Episode 3

1378 Words
Amara's POV "Amara nandito na kami sa labas ng bahay nyo, lumabas ka na at sasalubungin ka namin." Text na natanggap ko galing kay Angela. "Sandali lang nasa kusina pa si mama, pwede bang mag-antay pa kayo ng kaunti baka kasi mahuli ako." Reply ko. "Okay best mag text na lang ulit ako sayo maya-maya ha." Reply ni Angela. Makalaipas ng tatlumpong minuto ay nag text ako kay Angela. "Best palabas na ako ha, mukhang natutulog na si mama." Text ko sa kanya at pagkatapos ay sinalubong nga ako ni Angela sa labas ng aming bahay kasama sila Marco. Dumaan muna kami sa bahay nila Angela at sinalubong naman kami ni tita Cielo ng nakangiti sa akin. "Hija, buti naman at nakasama ka sa bestfriend mo, hindi kumpleto ang birthday nya kung wala ka." Magiliw na bati at yakap sa akin ng mommy ni Angela kaya naman niyakap ko din ito ng mahigpit. Sa bahay na ito ko lamang nararamdaman ang pagmamahal na hinahanap ko mula sa aking ina kaya nakakalungkot mang aminin ay naiinggit ako kay Angela dahil nagkaroon siya ng mabuting ina. "Mom umuwi muna kami dito para ayusan ko si Amara, wala kasi syang maisusuot kaya ako na bahalang mag-ayos sa kanya." Aning aking kaibigan "Kahit naman ito na lang ang isuot ko okay na sa akin best, hindi mo naman kaylangang gawin 'yan sa akin." Nahihiya kong ani dito. "Ano ka ba best! May mga bago akong damit dyan na hindi ko naman nagamit kaya yun ang ipapasuot ko sayo at wag mo intindihin 'yan dahil para na tayong magkapatid." Nakangiti niyang ani sa akin at pagkatapos ay iginiya na niya ako sa kaniyang silid. Makalipas ang kulang isang oras ay nagulat ako sa aking sarili habang pinagmamasdan ko ang aking mukha at ang aking kabuuan sa isang napakalaking salamin sa silid ni Angela. "Omg! Ako ba 'to?" Gulat na gulat na tanong ko sa aking kaibigan dahil hindi ko nakilala ang aking sarili, nakalugay ang aking buhok na medyo kinulot ng bahagya ang kalahati nito, naka mini dress ako na kulay itim na hapit na hapit sa aking bewang at hanggang kalahati lamang ito ng aking hita. Kitang-kita ang makinis at maputi kong balat na hindi ko alam kung kanino ko namana, ang bilog at kulay berde kong mata ay mas lalo pang nabuhay dahil sa binagayang kulay na make up nito, ang mahahaba kong pilikmata na lalo pa nyang pina curl at ang maninipis kong labi na hugis puso ay kulay rosas na ngayon. Sa tingin ko ay mas lalo pang tumangos ang aking ilong dahil sa make up na nakalagay sa aking mukha, simpleng make up lamang ito pero ang laki ng pinagbago ng aking mukha. "Jusko best napakaganda mo grabe! Light make-up lang ang ginawa ko sayo at kinulot ko lang ng bahagya ang hair mo pero nagmukha kang prinsesa. Napakaganda mo best!" Tuwang-tuwang wika ni Angela habang patalon-talon pa ito dahil sa katuwaan. Pagbaba namin ng hagdan ay halos nakanganga sa akin ang tatlong lalaki na makakasama namin sa bar kaya napayuko na lamang ako sa sobrang hiya na nararamdaman ko. "Chin up best, sa ganda mong 'yan hindi ka dapat yumuyuko at nagpapakita ng kahinaan ng loob okay." Ani ng aking kaibigan at ngumiti na lamang ako dito. "Wow!" Halos sabay-sabay na bigkas ng mga taong naghihintay sa amin sa salas. "Oh, tama na yang paglalaway n'yo, tara na at ng hindi tayo ma-late." Excited na ani ni Angela sa mga ito kaya naman isa-isa silang lumapit sa akin at inalalayan ako kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil hindi ako sanay ng ganito. Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa isang napaka eleganteng bar, yung tipong hindi ka basta-basta makakapasok sa loob. Namamangha akong nililibot ng tingin ang kabuuan ng bar, "GAB bar" Bulong ko habang binabasa ko ang malalaking letra na kulay ginto na nakasulat sa isang napakalaking wall. "Best, napakaganda naman ng bar na ito." Wika ko sa aking kaibigan. "Naku best! Alam mo ba na ang may ari nito ay isang napaka batang billionaire at isa sa pinaka mayaman sa buong mundo?! At ang sabi nila ang pagtatayo ng bar na ito ay trip lamang ng may-ari para pag gustong mag hang out sila ng kanyang mga kaibigan ay dito sila nagpupunta. Pero best sobrang babaero daw ng lalaking 'yon at lahat ng babaeng matipuhan ay ikinakama n'ya, sana isa ako dun at bibigyan ko sya ng anak para wala ng kawala pa." Natatawa nyang kwento sa akin. "Ay grabe ka best! Kapag ganyan ang lalake, iwasan mo kasi hindi kuntento sa isa." Ani ko naman dito na ikinatawa lang niya. Pumuwesto kami sa isang table sa may gawing sulok pero tanaw namin ang lahat mula dito sa first floor hanggang sa third floor na may nakalagay na arrow at nakasulat ang salitang VIP floor. Anim kaming magkakasama dito pero si Marco, Angela at Davon lamang ang kilala ko yung dalawa naming kasama ay ngayon ko pa lamang nakita at nakilala na sina Alicia at Ryan. "Best oorder muna ako ng drinks para makapag simula na tayo." Ani ni Angela at naglakad na ito diretso na sa bar tender. "Hi Amara, matagal na ba kayong magkaibigan ni Angela?" Tanong ni Ryan sa akin. "Uhm simula grade one ay magkaibigan na kaming dalawa, magkakasama kaming lumaki nila Marco at Davon." Wika ko dito ng nahihiya at nakayuko. "Wow pare matagal nyo na palang kaibigan ang magandang binibini sa harapan natin pero ni minsan di mo man lang ako naipakilala!" Ani ni Ryan kay Davon at Marco. "Pinsan, tigilan mo nga kamanyakan mo at pakiusap lang din na huwag mong targetin si Amara kung hindi ay yari ka kay Angela at kila Marco." Wika naman ni Alicia. "Hoy unggoy! Huwag mo ngang maisali ang bestfriend ko sa mga biktima mo kung ayaw mong kami ang makalaban mo." Naiinis na ani ni Angela pagdating sa table namin kaya naman natawa na lamang si Ryan at panay sulyap lang sa akin. Guys maya-maya dadalhin na ng waiter dito ang inumin natin at i-enjoy natin ang gabing ito." Pahabol pang wika ni Angela. Hindi ako marunong uminom pero ang sabi naman ni Angela ay aalalayan daw nya ako kaya di naman ako masyadong nag-aalala. Hindi nagtagal ay mukhang may tama na nga yata ang lahat, kahit ako ay nahihilo na din kaya payuko-yuko na lamang ako sa aming table. "Amara tara sayaw tayo" Aya sa akin ni Ryan. Mabilis akong tumanggi dahil sa tingin ko ay hindi ko na rin kaya pang tumayo. Maya-maya ay ako na lamang mag-isa sa aming table kaya nagsalin ako muli ng alak at tinungga ito, napatingin ako sa dance floor at nakita ko ang lima na nag eenjoy at sumasayaw sa pinaka gitna nito. Nahihilo na ako kaya kahit sa pagtayo ay nahihirapan na din ako. Nakaramdam ako na kailangan kong magbanyo kaya ng may mapadaan na waiter ay agad ko syang tinanong kung saan ang comfort room. "Ma'am dumiretso lang po kayo d'yan sa may dulo at may men and women's toilet po d'yan. Kung hindi nyo po kayang tumayo pwede ko po kayong paalalayan sa isa sa aming mga lady guard para maayos po kayong makarating duon." Wika ng waiter sa akin kaya naman napatingin ako sa itinuturo niyang mga lady guard. Yes, may ilan silang lady guard sa paligid para ito sa mga babaeng customer na pwede nilang alalayan kapag nalalasing na. "Huwag na, okay lang kaya ko pa naman, salamat na lang po." Ani ko kaya naman umalis na din agad ito sa aking harapan. Tumayo ako upang tumungo na sa toilet ngunit halos magkanda ekis ekis na ang mga binti at paa ko sa sobrang pagkahilo na aking nararamdaman. Habang naglalakad ako patungo sa banyo ay umaalalay ako sa mga mesa at upuan na nadaraanan ko ng bigla akong mabunggo sa isang matigas na bagay. Pag-angat ko ng aking tingin ay isang dibdib pala ng isang lalaki kaya naman napataas ang tingin ko sa kanyang mukha ngunit dahil na din sa kalasingan ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha nya at halos mandilim na ang aking paningin dahil sa sobrang kalasingan hanggang sa unti-unti na lamang ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD