Episode 2

1358 Words
Amara's POV Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay, tulog pa si mama ng magising ako kaya mabilis akong naligo at nag-ayos. Maghahanap ako ng mapag aaplayang trabaho na kahit ano basta marangal ay tatanggapin ko kahit kasambahay ay walang problema sa akin. Wala naman akong tinapos at hanggang grade six lamang ako grumaduate na hindi man lamang ako sinamahan ng aking ina, kaya't ang mommy na lamang ni Angela ang sumama sa akin sa stage at nagsabit ng medalya sa akin. Nakakatuwa nga dahil kahit hindi ko kaano-ano sila Angela ay napakabuti nila sa akin at gusto nga akong ampunin ni tita Cielo para maipagpatuloy ko daw ang aking pag-aaral pero galit na galit si mama at pinagtabuyan sila ng minsang kausapin nila ito. "Anong kurso ba ang tinapos mo hija?" Tanong sa akin ng isang ginang habang iniinterview ako dito sa pinag aaplayan kong restaurant, kahit janitres lang naman okay na sa akin. "Po? Uhmm Grade six lang po ang inabot ko ma'am." Nakayuko at nahihiya kong ani dito. "Naku hija pasensya ka na ha! Wala kasi kaming bakanteng posisyon ngayon na angkop sayo." Saad ng magandang ginang sa aking harapan. "Ga-Ganuon po ba, sige po maraming salamat na lamang po." Ani ko dito at nagpaalam na ako at lumabas ng gusali. Napakahirap talaga maghanap ng trabaho kung kahit high school ay di ko man lamang naabot. Ilang buwan na din akong naghahanap ng mapapasukang trabaho pero sa kasamaang palad wala pang tumatanggap sa akin. Tama nga yata si mama na isa akong sumpa. Nagpara ako ng sasakyan ng mapadaan ang jeepney kaya dali-dali akong tumakbo ng may mabunggo akong isang magandang ginang, tantiya ko ay nasa 45 to 48 years old pa lamang ang kanyang edad ngunit napakaganda nito. Bigla syang natulala sa akin at nakatitig sa aking mukha. "Naku pasensya na po kayo hindi ko po sinasadya!" Paghingi ko ng paumanhin dito habang sya ay nakatitig pa rin sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa kanya kaya walang sabi-sabi ay naglakad ako na halos patakbo na akong lumayo sa kanya dahil hinahabol ko din ang jeepney na sasakyan ko. Buti na lamang at inabutan ko pa ito kaya naman nakasakay agad ako, nagulat na lamang ako ng medyo malayo na kami ay nakita ko ang babaeng nabunggo ko na parang humahabol sa jeepney na aking sinasakyan. Parang kinabahan ako dahil baka nagalit sa akin 'yon kaya ganoon ang reaksyon nya buti na lamang at malayo-layo na rin ang sinasakyan kong jeep. Dadaanan ko muna ang kapitbahay namin bago ako umuwi baka may ipalalaba ulit sya o kaya ay ipapaplantsa, sayang din yung extra kong kinikita, kahit 200 pesos lang 'yon ay napakalaking tulong sa amin ni mama 'yon. "Aling Lita, baka po may ipapalaba kayo sa akin o kaya naman po plantsa kaylangan ko lang po ng pera." Ani ko dito. "Naku pasensya ka na ineng! Dumating yung isa kong anak na babae kahapon kaya sya na gumawa lahat ng gawain ko dito sa bahay, pasensya ka na ha." Ani n'ya sa akin kaya naman bagsak ang balikat ko na nilisan ang kanilang tahanan. "Ah okay po, sige po salamat na lang po." Ani ko dito at tuluyan na akong umalis. Bagsak ang aking balikat na umuwi na lamang, wala akong cellphone o kahit anong orasan kaya hindi ko alam kung anong oras na. Pag-uwi ko sa bahay ay isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha na ikinatigagal ko. "Putang-ina kang babae ka! Saan ka galing at ngayon ka lamang umuwi ha?" Sigaw na nanggagalaiti sa galit ng aking ina. Sapo-sapo ko ang aking mukha na napatingin sa aking ina, "Naghanap po ako ng trabaho mama." Umiiyak kong ani dito. "Trabaho o naghahanap ka ng lalake ha malandi ka?!" Sigaw nya sabay sabunot sa aking buhok. "Mama tama na po! Naghanap lang po talaga ako ng trabaho parang awa nyo na po." Malakas kong ani dito habang pilit kong binabawi sa kaniyang kamay ang aking buhok, halos madurog ang puso ko sa sobrang awa na nararamdaman ko para sa aking sarili. "Alas dos na at hanggang ngayon wala pa rin tayong lalamunin, kung ano-ano ang inuuna mong punyeta ka!" Sigaw ng aking ina at binitawan na ang aking buhok kaya naman halos gumapang ako sa sahig dahil nanghihina na ako. "Magluto ka dyan kung ayaw mong ubusin ko yang putang inang buhok mo." Malakas nyang sigaw sa akin kaya naman dahan-dajan akong tumatayo kahit nanginginig na ang aking mga tuhod. Laban lang Amara, kaya mo 'yan! "Opo... opo mama magluluto na po ako." Umiiyak kong ani at pagkatapos ay nagtungo na ako sa aming kusina at nagsimulang magluto ng aming pananghalian. Pakiramdam ko para akong ibang tao sa aking ina, patuloy lamang akong umiiyak habang naglulito ng punasok sa kusina si mama at inabutan akong humahagulgol. "Putang ina ka! Anong iniiyak-iyak mo dyan ha? Magluto ka ng malalamon natin at wag kang magdrama dyan, malas ka na nga sa buhay nagdadrama ka pa." Walang sawang pang iinsulto sa akin ng aking ina kaya naman pinahid ko agad ang aking mga luha at hinarap ko na ang pagluluto. *** Kaarawan na ni Angela pero wala man lang akong kapera-pera pambili ng ireregalo ko sa aking bestfriend. Ang natitira ko na lamang dito ay 130 pesos na inuunti-unti ko pa para maipangbili ng ulam namin ni mama, simpleng mga ulam lamang ang binibili ko tulad ng sardinas, tuyo, itlog at noodles. tapos bigas namin inuunti-unti ko lang din para tumagal. Ganito ang aming buhay sa araw-araw kaya madalas nagdarasal ako na sana kahit katulong ay matanggap ako. Nagmumuni-muni ako ng biglang dumating ang aking kaibigan sa aming munting bahay. "Best, nakita kong umalis ang mama mo kaya nagmadali akong pumunta dito, tanggapin mo itong cellphone, lumang phone ko yan nilagyan ko na din yan ng simcard at load, naka register na din number ko dyan at nila Marco para mamaya ma txt ka namin ha." Mahaba nyang wika habang nakangiti sa akin. Nanlaki ang aking mga mata sa phone na hawak ko, ito luma? Luma lang ba ito sa kanya? Napaka gandang phone nito Samsung at touch screen pa. "Teka best di ko yata matatanggap to, birthday mo dapat nga ako pa ang nagbibigay sayo ng regalo." Pagtanggi ko sa kanya. "Ano ka ba best luma lang yan. Look! My mom bought me a new phone kaya di ko na magagamit 'yan." Ani niya sa akin sabay taas ng bago nyang modelong phone. Napanganga ako sa ganda ng phone nya at mukhang napaka mahal ng bago nyang phone. "Tanggapin mo na yan at itago, naka silent mode din yan para di marinig ng mama mo baka biglang agawin sayo at ibenta pa kaya itago mong mabuti yan dahil yan ang magiging communication natin ha." Mahaba nyang ani sa akin habang ako naman ay namamanghang nakatingin lamang sa napakagandang phone na hawak ko. Wala akong nagawa kung hindi ang mapaiyak at yakapin sya sa sobrang saya ko. Ngayon lamang ako nakahawak ng phone, at tinuruan nya ako kung paano gamitin ito at ginawa na rin nya ako ng social media at kung ano ano pa na ngayon ko lang mga natutuhan. Nag selfie kaming dalawa at yun ang ginamit nyang profile picture ko sa aking bagong gawang social media. "s**t best kahit wala kang kaayos-ayos ay talbog ang beauty ko sa beauty mo. Nakakainggit!" Ani nito sabay yakap nya sa akin. "Ikaw talaga inuto mo pa ako." Nakangiti kong wika. "Best mamaya itetext ka namin para alam mo kung nasa labas na kami at para din malaman namin kung tulog na ba ang nanay mong pinaglihi kay satanas." Ani niya na natatawa. "Best mama ko pa din 'yon, please dahan-dahan naman ng pagsasalita." Malungkot kong ani sa kaniya. "Okay okay, I'm sorry galit lang talaga ako dyan sa nanay mong walang ginawa kung hindi ang saktan ka." Wika nya habang humihingi ng paumanhin. "Oh, sige na best aalis na ako itago mo na yang phone mo ha, baka abutan pa ako dito ng mama mo magkagulo na naman. Itago mo yan ha." Bilin nya sa akin bago tuluyang lumabas ng aming tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD