SKY’S POV
Isang linggo na ang nakakaraan ‘nong may serenade presentation na naganap sa kapitbahay namin. These past few days, I’m busy breaking the wall between Kuya Tyler and with my parents. Mom and I actually talked last night, she really regretted a lot of things. And I was getting touched by their efforts of asking me for accepting their apology.
It was already Sunday and we’re having our breakfast. Noong mga panahong okay pa ang lahat, we actually go for outing every Sunday. Not until Ate Annie throw a fit na nakaka-pagod na raw ang every Sunday outing naming and she needs to rest. Of course, I told Mom and Dad na arte lang ‘yong ni Ate Annie because she actually just wanted to spend some time with her boyfriend that time.
Pero hindi naniwala sa akin sina Mom ‘non. Mas napagalitan pa ako ‘non dahil sa nagsisinungaling raw ako. They actually thought that Ate Annie is having a group study with her friends.
Lies.
“It is such a good weather today,” Kuya Tyler cut some pork cutlet for me. I mouthed thank you and he smiled.
“I agree. I think we should go for an outing today, right Dad?” Mom suddenly suggested.
“I think that’s a great idea, Sweetie,” Dad agreed.
“Outing? Mom, we’re not young anymore to go for an outing, duh!” napa-hawak ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko.
“Annie, wala pa namang klase kaya mas kailangan nating sulitin ang bakasyon,” Kuya didn’t even glance at her.
“But Kuya—“
“We’re going, Annie.” Mom held her hand but Annie just shrugged it off and even whine.
I just continued eating at hindi na nagsalita dahil alam kong oras na ibuka ko ang bibig ko ay mag-aaway lang kami ni Ate Annie.
Pagkatapos naming magbreakfast inayos ko na yung mga gamit ko. I was getting my things ready nang may kumatok sa kwarto ko at may sumilip na white rose flower. Then, Kuya Tyler went inside, natawa pa ako dahil muntik pa siyang madapa dahil nabangga ang ulo niya sa pinto ng kwarto ko.
"Kuya, careful." sabi ko sa kanya then nilapitan ko siya para makita kung nagkabukol ba siya. Kumuha ako ng cold compress para ilagay 'yon sa noo niyang pulang-pula sa pagkakabangga.
"For you," he smiled cutely at iniabot sa akin ang white rose na kanina niya pa hawak-hawak. Tinanggap ko naman 'to at nagpasalamat sa kanya.
"Sky, we need to talk," I sighed and looked at him with a tired expression.
"Kuya, wala ng dapat pang pag-usapan, what's done is done,"
"No, I'm still not getting it kung paanong wala kang nare-receive na emails and messages from us. After a month of losing contact from you, we were told by Annie that you cut us off already. Na hindi mo na kami kakausapin, despite of that, we tried reaching you out. So, does it mean that you block us?"
"What? No! That's not true, I've been giving you emails since I got there and I never failed a day sending you messages because it's hard being alone," I wiped my tears at napa-upo nalang sa kama.
"I understand, Sky. I'm sorry if we let this happen to you, it's our fault," Kuya gave me a hug and pat my back.
"I want you to understand Annie, Sky. We are her only family," napapikit ako ng madiin sa sinabi ni Kuya. Si Annie na naman.
Now, I'm very sure that she changed my phone's card bago ako umalis ng Pilipinas and she's the one who blocked my messages. Kalma, Self, everything takes time. I'm going to take it slowly, dadahan-dahanin kong babawiin ang lahat na dapat ay sa akin.
"Forgive Dad and Mom, Sky. They regretted everything, they both cry every night 'nong mga panahong akala nila ay wala ka ng pakialam sa kanila," Kuya held my hand and caressed it.
"I know you're still the little princess I have,"
Nag-usapa pa kami ni Kuya ng ilang minuto saka kami bumaba na to get our things sa sasakyan. He helped me with my things at sumakay na rin kami. Nasa gitna namin ni Annie si Kuya Tyler habang si Dad ang nagmamaneho at katabi niya si Mom.
.
.
.
Nakarating na kami sa Private Island daw na binili nina Dad last year. Maganda naman. Tapos white sand pa. Ang ganda talaga.
Pumunta na kami sa Main House na pagtutulugan namin. Malaki yung main house kesa dun sa mga guesthouse. Yes, hiwalay ang main house sa guest house. Ang ganda nga eh!
Hinatid na ako ni mom sa sarili kong kwarto. Magpahinga daw muna ako dahil pupunta din daw mamaya dito ang boyfriend ni Annie. Kung akala niyo pati boyfriend niya eh aagawin ko. Nako! Wala yan sa vocabulary ko.
Gaya ng sabi ni mom nagpahinga na ako. Pero hindi ako natulog. Maya-maya pa ay pumasok sina mom and dad sa kwarto ko. Ngumiti lang ako sa kanila. Tapos umupo sila sa magkabilang part ng kama ko.
“Sky, gusto naming mag-sorry ng mom mo sayo. Pasensya ka na kung hindi ka namin napapansin noon. Masyado lang kaming busy sa trabaho at alam mo na. At isa pa, hindi mo naman kami masisisi kung mabigyan naming ng atensyon si Annie. Syempre ulila siya.” Mom
“Wag na po nating alalahanin yun. tapos na rin naman eh” sagot ko lang.
“Kung bibigyan mo kami ng pagkakataon anak. Babawi kami sayo ng mommy mo” dad.
“O sige po. Wala namang problema eh” tapos naluha si mom at niyakap nila akong dalawa ni dad. Umpisa na ‘to Annie. Talagang humanda ka saking babae ka!
Pagkatapos naming mag-usap nina mom. Nagkwentuhan pa kami doon. Sobrang namiss ko talaga sila. Sa 4 years ba naman. Nangako rin sila saking bibigyan na nila ako ng attention.
Pagkatapos nun lumabas na rin sila para magpre-pare ng lunch naming dahil padating na raw yung boyfriend ni Annie.
Nag-ayos na ako bago lumabas. Nagsuot lang ako ng short na hindi naman kaiklian at t-shirt na medyo malaki sakin. Para komportable ako.
Nilugay ko lang rin yung buhok ko. Tapos ay lumabas na ako. Tamang-tama naman at dumaan si Annie. Ayoko nang umate sa kanya. Hindi naman siya dapat respetuhin eh.
“Sisiguraduhin kong maluluwa yang mga mata mo sa sobrang gwapo ng boyfriend ko” sabi niya sakin tapos naglakad na. Nagmake-face lang ako sa kanya tapos ay bumaba na rin.
Umupo lang ako sa tabi ni Kuya Tyler na naka-upo sa sofa at nanonood ng TV.
“Ayos na raw kayo ni mom? Mangiyak-ngiyak siyang pumunta sa kwarto ko kanina. Haha!”sabi ni Kuya Tyler.
“Opo. Hindi ko naman sila matitiis eh. Kahit papaano magulang pa rin naman po natin sila.” Sagot ko tapos ginulo lang ni kuya yung buhok ko. Ginawa pa akong aso.
Maya-maya pa tinawag na kami nina mom. Si Annie naman may kinakausap pa sa phone. Tapos bumalik siyang malungkot. Sus,plastic talaga!
“Ohh Annie nasan na ang boyfriend mo?” mom
“Hindi raw po makakapunta eh. May biglaang emergency sa bahay nila” Annie
“Ahh ganoon ba? O sige kumain na tayo. Sky niluto ko yung paborito mong adobo” mom
“Talaga po?”tanong ko tapos tumango si mom. Si Kuya Tyler na ang naglagay ng ulam na adobo sa plato ko.
“Thanks Kuya” sabi ko tapos ngumiti lang siya. At kumain na kami.
Kakarating lang namin sa bahay. Umuwi kasi kami agad eh. Nagkaroon kasi ng emergency sa kompanya kaya naman napilitan kaming umuwi. Kung ano ang mga nangyare sa island kanina. Well, okay lang naman. Pero syempre nagpapatayan pa rin kami sa tingin ni Annie.
Gabi na rin kaya nagpalit na ako ng damit pantulog. Hihiga na sana ako ng may marinig na naman akong pamilyar na boses na kumakanta.
Tumingin ako sa bintana ko. Kumunot yung noo ko ng makita ko yung apat na lalaki na nangharana nung isang araw sa tapat nitong bahay. Pero ngayon? Sa mismong bahay na namin sila. Tumingin ako sa katabi ng bintana ko. At nakita ko si Annie doon. Feel na feel niya pa ha! Pumunta ako sa veranda nitong kwarto ko. Malapad kasi ito eh.
Binuksan ko yung sliding door. Para makalabas ako ng veranda. Tapos kitang-kita ko na si Annie. Aba’t ang landi din ng babaeng ‘to.
Tumingin ulit ako dun sa apat na nanghaharana. Nakakatawa yung isang lalaki kasi halatang napipilitan. Habang yung isa naman yung tinapunan ko ng balde. Siya yung kumakanta. Nakatingin siya kay Annie. Teka? Wag mo sabihing dala-dalawa tong hinaharana ng lalaking ‘to? Si Annie at kapitbahay namin? Wow ha!
“Hoy Annie! Pwede mo bang patahimikin yan?! Alam mo bang nakakabulabog!” sigaw ko kay Annie. Napatingin naman siya sakin. Kanina ngiting-ngiti siya nung pagharap niya sakin, nag-ala maldita na naman ang gaga.
“Sabihin mo nalang na naiingit ka! Kita mo yang lalaking kumakanta? He’s my boyfriend! O diba? Ang gwapo!” pagyayabang niya pa.
“Ayan?! Gwapo?! Talagang wala ka talagang taste. Nakakasayang ka ng oras” sabi ko sa kanya. Napatingin naman sakin yung apat na lalaki.
“HOY MISS! NARINIG KO YUNG SINABI MO!” sigaw nung lalaking boyfriend daw ni Annie. Tss!
“BLAKE DON’T MIND HER! KATULONG LANG NAMIN YAN” sigaw ni Annie dun sa boyfriend niya. Wow ha? Ako pa ang naging katulong? Grabe siya! Grabe.
“Hoy Annie! Hiyang-hiya naman ako sayo. Bruhita ka talaga! Talagang humanda ka sakin” sigaw ko kay Annie.
“Whatever” sabi niya lang sakin.
“HOY MISS! AKALA KO KUNG ANO KA NA NILA ANNIE. KUNG MAKAPAGSALITA KA NAMAN” sigaw nung boyfriend niya sakin.
Ahh ganoon ah! Pumasok ulit ako sa kwarto at nagtungo sa banyo ko atsaka kumuha ng balde. Kakabili lang daw nito kanina eh. Yaan na!
Dali-dali akong bumalik saka tinapon yun sa boyfriend niya. Again, shoot sa ulo niya.
“Ohh! Mabuti lang yan sayo! Pasalamat ka nalang at hindi arinola ang tinapon ko sayo” sigaw ko dun sa boyfriend ni Annie.
“Huy Sky. Wala ka talagang respeto!” sigaw ni Annie
“Bakit sino ka ba para respetuhin ko?! Ha?! Makatulog na nga.. At pagsabihan mo yang mga nanghaharana sayong wag ng babalik ha!? Dahil baka hindi lang balde ang itapon ko.. Balde na may lamang tubig na” tapos pumasok na ako. Narinig ko pang sumigaw si Annie ng…
“WALANGYA KA TALAGA SKY!!!” ganoon. Sus! Kasalanan niya at mali ang kinalaban niya.
OMO! First Day nga pala bukas. Mabuti nalang at ready sina mom. Binilhan na ako ng mga gamit at naka-enroll na rin ako.
Magkasama pa kami ni Annie sa school. Malaking gulo na naman ‘to malamang.