Episode 4

1175 Words
Alessandra's POV My boss never asked about my pregnancy in five months. I occasionally catch him staring at me, specifically at my stomach.  I never have a food craving. Ang gusto ko lang makita ang mukha ng boss ko. Masaya na ako at kompleto ang araw ko. Siya yata ang pinaglilihiana ko. Panakaw kong tinitingnan sir Philippe kapag dumadaan siya sa harapan ko. I may look crazy ngunit hindi ko maiwasang tingnan siya. Malungkot ako kapag hindi ko nakikita.  *** I decided to buy my lunch sa karinderya. Hindi ako nakapagluto dahil tinamad ako. Napansin kong nagiging tamad na ako magmula ng mabuntis ako. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Sir Philippe kasama ang nobya palabas ng building. Napanguso ako nang makita ko kung paano pumulupot ang kamay ng babae sa braso ng boss.   Nakaramdam ako ng selos, matinding selos. Buti pa ang babae 'yon kayang hawakan ni sir, samantalang ako palagi niyang sinusungitan. Huminga ako ng malalim para alisin ang inis sa sistema ko. It's bad for my babies health. Kailangan masaya lang ako at hindi nalulungkot.  Paano kaya kung sabihin ko magkakaroon na kami ng anak. Matatanggap kaya niya? 'Yon ngang nangyari sa amin galit na galit siya. Paano pa kaya kung malaman niyang nagbunga ang nangyari sa amin.   Hindi niya dapat malaman.  **** "Hoy, Alessandra, tulala ka diyan tsaka hindi mo pa nagagalaw 'yang pagkain mo. Malapit ng matapos ang time natin sa lunch." Sabi ng ka- officemate ko.  Napatingin ako sa phone ko. Namilog ang mata ko ng makita kong 10 minutes na lang ang natitirang oras. Nagmadali na akong kumain. Kung bakit kasi iniiisip ko pa lalaking 'yon. Hayan tuloy muntikan na akong mahuli sa pagkain.  "Friend malaki na ang tiyan mo bakit hindi pa kayo magpakasal ng boyfriend mo?" Sabi ni Mina.  Ang alam nila may so called boyfriend ako pero sa totoo wala naman. Ayoko lang pag-usapan nila ang pagbubuntis ko at isipin na si sir Philippe ang ama. Which is siya naman talaga. One night stand ang nangyari sa aming dalawa.  "Hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyan. Sa ngayon ang priority namin ang gastos sa panganganak ko." Napakagat ako sa labi ko dahil nagi-guilty ako sa pagsisinungaling ko sa kanya.  *** Habang inaayos ang papeles sa ibabaw ng lamesa ni sir. Hindi ko alam kanina pa pala nakatingin sa tiyan ko ang boss ko.  "Sir, aalis na po ako, okay na po ang mga papeles na kailangan niyo." Maghalf-day lang ako ngayon dahil check-up kong muli. Kaya minamadali kong ayusin ang mga schedule niya.  Seryoso niya akong tiningnan. Naasiwa ako sa uri ng titig niyang mapanuri. Parang magnifying glass ang mata ni sir kung suriin ang kabuuan ko. Tuloy nako-concsious ako.  My god.  “Ilang buwan na ang tiyan mo?" Nabigla ako sa tanong niya.  Napaka seryoso ng mukha niya. Lagi naman seryoso ngayon mo lang nahalata? Kinabahan sa klase ng tanong niya. Feeling ko babalatan niya ako ng buhay. Alam kong darating ang pagkakataon na ito, ngunit hindi ako handa sa sasabihin ko. Pakiramdam ko mabubuko ako sa lihim ko.  Napalunok ako. "Five months na po, S-sir." Nauutal na sagot ko.  May pagdududa ang mga tingin niya. Hindi ako nagpahalata na natatakot. Baka madulas ako ano pa ang masabi ko. "Sige po, sir." "Okay you may go," napahinga ako ng maayos ng sabihin n'ya 'yon. *** "Thank you, doktora." Nagpasalamat ako sa ob gyn ko ng matapos ang checkup.  Sobrang saya ko nang malaman ang gender ng mga anak ko. They're boys. "Ang bilin ko sa 'yo Ms. Tumibay huwag ma-stress. Kumain ng masusustansyang pagkain at uminom ng gatas, okay?" bilin niya sa akin. Tumango ako. *** Dumaan ako sa mall upang bumili ng gamit ng baby boys ko. Habang namimili ng damit ng kambal hindi ko maiwasang mapangiti sa mga cute na damit ng baby. Pumunta ako sa bilihan ng crib para magtingin ng mura. Ngunit napakamahal pala ang presyo rito. Hindi kaya ng budget ko. Kailangan kong tipirin ang pera ko para sa panganganak ko.  Napatingin ako sa relos kong pambisig. Hindi ko namalayan na hapon na. Dahil sa gutom nagpasya akong pumunta ng fastfood chain. Habang kumakain napatingin ako sa labas. Napatigil ako sa pagkagat sa burger ng mahagip ng tingin ko  ang dalawang taong pamilyar, walang iba kung hindi si sir Philippe at ang nobya niya. Todo kapit ang babae sa braso ni Sir. Napaismid ako. Ang clingy niya akala mo iiwan.  Hindi ko na lang pinansin. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.  Baka mawalan pa ako ng gana kung tititigan ko sila habang naglalampungan.  Philippe's POV Kanina pa sila ikot ng ikot samall dahil may biniling damit ang nobya sa isang sikat na boutique. Hindi  niya hilig ang pumunta sa mall kundi dahil sa kanyang nobya. Pinagbigyan niya lang para hindi sila mag-away.   Sumagi sa isipan ko si Alessandra. Ano kayang nangyari sa checkup niya? Nalaman na kaya niya ang gender ng baby?  “Honey, I’m starving can we eat na?” Maarteng wika ng nobya. Napasandal siya sa dibdib ko.  “Okay, we need to find a place to eat.” Tipid na saad ko.  Naghanap kami ng makakainan. Napabuntong hininga ako. Habang patingin tingin sa paligid. Nahagip ng mga mata ko ang isang taong kanina pa sa isipan ko. Si Alessandra. "Mauna ka muna sa restaurant. I'm going to men's room." Wika ko. Kahit hindi naman doon ang punta ko. "Okay, bilisan mo lang, hon. I'll wait for you there," I just nodded.  Hinintay ko muna siyang makalayo bago ako pumasok sa fastfood chain kung saan naroon si Alessandra. **** Akmang kakagatin ni Alessandra ang burger nang mapansin niya akong nakatayo sa harapan niya. Muntikan na niyang mabitawan ang kinakain na burger dahil sa kabiglaanan.   "Sir Philippe, kayo po pala? Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa akin.  Pasimpleng napatingin si Alessandra sa likuran ko. Baka akala niya kasama ko ang girlfriend ko. Kunot na kunot ang noo ni Alessandra para bang hindi siya makapaniwala na narito ako at walang kasama.  "I just saw you nang napadaan kami dito. Why are you by yourself?" Hindi nakasagot si Alessandra sa tanong ko. Matagal bago nakasagot si Alessandra. Mukhang nabigla yata sa tanong ko.  "M-may work po kasi ang nobyo ko kaya hindi ko kasama. Sa susunod na checkup ko po kasama na siya.” Sinuri ko ang kanyang mukha. Hindi ko alam hindi ako convince sa paliwanag niya.  Magsasalita pa sana ako ng mag-ring ang phone ko. Sinagot ko 'yon habag nakatitig kay Alessandra. She is eating the burger while occasionally looking at me. I smiled. “Papunta na ako just wait me there,” sabi ko sa nobya. Napabuntong hininga ako. Gusto ko pa sanang magtagal dito pero mukhang naiinip na ang nobya.  Napatingin ako sa gilid ng labi ni Alessandra may sauce. Inalis ko 'yon gamit ang hintuturo. Napaatras siya sa ginawa ko.  "You eat like a child. I'll go ahead and go home after you finish eating." Maawtoridad na utos ko. Napaawang ang labi niya sa sinabi ko.(COPYRIGHT2020bycoalchamber13)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD