhouse. Kaya kumain na tayo." Aya niya. Tumayo si Apollo at nilapitan si Tallie. "Thank you best, I'm sorry kagabi." Napatingin naman si Zana sa kanilang dalawa. Hindi talaga siya comfortable sa presensya ng dalawang ito. "Apollo, uuwi na pala ako." Paalam ni Zana. "Bakit ka uuwi agad? I already bought three meal Zana, sayang naman ‘to." Wika ni Tallie. "Let’s eat first Zana, Hindi pa tayo tapos mag-usap." Seryosong wika ni Apollo. At hinila na siya papunta sa dining table. "By the way best, Tita called me last night. Sabi niya umuwi daw tayo ngayon sa bahay niyo." Sabi ni Tallie. Napatigil naman sa pagkain si Zana. "Damn! I forgot! It's Mom birthday! Mabuti pina-alala mo best." Nasapo ni Apollo ang noo niya. Nang makalimutan niya ang birthday ng kanyang ina. Tahimik lang si Zana. Nabaling naman ang attensyon ni Tallie sa kanya. "Bakit hindi mo isama si Zana. Alam nilang may girlfriend ka tapos ikakasal na kayo hindi mo pa rin siya ipinapakilala" Payo ni Tallie. Tumingin naman si Apollo kay Zana. "Zana, can you go with us. I'm sure matutuwa siya pagnakilala na niya ang babaeng lagi kung bukambibig sa kanya." Nakangiting Wika ni Apollo sabay hawak sa kamay niya sa mesa. Ang totoo hindi naman sa ayaw siyang ipakilala ni Apollo. Si Zana mismo ang humiling noon dahil nahihiya siya sa mga magulang ni Apollo. Napilitan siyang tumango sa alok ni Apollo. Pagkatapos nilang kumain ay umalis na din si Tallie. Naupo na sila ulit sa sofa. "Now tell me? Paano ka napunta dito? Have you decided na dito na tumira?" Tanong ni Apollo habang nakatitig sa mukha ni Zana. Pero hindi niya alam ang sasabihin niya kaya nanatili siyang tahimik. "Let me guest? Nasa bar ka tapos tinawagan ka ni Tallie. Para alamin ang code ng pinto? Tapos nalaman mo na lasing ako kaya nag madali kang pumunta dito? Dahil iniisip mo na may gagawin kami ng bestfriend ko? Am I Right?" Tumango si Zana. "That's why I wanted you to be here. To live with me para hindi muna ako paghinalaan. And she’s my best friend and she's like a sister to me." "Apollo, Hindi naman sa ganun." "How did you get that idea Zana?" "I don't know Apollo. Mahirap din para sa akin na makipag-kumpetensya sa bestfriend mo. Dahil bukod sa sampung taon na pinagsamahan niyo. Higit na mas maganda at sexy siya sa akin. At napakalambing niyo pa sa isat isa? So anong gusto mong isipin ko?" Inis na wika ni Zana. "There is nothing to worry about, and please stop comparing yourself to her. I love you, Minahal kita ng buong-buo. Walang bawas, walang dagdag. Kaya wala ka dapat baguhin sa sarili mo.” Nangilid ang luha sa mata ni Zana. Alam naman niyang mahal siya ni Apollo at ganun din siya kaya lang ay natatakot talaga siya. "Zana, wala kang dapat ikatakot. I'll promise, I will be faithful to you no matter what happen." Hinawakan niya ang pisngi ni Zana. And he kissed her passionately. Zana found herself responded to his kisses. And Apollo acts more aggressively. He grabbed the button of her polo shirt and slowly unbuttoned it. Then he entered his palm inside and touching her breast. "A-apollo, Stop!" Pigil niya sa kamay ni Apollo. "Zana please," "I'm sorry, Pero hindi pa ako handa" Napasinghap na lang si Apollo. Naramdaman ni Zana ang pagkadismaya ni Apollo dahil sa ginawa niyang pagpigil sa gusto nitong mangyari. "I think you don't trust me at all Zana," "Hindi sa ganun, Apollo" Katwiran niya. "I'll take you home." Tumayo si Apollo at pumasok na kwarto para magbihis ng damit. "I'm sorry Apollo." Bulong ni Zana sa sarili. Kahit siya ay hindi alam kung bakit hindi niya maibigay ang sarili niya kay Apollo gayong engaged na silang dalawa. Inayos niya ang polo shirt niya. Ilang minuto lang lumabas na din si Apollo. At pumunta na sila sa parking lot. Naging tahimik ang byahe nila pauwi sa apartment. Hindi narin sinubukan pang kausapin ni Zana si Apollo. Nakarating na sila sa apartment. Bababa na sana si Zana nang hilahin ang kamay niya ni Apollo. Kaya napalingon siya dito. "I'll pick you up, tonight be ready" Nakangiting wika ni Apollo. Marahan pa niyang pinisil ang kamay nito. "Okay" Sagot niya. At ngumiti siya dito. Naunawaan niya ang ibig sabihin ni Apollo dahil first time silang haharap sa mga magulang nito. Tinanaw pa niya si Apollo pagkapasok niya ng pinto. Ngumiti pa ito bago tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD