Episode 3

1341 Words
Alessandra's POV Sobrang saya ko ng sabihin ng OB-Gyne na maayos ang lagay ng baby ko. Pero hindi lang iyon kaya masaya ako. My doctor said twin ang magiging anak ko. She gave me vitamins and milk that I should drink. The doctor also told me to eat fruits and vegetables.  Kailangan kong ingatan ang sarili ko dahil dalawa ang nasa sinapupunan ko.  “Maayos ang lagay ng twin. Basta don’t forget your vitamins and don’t skip meals. Huwag lang sosobra sa pagkain ng rice dapat moderate lang. Para hindi ka mahirapan sa pagdumi kumain ka ng gulay. 'Yan kasi ang kadalasang problema ng mga buntis. Constipation.” Nakangiting wika ng OB-GYNE ko. "Huwag po kayong mag-alala Dok, susundin ko po ang mga bilin niyo. Thank you, Doktora." Wika ko. “Basta kung may question ka about sa pagbubuntis mo tawagan mo lang ang numero na nakalagay sa business card ko." bilin niya sa akin. Napatango ako. Napakabait ng doktora kahit hindi man niya ako lubos na kilala concern siya sa akin.  Dumaan ako sa grocery para mamili ng pagkain na kailangan ko pati na ang gatas na iinumin ko. Puro mga gulay at prutas ang binili ko. May isda din akong binili. Nakauwi ako ng bahay bago makapananghali, kaya may oras pa akong ayusin ang maliit kong tahanan. Mag-isa na lamang ako dito sa bahay. Pagka minsan dumadalaw ang pinsan ko kapag hindi busy kaya masaya ang bahay ko kapag narito siya kasama ang anak. Nakakapanghinayang na namatay ang Tita ko ng hindi ko man lang naalagaan. Inilihim niya sa amin ang sakit niya kaya nagulat na lang kami ng isang araw bigla na lang siyang nanghina at iyon na pala ang huling araw na makakasama namin siya. Kaya blessing indisguise din na nabuntis ako dahil may makakasama na ako sa buhay, dalawa pa sila. Napangiti ako. Sobrang saya ko excited na akong makita ang mga anak ko.  Natulog ako pagkatapos kong kumain. Alas sais na ako nagising. Nagluto ako ng hapunan ko at baon ko para bukas. Iinit ko na lang. Nag-ring ang phone ko. Kinuha ko sa ibabaw ng lamesita. Sinilip ko kung sinong tumatawag. Napakunot ako ng noo ng makita ko ang pangalan ni Sir Philippe. Bakit kaya siya tumawag? May naiwan ba akong papeles na hindi ko napapirmahan sa kanya? Pagkakaalam ko kompleto na ang mga iyon. Sinagot ko na lang ang tawag para malaman kung ano ang pakay ng boss. "Hello po Sir. Bakit po kayo napatawag?" Tanong ko. Tumikhim ang nasa kabilang linya. "I just checking if you're okay. I just want to remind you na pumasok ka bukas." Kumunot ang noo ko.  Bakit kailangan niya pa akong sabihan na papasok bukas? Papasok naman talaga ako. Tsaka isang araw lang naman ang paalam ko hindi dalawang araw?  "Okay, naman po ako, Sir. Don’t worry po papasok ako bukas. Salamat po, Sir" Wika ko na lamang.  "Okay, that's all. Good night" Hindi na niya ako hinintay pang magsalita pinatay na niya ang tawag. Ano ba iyan nagmamadali lang?  Napangiti ako, namiss yata ako ng boss ko. Naku huwag assuming baka nag-aalala lang na hindi ka pumasok bukas iyon lang wala ng iba. Anang isip ko. Philippe's POV Hindi makapaniwala sa sarili si Philippe dahil tinawagan niya ang Seckretarya para lang ipaalam na pumasok siya bukas. Hindi ko maintindihan ang sarili dahil maghapong wala ako sa mood dahil hindi ko nakita si Alessandra. Gusto ko siyang tawagan kanina pero nagbago ang isip ko. Baka isipin niyang na-miss ko siya. Namiss ko nga ba?  Napasuklay ako sa buhok ko. What is happening to me? My god Philippe stop thinking about her. Dapat ang nobya mo ang iniisip mo Philippe. Kausap ko sa sarili ko. Kalimutan mo na siya.  “Nababaliw na yata ako. f**k! Damn!” Mura ko.  Suddenly lumitaw sa isipan ko ang magandang mukha ni Alessandra. Ang kanyang amoy na lagi kong naamoy tuwing pumapasok siya sa opisina ko. I love her scent hindi man mamahalin ang pabango niya pero nakakahalina ang amoy niya. Napatayo ako’t napahilamos sa mukha ko. Nakakaramdam ako ng pag-iinit kapag naiisip ko si Alessandra.  I want her. **** Pumasok sa opisina niya si Philippe ng walang maayos na tulog dahil sa kaiisip kay Alessandra. Mukha siyang tanga na yakap ang unan habang ini-imagine ang dalaga. She occupied my mind the whole night.  Damn!  "Good morning, Sir, and here is your coffee.Ito po pala ang schedule niyo for today." Para akong nataranta ng marinig ko ang malamyos na boses ni Alessandra. Inilapag niya ang kape pati na ang papel na naglalaman ng schedule  ko. Napatuwid ng upo si Philippe nang sulyapan siya ng Sekretarya.  "Ms. Tumibay come with me to a lunch meeting with Mr. Jimenez." I cleared my throat to relieve the tension. I've tried to unwind, but it's not working. I felt nervous whenever she was near me. This is the first time I've brought her out for a meeting since she was my Secretary. Alessandra's POV “All right, Sir.” I return to my table, puzzled as to why he'd come out for a meeting with me. That was the first occasion. I'd prepare myself. I combed and tied my hair.  Napaangat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng opisina ng boss kong masungit. Seryoso na naman ang mukha niya. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya.  Nasa likuran lang niya ako. Hindi ko maiwasang tingnan ang likod niya. Napakatangkad ni Sir bumagay sa maskulado niyang katawan. Likod pa lang ulam na paano kapag humarap na, eh, di mas ulalam. Biro ko sa sarili ko.  Sa restaurant ang meeting place ng kausap ni Sir Philippe. Halos lagpas na ng alas dose ng tanghali ng matapos ang pag-uusap nila ni Mr. Jimenez. Nagugutom na kami ng mga anak ko. Nag-aalala ako baka makasama sa kanila ang malipasan ng gutom. Tubig lang ang ininom ko.  Nagpaalam na si Mr. Jimenez sa amin may meeting pa daw siya. Napatingin ako sa in-order na pagkain ng boss. Naglaway ako sa gutom. "Ms. Tumibay puwede ka ng kumain. I know gutom na gutom ka na. Kanina ko pa naririnig ang tiyan mong tumutunog." Seryosong saad ni Sir sa akin.  Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Nakakahiya naman hindi ko na napansin tumutunog na pala ang tiyan ko. Napangiti ako ng alanganin dahil sa sinabi niya. Kung alam lang niya tatlo kaming gutom.   Sa sobrang gutom naparami ang kain ko. Tatlo ba naman kaming gutom. Sinong hindi napapadami ng kain? Hindi ko napansin na nakatingin pala sa akin si Sir habang kumakain. Mukha kayang patay gutom akong kumain? Pinunasan ko ang gilid ng labi ko at napayuko.  Nakakahiya. "Pagkakaalam ko hindi ka naman maganang kumain noon Ms. Tumibay?" Wika nito. Paano niya nalaman na hindi ako magana? Nakikita niya ba akong kumakain sa pantry? Pagkakaalam ko may sariling pantry si Sir o kaya naman sa labas siya kumakain kasama ng nobya. Hindi kaya stalker ko si Sir? Gusto kong matawa sa biro ko sa sarili. "Naku Sir matakaw po akong kumain. Tsaka nagugutom na po kasi ako, kaya napadami ang kain ko." Paliwanag ko. Sige deny pa more Alessandra tingnan natin kung maniniwala sa iyo 'yan? Tiningnan lang naman niya ako at tinuon ang atensyon sa kinakain niya. Buti na lang at naniwala siya. Naniwala ba?   Bumalik na kami kaagad sa opisina ng matapos mananghalian. Sa loob ng opisina ni Sir naabutan namin prenteng nakaupo sa swivel chair ni Sir Philippe ang nobya niya. Napatayo ito ng makita niya ang nobyo at yumakap. Napasulyap sa akin ang babae. Masamang tingin ang pinukol niya sa akin. Napayuko ako.  Wala naman ako karapatang magalit sa nobya  ng boss ko. Ano nga ba naman ako? Isang hamak na Secretary lamang.  Lumabas na ako ng opisina nito nang maglampungan na ang dalawa. Nakakahiya naman kung panonoorin ko pa sila doon? Ang awkward naman iyon? Napahawak ako sa tiyan ko.  Babies lumalandi ang Daddy niyo. Don't worry mga anak hindi ako lalandi sa iba. Kayo lang ang mahal ni Mama.(Copyright 2020 by coalchamber13) 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD