Episode 4

1799 Words
Amara's POV Nagising na lamang ako sa isang room na hindi ko alam kung kaninong silid ito, puting kisame at dingding na may isang malaking bintana na may kulay asul na kurtina. Isang napakalaking kama at may dalawang pintuan pa sa loob ng silid na ito. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang sakit sa pagitan ng aking mga hita kaya nakaramdam ako ng matinding takot. "A-Anong nangyari sa akin?" Bulong ko sa aking sarili habang walang humpay na kumakabog ang aking dibdib dahil kahit ayokong aminin sa isip ko ay alam kong nawala na ang pinaka iingat-ingatan kong puri. Nagsimulang magtuluan ang aking mga luha ng makita kong wala akong saplot sa ilalim ng makapal na kumot na nakabalot sa aking katawan at lalo akong napahagulgol na makitang may bahid ng dugo ang puting sapin ng kamang kinahihigaan ko. "Panginoon ko sino ang taong namantala sa akin?" Ang mga hikbi ko ay nauwi na sa matinding paghagulgol. Ipinikit ko ang aking mga mata upang pilit na alalahanin ang nangyari subalit wala kahit ano man akong maalala. Natatakot akong umuwi dahil sigurado akong mapapatay ako ng aking mama. Tumingin-tingin ako sa aking paligid upang hanapin ang aking damit ngunit hindi ko makita, napatingin ako sa isang sofa at may nakapatong na paper bag dito na may tatak ng isang mamahaling brand ng isang damit. Dahan-dahan akong tumayo at mas lalo kong naramdaman ang sakit at hapdi ng aking p********e kaya kahit nasasaktan ako ay dahan-dahin pa rin akong naglakad upang tignan ang laman nito. Pagbukas ko ng paper bag ay nagulat ako sa sa napakagandang dress na mukhang sukat na sukat sa aking katawan, may kasama na rin itong underwear at bra kaya naman muli akong tumingin sa aking paligid. Hindi basta-bastang mumurahin ang damit na ito, napakaganda maging ang tela nito kaya nakasisiguro akong mamahalin ang mga ito. Sa loob ng paper bag ay may nakalagay na isang card. "Thank you for the wonderful night we shared, this is not the last time we will see each other, I will see you soon babe. Love: G. "Sinong G? at anong babe ang pinagsasabi ng taong to?" Wika ko sa aking sarili. Kinuha ko ang small pouch ko at mabilis na hinanap ang aking phone. Pagtingin ko ay napakadaming text at calls galing sa aking mga kaibigan. Nagmamadali kong dinial ang number ni Angela at ilang ring pa lamang ay sinagot na agad ako nito. "Best ano nangyari sayo? Jusko ang nanay mo nagwawala dito sa harapan ng bahay namin! Saan ka ba nagpunta, alam mo bang magdamag ka naming hinahanap?" Bungad agad sa akin ni Angela kaya naman lalo na akong napaiyak dahil sa kaniyang sinabi. Matinding takot ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag ang lahat sa akin ina ang mga nangyari. "Best hindi ko alam kung nasaan ako, natatakot akong umuwi dahil siguradong mapapatay ako ni mama sa nangyari." Umiiyak kong sagot kay Angela. "Paanong hindi mo alam kung nasaan ka? Ano ba ang nangyari sayo at bigla ka na lamang nawala kagabi ha?" Pag-uusisa sa akin ng aking kaibigan. "Hindi ko talaga alam best, pero uuwi na ako ngayon tawagan na lamang kita mamaya kapag nakauwi na ako ha." Wika ko at hindi ko na inantay pa ang isasagot nya at pinatay ko na ang aking telepono at mabilis na akong nagbihis. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng silid na kinaroroonan ko at duon ko pa lamang napagtanto na nasa loob pa rin pala ako ng bar, nasa third floor ako kung saan naroroon ang VIP floor. Napapikit ako ng mata at halos maiyak na naman ako sa takot na aking nararamdaman. Mabilis akong tumakbo palabas ng bar at hindi ininda ang sakit ng katawan na aking nararamdaman. Buti na lamang at may inabot na isang libo sa akin si Angela kagabi kaya pwede akong sumakay ng taxi. Paglabas ko ng bar ay siya namang dating ng taxi at agad ko itong pinara at nagpahatid sa adress ng bahay namin. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng pintuan ng aming bahay at hindi ko alam kung bubuksan ko ba ito o hindi. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot na aking nararamdaman. Nagpalingon-lingon ako sa paligid ng may mahagip ang aking mata na nakaparadang pulang sasakyan hindi kalayuan sa aming tinitirhan, napakagandang sasakyan nito at mukhang sports car. Napaharap akong muli sa pintuan ng biglang bumukas ito. Isang malakas na sampal at sabunot ang sumalubong sa akin dahilan upang bumagsak ako sa sahig habang hila-hila ni mama ang aking buhok. "Aray ko po mama tama na po parang awa nyo na po!" Sigaw ko habang umiiyak dahil sa matinding kirot na aking nararamdaman, naramdaman ko din ang pag-agos ng mainit-init na likido mula sa gilid ng aking labi. "Malandi kang hayop ka! Sinong lalake ang kasama mo ha? Ano, ibinenta mo na ang sarili mo kung kani-kaninong lalake ha?" Malakas na sigaw ng aking ina habang sinasampal ang mukha ko ng isa nyang kamay at habang ang isa naman ay hila-hila ang aking buhok." Mama tama na po parang awa nyo na po." Umiiyak kong ani habang nagmamakaawa ako sa aking ina. Napapalibutan na ang bahay namin ng mga chismosang kapit bahay at naririnig ko na rin ang kanilang mga bulung-bulungan na hindi maganda tungkol sa akin. Hindi ko na lamang pinapansin dahil ang atensyon ko ay nasa aking ina na sinasaktan ako ngayon at ipinapahiya sa lahat ng taong nanunuod sa amin ngayon. "Ang kapal ng pagmumukha mo at may gana ka pang magpakita sa akin hayop kang babae ka." Sigaw nya pang muli sa akin at hindi pa rin niya binibitawan ang aking buhok. Akma nya ulit akong sasampalin ng biglang may pumigil sa kanyang kamay at malalakas na bulung-bulungan ang maririnig sa buong paligid. "Subukan mo ulit saktan ang babaeng 'yan at sisiguraduhin ko sayong pagsisisihan mo ang gagawin mo pa sa kanya." Wika ng isang baritonong lalaki na hindi ko maaninag ang mukha dahil sa luha na bumabalot sa aking mga mata. Napasinghap ang lahat ng nanunuod sa amin at parang di makapaniwala sa kanilang nakikita maging ang aking ina ay napatulala at parang may takot sa kanyang mga mata. Itinayo ako ng lalaki at pupunasan na sana nya ang aking mga luha ng bigla na lamang nagdilim ang aking paningin. *** Nagising na lamang ako sa loob ng isang private room sa isang hospital. Nagulat na lamang ako ng makita ko na nandito si Angela at Marco na nakaupo sa sofa. "B- Best, a-anong nangyari sa akin?" Nahihirapan kong ani dahil pakiramdam ko ay tuyot na tuyot ang aking lalamunan. "OMG! best sa wakas nagising ka rin." Natatarantang ani ni Angela at napatakbo sa tabi ko. "A-anong nangyari, bakit nandito ako sa hospital?" Wika ko sa aking kaibigan. "Best hindi mo ba maalala kung ano ang nangyari sa iyo ha? Iyang nanay mong pinaglihi kay satanas ginulpi ka lang naman at naku best bakit naman hindi mo sinabi sa akin na si fafa Gabriel pala ang nakasama mo ng mawala ka ng gabing 'yon?" Ani ng aking kaibigan na tila ba may tampo sa akin. Nalilito ako dahil hindi ko kilala kung sino ang sinasabi nyang Gabriel. "At alam mo ba best na two days kang walang malay, sabi ng doctor magigising ka din naman daw, puro bugbog daw kasi ang dinanas mo sa katawan mula dyan sa mama mo kaya ang katawan mo ay nagpapahinga." Dagdag pa nyang wika. Bigla akong nataranta at napaupo at akmang tatayo ng bigla akong pinigilan ni Angela. "Ang mama baka galit na galit na sa akin 'yon, best kaylangan ko ng umuwi." Takot na takot kong ani sa aking kaibigan. "Best ano ba ha, huwag mo ngang intindihin ang mama mo, wala naman syang pakialam sayo at alam nyang nandito ka dahil sinabi ni mommy sa kanya pero wala sya dito oh, kasi nga wala syang pakialam sayo kaya tumahimik ka dyan at magpahinga." Ani nyang naiinis. "Pero best wala akong pambayad sa hospital na ito." Nag-aalala ko pang ani at nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng room kung saan ako naka confine. Sobrang laki nito at hindi ko kayang bayaran ito, kahit yata magtrabaho ako habang buhay ay hindi ko kayang bayaran ang magiging bills ko dito. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng takot. "Best huwag mong intindihin 'yan dahil binayaran na 'yan ni fafa Gabriel." wika nya sa akin ng may ngiti sa kaniyang labi. "Oo nga Amara, magpahinga ka lang dyan, may gusto ka bang kainin?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Marco. "Tubig, gusto kong uminom ng tubig." Ani ko sa kanila kaya naman mabilis akong inabutan ni Angela ng maiinom na tubig. Pagkatapos kong uminom ay nagtanong ako kay Angela at Marco. "Gusto kong malaman kung sino ba yung Gabriel na sinasabi nyo." Ani ko sa kanila. "Best si sir Gabriel hindi mo kilala? Sya yung nakasama mo nung ga..." Hindi na nya naituloy pa ang kanyang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan at may pumasok na isang makisig at napaka gwapong lalake. Napanganga ako at nakatitig lamang sa kanyang mukha. Sino itong parang isang modelo sa isang magazine na pumapasok sa loob ng silid na kinaroroonan ko? wika ng isip ko. "Best bibig mo baka may pumasok na bangaw dyan." Pang-aasar ni Angela kaya naman halos mamula ang aking pisngi dahil sa hiya na naramdaman ko. Para akong natauhan kaya naman napatingin ako sa aking mga kaibigan. "I'm glad you are awake babe." Ani niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata. "Babe?" Bulong ko sa aking sarili. Nagkamali yata ito ng pinasukang silid at napagkamalan pa yata nya akong gf nya. "Ah eh sir, mukha po yatang maling room ang pinasok mo, hindi po ako ang babe mo baka po nasa kabilang room." Nahihiya kong ani sa kaniya at pagkatapos ay nakarinig ako ng malalakas na tawa. Malakas na tawa ni Angela at Marco ang nagpalingon sa akin sa gawi nila. "Best ano ka ba ha? Siya si sir Gabriel Ivan Curtis." Wika ng aking kaibigan. Muli ay napanganga ako at napatitig na naman sa kanya mula ulo hanggang paa at balik muli sa napaka gwapong mukha nya na nakatingin lamang sa akin. "Best ang bibig mo ay, napaghahalataan kang ngayon lang nakakita ng tunay na gwapo." Wika ni Angela na tumatawa. "Huy! Ano akala mo sa akin hindi tunay na gwapo?" Protesta agad ni Marco. Umismid lamang si Angela kay Marco, "asus ang sabi ko gwapo hindi kwago." Ani nito at nakangiting ibinaling muli ang atensyon sa akin. "May sasabihin daw sayo si sir Gabriel kapag nagising ka na kaya iiwan muna namin kayong dalawa dito ha." Sabay bitaw sa kamay ko at sabay na silang lumabas ni Marco na hindi man lamang ako hinintay na sumagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD