Episode 5

1081 Words
Alessandra's POV Hinimas ni Mina ang malaki kong tiyan.  "Ganito yata kapag lalaki matulis." may paghanga ang tingin ni Mina sa umbok ng tiyan ko. "Sabi nila kapag babae naman malapad ang tiyan. Nakakatuwa lang kambal ang anak mo," "Pinsan ko ganito rin daw katulis ang tiyan niya noong pinagbuntis ang panganay niyang lalaki."  Hindi ko maiwasang ma-excite sa paglabas ng twin ko.  "Buti nga maganda ka magbuntis karamihan nang nakikita ko ang pangit nila." Natawa ako. "Pinagpapasalamat ko nga 'yan." nakangiting saad ko. "Alessandra bakit hindi mo pa sabihin kay Sir Philippe na siya ang ama ng anak mo?" natigilan ako sa sinabi ni Mina. Paano niya nalaman?  "Kilala kita Alessandra naging magkaibigan na tayo. Alam kong wala kang nobyo. Tsaka 'yong kumalat na balita about sa nangyari sa inyo ni sir Philippe, nagduda na ako. "  "Ayokong makagulo sa relasyon nila ng nobya niya kaya mas mabuting manahimik na lamang ako. " "May karapatan din siyang malaman ang totoo," umiling ako. "Mananatiling lihim ito," hinawakan ko ang kamay n'ya. "Please Mina wala sanang makaalam nito. Ayokong isumbat sa akin ni Sir na ako ang may kasalanan kapag nasira sila ang relasyon nila. Ipangako mo." "Okay, pangako, maasahan mo ako pagdating sa lihiman. Hindi naman ako tsismosa, no?" sabi nito. "Alam ko naman kaya nga ikaw ang nakapalagayan ko ng loob dito, eh." "Ikaw naman binobola mo naman ako. Ikaw 'tong mabilog ang tiyan," nagkatawanan kaming dalawa. "Paano kung may manligaw sa 'yong iba? Alam mo bang maraming nagtatangkang manligaw sa 'yo dito sa office? Mailap ka raw kasi kaya hindi na nila tinutuloy," aniya. “Hindi ko priority ang maghanap ng magiging ama ng anak ko. Ako ang tatayong ama at ina para sa kanila. Kaya ko naman silang suportahan ang pangangailangan nila. Magsusumikap ako para sa kanila."  Hinaplos niya ang likod ko nang mapansin niya ang paglungkot ng mukha ko.  “Kunsabagay aanhin mo naman ang bagong fafa kung sakit naman ng ulo mo. It's better to be single nariyan naman ang kambal mo, sila na lang ang mamahalin mo." Napingiti ako sa magandang sinabi niya. Blessing para sa akin ito. My twin is my treasure. Sumubo ako ng fried chicken na in-order namin sa Jollibee. Napatawa ng mahina si Mina kaya napasulyap ako sa kanya habang ngumunguya. " Ganyan ba talaga kapag buntis malakas kumain? Grabe 'yang binili mo pangtatlong tao na. Pero infairness may shape ka pa rin."  Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ako tumataba kahit ang dami kong kinakain Baka naman napupunta lahat sa kambal ko.  "Siyempre tatlo kaming gutom kaya ganyan karami ang kinakain ko." Nakanguso kong saad sa kanya. “Kunsabagay puro pa lalaki 'yang mga anak mo natural na malakas kang kumain. Pero alam mo,“ Napahinto siya ng mapatingin si Mina sa may bandang likuran ko. May inginuso siya kaya napalingon ako. "Nakakapagtaka lang hindi naman kumakain sa pantry si Sir 'di ba?" Nangunot ang noo ko at nagtaka rin.  Maluwang itong pantry ng opisina. Walang masyadong tao dito dahil sa canteen kumakain ang mga ibang empleyado. Ang mga kumakain lang dito may dalang baon. Nasa kabilang lamesa si Sir. Mukhang nagpa-order ng pagkain. Bakit dito siya kumain? Kapag ganitong oras lumalabs siya dahil kasama niyang nagtatanghalian ang nobya.  Nagkibit balikat lang ako sa sinabi ni Mina. Pinagkaabalahan ko na lang lantakan ang pagkain ko. Philippe's POV Sa baba sana ako kakain nang mapadaan ako sa pantry. Nakita ko si Alessandra habang kumakain kasama ang isang empleyado. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya hindi nila ako napansin. Tinawagan ko ang restaurant na kainakainan ko para mag-order. Nagpasya ako dito na lang mananghalian. Wala naman ang girlfriend ko dahil may mahalaga itong lakad. Habang hinihintay ang in-order ko hindi ko maiwasan tingnan si Alessandra habang nakikipag-usap. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naroon ang eagerness kong malaman kung sino ba ang ama ng anak niya?  Kung susumain limang buwan ang nakalilipas magmula nang may nangyari sa amin.  Ayoko naman paaminin siya na para bang may obligasyon ako sa kanya. I’m not sure kung ako nga ang ama. Baka naman mapahiya pa ako. Hindi ako ang tipo ng lalaking ipipilit ang sarili ko sa isang babae. Hindi ako ganoon klase ng tao.   Baka may ibang nakabuntis sa kanya. Maybe nauna lang akong nakagalaw sa kanya at pagkatapos.. Argh! Bakit ko ba iniisip iyon? Kung ako ang ama ng anak niya bakit hindi niya sinabi sa akin? Kailangan ba na ako ang magtanong sa kanya?  Nag-lay low ako sa kasungitan kay Alessandra dahil  sa pagbubuntis niya. Ayoko naman may masamang mangyari sa bata nang dahil sa kasungitan ko. Pinapaalalahanan ko palagi ang sarili na maging mabuti pero minsan talaga lumalabas ang inis ko kay Alessandra. Naiinis ako sa mga lalaking lumalapit sa kanya. I know, wala akong karapatan na panghimasukan ang personal na buhay niya ngunit hindi ko maiwasan.  "Alessandra punta lang ako sa labas may bibilhin lang ako,"  narinig kong sabi ng kasama ni Alessandra.  Nagpasya akong tapusin ang kinakain ko. Nakita kong paalis na si Alessandra. Pinauna ko muna siya bago ako umalis. Nagkasabay pa kaming sumakay ni Alessandra sa elevator. Walang nagsalita sa amin habang nasa loob ng elevator. Gusto ko siyang kausapin ngunit naunahan ako ng hiya. Nauna akong lumabas kasunod ko si Alessandra.  Papasok na sana ako sa opisina ko nang lingunin ko siya. She's preparing the papers then suddenly she looked up. Nanigas ang katawan ko nang magtama ang aming mga mata. Napatitig ako sa magandang mukha ni Alessandra. I want to say something pero naumid ang dila ko.  "Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong niya sa akin. "N-nothing" I stammered.  Bigla akong pumasok  sa loob ng office ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Alessandra's POV Napakunot ang noo si Alessandra sa inasta ng boss.  Ano kayang problema niya? Bakit ganoon siya makatingin, may dumi ba ako sa mukha? Tumingin ako sa amliit kong salamin nakasandal sa lagayan ng ballpen. Wala naman akong nakitang kakaiba sa pagmumukha ko? Habang nagtratrabaho hindi maalis sa isipan ko kung paano ako tapunan ng tingin ni sir Philippe kanina. Parang may gusto siyang sabihin. Ayokong isipin na baka iniisip niyang siya ang ama ng pinagbubuntis ko.  Pagtiyagaan ko na lang ang kasungitan ng boss ko kahit minsan gusto ko nang sumuko sa pinapakita niyang masamang ugali sa akin. Tiis lang muna sa ngayon baka magkaroon ng himala at magbago rin ang pakikitungo niya sa akin. Alam kong suntok sa buwan ang sinabi ko. Baka naman may himala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD