Episode 2

1131 Words
Alessandra's POV Wala akong mukhang maiharap sa opisina dahil sa kumalat na tsismis tungkol sa nangyari sa amin ni Sir Philippe. Kailangan ko ng katatagan para makaya ko silang harapin. Wala naman akong ginawang mali. Bakit ako magpapa apekto? Ang nangyari sa amin ni Sir Philippe ay isang pagkakamali. Walang may gusto niyon. Isang pagkakamali na pinagsisihan ko.   Sinubukan kong huwag na lamang pansinin ang mga taong mapanghusga. Bakit ko naman sila pagkakaabalahan isipin? Hindi nila ako pinalalamon para ipamukha sa akin ang nagawa kong mali. Kahit masakit sa part ko ang mga patudsada nila hindi ko na lang pinapansin. Hindi naman totoo na isa akong malandi at desperad na makuha ang loob ng boss ko. Alam ko naman na hindi magkakagusto si Sir Philippe sa isang katulad ko. Kahit na ba may nangyari sa amin hindi pa rin niya ako magugustuhan. Kailangan kong magpakatatag narito ako para magtrabaho hindi para magpa-apekto sa mga sinasabi nilang pawang walang katotohanan.  Nakakapanghina ng katawan na makarinig ng masasakit na salita galing sa ibang tao na hindi naman ako kilala ng lubos. Ipagdarasal ko na lamang ang mga taong iyon.  Umupo na ako para simulan ang trabaho ko. Ginawa ko na lang ang daily routine ko sa office ng boss ko kahit may galit sa akin iyon. Bakit magagalit siya dapat ako ang magalit dahil nawala na ang pinaka iingatan ko.  Hinanda ko na ang kape ni Sir Philippe. Ano mang oras darating na siya. Saktong paglabs ko siya namang dating ng boss ko. As usual napaka seryoso na naman ang mukha niya.  "Good morning Sir" Bati ko sa kanya. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nilagpasan lamang niya ako. Napabuntong hininga ako. Ano ba kasi aasahan mo Alessandra iwe-welcome ka niya kagaya ng pag-welcome mo sa kanya? Buyo ng isip.  Pinagtuunan ko na lamang ang trabaho ko. Maraming dapat gawin kaysa isipin ang ugali ng boss ko. Palagi naman ganoon ang pakikitungo sa akin. Masungit. Dumating ang nobya ni Sir Philippe. Dinaanan niya ako pero bago niya ako lagpasan tinaasan niya ako ng kilay at isang irap ang ginawad niya sa akin. Napailing ako.  Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung anong nagustuhan ng boss niya sa babae? Bukod sa hindi naman kagandahan ang sama pa ng ugali. Well, may magandang katawan naman siya,  baka iyon ang nagustuhan niya. Hay, naku Alessandra bakit ba iniisip mo pa iyon? Natapos ang trabaho ko sa maghapon. Pagpatak palang ng 5:00 PM tumayo na ako para umuwi. Sinukbit ko ang bag ko. Hindi na ako nag-abalang magsuklay o mag-retouch. Para ano pa uuwi naman na ako? Mauusukan rin lang naman ako sa jeep.  "'Di ba hon iyon ang babaeng nagkakalat na may nangyari daw sa inyo? Ayoko lang makapanakit kanina ko pa sana 'yan sinaktan." narinig kong sabi ng nobya ng boss. Nasa kabilang side sila naghihintay ng elevator pababa ng building.  "Don't mind her. She's nothing compared to you, hon" Parang gusto kong mahiya sa sarili ko. Ganoon na ba ako kasama at ganoon na lamang kababa ang tingin niya sa akin? Ako ang na-agrabyado sa aming dalawa ngunit parang ako ang masama sa paningin niya. Hindi ko ginusto ang nangyari sa amin at mas lalong hindi ko hinangad na malaman ng tao. (2 months later)  Dalawang buwan ang lumipas at humupa na rin ang mga tsismis sa akin at sa boss ko. Kaya natahimik ang buhay ko. Ganoon naman parang sa showbiz lang. Ang tsismis parang baha na nawawala na lang kapag humupa na.  Pero isang balita ang nalaman ko. Nagpunta ako sa doktor para magpatingin dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Madalas akong mahilo at nagsusuka na wala naman maisuka. Tsaka mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko akalaing isang balita ang magpapagimbal sa akin. Hindi ko napaghandaan ito. Wala naman akong alam sa mga sintomas sa pagbubuntis. Akala ko nga may malalang sakit na ako. Kagaya sa Tita kong namatay sa Cancer. Kaya hindi ako nagdalawang isip na magpatingin. Buntis naman pala ako.  Halo-halo ang emosyon ang nararamdaman ko. Masaya at may kaunting takot. Takot na baka malaman ni Sir Philippe ang kalagayan ko. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko kung makita niyang malaki ang tiyan ko. Mas gumulo ang isipan ko.  Paano ko bubuhayin ang anak ko ng walang ama? Wala akong balak sabihin sa boss ko siya ang ama. Bahala na kung ano ang sasabihin kong kasinungalingan. Ayoko rin naman panagutan niya ako para sa anak namin. Ayoko rin makasira ng isang relasyon. Kahit naman inis ako sa nobya ni Sir, babae ako kaya alam ko kung gaano kasakit ang iwan para lang sa ibang babae. Ayokong mangyari iyon sa kanila. Kailangan kong ilihim ito. Hindi nila puwedeng malaman kung sino ang ama. Napahimas ako sa impis kong tiyan.  "Sorry anak kung magsisinungaling si Mama sa iyo. Para naman sa ikabubuti ng lahat ang gagawin ko. Ayokong masaktan ka sa mangyayari." kausap ko sa anak ko. Ang tanging magagawa ko lang ay mahalin at alagaan ang anak ko. Doon ako babawi sa kanya. I will be the mother and father. Nagpasya akong magpaalam para lumiban ng kalahating araw bukas. Ngayong buwan naka-schedule ang checkup ko. Kailangan ko talagang pumunta. Kailangan kompleto ang prenatal ko. Kabado ako dahil first time kong magpaalam sa boss ko na mag-under time. Kinatok ko ang pinto habang ang kamay ko ay nanginginig. “Come in.” Narinig kong wika niya kaya pumasok na ako. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa table niya. Abala siya sa pagtipa habang seryosong nakatingin sa laptop. Tumikhim muna ako bago nagsalita. " Sir, magpapaalam po sana ako bukas." Nagtaas ito ng tingin. Napakunot ang noo niya. Alam kong nagtataka siya na nagpapaalam ako. Hindi ko kasi gawain ang lumiban kahit kalahating araw magmula noong magsimula akong magtrabaho sa kanya. Kaya bago sa kanya ang pagpapaalam ko ngayon. Kahit may lagnat ako hindi ako lumiliban sa trabaho. "Why bigla na lang? As far as I know you never leave at work even you are not feeling well?" sabi nito nang may halong pagtataka. Hindi ako nakakibo, nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi na niya dapat malaman ang dahilan ko kung bakit ako liliban sa trabaho bukas. "Okay, isang araw. I need you here dahil madami pa tayong trabaho na gagawin." Wika nito. "Thank you, Sir" Pasasalamat ko at lumabas na ng opisina niya. Aba isang araw ang binigay niya sa akin. Dapat kalahating araw lang ang paalam ko.  Philippe's POV Napasunod ng tingin si Philippe sa Secretary niyang si Alessandra. Nakakapagtakang nagpaalam itong liliban sa trabaho na ngayon lamang niya ginawa. Pinilig ni Philippe ang kanyang ulo. Bakit ano naman pakialam ko kung absent siya ng isang araw? Bakit kailangan ko pang malaman kung saan siya pupunta? Pinagpatuloy na lamang ni Philippe ang kanyang ginagawa.(Copyright 2020 by coalchamber13)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD