Episode 5

1636 Words
Amara's POV "Continuation" "Babe nakikilala mo ba ako? or natatandaan mo man lang ba ang nangyari sa atin three nights ago?" Panimula nyang wika sa akin. "P-Po, nangyari po sa atin?" Nalilito kong ani dito. "Hindi mo ba naaalala ang mga nangyari sa atin sa loob ng VIP room ng gabing lasing na lasing ka?" Ani nito sa akin na ikinalaki ng aking mga mata. Ibinaling ko ang paningin ko sa kabilang direksyon dahil hindi ko makayanan ang kanyang mga titig sa aking mukha. "Ako ang may ari ng GAB bar na pinuntahan nyo three nights ago." Ani nya na nagpalingon muli sa akin sa napaka gwapo nyang mukha. So ito pala ang sinasabi ni Angela sa akin na batang bilyonaryo at isa sa pinaka mayaman sa mundo. Muli ay ibinaling ko ang aking mukha sa kabila dahil hindi ko talaga kayang tagalan ang kanyang mga titig. Naalala ko na sinabi sa akin ng aking kaibigan na lahat ng babaeng matipuhan nito ay ikinakama ng lalaking ito kaya gusto ko tuloy bumunghalit ng iyak dahil mukha yatang isa ako sa naging biktima ng lalaking ito. "My name is Gabriel Ivan Curtis, but you can call me Gab if you want." Pagpapakilala nya sa akin. Hindi pa rin ako kumikibo at hindi ko sya nililingon dahil punong-puno ang aking isipan ng samo't-saring katanungan. "Gusto kong malaman kung gusto mo bang magsampa ng kaso laban sa iyong ina." Ani niya na ikinagulat ko kaya naman bigla akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya. "Po? Naku hindi po! Galit lang po si mama dahil hindi ako nakauwi ng gabing 'yon. Ayoko pong magsampa ng kaso kay mama dahil nanay ko po 'yon at mahal na mahal ko po si mama." Kinakabahan kong ani sa kaniya at naiiyak na ako. "Walang magulang na sasaktan at ipapahiya at pagsasalitaan ng masasakit ang kanyang anak lalong-lalo na sa harapan ng maraming tao." Ani pa nito sa akin, alam ko namang tama siya pero si mama ang pinag-uusapan namin dito. Buong buhay ko ay siya lamang ang nakilala kong magulang kaya nga kahit pinagmamalupitan ako nito ay pinakikitaan ko pa rin ito ng pagmamahal, umaasa ako na isang araw ay mararamdaman ko rin ang kahalagahan ko mula sa aking ina. "Naku hindi na po, uuwi na po ako baka hinahanap na po ako ni mama." Ani ko na naiiyak na habang nakatitig na ako sa kaniyang mukha. "Hindi ka nya hinahanap dahil kung totoong mahal ka nya dapat nandito s'ya ngayon at inaalagaan ka n'ya, pero kahit alam n'yang nandito ka ay wala pa rin s'yang pakialam sayo." Wika nya na dahilan upang tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha. Hinawakan n'ya ang aking kamay na dahilan para mapakislot ako, may kung anong kuryenteng dumaloy sa buo kong pagkatao at nagsimulang magkalabugan ang kanina lamang ay mumunting pagtibok ng aking puso. Mabilis kong inagaw ang aking kamay at tumagilid upang makaiwas ako sa kanyang mga titig. "Hindi ka na muna uuwi sa inyo pansamantala, duon ka muna titira sa akin at huwag kang mag-alala dahil magkakaroon ka ng sarili mong silid." Ani n'ya pa sa akin, gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa ang mga ito sa akin ngunit wala namang salita na gustong lumabas mula sa aking bibig. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at pagkatapos ay hinarap ko ito. "Sir Gabriel, bakit nyo po ito ginagawa sa akin?" Sa wakas ay naitanong ko rin ang kanina ko pa gustong itanong sa kanya. "Tulad ng sinabi ko sayo kanina, hindi mo ba ako naaalala Three nights ago?" Nakataas na kilay nyang tanong sa akon kaya ipinikit ko ang aking mga mata at pilit inaalala ang mga sinabi niya ngunit wala talaga akong maapuhap sa aking isipan. Tumingin akong muli sa kanya ngunit sa pagkakataong ito ay pinilit kong makaupo at sumandal sa headboard ng hospital bed, tinulungan n'ya akong makaupo ng makita n'yang medyo nahihirapan ako. "A-ano po ba ang ibig n'yong sabihin? Sa totoo lang po ay wala talaga akong naaalala, ang naaalala ko lamang po ay naghahanap ako ng banyo at may nakabangga ako, wala na akong maalala maliban sa nangyaring 'yon." Ani ko dito at seryoso lamang itong nakatingin sa aking mukha. "We slept together that night, nawalan ka ng malay pero ng magising ka pilit mo akong niyayakap, alam kong lasing ka at pilit kong pinaglabanan ang aking nararamdaman ngunit ng hinalikan mo ako sa labi ay hindi ko na natiis pa at may nangyari sa atin ng gabing 'yon." Ani nya na nagpanganga sa akin. Totoo ba ang sinasabi ng lalaking ito na ako pa talaga ang unang gumawa ng hakbang kaya naisuko ko sa kaniya ang aking p********e? Nakakahiya ako pa ba talaga ang unang gumawa ng hakbang ng gabing 'yon? Bakit wala akong maalala na kahit na ano tungkol dito? Tumingin sa ibang direksyon dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "Wa-Wala po kasi akong matandaan kahit na ano ng gabing 'yon sir Gabriel, hindi ko po talaga alam ang mga nangyari tungkol sa mga sinasabi ninyo." Ani ko at tuluyan na ngang nalaglag ang aking mga luha kaya hnaman mabilis ko itong pinahid. "Okay lang, sabi nga pala ng doctor na sa oras na magising ka ay pwede ka ng umuwi." Ani niya sa akin ngunit hindi pa rin ako makatingin dito. Tumango tango na lamang ako dahil wala ng salitang lumalabas sa aking bibig. "Pero sa bahay ko muna ikaw uuwi pansamantala at hindi ako papayag na bumalik ka sa walang kwenta mong ina." dagdag nya pang ani sa akin. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang tumango-tango lang muli sa kanya. Siguro nga ay mas mabuti pang duon na lamang muna ako sa kaniya upang maiwasan ko muna ang galit ng aking ina. Natatakot din akong umuwi ngayon dahil baka mapatay na niya ako sa sobrang galit nya. "Dito ka muna at aayusin ko lang muna ang mga bills mo para maiuwi na kita." Ani nya sabay talikod palabas ng pinto. Pagkalabas n'ya ng pinto s'ya namang pasok nila Angela at Marco. "Best ano na, pumayag ka bang sa bahay n'ya uuwi?" Nakangiti n'yang ani sa akin. Tango lamang ang tangi kong naisagot, iniisip ko din kasi si mama kung kamusta na ba s'ya. Huli naming pagkikita ay galit na galit s'ya sa akin. Sana maayos lang kalagayan ni mama dahil kahit di ko maramdaman ang pagmamahal n'ya sa akin ay mahal ko pa rin s'ya dahil s'ya lang ang magulang ko. Pumikit ako at pilit kong pinipigilang tumulo ang aking mga luha. Bumukas ang pinto at bumungad ang seryosong mukha ni Gabriel, "Maaari na tayong umuwi dahil naayos ko na ang lahat." Ani nya sa akin. "So, paano best tawagan na lang kita mamaya ha o kaya naman ay text mo agad ako pag dating mo sa bahay ni sir Gabriel." Nakangiti n'yang wika sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Huwag kang mag-alala sa mama mo dahil okay lang naman s'ya duon." Ani naman ni Marco sa akin kaya naman napatango na lamang ako. "Salamat sa inyo ha, kung wala kayo baka matagal na akong bumigay, salamat dahil lagi kayong nandyan at handang tumulong sa akin." Naiiyak kong ani sa aking mga kaibigan. "Ano ka ba, para naman tayong di mag best friend n'yan eh. Alam mo namang mahal na mahal kita best at handa ka rin naming tanggapin sa bahay kahit anong oras basta magsabi ka lang ha." Ani naman ni Angela sa akin. "Alam ko naman 'yon best kaya nga nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng panginoon ng mga taong katulad ninyo, maraming salamat, at Marco ikaw din babantayan mo yang bestfriend ko ha." Ani ko sa mga ito. "Oo naman! Akong bahala dyan noh, pag matigas ulo itutulak ko sa ilog para malunod na agad." Natatawa nyang ani kaya naman natawa na ako. "Tse! Tigilan mo nga ako! And fyi marunong akong lumangoy noh, hmp!" Inis na ani naman ni Angela dito. "Oh, nag-aaway na naman kayo baka isang araw mabalitaan ko na lang na kayo na ha." Pang-aasar ko sa kanila. "Hay naku best! Kahit s'ya na lang nag iisang lalake dito sa mundo hinding-hindi ko 'yan matitipuhan noh sus." Nakanguso nyang ani na tinawanan lamang namin ni Marco. "Lalo na ako noh! Hindi ako mahilig sa hipon." Tumatawa niyang ani dito na ikinasalubong naman ng kilay ni Angela. "Hoy gago ka! Sino ang hipon ha, ang kapal ng mukha mo hindi ako mukhang hipon!" Galit na galit n'yang wika habang hinahampas sa braso si Marco na natatawa naman kay Angela. "Kayo talaga, tama na nga yan at baka mamaya ay magkapikunan pa kayo. Nakakahiya naman kay sir Gabriel at dito pa kayo sa harapan n'ya nag-aaway." Ani ko sa mga ito habang inaawat ko at napatingin naman ako sa gawi ni sir Gabriel na nakasandal lang sa may dingding at nanunuod sa pagtatalo ng dalawa kong kaibigan. 's**t ang gwapo!' Bulong ng utak ko. "Hmp! Ito kasing tukmol na 'to mapang-asar." Inis na wika ni Angela. "Uhm, sir aalis na po ba tayo?" Tanong ko kay sir Gabriel dahil nakakahiya naman na pinaghihintay pa namin ito at sa tingin ko pa naman sa taong ito ay bawat segundo sa kaniya ay mahalaga. "Yes, but first stop calling me sir, just call me Gabriel or Gab." Seryoso niyang ani sa akin kaya naman napayuko ako. "O-Okay Gab, salamat." Ani ko at nginitian ko s'ya sabay yuko muli ng aking ulo. "Sweeeeet.... Gab talaga?" Pang-aasar ng kaibigan ko na pabulong sa akin. "Ikaw talaga, tara na nga!" Ani ko at inalalayan na ako ni Angela na tumayo. "Basta best may utang kang kwento sa akin mamaya ha." Nakangisi niyang bulong sa akin. "Oo na! Tara na." Ani ko naman at tuluyan na kaming lumabas ng silid ng hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD