Chapter 3

1441 Words
SKY’S POV 5 am palang gising na ako. Excited ako sa first day of school ko eh. Ginawa ko na ang mga morning rituals ko. Bumaba na ako. Naabutan kong nagpe-prepare si mom ng breakfast. Wala pa rin si Annie at Kuya Tyler. Si dad naman nasa sala at nagbabasa ng newspaper. Binati ko lang si dad tapos pumunta na ako sa dining kung nasan si mom. “Goodmorning mom” bati ko. Tumingin naman siya sakin at ngumiti. “Goodmorning din baby.” tapos lumapit siya at hinalikan ako sa pisnge. “Excited na excited ka  sa  first day mo ah!” mom “Opo  Hehe.” “O sige maupo ka na muna. Dahil matatapos na rin tong niluluto ko.” “Bakit po kayo ang nagluluto? Asan ho ba ang mga katulong?” “Nako! Tulog pa sila anak. Kaya ako nalang muna. ” “Ahh. Tulungan na po kitang mag prepare mom” Tapos maya-maya pa ay dumating na si Annie at Kuya. Tapos na rin kami ni mom kaya tinawag na naming si dad para sabay-sabay na kaming magbreakfast. Pagkatapos kumain ni Kuya ay nauna na siya samin dahil isa raw siyang student council sa school kaya naman kelangan niyang maaga pang pumunta doon dahil may mga aasikasuhin pa daw sa school. Kaya naman kami ni Annie kay dad sasabay pagpunta ng school. Nagpaalam na kami kay mom tapos pumunta na kami sa kotse ni dad saka sumakay. . . . Nakarating na kami ng school. Nagpaalam lang si Annie saka nagmadaling bumaba at umalis. Ako naman kinausap pa ako ni dad. “Sky,hindi mo ba talaga gustong maging gangster? Anak,aanhin mo din naman yung galing mo kung hindi ka sasali eh..” hay! Eto na naman daw kami sa gangster-gangster. “Dad, ayoko po. Hindi pa ako handa sa mga ganyan. Pero hayaan niyo po. Pag-iisipan kong mabuti. Sige bye dad!” tapos ay lumabas na rin ako ng kotse. Nang nasa harap na ako ng gate. Wow! Ang laki ng school na papasukan ko. Naglakad na ako papasok sa school. Grabe! All eyes on me. First time nakakita ng bagong student? Hahanapin ko na ang classroom ko. . . . Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Annie tapos may dalawang babae siyang kasama. Nang mapadaan ako sa kanila eto ang narinig ko. “New student ba siya?” “Oo” “Psh! That girl is our maid” Annie “What? So yuck! Hindi siya bagay dito” “Yah right!” Tapos hindi ko na sila pinakinggan. Nakakainis eh. Nang nasa bulletin board na ako hinanap ko na yung name ko. At sa wakas nakita ko na rin. Teka,kelangan ko pa palang pumunta ng principal’s office to get my locker key. Kaya naman hinanap ko na naman ang principal’s office. Nang Makita ko na yun syempre kinuha ko na yung locker key ko at tumungo na sa classroom ko. Pagkapasok ko tamang-tama at papasok rin ata yung sir. Ang gwapo at ang bata pa. “Miss,dito ka ba sa section na toh?” “Ah.. yes sir. Kayo po ba yung prof.?” “Oo,halika na..” tapos sumunod na ako sa kanya. “Miss, mind if you introduce yourself?” sabi nung Prof. sakin. Ngumiti ako at tumango. “Goodmorning to all of you.. I’m Skyler Melei.. But you can call me Sky” sabi ko lang tapos pinaupo na rin ako nung Prof. Nagsimula ng magklase si Sir. Nang may apat na gwapo este unggoy na pumasok. Teka lang, sila yung nangharana dun kay Annie kagabi ah?! Pati ba naman dito? Waaaah! Kakainis “Late na naman kayong apat.  Last year ganyan din kayo.  Sige na umupo na kayo sa mga seats ninyo” ,sabi ni Prof. Tapos umupo na sila sa mga upuan nila. Habang papunta sila sa upuan nila nakita ako nung isa sa mga kasamahan nila kaya naman tiningnan din ako nung tatlo. Umiwas tingin nalang ako at hindi sila pinansin. . . . *KRINGGGGGGGGGGGG   Hay salamat tapos na rin ang klase.  Inaayos ko pa rin ang mga gamit ko ng may bruhitang pumasok sa classroom, si Annie. Anong ginagawa niya dito? Nakalimutan kong nandito nga pala yung unggoy niyang boyfriend. Lumapit siya dun sa apat na unggoy tapos ayun nakipaglandian na sa apat na unggoy kasama yung dalawa niyang alipores. Mukhang magkakaroon na naman kami ng world war ni Annie. “ohh! Andito pala ang aming muchacha. I didn’t know that you belong to this class” si Annie yan habang papalapit siya sakin. Humarap ako sa kanya. Inayos ko muna yung bag ko. “Wag kang engot Annie. Talaga hindi mo malalaman na nandito ako sa  klaseng  toh kasi nasa ibang year ka naman. Isip-isip din pag may time, okay?  Gamitin mo din yang utak mo. Hindi yung makikipaglandian ka nalang lagi..!” sabi ko tapos ngumiti ako ng matamis sa kanya at tumalikod na. Naiinis si Annie whenever I smiled on her sweetly. Nakaka-asar daw kasi yun para sa kanya. “Hey you! Wag kang bastos. Ako yung amo mo kaya magkaroon ka naman ng respeto. Baka gusto mong ipasisante kita!” sigaw niya sakin. Halatang nainis siya sa ginawa ko. Humarap ulit ako sa kanya.. “Irespeto? Hindi ka naman karespeto-respeto eh, kaya hindi ka kelangan respetuhin. At sesesantihin mo ako? Really? Well, just be careful to your words Annie Chase Wu. Tapos lumapit ako sa kanya at bumulong.. “Wag kang kampante Annie. Kung ayaw mong sabihin ko sa kanila kung ano ka ba talaga sa pamilya Wu. Hindi nila alam na sampid ka lang diba? Kaya mag-iingat ka” binulong ko yan tapos tumalikod na at naglakad. Pero huminto ulit ako at humarap sa kanya. “Ohh,ba’t namumutla ka Annie? Gaya ng sabi ko.  Just be careful to your words” sabi ko then I smiled devilish on her atsaka ako lumabas ng room. Rinig na rinig ko pa yung pagtapon niya ng mga gamit ata dun sa classroom. Mabuti nga sa kanya. Haha! Eto pa ang mga naririnig ko habang papunta akong Cafeteria.   ‘Uy rinig niyo yung napag-usapan nung transferry at ni Annie kanina?’ ‘Oo,mukhang nakahanap na ata ng katapat si Annie’ ‘Nako,mabuti naman noh..’   Mga ganyan.. Sige lang! Umpisa palang yan Annie. I will break your image here Annie. Kaya talagang humanda ka talaga. Pumunta na akong cafeteria tapos bumili lang ako ng sandwich at zest-o. Busog pa naman ako eh. Bumalik rin ako sa classroom pagkatapos kong bumili. Pagkarating ko dun napailing nalang ako dahil gulong-gulo ang classroom. Inayos ko lang yung upuan ko tapos kinain ko na yung sandwich at zest-o ko. Maya-maya pa lumapit sakin yung apat na unggoy. “Miss ,why did you talked like that to my girlfriend?  Alam mo bang hindi ko hinahayaang ginaganun ang babes ko” yung pangit na boyfriend ni Annie. “Bakit ko siya kinausap ng ganun? Simple lang, para matuto siya. Bakit may problema ka ba? Your just her boyfriend at labas ka na sa kung ano man ang ugnayan naming dalawa.  At kung may gagawin ka man sakin kung ano, wala ako paki” sagot ko lang. “Kaya kitang ipaexpelled dito miss. Kilala mo toh?” sabay turo niya sa lalaking napipilitan lang dun sa panghaharana nila kay Annie. “Hindi ko siya kilala” sagot ko. “WHAT?!” sabay-sabay nilang sabi. “Anong what?  Eh kahit naman ikaw na boyfriend ni Annie eh” “Teka lang. Ang lakas ng loob mong tapunan ako ng balde. Hindi lang isang beses kundi dalawa! Tapos hindi mo pala ako kilala?!” yung panget na boyfriend ni Annie. “Opo” sagot ko “Alam mo bang etong lalaking toh ay anak ng may-ari nitong paaralan. Ako si Blake Nico Yu, eto naman sina Drake Marson Lee, Cyrus Damian Go, at si Ace Levi Byeon” “Tinanong ko ba? At bakit niyo ba ako kinakausap ha?” “Kasi madami kang atraso samin” sagot nung Cyrus “ATRASO?! Talaga!? Huy excuse me lang ha! Wala akong atraso sa inyo. Kaya kung pwede lang tigilan niyo ako” Sasabat pa sana yung Drake ng dumating yung Prof. naming kaya naman nag glare nalang silang tatlo sakin. Hindi kasali yung Ace. . . . Nagkaklase na kami ng biglang sumakit yung ulo ko. “A-Araay!” daing ko. Kaya naman napatingin sila sakin. Damn! Ano tong nakikita ko sa isip ko? Apat na bata na naglalaro tapos. s**t ang sakit talaga.  At dumilim na ang paningin ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD